You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF CITY OF SAN FERNANDO
SAN JOSE PANLUMACAN INTEGRATED SCHOOL
SAN JOSE, CITY OF SAN FERNANDO, PAMPANGA

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 10

PANGALAN: _________________________________ PETSA: ________________ ISKOR: _____


I. Piliin ang wastong sagot at isulat ito sa inyong answer sheet.
1.Ano ang dalawang salita na kapag pinagsama ay nangangahulugang – taong kasama at katulong sa gawaing
bahay?
A. Agaw + buhay B. Kapit + bahay C. Kasama + bahay D. Talam + buhay

2. Ano itong naglalayon na magamit ang isang punong mga salita batay sa isa pang salita upang makabuo ng
ibang kahulugan?
A. Kolokasyon B. Paghihinuha C. Pananaw o Dulog D. Tayutay

3. Ano ang salitang maaaring iugnay sa salitang tagagaod upang mabuo ang salitang BANGKERO?
A. bahay B. bangka C. balita D. babae

4. Sino-sino ang mga matutunghayang mga tauhan sa isang mitolohiya?


A. mga diyos at diyosa na may taglay na kakaibang kapangyarihan
B. mga iba’t ibang uri ng hayop na nakapagsasalita
C. mga prinsesa at prinsepe sa isang kaharian
D. mga bathala at hayop

5. Tungkol saan ang mitolohiyang Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante?
A. tungkol sa pagpapakitang gilas ni Thor
B. hinggil sa paglalakbay ni Skymir sa mundo ng mga tao
C. hinggil sa paglalakbay ng dalawa sa lupain ng mga higante
D. tungkol sa pagbabagong buhay ni Loki sa lupain ng mga higante

6. Anong paksa at ideya ang masasalamin sa mitolohiyang Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante?
A. Ang labis na kayabangan sa taglay na kakayahan ay maaaring magdala sa tao ng matinding kapahamakan.
B. Ang pagtupad sa napagkasunduan ay ugaling dapat natin isakatuparan.
C. Ang panlinlang at panloloko sa kapwa ay gawaing masama.
D. Lahat ng nabanggit

7. Ano ang mensaheng nais ipabatid ng epikong Rihawani?


A. Dapat maging maingat sa pagdedesisyon dahil nakaakibat dito ang iyong buhay at maaaring magdulot ng
kapahamakan na hindi inaasahan.
B. Kailangan din nating pangalagaan ang ating inang kalikasan dahil dito nakasalalay ang ating kinabukasan.
C. Anumang payo ang matanggap ay ating sundin dahil nagpapakita ito ng respeto sa iyong sarili at kapwa.
D. Lahat ng nabanggit

8. Saan salita nagmula ang salitang kastilyo?


A. Espanyol B. Ingles C. Nihonggo D. Tagalog

9. Anong uri ng pamahalaan ang umiiral sa bansang ito ayon sa pahayag:


“Inihayag ni Haring Duncan na ang gusto niyang maging tagapagmana ng trono ay ang kanyang anak na si
Malcolm.”
A. demokrasya B. diktadura C. monarkiya D. parliamentarya

Page 1 of 6
10. Ano ang pagkakaiba ng tagpuan ng dulang Macbeth sa bansang Pilipinas?
A. ang uri ng pamahalan C. ang pinuno ng estado
B. ang kalagayan sa buhay ng mga mamamayan D. lahat ng nabanggit

Para sa bilang 11-16


MAYNILA Bienvenido A. Ramos
Sa pagkakaluhod, ang iyong bangketa
ay nanakluhod sa iyong eskolta;
kayrikit ng ilaw
sa iyong libingan ng mga bulaklak na nangakatawa
habang nilalagas ng hayok na pita!

Ang nagmamadaling sala mong maharot


ay dumadapurak sa banal na loob;
sa iyong simbahan
buwitreng naglisaw
ang abalang nasang kahit nakaluhod
ay nangagpipiging sa bangkay ng diyos!

Nagpapaubaya ang kandungang-lagim


sa kawalang-muwang na nangaglalasing;
ang iyong pagtawa
isang libo’t isang hiwaga sa dilim
ang isinisilang at inililibing!

