You are on page 1of 5

Benguet State University

Kolehiyo ng Sining at Humanidades


KAGAWARAN NG FILIPINO
La Trinidad, Benguet

Modyul sa
Ang Kulturang
Popular sa Pilipinas

Janet B. Mede

MODYUL 1: Mga Layunin:


ANG KULTURA
Modyul 1 ng Kultura
1. Kahulugan
Natatalakay ang kahulugan,
kahalagahan, elemento, at gamit
Layunin: ng Kultura
2. Kahalagahan ng kultura.
3. Ang1.mga
Natatalakay
Elemento ang kahul
ng Kultura
4. Ang Dalawang Uri ng Kultura Natutukoy ang dalawang uri ng 1
kultura at nakapagbibigay ng
5. Gamit ng Kultura
halimbawa sa bawat uri.
Aking mag-aaral:

Sa modyul na ito, iyong pag-aaralan ang tungkol sa


kultura. Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul,
iyong gagawin ang Pagsasanay 1 na lalong lilinang
ng iyong kaalaman hinggil sa paksa.

Kahulugan ng Kultura

Ang salitang kultura ay hinango mula sa wikang Latin na “cultura” na may


literal na kahulugang kultibasyon o paglinang. Ang kalinangan ay isang
katagang may maraming iba't ibang magkakaugnay na mga kahulugan.

Ang kultura ng isang bansa ay binubuo ng kaniyang mga katutubo at


katangi-tanging kaugalian, paniniwala at mga batas.

2
Sa kultura nakikilala ang isang bansa at ang kaniyang mga mamamayan.
Ang kultura ay mabisang kasangkapan sa pambansang pagkakaisa dahil dito
naipapahayag ang tunay na diwa ng pakikipagkapwa.

Ang ating mabubuting gawi, kaugalian at kinamihasnan ay nailalarawan


sa mga kaalamang-bayan gaya ng mga alamat, kwentong-bayan, pabula at
epiko.

Kahit na ang mga ito ay makaluma, maari itong pagbatayan ng mga


kabutihang asal na dapat ipamana sa mga sumusunod na henerasyon. Kung
kaya’t nararapat nating pananatilihing buhay ang ating kultura sapagkat dito
nasasalig ang ating pagkakakinlanlan, kaisahan, kamalayan at kinabukasan. Ang
kulturang Pilipino ay dapat taglayin ng isang wikang nagpapaloob at at
nagpapahayag dito.
Basahin mo sa ibaba ang kahulugan ng kultura ayon sa iba’t ibang awtor.

1. Ang kultura ay ugnayan ng ideya at damdamin na tinatanggap ng


karamihan sa lipunan (Rocher, 1972, 2004).

2. Paniniwala, sining, kasanayan, moralidad, batas, tradisyon at kaasalan


na natamo ng isang indibidwal bilang miyembro ng lipunan (Taylor,
1974).

3. Maayos na ugnayan ng mga tao na may tiyak na pamamaraan ng


pamumuhay (Goodenough, 1996).

4. Sining, literatura, paniniwala, at kaugalian ng isang pangkat ng mga


taong nananahan sa isang pamayanan (Santiago, 1979).

5. Pangkabuuang pananaw ng mga tao sa isang lipunan mundo at sa


kanilang kapaligiran. Ang pananaw na ito ay hango sa paniniwala,
tradisyon, uri ng pamumuhay, at iba pang mga bagay-bagay na nag-
uugnay sa kanila at nagpatibay sa bigkis ng pagkakaisa na siyang
nagpapalaganap ng kanilang pangkalahatang diwa, pananaw,
kaugalian at adhikain (Rubrico, 2009).

6. Kabuuang kaisipan, kaugalian, o tradisyon ng isang bayan; paraan ng


buhay (UP Diksyonaryong Filipino).

7. Kabuuan ng isip, damdamin, gawi, kaalaman, at karanasan na


nagtatakda ng maaangking kakanyahan ng isang tao. (Zeus A.
Salazar).

Kahalagahan ng Kultura

1. Nagkakaroon ng pagkakakilanlan ang isang pangkat ng mga tao.


2. Napagbubuklod nito ang isang lugar at bagbubunga ito ng pagkakaisa.
3. Sa pamamagitan ng kultura, naipapakita ng mga tao ang kanilang mga
talento.
4. Binubuo nito ang ating pagkatao.
5. Nagkakaroon tayo ang kaalaman sa ating kasaysayan at nakaraan.

3
Ang mga Elemento ng Kultura

1. Kaugalian (Norms). Ito ay ang mga asal, gawi o kilos na nagiging


pamantayan ng isang indibidwal kung paano siya gagalaw sa
lipunang ginagalawan.

