You are on page 1of 8

Department of Education

Region III
Division of City of San Fernando
SAN JOSE PANLUMACAN INTEGRATED SCHOOL
City of San Fernando (P)

DETAILED LESSON PLAN


FILIPINO Grade 9

STUDENT’S TEACHING October 19-23, 2020


NAME: DATES/WEEK (Week 1)
TEACHER’S QUARTER 2nd
NAME

I. Kasanayang Pampagkatuto
Pagkatapos ng isang linggong pagtalakay, ang mga mag-aaral ay inaasahang makakamit
ang mga kasanayang pampagkatuto:

1. Nasusuri ang tono ng pagbigkas ng napakinggang tanka at haiku (F9PN-IIa-b-45)


2. Nabibigyang kahulugan ang maatalinghagang salitang ginamit sa tanka at haiku (F9PT-IIa-b-45)
Nasusuri ang pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo ng pagbuo ng tanka at haiku (F9PB-IIa-b-45)
3. Nagagamit ang suprasegmental na antala/ hinto, diin at tono sa pagbigkas ng tanka at haiku
(F9WG-IIa-b-47)
4. Naisusulat ang isang payak na tanka at haiku sa tamang anyo at sukat (F9PU-IIa-b-47)

II. Nilalalaman
PAKSA:
A. Panitikan: Tanka at Haiku: Tanka ni Ki no Tomonori at Haiku ni Basho (Japan)
(Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat)

B. Gramatika/Retorika: Ponemang Suprasegmental (diin, tono, at antala o hinto)

C. Uri ng Teksto: Naglalarawan

a) Sanggunian: https: Filipino 9 Modyul para sa Mag-aaral pp. 88-100


b) Kagamitang Instruksyunal: larawan at sagutang papel

III.PAMAMARAAN:
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin
Magpakita ng larawan ng isang Hapones.

Pamprosesong mga tanong:


1. Saan bansa kaya maiuugnay ang babae sa larawan?
__________________________________________________________________
2. Saan kilala ang bansang pinagmulan ng babae sa larawan?
__________________________________________________________________
3. Paano naging maunlad ang kanilang bansa sa larangan ng panitikan?
__________________________________________________________________
4. Ano ang mga tanyag nilang panitikan?
__________________________________________________________________

B. Establishing a purpose for the lesson (Paghahabi sa layunin ng aralin)

KASANAYANG PAMPANITIKAN: Paglalahad ng guro ukol sa kasaysayan ng bansang Japan


upang madaling maunawaan (pagbasa)
Ayon sa aklat sa Filipino, ang Japan ang isa sa mga kilala at nangunguna sa larangan ng ekonomiya at
teknolohiya hindi lamang sa Asya kundi maging sa buong daigdig. Bagama’t
maunlad ang bansang ito, napapanatili pa rin ang kanilang sinaunang kultura at
panitikan kagaya ng tanka at haiku. Ang tanka at haiku ay ilang anyo ng tula na
pinahahalagahan ng Hapon. Ginawa ang tanka noong ikalawang-siglo at ang
haiku noong ika-15 siglo. Sa mga tulang ito layong pagsama-samahin ang mga
ideya at imahe sa pamamagitan ng kakaunting salita lamang.
Ang pinakaunang tanka ay kasama sa kalipunan ng mga tula na tinawag na Manyoshu o Collection of
Ten Thousand Leaves. Antolohiya ito na naglalaman ng iba’t-ibang anyo ng tula na karaniwang ipinahahayag
Page 1 of 8
at inaawit ng nakararami. Maikling awitin ang ibig sabihin ng tanka na puno ng damdamin.
Bawat tanka ay nagpapahayag ng emosyon o kaisipan. Karaniwang paksa naman ang
pagbabago, pag-iisa, o pag-ibig. Tatlumput-isa ang tiyak na bilang ng pantig na may limang
taludtod ang tradisyonal na tanka. Tatlo sa mga taludtod ay may tig-pitong bilang ng pantig
samantalang tig-5 pantig naman ang dalawang taludtod.