Nag-aanyaya kang bagong paraiso,


may ngiting salubong sa singki at dayo;
kung mayakap ka na
saka mapupuna
na ang kariktan mong akala’y kung sino
may ikinukubling maruming
estero. https://www.tagaloglang.com/tula-maynila/
11. Ilang saknong mayroon ang tulang Maynila?
A. 5 B. 4 C.3 D. 2

12. Ilan ang sukat ng tula sa ikalawang saknong?


A. 11 B. 14 C. 13 D. 12

13. Alin sa mga sumusunod ang hindi magkakatugma?


A. bangketa-eskolta C. Paraiso-dayo
B. simbahan-naglisaw D. sino-estero

14. Ano ang inilalarawan sa tula ng Maynila?


A. Mainit na klima ng Maynila
B. Maganda at kaakit akit sa mga dayo.
C. Nakatatakot na lugar kaya mag-ingat.
D. May nakakubling kasamaan sa likod ng inaakalang magandang lugar.

15. Maraming buwitreng naglisaw sa loob ng simbahan kaya dapat kang mag-ingat. Ano ang ibig sabihin ng
buwitreng naglisaw?
A. mababait at matulungin C. masasama na nag-aalisan
B. estranghero D. mambubugbog

16. Anong katangiang pantao ang inilarawan sa mga bulaklak?


A. Nakaluhod B. Marikit C. Nangakatawa D. Namatay

Page 2 of 6
Para sa bilang 17-20
1. Kung tatanawin mo sa malayong pook,
2. ako’y tila isang nakadipang kurus,
3. sa napakatagal na pagkakaluhod,
4. parang hinahagkan ang paa ng Diyos.
-Isang Punongkahoy
17. Ano ang ibig ipahiwatig ng Makata sa saknong na ito?
A. Isang bagay ang makikita mo na malalabong ang dahon at sa tagal ng panahon ito ay malaki na.
B. Isang labanan na maaninag mo sa malayong pook
C. Isang krus na iyong makikita sa malayo
D. Bagay na kinatatakutan ng lahat

18. Anong uri ng tayutay ang nasa ikalawang linya?


A. Pagtutulad B. Pagwawangis C. Pagmamalabis D. Pagtatao

19. Anong uri ng tayutay ang nasa ikaapat na linya?


A. Pagtutulad B. Pagwawangis C. Pagmamalabis D. Pagtatao

20. Ano ang ipinahiwatig ng hinahagkan ang paa ng Diyos?


A. Nagbibiro sa Diyos C. Nagsusumamo sa Diyos
B. Nagpapaalam sa Diyos D. Nagkukunwari sa harap ng Diyos

21. Ang mga pahayag sa ibaba ay mga katangian ng isang klasisismo, MALIBAN sa isa. Alin sa ibaba ang naiiba?
A. Pinahahalagahan ang katwiran at pagsusuri.
B. Binibigyang- halaga ang indibidwalismo kaysa kolektibismo.
C. Layuning mailahad ang katotohanan, kabutihan at kagandahan.
D. Malinaw, marangal, payak, matimpi, obhetibo, magkakasunod-sunod at may hangganan.

22. Anong uri ng pagdulog o pananaw sa pagsusuring pampanitikan ang tumutukoy sa higit na lutang na
damdamin kaysa kaisipan?
A. Klasisismo B. Romantisismo C. Realismo D. Humanismo

23. Ang nobelang pinamagatang “Si Anne ng Green Gables” ay kuwento ng dalawang magkapatid na
matandang babae at lalaki na gustong mag-ampon ng batang lalaki ngunit sa halip na lalaki ay batang babae
ang naipadala sa kanila ng ampunan. Batay sa pahayag, anong pagdulog o pananaw ang nangingibabaw sa
nobelang ito?
A. Humanismo B. Eksistensyalismo C. Feminismo D. Marxismo

24. Ang nobelang pinamagatang “Si Anne ng Green Gables” ay tanyag na naisalin sa pambatang palabas o
animated cartoon, base sa palabas na ito, Anong katangian ni Matthew na nagpapakita ng kanyang labis na
pagkamahiyain?
A. Hindi niya magawang makipag-usap sa mga babae maliban kina Marilla at Anne.
B. Hindi siya lumalabas ng bahay at palaging nagkukulong sa kanyang silid.
C. Hindi siya sumasagot kahit kinakausap siya ng mga tao.
D. Hindi siya nakikipag-usap sa kahit sinong tao.

