You are on page 1of 41

ANG SWP, ANG

KWF AT ANG
WIKANG OPISYAL
Bb. Gemma Joy S. Alforque
Saligang Batas ng 1935 Artikulo XIV. Seksyon 3

“…ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang


tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang
wikang Pambansa na batay sa isa sa mga umiiral
na katutubong wika.”
1936 (Okt. 27)

Itinagubilin ng Pangulong Manuel L. Quezon


sa kanyang mensahe sa Asemblea Nasyonal
ang paglikha ng Surian ng Wikang
Pambansa.
Batas Komonwelt Blg. 184
(Nob. 13, 1936)

Pagtatag ng Surian ng Wikang Pambansa


at pagtatakda sa mga kapangyarian at
tungkulin niyon.
1937 (Enero 12)

Hinirang ng Pangulong Manuel L. Quezon


ang mga kagawad na bumuo ng Surian ng
Wikang Pambansa alinsunod sa tadhana ng
Seksyon 1, Batas Komonwelt Blg. 184
Ang mga nahirang na kagawad ay ang mga sumusunod:

 Jaime C. De Veyra (Samar-Leyte-Bisaya) Tagapangulo


 Cecilio Apostol (Tagalog) Kalihim at Punong Tagapagpaganap
Mga Kagawad
 Santiago Fonacier (Ilokano)
 Filemon Sotto (Bisaya)
 Felix Salas Rodriguez (Panay-Bisaya)
 Casimiro Perfecto (Bikol)
 Hadji Butu (Muslim)
Tungkulin at gawain ng Surian ng Wikang
Pambansa:
1. Pag-aaral ng mga pangunahing wika na ginagamit ng may kalahating milyong
Pilipino man lamang;

2. paggawa ng paghahambing at pag-aaral ng talasalitaan ng mga pangunahing


dayalekto

3. pagsuri at pagtiyak sa ponetika at ortograpiyang Pilipino;

4. Pagpili ng katutubong wika na siyang magiging batayan ng wikang pambansa na


dapat umaayon sa (a) ang pinakamaunlad at mayaman sa panitikan, (b) ang wikang
tinatanggap at ginagamit ng pinakamaraming Pilipino.
1937 (Hunyo 18)

Pinagtibay ang Batas ng Komonwelt Blg.


333, na nagsususog sa ilang seksyon ng
Batas ng komonwelt Blg. 184.
1937 (Nobyembre 9)

 Bunga ng ginawang pag-aaral at alinsunod sa tadhana ng Batas


Komonwelt Blg. 184, ang Surian Wikang Pambansa ay nagpatibay
ng isang resolusyon na roo’y ipinahahayag na ang Tagalog ay siyang
halos lubos na nakatutugon sa mga hinihingi ng Batas ng Komonwelt
Blg. 184, kaya’t itinagubilin niyon sa Pangulo ng Pilipinas na iyon ay
pagtibayin bilang saligan ng wikang pambansa.
1937 (Disyembre 30)

 Alinsunod sa tadhana ng Batas ng Komonwelt Blg. 184,


sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134
ay ipinahayag ng Pangulong Quezon ang Wikang
Pambansa ng Pilipinas na batay sa Tagalog.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 304 Marso
16, 1971

 Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang


pagpapanauli nsa dating kayarian ng Surian ng
wikang pambansa at nililiwanag ang mga
kapangyarihan at tungkulin nito.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117
(Enero 1987)

 Nilagdaan ni Pangulong Corazon C. Aquino ang paglikha


ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas. Ito ang pumalit
sa Surian ng Wikang Pambansa.
 Binuwag naman itong pagkaraan ng buuin ang Bagong
Konstitusyon ng Pilipinas noong 1987.
Pebrero 2, 1987 – Pinagtibay ang Bagong Konstitusyon ng
Pilipinas.

Artikulo XIV, Sek.9

“Dapat magtatag ang Kongreso ng isang Komisyon ng


Wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t
ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-
uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at
iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad,
pagpapalaganap at pagpapanatili.”
Saligang Batas ng 1987

 Ang pagtatag ng isang komisyon ng pambansang


wika.
 Naisakatuparan nang maipasa ang Batas Republika
7104 noong Agosto 14, 1991, na nagtatag sa
Komisyon sa Wikang Filipino.
KOMISYON NG WIKANG FILIPINO

 May atas na magsagawa, mag-ugnay at magtaguyod ng


mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap
at preserbasyon ng Filipino at ng iba pang mga wika ng
Pilipinas.
MGA KAPANGYARIHAN, GAWAIN AT
TUNGKULIN NG KWF