Noong ika-15 siglo, isinilang ang bagong anyo ng pagbuo ng tula ng mga Hapon. Ang
bagong anyo ng tula ay tinawag na haiku. Binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa
tatlung taludturan. Ang pinakamahalaga sa haiku ay ang pagbigkas ng taludtod na may
wastong antala o paghinto. Kiru ang tawag dito o sa Ingles ay cutting. Ang kiru ay kahawig
ng sesura sa ating panulaan. Ang kireji naman ang salitang paghihintuan o cutting word. Ito
ay kadalasang matatagpuan sa dulo ng isa sa huling tatlong parirala ng bawat berso. Ang
kinalalagyan ng salitang pinaghihintuan ay maaaring makapagpahiwatig ng saglit na
paghinto sa daloy ng kaisipan upang makapagbigay daan ito sa marangal na pagwawakas.

Estilo ng Pagkakasulat ng Tanka at Haiku


Parehong anyo ng tula ang tanka at haiku ng mga Hapon. Maikling awitin ang tanka na binubuo ng
tatlumput isang pantig na may limang taludtud. Karaniwang hati ng pantig sa mga taludtod ay: 7-7-7-5-5, 5-7-5-
7-7 o maaaring magkapalit-palit din ang kabuuan ng pantig ay tatlumput isang pantig pa rin. Samantala, ang
haiku ay mas pinaikli pa sa tanka. May labimpitong bilang ang pantig na may tatlong taludtod. Maaaring ang
hati ng pantig sa mga taludtod ay: 5-7-5 o maaaring magkapalit-palit din na ang kabuuan ng pantig ay labimpito
parin.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Gawain 1: Suriin Mo
A. Panuto: Basahin ang bawat tanka at haiku. Pagkatapos, suriin ayon sa paksa at
mensaheng nais ipabatid nito. Kopyahin ang pormat sa pagsagot sa sagutang papel.
Tanka Haiku
Katapusan ng Aking Paglalakbay Tutubi
ni Oshikochi Mitsune (Isinalin sa Filipino ni M.O. Jocson) ni Gonzalo K. Flores
Napakalayo pa nga
Wakas ng paglalakbay Hila mo’y tabak
Sa ilalim ng puno Ang bulakak
Tag-init noon nanginig sa
Gulo ang isip Paglapit mo
Tanka Haiku
Naghihintay Ako Anyaya
ni Prinsesa Nukada (Isinalin sa Filipino ni M.O. Jocson) ni Gonzalo K. Flores
Naghihintay ako, oo
Nanabik ako sa’yo. Ulilang damo
Pikit-mata nga ako Sa tahimik na ilog
Gulo sa dampi Halika, sinta
Nitong taglagas

Pamagat Paksa Mensahe


Tanka
Naghihintay Ako

Katapusan ng Aking
Paglalakbay

Haiku
Tutubi

Anyaya

Page 2 of 8
B. Pag-unawa sa Binasa
Panuto: Sagutin ang mga tanong.
1. Anong damdamin ang nangibabaw sa tanka at haiku?

2. Ano ang karaniwang paksa ng tanka at haiku? Ano ang nais ipahiwatig nito?

3. Nasasalamin ba sa tanka at haiku ang bansang pinagmulan nito? Paano nakikilala sa


panitikang ito ang kultura ng bansang pinagmulan nito?

4. Sa paanong paraang nagkakaiba ang pagbigkas ng tanka at haiku?

5. Paano naiiba ang tanka at haiku sa iba pang uri ng tula sa Pilipinas?

6. Paano nakatutulong ang ponemang suprasegmental sa pagbigkas ng mga tulang ito?

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 1


Narito ang mga halimbawa ng tanka at haiku na mula sa Wikang Nihongo ay isinalin naman sa Ingles at
Filipino. Basahin at suriin.

