You are on page 1of 36

MARAMIHANG INTELEHINSYA

(Multiple Intelligence)

Inihanda Ni:
Bb. Gemma Joy S. Alforque
Ano ang unang pumapasok sa isip mo kapag naririnig
mo ang salitang “MATALINO?”
MATALINO

Maalam Intelehente

marunong Matalas ang pag-iisip


Gaano ka katalino?
Ano ang iyong talino?
Isang napakahalagang teorya ang binuo ni Dr. Howard
Gardner noong 1983, ang teorya ng Multiple
Intelligence. Ayon sa teoryang ito, ang mas angkop na
tanong ay “Ano ang iyong talino” at hindi, “Gaano ka
katalino?” Ayon kay Gardner, bagama’t lahat ay may
angking likas na kakayahan, iba’t-iba ang mga talino o
talento.
1. Visual/spatial Intelligence
• Ang mga taong may talinong visual/spatial ay
mabilis matuto sa pamamagitan ng paningin
at mag-ayos ng mga ideya. Nakagagawa ng
mga ideya at kailangan din niyang makita ang
paglalarawan upang maunawaan ito.
• Halimbawa ng mga taong may ganitong talino
ay: artists, designers, cartoonists, story-boarders,
architects, photographers, sculptors, town-
planners, visionaries, inventors, engineers,
cosmetics and beauty consultants.
2. Verbal/linguistic Intelligence
• ito ay ang talino sa pagbigkas o pagsulat ng
salita. Kadalasan ang mga taong may taglay na
talinong ito ay mahusay sa pagbabasa, pagsulat,
pagkuwento, at pagmemorya ng mga salita at
mahahalagang petsa.
• Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay:
writers, lawyers, journalists, speakers, trainers,
copy-writers, english teachers, poets, editors,
linguists, translators, PR consultants, media
consultants, TV and radio presenters, voice-over
artists.
3. Matematical/logical Intelligence
• Taglay ng taong may talino nito ay mabilis ang
pagkakatuto sa pamamagitan ng pangangatwiran at
paglutas ng suliranin (problem solving).
• Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay:
scientists, engineers, computer experts, accountants,
statisticians, researchers, analysts, traders, bankers
bookmakers, insurance brokers, negotiators, deal-
makers, trouble-shooters, directors
4. Bodily/kinesthetic Intelligence
• Ang taong may ganitong talino ay natututo sa
pamamagitan ng mga kongkretong karanasan o
interaksiyon sa kapaligiran. Mas natututo siya sa
pamamagitan ng paggamit ng kaniyang katawan,
tulad halimbawa ng pagsasayaw o paglalaro.
• Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay:
dancers, demonstrators, actors, athletes, divers,
sports-people, soldiers, fire-fighters, fishermen,
drivers, crafts-people; gardeners, chefs,
acupuncturists, healers, adventurers.
5. Musical/rhythmic Intelligence
• Ang taong nagtataglay ng talinong ito ay natututo
sa pamamagitan ng pag-uulit, ritmo, o musika.
Hindi lamang ito pagkatuto sa pamamagitan ng
pandinig kundi pag-uulit ng isang karanasan.
• Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay:
musicians, singers, composers, dj's, music
producers, piano tuners, acoustic engineers,
entertainers, party-planners, environment and
noise advisors, voice coaches.
6. Intrapersonal
• Sa talinong ito natututo, ang tao sa pamamagitan ng
damdamin, halaga, at pananaw. Ito ay talinong
kaugnay ng kakayahang magnilay at masalamin ang
kalooban. Karaniwang ang taong may ganitong
talino ay malihim at mapag-isa o introvert. Mabilis
niyang nauunawaan at natutugunan ang kanyang
nararamdaman at motibasyon.
7. Interpersonal
• Ito ang talino sa interaksiyon o pakikipag-
uganayan sa ibang tao. Ito ang kakayahan na
makipagtulungan at makiisa sa isang pangkat.
Ang taong nabibilang dito ay kadalasang bukas
sa kaniyang pakikipagkapwa o extrovert.
• Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay: therapists, HR
professionals, mediators, leaders, counsellors, politicians,
educators, sales-people, clergy, psychologists, teachers, doctors,
healers, organizers, advertising professionals, coaches and
mentors.
8. Naturalist
• Ito ang talino sa pag-uuri, pagpapangkat at
pagbabahagdan. Madali niyang makilala ang
mumunti mang kaibahan sa kahulugan
(definition). Hindi lamang ito angkop sa pag-
aaral ng kalikasan kundi sa lahat ng larangan.
• Halimbawa ng mga taong may ganitong talino
ay: botanist, farmer, environmentalists
9. Existentialist
• Ito ay talino sa pagkilala sa pagkaka-ugnay ng
lahat sa daigdig. “Bakit ako nilikha?” “Saan ako
nanggaling?” Ano ang papel na ginagampanan ko
sa mundo?”. Ang talinong ito ay naghahanap ng
paglalapat at makatotohanang pag-unawa ng mga
bagong kaalaman sa mundong ating ginagalawan.
Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay:
• pari
• pastor
• ministro
• misyonaryo
• Mga pilosopo
Alin sa mga nabanggit ang sa tingin mo ang
taglay mong talino?
Matutukoy mo ba?
GAWAIN:
Panuto: Pumili ng paksa kung saan ay maiaaplay mo ang isa o higit pang maramihang
intelehensiya. Gamitin ang tsart sa ibaba.

GAWAING PAMPAGTUTUTO
PAKSA M.I.
(activity)

You might also like