You are on page 1of 25

MASINING NA

PAGPAPAHAYAG/RE
TORIKA
Kailangang taglayin ng mga pahayag ang
kawastuhang panggramatika. May mga salita kasi
tayong ginagamit na ang akala natin ay maaaring
malayang nagkakapalitan, ngunit hindi naman kung
ibabatay natin sa istriktong tuntuning panggramatika.
Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
1. NANG at NG 11. IWAN at IWANAN
2. KUNG at KONG 12. KIBO at IMIK
3. MAY at MAYROON 13. IKOT at IKIT
4. SUBUKIN at SUBUKAN 14. HABANG at SAMANTALA
5. PAHIRIN at PAHIRAN15. TAGA at TIGA
6. OPERAHIN at OPERAHAN
7. DIN, RIN at DAW RAW 16. ABUTIN at ABUTAN
8. SIYA at SINA, KINA at KILA
9. PINTO at PINTUAN 17. WALISIN at WALISAN
10.HAGDAN at HAGDANAN 18. TAWAGIN at TAWAGAN
19. KATA at KITA 20. KUNG DI at KUNDI
21. PUTULIN at PUTULAN
a. Ang NANG ay karaniwang ginagamit na pangatnig sa mga hugnayang pangungusap at
ito ang panimula ng katulong na sugnay.
Halimbawa:
Mag-aral kang mabuti nang ikaw ay makapasa sa eksam.
b. Ang NANG ay nagmula sa na at inaangkupan ng ng at inilalagay sa pagitan ng
pandiwa at ng panuring nito.
Halimbawa:
Nagpasa si Marvin ng proyekto nang umaga.
c. Ginagamit ang NANG sa gitna ng dalawang salitang-ugat na inuulit, dalawang pawatas
o nuetral na inuulit at dalawang pandiwang inuulit.
Halimbawa:
suklay nang suklay
a. Ang NG ay ginagamit na pananda sa tuwirang layon ng pandiwang palipat.
Halimbawa:
Nag-aaral siya ng leksyon.

b. Ang NG ay ginagamit na pananda ng aktor o tagaganap ng pandiwa sa tinig balintiyak.


Halimbawa:
Pinangaralan ng guro ang mga nahuling mag-aaral.

c. Ang panandang NG ay ginagamit kapag nagsasaad ng pagmamay-ari ng isang bagay o


katangian.
Halimbawa:
Ang pera ng bayan ay kinurakot ng ilang buwayang politiko.
a. Ang KUNG ay pangatnig na panubali at ito'y ginagamit sa hugnayang pangungusap.
Halimbawa:
Malulutas ang mga problema ng bayan natin kung isasantabi ng mga politiko ang
kanilang pamumulitika.

b. Ang KONG ay nanggaling sa panghalip na panaaong ko at inaangkupan lamang ng ng.


Halimbawa:
Maaasahan sa mga gawain ang mga matalik kong kaibigan.
a. Ginagamit ang MAY kapag sinusundan ng pangngalan.
Halimbawa:
Habang may buhay ay may pag-asa.
b. Ginagamit ang MAY kapag sinusundan ng pandiwa.
Halimbawa :
May nakita siyang nakapanghihilakbot na pangitain kagabi.
c. Ginagamit ang MAY kapag sinusundan ng pang-uri?
Halimbawa:
May mahabang buhok si Olga.
d. Ang MAY ay ginagamit kapag sinusundan ng panghalip na panao sa kaukulang paari.
Halimbawa:
Bawat tao ay may kanya-kanyang problema sa buhay.
a. Ang MAYROON ay ginagamit kapag may napapasingit na
kataga sa salitang sinusundan nito.
Halimbawa:
Mayroon pa bang natirang ulam?
b. Ang MAYROON ay ginagamit na panagot sa tanong.
Halimbawa:
May pasok ba tayo?Mayroon.
c. Ang MAYROON ay ginagamit kung nangangahulugan ng
pagka-maykaya sa buhay.
Halimbawa:
Ang mga Morales ay mayroon sa bayan ng Dolores.
a. Ang SUBUKIN ay nangangahulugan ng pagsusuri o pagsisiyasat sa
uri, lakas, o kakayahan ng isang tao o bagay.
Halimbawa:
Subukin mong kumain ng gulay at prutas upang sumigla ka.

b. Ang SUBUKAN naman ay nangangahulugan ng pagtingin upang


malaman ang ginawa ng isang tao o mga tao.
Halimbawa:
Subukan mo siya upang malaman mo ang kanyang sekreto.
a. Ang PAHIRIN ay nangangahulugan ng pag-alis o pagpawi ng isang
bagay.
Halimbawa: 1. Pahirin mo ang iyong pawis sa noo.
2. Pinahid ni Ace ang dugong umagos mula sa kanyang labi.

b. Ang PAHIRAN ay nangangahulugan ng paglalagay ng isang bagay.