Tanka ni Ki no Tomonori
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
HAPON INGLES FILIPINO
Hi-sa-ka-ta no This perfectly still Payapa at tahimik
Hi-ka-ri-no-do-ke-ki Spring day bathed in soft light Ang araw ng tagsibol
Ha-ru no hi ri From the spread-out sky Maaliwalas
Shi-zu- ko-ko-ro na-ku Why do the cherry blossoms Bakit ang cherry blossoms
Ha-na no chi-ru-ra-mu So restlessly scatter down? Naging mabuway.

Haiku ni Basho
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
HAPON INGLES FILIPINO
ha-tsu shi-gu-re An old silent pond Matandang sapa
sa-ru mo ko-mi-no wo A frog jumps into the pond Ang palaka’y tumalon
ho-shi-ge na-ri Splash! Silence again Lumalagaslas

Gawain 2: Paglinang ng Talasalitaan


Panuto: Batay sa kultura ng mga taga-Japan, isulat sa loob ng kahon ang mga salitang kaugnay ng
kahulugan o ipinahihiwatig ng mga salitang nasa bilohaba. Gayahin ang pormat sa sagutang-papel.

salita palaka Cherry blossom taglagas

kahulugan

Kaugnay o
konatasyong
kahulugan

lagaslas tagsibol ulila mabuway

Page 3 of 8
Gawain 3: Kahon ng kaalaman
Panuto: Itala sa loob ng kahon ang mahahalagang impormasyon na nakalap mula sa binasang kaligirang
pangkasaysayan ng tanka at haiku.

tanka

Panahon kung kalian naisulat Paksa at tema Sukat


________________________ ________________________ ________________________
________________________ ________________________ ________________________

haiku

Panahon kung kalian naisulat Paksa at tema Sukat


________________________ ________________________ ________________________
________________________ ________________________ ________________________

Gawain 4: Antas ng Iyong Pag-unawa


Panuto: Sagutin ang mga tanong.
1. Anong damdamin ang nangibabaw sa ilang halimbawa ng tanka at haiku tinalakay? Ganito rin ba ang
iyong naramdaman? Bakit?
__________________________________________________________________________________
2. Ano ang karaniwang paksa ng tanka at haiku? Ano ang nais ipahiwatig nito?
__________________________________________________________________________________
3. Paano nakatulong ang tanka at haiku sa pagpapakilala ng kultura ng bansang pinagmulan nito?
__________________________________________________________________________________
4. May pagkakaiba ba ang pagbigkas ng tanka at haiku? Sa papaanong paraan nagkaiba?
__________________________________________________________________________________
5. Kung ikaw ang susulat ng ganitong uri ng tula, ano ang paksang nais mong talakayin? Ipaliwanag.
__________________________________________________________________________________

ALAM MO BA?
Kung may tanka at haiku ang Japan, tayo naman sa Pilipinas ay may tanaga? Ito ay isang uri ng
sinaunang tula ng mga Pilipino na may layong linangin ang lalim ng pagpapahayag ng kaisipan at masining
na paggamit ng antas ng wika. Binubuo ito ng tigpiptong pantig sa bawat taludtod ng bawat saknong.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2

Gawain 5: Pagsasanib ng Gramatika at Retorika


Panuto: Basahin at unawain ang halimbawa ng haiku, tanka at tanaga. Pagkatapos, sagutin ang
kasunod na mga tanong.
Haiku Tanaga
ni Natsume Soseki Tag-init ni Ildefonso Santos
isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
Alipatong lumapag
Sa kagubatan Sa lupa, nagkabitak
Hangi’y umaalulong Sa kahoy, nalugayak
Walang matangay. Sa puso, naglagablab

Haiku ni Basho Kabibe ni Ildefonso Santos


isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
Kabibe ano ka ba
Ambong kaylamig May perlas maganda ka Kung idiit sa tainga
Maging matsing ay nais ng Nagbubuntong hininga.
kapang damo.
Tanka
Hindi Ko Masabi ni Ki Tsurayuki Katapusan ng Aking Paglalabay ni Oshikochi Mitsune
isinalin sa Filipino ni M.O. Jocson isinalin sa Filipino ni M.O. Jocson
Hindi ko masasabi Napakalayo pa nga
Iniisip mo Wakas ng paglalakbay
Page 4 of 8
O aking kaibigan Sa lilim ng puno
Sa dating lugar Tag-init noon
Bakas pa ang ligaya Gulo ang isip.