25. Sa katapusan ng nobelang “Si Anne ng Green Gables” si Anne ay naging isang?
A. Abogado B. Doktor C. Negosyante D. Guro

26. Bakit hindi natuloy ang pag-aaral ni Anne sa Redmond College gamit ang Avery Scholarship?
A. Kailangan siya ni Marilla sa mga panahong humihina na ang paningin nito.
B. Ipinangako niya kay Marilla na hindi siya lalayo sa Green Gables.
C. Pinagbawalan siya ni Marilla na lumayo para mag-aral.
D. Inalok siya ni Gilbert ng kasal.

27. Bakit hindi nakasama ni Anne ang kanyang matalik na kaibigan na si Diana sa Queen’s Academy?
A. Nag-asawa na siya agad pagkatapos nila ng hayskul. C. Hindi na siya pinag-aral ng magulang.

Page 3 of 6
B. Nagtayo siya ng isang maliit na negosyo. D. Nag-aral siya sa ibang unibersidad.
28. Anong uri ng pagdulog o pananaw ang nagsusuri ng kalagayan sa mga kababaihan at ang pagkakapantay-
pantay ng kalagayan ng mga kababaihan at kalalakihan sa lipunan at maging sa panitikan?
A. Feminismo B. Moralistiko C. Formalismo D. Imahismo

29. Masasabing ang nobelang “Si Anne ng Green Gables” at ang teleseryeng “Hawak Kamay” ay may
pagkakapareho. Sa papaano kaya ito nagkakapareho?
A. Pareho sila na may temang Feminismo.
B. Pareho ang mga pangalan ng mga tauhan.
C. Parehong patungkol sa pag-aampon ang tema.
D. Pareho sila na tumatalakay sa napapanahong isyu ng lipunan.

30. Ang nobelang “Si Anne ng Green Gables” at ang teleseryeng “Dream Dad” ay may pagkakahawig din.
Magkapareho din ang wakas nito. Sa papaano kaya nagwakas ang dalawang ito?
A. Parehong napamahal ang mga inampon sa mga nag-ampon sa kanila.
B. Parehong naging mapagmahal na guro ang mga pangunahing tauhan.
C. Parehong naging matagumpay na negosyante ang mga tauhan.
D. Parehong nasawi sa huli ang mga pangunahing tauhan.

31. Ano ang suliranin ni Della sa kuwentong Aginaldo ng mga Mago?


A. Ang handa nila sa pasko. C. Bibilhin na palamuti sa kanilang bahay sa pasko.
B. Ibibigay na regalo sa asawa niyang si Jim. D. Ang kanilang ibibigay na regalo sa kanilang anak.

32. Bakit nabigla si Jim nang makita niya ang buhok ni Della?
A. Dahil ayaw niyang magpagupit si Della.
B. Binilhan niya ng suklay si Della bilang regalo.
C. Hindi akma kay Della ang kanyang bagong gupit.
D. Dahil gusto niya si Della kung mahaba ang kanyang buhok.

33. Ano ang damdamin ang nakapaloob sa diyalogo na ito, “Huwag mo sana akong masdan nang ganyan,
ipinaputol ko ang aking buhok at ipinagbili sapagkat hindi na ako makatatagal pa hanggang sa isang pasko
kung hindi kita mabibigyan ng aginaldo”.
A. Pag-aalala B. Pagtataka C. Pagkainis D. Pagtatampo

34. Ano ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit sa pangungusap, Si Della ay sumalagpak sa narinig na
balita?
A. napatayo B. napahiga C. napaupo D. napaiyak

35. Humagulgol ako habang nanonood ng isang drama sa TV, ano ang kahulugan ng salitang humagulgol?
A. malakas na sigaw B. malakas na iyak C. malakas na tawa D. malakas na palo

36. "Naglayag sa dagat ang matandang si Santiago upang manghuli ng isda na maaari niyang ibenta at kanyang
kainin.” Aling bahagi ng nobela makikita ang pahayag na ito?
A. simula B. wakas C. gitna D. Kasukdulan

