You are on page 1of 5

I.

LAYUNIN NG PAGKATUTO
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nailalahad ang kahulugan ng matatalinghagang pananalita.
2. Napahahalagahan ang relasyon ng magulang at anak sa loob at labas ng kinagisnang
paniniwala sa pamamagitan ng peer discussion.
3. Nakapagtatala ng mga makabuluhang kaisipan na natutunan sa maikling kwento bilang
pagbabahagi ng sariling pagkatuto sa kapwa kamag-aral. (Pangkatang Gawain)

II. NILALAMAN NG PAGKATUTO

Paksa Ang Handog ni Dagwaley ni Hermilinda Lingbaoan
Sanggunian Sambotani IV
Mga kagamitan Laptop, visual aids
Pagpapahalagang Pangkatauhan Pagpapahalaga sa relasyon ng magulang at anak sa
loob at labas ng kinagisnang paniniwala.

III. KARANASAN NG PAGKATUTO
A. Pang-araw-araw na Gawain
1. Pag-aayos ng upuan
2. Pagpupulot ng kalat
3. Pagdarasal at pagbati
4. Pagtatala ng mga pumasok at takdang-aralin

B. Pagbabalik-aral
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Sa ating tinalakay noong nakaraang talakayan
tungkol kay Datu Matu, bakit hindi nabahiran ng
kulturang kanluranin ang Mindanao?





Tama! Ngayon naman, ano ang mahalagang
mensahe ang inyong natandaan at natutunan?



Bilang Kristiyano, sa paanong paraan mo
mapahahalagahan ang kulturang mayroon ang
iyong relihiyon?





Kaya po hindi nabahiran ng kulturang
kanluranin ang Mindanao dahil sa kanilang
paniniwala kaya nagsanib pwersa ang pangkat
ni Datu Matu at Datu Awalo upang lumakas sila
laban sa mga Amerikano.



Ang mahalagang mensahe po na aking
natutunan ay ang pagiging matapat sa bayan at
ang pagpapahalaga sa sariling kultura.







Magaling! Ngayon, dumako tayo sa panibagong
aralin.


K. Pagganyak

Naranasan mo na bang umibig?
Magbigay ka ng isang salita na kaya mong
ipangako sa iyong iniibig?



Paano ba manligaw ang mga kalalakihan noong
panahon ng ating mga ninuno kumpara sa
kasalukuyan.



Magaling! Sa pakikipagrelasyon, ano kaya ang
mabuti at di-mabuting maibubunga nito sa inyo?




Tama ang iyong kasagutan. Ang lahat ng inyong
nabanggit ay naaayon sa ating maikling kwentong
tatalakayin. Ang handog ni Dagwaley.


b. Pagpapasagot ng mga kahulugan ng
matatalinghagang pananalita na ginamit sa
pangungusap.

1. Sa bandang hilaga ng kagubatan, nakita ko
ang umpok na buho sa paligid.
2. Napakagandang pagmasdan ang pasibsib
nang buwan.
3. Nakalupagi si Ama Bagitay sa malapad na
sahig ng nara.
4. Nakaikid ang lubid sa tagiliran ng
mangangaso.
5. Halos matapon na ang laman ng lumbo sa
pagkakapuno nito.


Mapahahalagahan ko po ang kultura ng aking
relihiyon sa pamamagitan ng paggalang at
pagiging bukas ang isipan sa lahat ng bagay na
maaaring magpalago ng aking paniniwala.







Ang pagiging matapat dahil ito ay ang
pinakamahalaga.




Nagkakaroon po ng paghaharana noon
samantalang ngayon po ay sa celpon o chat na
lamang.


Magkakaroon po ako ng inspirasyon na
matupad ang aking mga pangarap.
























D. Talakayan

1. Ano ang naging paniniwala ni Dagwaley
matapos matira sa lungsod?


2. Tama, ano kaya ang dahilan kung bakit
hindi na siya umaayon sa kanilang
paniniwalang kinagisnan?



3. Magaling! Sa iyong palagay, tama ba ang
di niya pagsunod sa kanilang tradisyon?
Bakit?


4. Magaling! Kung ikaw naman si Dagwaley,
susundin mo ba ang pinapagawa ni Ama
Bagitay kahit maging dahilan nito ay hindi
pagpayag na ipakasal ang dalagang iyong
iniibig? Pangatwiranan.