Sagutin ang mga tanong.


1. Ipaliwanag ang konotasyon at denotasyong kahulugan ng mga salitang nasa talahanayan.
denotasyon konotasyon
umaalulong
damo
alipato
kabibe
ligaya
paglalakbay

2. Paghambingin ang ilang halimbawa ng tanka, haiku at tanaga batay sa sukat, tugma, at
pagbigkas.

3. May pagkakatulad ba ang pagsulat ng mga Pilipino ng tanaga sa pagsulat ng tanka at haiku
ng mga taga-Japan? Patunayan.

4. Masasalamin ba sa halimbawang haiku, tanka at tanaga na naibigay ang kultura ng bansang


pinagmulan nito? Ipaliwanag.

5. Batay sa mga nabasang halimbawa ng tula, anong mga isyung panlipunan ang maaaring
maiugnay sa mga ito?

Ang susunod mong pag-aaralan ay tungkol sa mga ponemang suprasegmental.


Mahalaga ito ujpang makatu7long sa iyo kung paano mo bibigkasin nang wasto diin,
tono o intonasyon at antala upang maipahayag mo ang damdamin o kahulugang
nais mong ipabatid sa iyong pakikipag-usap.

Ponemang Suprasegmental
Ito ay makahulugang tunog. Sa paggamit ng suprasegmental, malinaw na naipahahayag ang
damdamin, soloobin at kaisipang nais ipahayag ng nagsasalita. Sa pakikipagtalastasan,
matutukoy natin ang kahulugan, layunin o intension ng pahayag o ng nagsasalita sa
pamamagitan ng diin, tono o intonasyon at antala o hinto sa pagbibigkas at pagsasalita.
1. DIIN – ang lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig sa
salita. Ang diin ay isang ponema sapagkat sa mga salitang may iisang tunog o baybay,
ang pagbabago ng diin nakapagpapabago ng kahulugan nito.
Maaaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang malaking titik.
Mga halimbawa:
a. BU:hay = kapalaran ng tao b. LA:mang = natatangi
Bu:HAY = humihinga pa la:MANG = nakahihigit; nangunguna
2. TONO/ INTONASYON – ang pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring makapagpasigla,
makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin, makapagbigay-kahulugan, at makapagpahina
ng usapan upang higit na maging mabisa ang ating pakikipag-usap sa kapwa.
Nagpalilinaw ito ng mensahe o intesyong nais ipabatid sa kausap tulad ng pag-awit. Sa
pagsasalita ay may mababa, katamtaman, at mataas na tono. Maaaring gamitin ang
bilang 1 sa mababa, bilang 2 sa katamtaman, at bilang 3 sa mataas.
Mga halimbawa
a. Kahapon = 213, pag-aalinlangan
Kahapon = 231, pagpapatibay, pagpapahayag

Page 5 of 8
b. talaga = 213, pag-aalinlangan
talaga = 231, pagpapatibay, pagpapahayag
3. ANTALA/ HINTO – Bahagyang pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw
ang mensaheng ibig ipabatid sa kausap. Maaaring gumamit ng simbolo kuwit (,),
dalawang guhit na pahilis (//), o gitling (-).
Mga halimbawa:
a. Hindi/ ako si Jeonghan
(Pagbigkas ito na ang hinto ay pagkatapos ng HINDI. Nagbibigay ito ng kahulugan n
ang nagsasalita ay nagsasabing siya si Jeonghan na maaaring siya’y napagkamalan
lamang na si Joshua.)
b. Hindi ako, si Jeonghan.
(Pagbigkas ito na ang hinto ay nasa AKO. Pagpapahiwatig ito na ang kausap ay
maaaring napagbintangan ng isang bagay na hindi ginawa. Kaya sinasabi niyang hindi
siya ang gumawa kundi si Jeonghan.
c. Hindi ako si Jeonghan.)
(Pagbigkas ito na nasa hulihan ang hinto. Nagpapahayag ito na ang nagsasalita ay
nagsasabing hindi siya si Jeonghan.)