37. Ito ay binubuo ng mga yugto na nagsasalaysay ng mga kawing-kawing na pangyayari ng buhay ng mga tao
na bukod sa nagbibigay- aliw ay nagpapakilos at pumupukaw sa damdamin at kamalayan ng mambabasa?
A. Dula B. maikling kuwento C. nobela D. Talumpati

38. Ang sumusunod ay mga katangian ng isang nobela, MALIBAN sa ________.


A. kawili-wili at pumupukaw ng damdamin
B. nag-iiwan ng di mabuting aral sa mga mambabasa.
C. maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan
D. malikhain at may dapat maging maguniguning paglalahad

39. Ano ang isang uri ng pagtatalakay na nagbibigay-buhay at diwa sa isang likhang sining?
A. panunuri B. paglalahad C. pananaw D. pagsisiyasat

Page 4 of 6
40. Ano itong isang anyo ng pagsusuri ng binasang teksto o akda?
A. pasulat ng script B. suring-pananaw C. suring-basa D. pagbabasa

41. Aling pahayag ang nagpapatunay na ang nobelang "Ang Matanda at ang Dagat” ay isang Realismo?
A. inilalarawan ang karanasan at lipunan na parang sa tunay na buhay
B. pinapahalagahan higit ang tao kaysa sa anumang bagay
C. nasusuri ang kalagayan ng mga kababaihan
D. pinahalagahan ang katwiran ng tauhan

42. Ano ang mahahalagang aral sa nobelang " Ang Matanda at ang Dagat"?
A. Ang isang taong mahirap ay maaari pa ring magkaroon ng magandang buhay sa hinaharap.
B. Lahat ng mga pagsubok sa buhay ay malalampasan basta't may tiwala at determinasyon.
C. Ang masamang ugali ng isang bata ay hindi nagbabago hanggang sa pagtanda.
D. Ang pagkabigo ay nakapagdudulot din ng kabutihan sa isang tao.

43. Kung ang editoryal ay isang mapanuring pagpapakahulugan ng kahalagahan ng isang napapanahong
pangyayari upang mabigyan ng kaalaman, ano naman ang talumpati?
A. kaunti lamang ang nais itatalumpati
B. buong datos na nais ipahayag sa awtor
C. kalahating kaisipan na nais ipahayag ng isang manunulat
D. kabuuan ng mga kaisipang nais ipahayag ng isang mananalumpati

44. Alin sa ibaba ang simbolo na naglalahad ng katotohanan kung bakit nasabi ng Pangulong Rousseff ang
kalagayan sa lipunan?
A. nakita B. nasilip C. nasulyapan D. napanood

45. Uri ng pampanitikan na ang nakalahad dito ang pinakamalakas na katibayan, katwiran at paniniwala para
makahikayat ng pagkilos mula sa mga tagapakinig ayon sa paksa.
A. talumpati B. dula C. tula D. anekdota

II. Panuto: Basahin ang sumusunod na pahayag at pagkatapos ay magbigay ng iyong sariling opinyon ukol
dito. (2 puntos sa bawat bilang)
46-47. “Ang ating pangunahing tungkulin ay ang magsikap na maiangat ang bansa mula sa kahirapan, sa
pamamagitan ng pagpapairal ng katapatan at mabuting pamamalakad sa pamahalaan,”- Pangulong Benigno
“Noynoy” Aquino III (Inagurasyong Talumpati, 2010)

________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

48-49. “Ipakikita natin ang ating lakas ng loob na solusyunan ang mga di pagkakaunawaan sa ibang nasyon
nang mapayapa- hindi dahil naduduwag tayong harapin ang mga panganib, kundi dahil ang pakikipagsundo
ang matibay na mag-aalis sa pagdududa at takot.”- Pangulong Barack Obama (Salin mula sa Inagurasyong
Talumpati, 2013)

________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

III. Bigyan ng sariling wakas ang nobelang Ang Matanda at Ang Dagat ni Ernest Hemingway.

________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

Inihanda ni: Sinuri at Iniwasto ni: Sa Kabatiran ni:

Page 5 of 6
REA P. BINGCANG AARON CHRISTOPHER G. FABIAN MARY JANE P. MALLARI
FILIPINO 10 Teacher HEAD TEACHER II PRINCIPAL I

Page 6 of 6

You might also like