Halimbawa: 1. Masarap na almusal ng pandesal na pinahiran ng
mantekilya.
2. Pahiran mo ng biton ang sapatos mo upang magmukha iyong
bago.
a. Tinutukoy ng OPERAHIN ang tiyak na bahaging tinitistis.
Halimbawa: 1. Ooperahin bukas ang mga mata ni Angelica.
2. Dok, operahin na po ninyo ang kumikirot kong tiyan.

b. Tinutukoy ng OPERAHAN ang tao at hindi ang bahagi ng kanyang


katawan.
Halimbawa: 1. Ooperahan na ng doktor ang naghihirap na bulag.
2. Inoperahan na si Olive kahapon.
a. Ang mga katagang RIN at RAW ay ginagamit kung ang sinusundang
salita ay nagtatapos sa patinig at sa malapatinig na W at Y.
Halimbawa:
1. Si Stanley ay katulad mo ring masipag mag-aral.
2. May bahay rin sa Antipolo sina Mr. Acopra.

b. Ang DIN at DAW ay ginagamit kung salitang sinusundan ay


nagtatapos sa katinig maliban sa W at Y.
Halimbawa:
1. Masakit daw ang ulo ni Tess kaya hindi siya nakapasok sa klase.
2. Nakapagsulat din ng aklat si Judith.
a. Ang mga katagang RIN at RAW ay ginagamit kung ang sinusundang
salita ay nagtatapos sa patinig at sa malapatinig na W at Y.
Halimbawa:
1. Si Stanley ay katulad mo ring masipag mag-aral.
2. May bahay rin sa Antipolo sina Mr. Acopra.

b. Ang DIN at DAW ay ginagamit kung salitang sinusundan ay


nagtatapos sa katinig maliban sa W at Y.
Halimbawa:
1. Masakit daw ang ulo ni Tess kaya hindi siya nakapasok sa klase.
2. Nakapagsulat din ng aklat si Judith.
a. Ang PINTO(DOOR) ay bahagi ng daanan na isinasara at ibinubukas.
Ginagawa ito upang ilagay sa pintuan.
Halimbawa:
1. Isinara niya ang pinto upang hindi makapasok ang lamok.

b. Ang PINTUAN(DOORWAY) ay ang kinalalagyan ng pinto. Ito rin


ang bahaging daraanan kapag bumukas na ang pinto.
Halimbawa:
1. Nakaharang sa pintuan ang paso ng halaman kung kaya't
hindi niya maisara ang pinto.
a. Gamitin ang salitang WALISIN kung ang ibig tukuyin ay ang pag-
aalis ng particular na dumi o kalat.
Halimbawa:
Walisin mo ang mga tuyong dahoon sa bakuran.

b. Gamitin ang salitang WALISAN kung ang tinutukoy ay isang


partikular na lugar na marumi.
Halimbawa:
Walisan mo ang ating bakuran. Tambak ito ng mga tuyong
dahoon.
a. Ang HAGDAN(STAIRS) ay mga baytang at inaakyatan at
binababaan sa bahay o gusali.
Halimbawa:
1. Mabilis niyang inakyat ang hagdan upang marating ang klinika.

b. Ang HAGDANAN(STAIRWAY) ay bahagi ng bahay na kinalalagyan


ng hagdan.
Halimbawa:
1. Matitibay ang hagdanan ng kanilang bahay kaya hindi gumuho
ang hagdan niyon matapos ang lindol.
a. Ang IWAN(to leave something) ay nangangahulugang huwag isama o
dalhin.
Halimbawa: 1. Iwan mo na ang anak mo sa bahay n'yo.
2. Iwan na lang niya ang bag niya sa kotse ko.

b. Ang IWANAN(to leave something to somebody) ay


nangangahulugang bibigyan ng kung ano ang isang tao.
Halimbawa: 1. Iwanan mo 'ko ng perang pambili ng pananghalian.
2. Hindi iniwanan ng alak ang dumalaw na kamag-
anak ang presong lasenggo.
a. Ang KIBO ay ang tinutukoy ay pagkilos.
Halimbawa:
Wala siyang kakibu-kibo kung matulog.

b. Ang IMIK naman ay ang tinutukoy ay pangungusap.


Halimbawa:
Hindi siya nakaimik nang tanungin ko.

TANDAAN: Hindi lamang sa tao nagagamit ang kibo.