F. Paglinang sa kabihasnan
Gawain 6: Ngayong nalaman mo na ang kahulugan ng mga ponemang suprasegmental, sagutin ang
mga pagsasanay upang lalong maging bihasa sa paggamit ng mga ito.

Pagsasanay 1.
Bigkasin at isulat ang kahulugan ng mga pares ng salita na pareho ang baybay subalit magkaiba ang
bigkas.
1. /SA:ka/ = ______________________________ /sa:KA/ = _____________________________
2. /BU:hay/ = _____________________________ /bu:HAY/ = ___________________________
3. /ki:ta/ = ________________________________ /ki:ta/ = ______________________________
4. /ta:la/ = ________________________________ /ta:la/ = ______________________________
5. /ba.la/ = ________________________________ /ba.la/ = ______________________________

Pagsasanay 2.
Tukuyin ang wastong tono ng bawat pahayag batay sa layunin nito. Maaaring gamitin ang bilang 1 sa
mababa, bilang 2 sa katamtaman, at bilang 3 sa mataas.
1. kanina = ____, pag-aalinlangan kanina = ____, pagpapatibay, pagpapahayag
2. mayaman = ____, pag-aalinlangan mayaman = ____, pagpapatibay, pagpapahayag
3. magaling = ____, pag-aalinlangan magaling = ____, pagpapatibay, pagpapahayag
4. kumusta = ____, pag-aalinlangan kumusta = ____, pagpapatibay, pagpapahayag
5. Ayaw mo = ____, pag-aalinlangan Ayaw mo = ____, pagpapatibay, pagpapahayag

Pagsasanay 3.
Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na salita.
Halimbawa: /sa:KA/ - at saka (also) = Bumili ka ng makakain saka ng maiinom.
1. /BA:ba/ - _________ = ____________________________________________________________
2. /BA:ta/ - _________ = ____________________________________________________________
3. /ba:GA/ - _________ = ____________________________________________________________
4. /la:BI/ - _________ = ____________________________________________________________
5. /BA:sa/ - _________ = ____________________________________________________________

Pagsasanay 4.
Basahin ang sumusunod na pahayag. Subukin kung anong mga pagkakaiba ng kahulugan ang
maibibibigay sa paggamit ng hinto at intonasyon.
1. Hindi si Hoshi ang sumulat sa akin.

2. Woozi, Jun, Wonu ang tatay ko.

3. Hindi siya ang kaibigan ko.

Page 6 of 8
G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay

Gawain 7: Bumuo ng isang payak na tanka o haiku na nasumasalamin sa makabago o modernong


kultura ng mga Pilipinong kabataan.
________________________________
ni ______________

H. Paglalahat ng aralin

Ang Tanka ay anyo ng tula na pinahahalagahan ng panitikang Hapon. Ang


pinakaunang tanka ay kasama sa kalipunan ng mga tula na tinawag na MANYOSHU o
COLLECTION OF TEN THOUSAND LEAVES. Habang ang Haiku ay maikling awitin na
puno ng damdamin. Ito ay nagpapahayag ng emosyon o kaisipan. Karaniwang paksa ang
pagbabago, pag- iisa o pag-ibig. Sila ay parehong nagmula sa hapon at parehong may
paksang pag ibig at mayroon itong tiyak na sukat.
https://brainly.ph/question/454881#readmore

