You are on page 1of 2

Repleksiyon sa Filipino 308

Pagtuturo at Pagtataya sa Pagbasa at Pagsulat


Sinasabing mayroong iba’t-ibang teoryang pinaniniwalaan ang iba’t-ibang mga tao sa
kung papaano natututo ang isang bata o tao sa wika. Pinanghahawakan sa Teoryang
Innative na ang tao ay may likas na kakayahan upang matutuhan ang isang wika, na
hindi na kailangang suportahan ang bata sa pagtatamo ng wika na kung saan ay hindi ko
sinasang-ayunan sapagkat likas mang nakakabuo ng wika ang isang bata ay hindi
naman nila ito alam gamitin sa tamang paraan. Mahalaga parin ang suporta ng mga
magulang at ng mga taong nakapaligid sa kanya upang magabayan sila sa kung anu-ano
ang mga wikang dapat nilang matutunan at kung paano ito gamitin sa tamang
pamamaraan.

Bilang isang mag-aaral na nagnanais magturo balang araw ay dapat nating matutunan
kung paano ang tamang pagtuturo ng wika ngunit bago yan ay dapat din nating
isaalang-alang na ang lahat ng ating mga mag-aaral ay may kanya-kanyang istilo sa
kung papaano sila natututo at kung sila ba ay mayroong sapat na motibasyon sa
pagkatuto nang sa ganun ay malaman natin kung papaano natin sila dapat turuan.
Mayroong mga mag-aaral na likas talaga sa kanila ang kagustuhang matuto ngunit
mayroon din naming iba na kailangan pa ng ating gabay upang sila ay gaganahang
matuto.

Ang isang indibidwal ay hindi agad-agad natututo sa tamang paggamit ng wika kaya
bilang isang guro ay dapat talagang hahabaan pa nating lalo ang ating pasensya
sapagkat tayo man ay dumaan narin sa ganitong sitwasyon. Pahalagahan na sa
pagkatuto ng wika ay maroon mga yugto. Unang yugto ay ang tinatawag na pasumala (2
buwan) na kung saan ay lumilikha ng tunog ang isang bata na tinatawag na babbling
katulad ng Ma at Pa, Unitary (24 buwan) ginagaya ang pagsasalita ng magulang na kung
saan ay nakabubuo ng isang salita na may maraming kahulugan, Ekspansiyon at
Delimitasyon (48 buwan) nakabubuo ng dalawang salita na may maraming kahulugan,
Kamalayang Istruktural (60 buwan) ang mga salita ay nagkakaroon ng kahulugan
ngunit hindi pa ito nagaganit ng tama, Otomatik (antas kindergarten) lumalawak na ang
talasalitaan at nagagawa ng makipag-usap sa iba’t-ibang tao, at ang panghuling yugto ay
ang Malikhain na kung saan ay nakakalikha na sila ng sariling pangungusap na kanilang
naiintindihan at naiintindihan din ng kanilang kausap.

“Mayroon bang madaliang pormula para sa epektibong pagtuturo?” isang tanong na


madali lang sanang ibigkas ang kasagutan, ang “Oo at Wala” ngunit hindi mo mabigkas-
bigkas kaagad at ikaw ay mapapaisip at magtatanong sa sarili “Meron nga ba?”. Madali
sanang sabihing “Oo” ngunit may maisasagot ka pa ba kapag tinanong ka ng “Ano?”
diba wala kang maisip? At kung may maisip man tayong teknik sa pagtuturo na sa tingin
natin ay madali lamang ay dapat nating alalahanin kung ito ba ay mabisa sa lahat ng uri
ng iyong mga mag-aaral na alam naman nating iba-iba talaga ang kakayahan ng bawat
isa sa kanila. Kaya dapat nating matutunan ang mga simulain sa pagtuturo at pagkatuto
ng wika. Sa simulaing Kognitibo natin malalaman kung handa ba ang kanilang
mentalidad sa pagkatuto?, naririnig ka lang ba nila? O nakikinig talaga sila. Sa
Simulaing pandamdamin naman natin napapahalagahan ang emosyon ng bawat isa.
Dapat maging mapagmatyag tayo sa damdamin n gating mga mag-aaral. Ayusin ang
tono sa pagsasalita kapag ikaw ay nagtuturo, maging maingat sa kung papaano
iwawasto ang mag-aaral kung siya ay nagkakamali upang hindi sila mawalan ng ganang
matuto. At ang panghuling naman ay ang Simulaing Linggwistik na kung saan ay dapat
nating ituro ng mabuti sa ating mga mag-aaral ang sariling wikang nakagisnan nang sa
ganun ay mas madali nilang maintindihan ang iba’t-ibang wika na nais din nilang
matutuhan.

Isang mahalaga at mabisang sandata ng mga guro ang Banghay-aralin sapagkat dito
nakasaad ang pagpaplano ng isang guro sa kanyang pagtuturo. Para sa akin talagang
napakahalaga nito sapagkat sa pamamagitan nito ay nagkakaroon ang direksyon ang
iyong pagtuturo at natatarget mo talaga ang iyong nais makamit sa iyong pagtuturo ng
walang nasasayang na panahon. Kaya bilang isang guro ay dapat alam natin unang-una
kung ano ang ating mithiin nang sa ganun ay makakagawa tayo ng ating tunguhin at
layunin sa ating pagtuturo. At ang mga ito ay nakatutulong upang an gating pagtuturo at
ang pagkatuto ng ating mga mag-aaral ay nakatuon lamang sa iisang direksyon.

Joan M. Saladaga BSED-III

You might also like