Halimbawa:
Kumikibo nang bahagya ang apoy ng kandila.
Huwag niyong kibuin ang mga bulaklak na iniayos ko sa plorera.
a. Ginagamit ang IKIT para maipakita ang kilos na pagilid mula sa labas
patungo sa loob.
Halimbawa:
Nakatatlong ikit muna sila bago nila natunton ang daan patungo
sa loob ng kuweba.

b. Ang IKOT naman ay mula sa loob patungo sa labas.


Halimbawa:
Nahirapan pala silang makalabas ng tunnel. Umikot-ikot muna
sila sa loob nito bago nila nakita ang daan palabas.
a. Ang HABANG ay nangangahulugan ng isang kalagayang walang
tiyak na hangganan. “mahaba”
Halimbawa: 1. Kailangang matutong umasa habang nabubuhay.
2. Gulung-gulo ang isip niya habang hindi pa siya sinasagot ng
kanyang kasintahan.
b. Ang SAMANTALA ay nangangahulugan ng isang kalagayang may
taning. “pansamantala”
Halimbawa: 1. Nakikitira muna kami sa kanyang mga magulang
samantalang wala pa akong trabaho.
TANDAAN: May iba pang gamit ang samantala. Ipinakikilala nito ang
pagtatambis sa dalawang kalagayan.
Hal: Bakit ako ang pupunta sa kanya samantalang ikaw naman ang tinatawag niya kanina pa.
a. Ang TUNGTONG ay panakip sa palayok o kawali.
Halimbawa: 1. Binato siya ng tungtong.
2. Nilagyan ng tungtong ang kawali

b. Ang TUNTONG ay pagyapak sa anumang bagay.


Halimbawa: 1. Tumuntong ka nga sa mesa.
2. Tuntongan mo siya sa likod para sa pyramid.

c. Ang TUNTON ay paghahanap ng bakas o pagbakas ng anumang


bagay.
Halimbawa: 1. Tinunton niya kung saan pumunta ang pusa.
Kailangang ang kaisahan sa pangungusap para
maging epektibo ito. Kung bawat bahagi ng
pangungusap ay tumutulong para maihayag nang
malinaw ang pangunahing diwa nito, masasabing
may kaisahan ang pangungusap.
Narito ang mga paalala upang matiyak ang kaisahan sa
pagbuo ng pangungusap
 TIYAKING ANG TIMBANG NA IDEYA AT PARALELISMO SA LOOB NG PANGUNGUSAP.
Matapos magsitangis ay agad na nagbalot ng gamit ang mga napaalis na iskwater.
Matapos magsitangis ay agad na nagsibalot ng mga gamit ang mga napaalis na iskwater.

 TIYAKING NAGKAKAISA ANG MGA ASPEKTO NG PANDIWA SA PANGUNGUSAP.


Nagsialis at nagsisiuwi na ang mga panauhin ko kanina.
Nagsialis at nagsiuwi na ang mga panauhin ko kanina.

 HUWAG PAGSASAMAHIN SA PANGUNGUSAP ANG HINDI MAGKAKAUGNAY NA


KAISIPAN
Hindi uunlad ang ating wika kapag hindi natin ito ginamit at nahilig tayo sa kalawayan.
Hindi uunlad ang ating wika kapag hindi natin ito ginamit.
 IWASAN ANG PAGSASAMA-SAMA NG MARAMING KAISIPAN SA ISANG PANGUNGUSAP.

Ang pagsasayaw gaya rin ng paglalaro ng mga bata ng taguan kung gabing walang buwan at ng
pagdadama ng mga lalaking walang magawa at nagpapalipas ng oras sa pagupitan ay tunay na
nakaaaliw.
Ang pagsasayaw, gaya ng paglalaro ng taguan ng mga bata, ay tunay na nakalilibang.

 GAWING MALINAW SA PANGUNGUSAP KUNG ALIN ANG PANGUNAHING SUGNAY AT ANG


PANULONG NA SUGNAY

Dahil sa ayaw ko iyon, hindi ko binili ang aklat.


Dahil sa ayaw ko sa aklat, hindi ko iyon binili.

 GAMITIN ANG TINIG BALINTIYAK NG PANDIWA KAPAG ANG SIMUNO NG PANGUNGUSAP AY


HINDI SIYANG GUMAGANAP NG KILOS.

Si Joel ay binili ang relo para kay Bernie.


Ang relo ay binili ni Joel para kay Bernie.
 HUWAG ILAYO ANG SALITANG PANURING SA SALITANG TINUTURINGAN.

 SA FILIPINO, NAUUNA ANG PANAGURI KAYSA SA SIMUNO SA KARANIWANG AYOS NG


PANGUNGUSAP.

You might also like