Mga Uri:

a. Folkways. Ito ay ang pangkalahatang batayan ng normal na


pagkilos ng mga tao sa isang lipunan. Halimbawa, sa Pilipinas,
pangkaraniwan na sa mga bisita na iwanan sa labas ng bahay ang
kanilang mga tsinelas.

b. Taboos. Ang taboos naman ay ang paglabag sa mga mores, kung


saan ang moralidad ng isang tao ay hindi angkop sa dapat na kilos.
Halimbawa, pagsuot ng maikling mga shorts kapag magsisimba.

c. Batas. Ito naman ang batayan ng kilos na ipinatupad ng


kinauukulan para sundin ng mga mamamayan. Ito ay kalimitang
pormal at nakasulat.

2. Pagpapahalaga (Values). Tumutukoy naman ito sa pamantayan ng


lipunan kung ano ang mga gawaing katanggap-tanggap at ano ang
mga kilos na hindi kanais-nais. Basehan din ito sa kung ano ang tama
at mali, at kung anong mga kilos ang mabuti at nararapat. Halimbawa
ay ang pagmamano ng mga bata sa nakatatanda.

3. Paniniwala (Beliefs). Ito ay ang mga pananaw, ideya o kaisipan na


tinatanggap sa lipunan bilang totoo. Halimbawa, ang pananalig at
paniniwala ng ibang tao sa mga albularyo.

4. Simbolo (Symbols). Ang simbolo ay maaring mga materyal na bagay


na nagbibigay ng kahulugan. Maaari rin itong paggamit ng di-berbal na
komunikasyon. Sa pamamagitan ng mga simbolo, nabibigyan ng
kahulugan ang isang bagay kahit hindi ito gamitan ng wika. Halimbawa
ng bagay na nagbibigay ng kahulugan ay ang krus. Para sa iba, ito ay
tanda ng pagsasakripisyo ni Kristo upang tubusin ang sa mga
kasalanan. Ang magandang halimbawa naman ng simbolo na
gumagamit ng hindi berbal na komunikasyon ay sign language at
pagkumpas (gestures).
5. Wika (Language). Ang wika ang pinakamabisang paraan ng
komunikasyon. Ang wika ay maaring nasa anyo ng sulat o bigkas.
Mahalaga ang wika sa lipunan sapagkat sa pamamagitan nito, mas
nagkakaroon ng pagkakaunawaan ang bawat indibidwal.
6. Sining at Panitikan (Arts and Literature). Ang sining at panitikan ay
ang produkto ng imahinasyon ng mga tao. Sa pamamagitan ng
dalawang ito, mas naipapahayag ng bawat tao ang kanilang emosyon
at nararamdaman sa mas masining na paraan. Mahalaga ang sining at
panitikan sa kultura sapagkat sa pamamagitan nito, naipapakita at
naipapasa ng mga naunang henerasyon ang ganda ng nakaraan.

6. Relihiyon (Religion). Ang relihiyon ay ang paniniwala at pananalig ng


mga tao sa mga ispiritwal na bagay, tao, o pangyayari, partikular na sa

4
Diyos. Sa ibang lugar, ito ang nagiging sentro ng kultura sapagkat dito
nakabase ang kanilang kaugalian, pagpapahalaga at mga paniniwala.
Ang halimbawa ng relihiyon ay Hudaismo, Kristiyanismo at Islam.

Ang Dalawang Uri ng Kultura

1. Materyal na Kultura. Masasabing ang materyal na kultura ay mga bagay


na makikita mo sa iyong paligid. Ito ay mga bagay na nilikha at iyong
nahahawakan. Ilang halimbawa nito ay mga gusali o arkitektura, mga
likhang sining, mga kasuotan, kagamitan, at iba pa. Maari bang ding
sabihin na ang pagkain ay isang materyal na kultura sapagkat ito ay
masasabing nagpapakita kung anong paniniwala o mismong kultura ng
isang pangkat o grupo ng mga tao.

2. Di-Materyal na Kultura. Ang di-materyal na kultura ay mga bagay na


hindi nahahawakan ngunit maaring maramdaman o iyong maobserbahan
sa iyong paligid. Kabilang dito ang mga ideya, paniniwala, batas, mga
kaugalian, at norms ng isang lupon ng mga tao. Halimbawa sa di-materyal
na kultura ay ang paniniwala ng isang tribo sa mga anito o sinasabing
diyos-diyosan.

Gamit ng Wika sa Kultura

Ang wika bilang kasangkapan sa paglinang ng pambansang kultura


tungo sa pagkakakilanlan.

1. Ang wika ay nalilinang dahil sa kultura. Ang wika ang lumilinang


sa kultura sapagkat ang kultura ang nagbibigay ng katuturan sa
ipinapahayag na kaisipan ng wika.

2. Ang kultura ay nalilinang dahil sa wika. Wika ang daluyan ng


komunikasyon at sa pagkakaroon ng komunikasyon ay
naisasakatuparan ang ugnayan ng isang tao sa kanyang kapwa.
Sa pagkatuto ng isang kultura ay sa pamamagitan ng wika. Mula
rito ay nagkakaroon ang tao ng kolektibong alaala tulad ng mga
alamat, pabula, salawikain at iba pang kaalaman sa kanyang
kultura.

You might also like