 Magbalangkas ng mga patakaran, mga plano at mga


programa.
 Magpalaganap ng mga tuntunin, mga regulasyon at
mga patnubay.
MGA KAPANGYARIHAN, GAWAIN AT
TUNGKULIN NG KWF
 Magsagawa o makipagkontrata at iba pang mga pag-
aaral.
 Magpanukala ng mga patnubay at mga istandard para
sa mga anyuing linnguwistiko at mga ekspresyon sa
lahat ng opisyal na mga komunikasyon, publikasyon,
teksbuk at iba pang materyales sa pagbasa at
pagtuturo.
MGA KAPANGYARIHAN, GAWAIN AT
TUNGKULIN NG KWF
 Ganyakin at itaguyod ang pagsulat at paglalathala sa
Filipino at sa iba pang wika sa Pilipinas.
 Lumikha at magpanatili sa Komisyon ng isang dibisyon ng
pagsasalingwika sa Filipino at sa iba pang wika sa
Pilipinas ng mahahalagang akdang historical at tradisyong
kultural ng mga grupong etnolinnggwistiko, mga batas,
mga resolusyon at iba pa.
MGA KAPANGYARIHAN, GAWAIN AT
TUNGKULIN NG KWF
 Tawagan ang alinmang departamento, opisina,
ahensiya o alinmang kasangkapan ng pamahalaan o
pribadong identidad, institusyon o organisasyon para
sa kooperasyon at lulong sa pagtupad ng mga Gawain,
mga tungkulin at mga pananagutan nito.
MGA KAPANGYARIHAN, GAWAIN AT
TUNGKULIN NG KWF

 Mangasiwa sa antas nasyonal, rehiyonal at local, ng


mga pagdinig publiko, mga komperensiya, mga
seminar at iba pang mga talakayang pangrupo.
 Bumalangkas at maglagda ng mga patnubay, mga
istandard at mga Sistema.
MGA KAPANGYARIHAN, GAWAIN AT
TUNGKULIN NG KWF
 Humirang, sa ilalim ng mga probisyon ng umiiral na
mga batas, ng mga opisyal at mga empleyado nito at
ng iba pang mga tauhang kakailanganin.
 Organisahin at reorganisahin ang istruktura ng
Komisyon, lumikha o bumuwag ng mga posisyon, o
magpalit ng designasyon ng umiiral na mga posisyon
MGA KAPANGYARIHAN, GAWAIN AT
TUNGKULIN NG KWF

 Gampanan ang iba pang mga aktibidad na


kinakailangan sa epektibong paggamit ng naturan sa
unahan na mga kapangyarihan, mga gaain, mga
tungkulin at mga pananagutan.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 158
(Oktubre 11, 1999)

 Sa maikling panunungkulan niya, naibalik ni


Pangulong Joseph Ejercito Estrada ang KWF
sa ilalim ng pamahalaang pampangasiwaan
ng Tanggapan ng Pangulo.
Tanggapin ng Surian ng Wikang Pambansa

 Enero 13, 1937 – sa isang maliit na silid sa


Department of public Information.
 Nagpalipat-lipat ito; napatira sa Silid Blg. 326 ng
Kongreso, silid sa Malacañang, Philippine Columbian.
 1940 – sa gusali ng UP Alumni sa Padre Fura
Tanggapin ng Surian ng Wikang Pambansa

 1942 – sa Philippine Normal School

 1946 – napalipat sa “radio room” ng Mataas na Paaralang Mapa.

 1947 – sa Malacañang, bago napunta sa Philippine School at


Arts and Trade.
 “Japanese Temple” sa kalye Lipa, Maynila.
Tanggapin ng Surian ng Wikang Pambansa

 Sa kasalukuyan, ang KWF ay nasa ilalim ng


Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas at nakabahay sa
ikalawang palapag ng Gusaling Watson, 1610 J.P.
Laurel Street, San Miguel, Maynila.
Mga naging Direktor/Tagapangulo ng SWP,
LWP at KWF

JAIME C. DE VEYRA

(1937-1941)

Unang director at “Tagapagtatag ng wikang


Pambansa”
Mga naging Direktor/Tagapangulo ng SWP,
LWP at KWF

LOPE K. SANTOS

(1941-1946)

Pinasigla ang pagsusulat sa wikang Pambansa. Nagdaos


ng mga seminar at pasanayan sa paggamit ng wikang
Pambansa sa UP, PNU at iba pa.
Mga naging Direktor/Tagapangulo ng SWP,
LWP at KWF

JULIAN CRUZ BALMACEDA

(1947-1948)

