You are on page 1of 1

Ayon kay Coady (1979): “Upang lubusang maintindihan ang teksto, kailangang maiugnay ng tagabasa

ang dating alam sa kanyang kakayahang bumuo ng mga konsepto/kasanayan/kaisipan mula sa mga
naiprosesong impormasyon sa binasa.”

Mula pag kabata tayo ay namulat na sa impluwensiya ng pagbasa.


Lahat tayo ay nagsimula bilang isang blankong papel na sa pagdaan ng panahon
unti-unting nakulayan ng mga impormasyon. Ang dating blankong papel ay napuno
ng kulay na nagsilbing representasyon ng ating imbak na kaalaman. Ang pagbabasa
ay hindi basta-basta, sapagkat magsisimula ito sa pinakamababang proseso upang
lubusang maintindihan ang teksto. Ang mga imbak na kaalaman ang siyang
tumutulong sa atin upang higit na maunawaan ang ating binabasa. Sapagkat ang
mga imbak na kaalaman ay kailangan upang maiugnay ng mga mambabasa ang
impormasyong kanilang nabasa mula sa mga teksto. Pagkatapos maiproseso ng
mambabasa ang mga impormasyon, makikitang lubusang naintindihan ng
mambabasa ang teksto sapagkat maisasabuhay niya ito. Ang pagsasabuhay ng
kanyang mga binasa ay nagsisilbing repleksyon ng kanyang pagkaunawa. Bilang
pangwakas ang pagbabasa ay nangangailangan ng mga nakarang kaalaman upang
malalim na maintindihan ng mambabasa ang kanyang binabasa at maisabuhay ito.

You might also like