Nakakatulong ang mga ponemang suprasegmental sa pagbigkas ng tula dahil ang


mga ponemang ito ay nagbibigay ng angking tono, intonasyon, haba, diin, hinto o antala
sa mga salita. Maaalala na ang tula ay may elemento ring tulad ng makikita sa mga
ponemang suprasegmental. Kadalasan, mahalaga rin ito kung ang isang tula ay may mga
salitang magkakapareho ng baybay ngunit magkakaiba ang kahulugan
https://brainly.ph/question/423995#readmore

I. Pagtataya ng Aralin
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang tawag sa yunit ng salita na may kahulugan?
A. morpema
B. ponema
C. salitang-ugat
D. pantig

2. Ano ang tawag sa tulang nagmula sa Hapon na binubuo ng 31 na pantig?


A. Haiku
B. Tanka
C. Ambahan
D. Tanaga

3. Kailan naisulat ang Tanka sa kasaysayan ng panitikang Hapon?


A. ika-15 siglo
B. ika-13 siglo
C. ika-8 siglo
D. ika-9 na siglo

4. Ano ang ibig sabihin ng paglagas ng Cherry Blossoms sa mga Tanka ng Hapon?
A. nalanta na ang Cherry Blossoms
B. mainit na ang panahon
C. malapit na ang taglamig
D. paglipas ng panahon
Page 7 of 8
5. Ano ang tawag sa sinaunang tula ng mga Pilipino na binubuo ng tigpipitong pantig sa bawat taludtod?
A. Tanka
B. Soneto
C. Haiku
D. Tanaga

6. Bakit mahalagang bigkasin nang wasto ang mga ponemang suprasegmental sa pakikipagtalastasan?
A. upang mas maging malakas ang ating tinig sa pagbigkas
B. upang maipaabot sa kausap ang tumpak na mensahe at damdamin
C. upang maging malinaw ang kahulugan ng nais nating maipabatid
D. upang maging wasto ang baybay ng mga salitang ating isinusulat

7. Paano naiiba ang Tanaga sa Pilipinas at Tanka ng Japan?


A. Malalim ang kahulugan ng Tanka, ang Tanaga’y mababaw.
B. Ang paksa ng Tanaga ay tungkol sa pag-ibig, ang Tanka ay sa panahon.
C. Mas mahaba ang Tanka kaysa sa Tanaga.
D. May tugma sa Tanaga sa Tanka ay wala.

8. Ano ang tawag sa ponemang suprasegmental na tumutukoy sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa


pagbigkas ng salita?
A. tono
B. antala
C. hinto
D. diin

9. Alin sa sumusunod ang maituturing na simula ng panitikang Hapon kung historikal ang
pagbabatayan?
A. Manyoshu
B. Tanka
C. Haiku
D. Haiku

10. Ano ang bagong anyo ng pagbuo ng tulang Hapon?


A. Kana
B. Tanka
C. Haiku
D. Manyoshu

J. Karagdagang Gawain para sa takdang aralin/o remediation


Titiyakin kung naunawaan ng mag-aaral ang pagsulat ng ganitong uri ng tula sa pamamagitan ng
sumusunod:
a. Kung ikaw ang susulat ng ganitong uri ng tula, ano ang paksang iyong talakayin? Bakit? Ano-ano ang
salitang gagamitin mo sa paglalarawan ng iyong paksang napili?

Paksa Mga Salitang Gagamitin

b. Kompletuhin ang pahayag upang mabuo ang diwa ng talata.

Natutuhan ko ang maraming bagay tungkol sa ________________________________________.


Halimbawa, ____________________________________. Sa aking palagay, ______________________
___________________________________________________________________________________.
Isang tanong ang nais kong masagutan at ito ay ____________________________________________.
Ibig ko pang maunawaan ang ___________________________________________________________.

Inihanda ni: LAGDA NG MAGULANG


Bb. REA P. BINGCANG ____________________________
PANGALAN
Page 8 of 8

You might also like