5. Sa paanong paraan napabago ni Dagwaley
ang isipan ni Ama Bagitay gayong hindi
nito naibigay ang ulo ng kaaway?





6. Mahusay ang iyong kasagutan. Sa
pagpapakasal naman nila Dumay at
Dagwaley, anong mensahe ang nais nitong
iparating sa iyo sa kabila ng mga hadlang
sa kanilang pag-iibigan?


7. Sa iyong palagay, naging maganda ba ang
relasyon ni Ama Bagitay sa kanyang anak
ayon sa maikling kwentong tinalakay?


8. Magaling ang inyong mga kasagutan.



Nang matira sa lungsod si Dagwaley, nabago
ang kanyang pananaw hinggil sa kanyang tribo
at ang kanilang paniniwala ay hindi makatao.



Nabatid ni Dagwaley na ang pagpugot ng ulo ay
immoral at dapat ng itama ang mga maling
paniniwala.



Opo, dahil ang kanilang tradisyon ay hindi
umaayon sa tama at kinakailangan ng baguhin.





Hindi, dahil mayroon pang ibang paraan upang
mapapayag si Ama Bagitay at ito ay ang
katapangan at katapatan sa harap niya kahit
hindi ang ulo ng kaaway tulad ng ginawa ni
Dagwaley.


Napabago ni Dagwaley ang isipan ni Ama
Bagitay sa pamamagitan ng kanyang
katapangan at katapatan na kanyang pagsuyo
sa anak nito.






Ipinahahatid po ng pagmamahalan nina Dumay
at Dagwaley ang pag-ibig kung tunay ay dapat
ipinaglalaban sa tamang paraan.


Opo, dahil ipinakita sa kwento ang pagsunod ng
anak sa magulang na masasabing kanilang
kultura.





E. Pagtataya (Pangkatang Gawain)

Pangkat 1
Ilarawan ang mabubuti at di-mabubuting
katangian ng mga tauhan sa maikling kwento at
isulat ang epekto nito sa buhay ng isang tao.

Pangkat 2
Gumawa ng pagbabalangkas ng kwento gamit ang
graphic organizer. Humanda sa pagpapaliwanag.

Pangkat 3
Itala ang mga suliranin na hinarap ni Dagwaley at
iugnay sa kasalukuyang problema ng lipunan.

Suliranin ni
Dagwaley
Suliranin ng kasalukuyang
lipunan




Pangkat 4
Itala ang mga paniniwala , kultura at tradisyon ng
mga Iloko na ipinakita sa kwento sa pamamagitan
ng word webbing at iugnay sa inyong sariling
karanasan.








Pangkat 5
Magtala ng mga pagpapahalagang pangkatauhan
na angkop sa nilalaman ng maikling kwentong
binasa at inunawa.








Ang taong nakatamo ng karunungan ay
nagkakaroon ng magandang pananaw sa
buhay.








G. Paglalagom





ILOKO
O

G. Kasunduan
1. Sumulat ng one-liner sa makabuluhang natutunan batay sa tinalakay na maikling kwento.


Inihanda ni:
Bb. Mary Jane C. Castillo
BSED FILIPINO IV
1. Anu-ano ang mga katangian ng
pangunahing tauhan na sa iyong palagay
ay mayroong pagkakatulad sa iyo?





2. Paano mo mapahahalagahan ang iyong
relasyon sa iyong magulang sa loob at
labas ng inyong kinagisnang paniniwala.




3. Bilang isang mag-aaral, bakit dapat mong
pahalagahan ang relasyon mo sa iyong
magulang?




Ang katangian ng pangunahing tauhan na
kagaya rin sa akin ay ang pagiging matapat sa
minamahal at magalang sa magulang.



Mapahahalagahan ko ang relasyon sa aking
magulang sa pamamagitan ng pagbibigay
respeto sa kanila kahit anuman ang aking
marating.



Dapat na pahalagahan ko ang relasyon ko sa
aking magulang dahil sa kanila ako nanggaling
at utang ko sa kanila ang aking buhay.

You might also like