You are on page 1of 4

APAT NA PARAAN NG PAGPAPAHAYAG

1. Paglalahad
            Ang paglalahad ay isang uri ng pagpapahayag na ang hangarin nito
ay magpaliwanag. Sinasagot ito ng katanungang “bakit”. Ito ay may
dalawang uri. Ang una ay pagbibigay-kahulugan o katuturan, na pinapahaba
ang ang definisyon para maintindihan at ito ang pinakakaraniwang uri ng
paglalahad. Ang ikalawa ay maanyo o formal definition sa ingles na hango
sa diksyunaryo. Sinasaklaw ng paglalahad ang pinakamalaking bahagi ng
sinusulat, binabasa, aklat, diksyunaryo, manwal, aklat, dula, pelikula,
komposisyong pangmusika at palatuntuning pangradyo. 
2. Paglalarawan
            Ang paglalarawan ay isang uri ng pagpapahayag na ang layunin ay maipamalas sa kausap o mambabasa ang katangian, kulay, hugis, anyo at sukat ng isang bagay na nagsasaad ng kaibahan sa mga kauri nito. Ito ay
nagbibigay buhay at kulay sa isang salaysay. Merong dalawang uri ng paglalarawan: Karaniwang paglalarawan at Masining na paglalarawan. 
3. Pagsasalaysay
            Ang pagsasalaysay ay isang uri ng pagpapahayag na ang hangarin ay mag-ulat ng mga pangyayari sa isang maayos na pagkakahanay. Ito ay tinutugunan ang mga tanong na sino, saan, kailan, at ano. May iba’t ibang uri ng pagsasalaysay tulad nga
palatalambuhay, pangkasaysayan, nagpapaliwanang, mga pangyayari paglalakbay, alamat at saysayan, at maikling kuwento. 
• 4. Pangangatwiran

•             Ang pangangatwiran ay isang uri ng pagpapahayag na ang hangarin ay


makaakit sa mga sarili ar dahilan ng mga bagay. Ito ay isang paraan ng pagdepensa
sa sarili. Ang pangangatwiran ay may dalawang uri: ito ay pangangatwirang
pabuo (inductive reasoning) at pangangatwirang pasaklaw (deductive
reasoning). Ang pangangatwirang pabuo ay nahahati sa tatlong bahagi:
pangangatwirang gumagamit ng pagtutulad; pangangatwiran sa pamamagitan ng
pag-uugnay ng pangyayari at sa sanhi; at pangangatwiran sa pamamagitan ng mga
katibayan at pagpapatunay.

You might also like