You are on page 1of 10

Si Jose Corazon De Jesus na kilala

bilang sa pangalang Huseng Batute, ay


ipinanganak sa bayan ng Santa Maria,
Bulacan. Si Batute ay tapos ng
Becheler en Artes at abogasya. Nabigo
sa kanyang pagka-artista, siya ay
namasukan bilang manunulat sa isnag
pahayagan. Mahilig sa dulaan, nagging
mapang-akit sa kanya ng higit ang
entablado.

JOSE CORAZON
DE JESUS
ANG BAYAN KO

Ang bayan kong Pilipinas


Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig na sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa

CHORUS
Ibon mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal-dilag
Ang 'di magnasang makaalpas

Pilipinas kong minumutya


Pugad ng luha at dalita
Aking adhika
Makita kang sakdal laya
Alejandro G. Abadilla
AKO ANG
DAIGDIG Akoang daigdig
Akoang tulaako
Ang daigdig ng tula
Ang tula ng daigdig
Ako ang walang maliw na ako
Ang walang kamatayang
Ako ang tula ng daigdig

Ako ang daigdig ng tula


Ako ang malayang
Ako matapat sa sarili
Sa aking daigdig ng tula
Ako ang tula sa daidig
Akoang daigdig ng tula
Ako ang Daigdig ng tula

Ako ang damdaming malaya


Ako ang buhay na walang hanggang
Ako ang damdamin ang larawan
Ang buhay damdamin
Larawan
Buhay
Tula
Ako

Ako Ang Daigdig sa tula


Ako ang Daigdig ng tula
Ako ang daigdig
Ako ang tula
Daigdig
Tula
Ako
Isinilang si Amado V. Hernandez sa
Tondo, Maynila noong ika 13 ng
Setyembre, 1903. pinarangalan siya
sa larangan ng panitikan dahil sa
kanyang kahusayan sa lahat ng
larangan nito, Tulad ng tula,
nobela,kuwento,dula at sanaysay.
Noong 1935, nagkamit siya ng
gantimpala sa katipunan ng kaniyang
tulang Pilipinas , na galing sa
pamahalaan ng Commonwealth.
Pinagkalooban din siya ng medalyang
ginto bilang pangunahing kuwentista
at sa kaniyang Ilaw at panitik, noong
1932.
AMADO V. HERNANDEZ
ISANG DIPANG
LANGIT
Akoy ipiniit ng linsing ng puno
Hangad palibhasang diwa koy piitin
katawang marupok, aniyay pagsuko
Damdamiy supil nat mithiin ay supil

Ikinulong ako sa kutang malupit


Bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;
Lubos na tiwalag sa buong daigdig
At iaaring kahi buhay man ay patay.

Sa munting dungawan, tanging abot-malas


Ay sandipang langit na puno ng liha
Maramot na birang ng pusong may sugat
Watawat ng aking pagkapariwara.

Sitalim ng kidlat ang mata ng tanod,


Sa pintong may susiy walang makapalit;
Sigaw ng bilanggo sa katabing moog,
Anakiy atungal ng hayop sa yungib.
a.Isidro marfori :- Mga bantog na aklat na isinulat niya ang mga
sumusunod: El Dolor de Amar, Cadencias, Aromas de Ensueno, at Bajo el
Yugo del Dolar.

b. Alejo PicaValdez:- Mga Akda; El Amor de los Amores, Intimas, Oracion,


Electa. Mayroon ding akdang naitanghal gaya ng: Sinceridades at Prevario
de Amor.

c. Jose Hernandez Gavira:-Myroong siyang tatlong aklat na kinalooban ng


mga magagandang tulang kastila: De Mi Jardin Sinfonico, Cantame un
canto en Espanol at Mi Copa Bohemia.

d. Marique Fernandez: Lumba- Naging manunulat ng mga sumusunod na


pahayagan: Reviste Escolar de Derecho, La Defensa, El Comerico, El
Debate, La Union, Semana Voz de Manila, atbp.
Bagaman siya ay kasapi sa pangkat
ng mga makata ay sinasabi ring
namumuno kabilang sa pangkat ng
mga mandudula.
Ipinanganak sa Udyong (Orion),
Bataan noong Enero 28, 1885. Nag
aaral sa Udyong at nagpatuloy sa
Letran. Nakapag-aral ng pag-
aabogado nang dalawang taon.
JULIAN CRUZ BALMACEDA Namatay noong Setyembre 18, 1947
(1895-1947) samantalang siya noon ay patnugo
ng Surian ng Wikang Pambansa.
Sa bayan ng Norzagaray,
Bulacan ungng nakita si
Teodoro Gener ng liwanag
noong Nobyembre 9, 1892. sa
National University at
Philippine Law School
nakapagtapos ng Pag-aaral.
Naging tanyag na mananaggol
noong 1924.
Nag kamit siya ng may
sampung gantimpala sa
panulat at naging pangulo ng
TEODORO GENERKapisanang Ilaw at Panitikan.
Isang halimbawa ng tula:- ni TEODORO GENER
INANG WIKA
Kunin mo ang ibig kunin sa dampa ko.
Palay, bigas,lusong,at halong pambayo
Kung inaakalang liligaya mo,
Laban man sa pusoy handog ko sa iyo.

Anak ko may hubdan ng suot na dmit,


Sampu ng baro kong lampot at gulanit,
Ibibigay ko ring maluwag sa dibdib,
Kami may lamunin ng init at lamig

Datapwat huwag mong biruin si Ina!


Huwag mong isiping sapagkat api na,
Ang ina koy iyong masasamantala

Si Ina ang aking mutyang minamahal,


Si Ina ang tanging buhay kot katawan,
Pag siyay kinuha, Ikawt ako Patay!

You might also like