Nakapagpalimbag ng mga panayam at inumpisahan


ang paggawa ng diskyunaryong Tagalog.
Mga naging Direktor/Tagapangulo ng SWP,
LWP at KWF
CIRIO H. PANGANIBAN
(1948-1954)
Ipinagpatuloy ang diskyunaryong pinasimulan ng
kanyang sinundan. Pinasimulan ang paghahanda ng mga
ispesyalisadong talasalitaan, tulad ng Legal Terms,
arithmetical at Geometrical Terms at iba pa.
Mga naging Direktor/Tagapangulo ng SWP,
LWP at KWF

CECILIO LOPEZ

(1954-1955)

Binigyang-diin ang linggwistika at pinasigla ang


makabagong linggwistikong pag-aaral sa wikang
Pambansa at iba pang mga katutubong wika sa Pilipinas.
Mga naging Direktor/Tagapangulo ng SWP,
LWP at KWF
JOSE VILLA PANGANIBAN
(1946-1947)-(1955-1970)
 Pinagtuunan ng pansin ang pagpapaunlad ng wika.

 Nagdaos ng mga pasanayan sa korespondensya opisyal sa buong bansa.


Binalikat ang pagsasalin at pananaliksik.
 Nailathala ang English-Tagalog Dictionary.

 Sinimulan ang talasalitaan ng walong pangunahing wika sa Pilipinas


Mga naging Direktor/Tagapangulo ng SWP,
LWP at KWF
PONCIANO B.P. PINEDA
(1970-1999)
Tatlong rebolusyong pagbabago:

1. Ang Edukasyong Billinggwal noong 1974.

2. Ang wikang Filipino na ang nucleus ay Pilipno

3. Ang Alpabetong Filipino na pinagtibay noong 1987.


Mga naging Direktor/Tagapangulo ng SWP,
LWP at KWF

NITA P. BUENAOBRA
(1999-2006)
 Binigyang tuon ang pagpapatibay sa mga
proyekto ng mga Panrehiyong Sentro sa Wikang
filipino (PSWF.)
 Binigyang pagpapahalaga at pansin ang mga
rehiyonal na wika
Mga naging Direktor/Tagapangulo ng SWP,
LWP at KWF

RICARDO MA. DURAN NOLASCO

(2006-2008)

Nakatuon ang komitments sa multilingguwal na


adhikain.
Mga naging Direktor/Tagapangulo ng SWP,
LWP at KWF
JOSE LADERAS (2008-2013)
Mga naging Direktor/Tagapangulo ng SWP,
LWP at KWF

VIRGILIO S. ALMARIO

(2013-Kasalukuyan)

Kinikilalang isa sa tungkong bato ng modernism ng


panulaang Pilipino.
Kasalukuyang Komisyoner ng KWF
KGG. John E. Barrios
Komisyoner, Hiligaynon
KGG. Orlando B. Magno
Komisyoner, Sebwano
KGG. Lorna E. Flores
Komisyoner, Mga wika sa Katimugang Pamayanang Kultural
KGG. Roberto Añonuevo
Direktor Heneral
EBOLUSYON NG WIKANG PAMBANSA

 Disyembre 30, 1937, iprinoklama ng Pangulong Quezon na


ang wikang Tagalog ang magiging batayan ng wikang
Pambansa. Magkakabisa ang proklamasyong ito dalawang
taon matapos itong mapagtibay.
EBOLUSYON NG WIKANG PAMBANSA

 Noong 1940, ipinag-utos ang pagtuturo ng wikang


Pambansa sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa
boung bansa.
 Simula Hunyo 4, 1946, nagkabisa ang Batas Komonwelt Blg.
7570 na nagproklama na ang Wikang Pambansa na tatawaging
Wikang Pambansang Pilipino ay isa nang wikang opisyal.
 Noong 1959 ibinaba ng Kalihim Jose B. Romero Kagawaran ng
Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran blg.7 na nagsasaad na
ang wikang Pambansa ay tatawagin nang Pilipino upang mailagan na
ang mahabang katawagang “Wikang Pambansang Pilipino” o “Wikang
Pambansa Batay sa Tagalog.”
 Ngayon, Filipino na ang ngalan ng wikang Pambansa, alinsunod sa
Konstitusyon ng 1987 na nagtatahanang “ang wikang Pambansa ng
Pilipinas ay Filipino.” Ito ay hindi ponaghalu halong sangkap mula sa
iba’t ibang katutubong wika; bagkus, ito’y nukleyus, ang Pilipino o
Tagalog.

You might also like