You are on page 1of 7

Macbeth

ni: William Shakespeare


(Pagsasalaysay sa Dula ng Scotland)

Kapwa heneral ng Scotland na pinamumunuan ni Haring Duncan ang


magkaibigang sina Macbeth at Banquo. Pauwi na sila matapos ang pagkapanalo sa
pakikidigma. Nakasalubong nila ang tatlong manghuhula. Binati ng mga
manghuhula si Macbeth bilang Thane ng Glamis, ito ang kanyang tunay na titulo.
Ngunit nagtaka siya nang tawagin siya bilang Thane ng Crawdor. Hinulaan nilang
magiging hari pagdating ng araw si Macbeth at kay Banquo namang lahi
magmumula ang papalit sa pagkahari ni Macbeth. Dumating naman kaagad ang
pinadalang tauhan ni haring Duncan upang batiin ang dalawa sa kanilang
tagumpay. Hinirang ng hari si Macbeth bilang Thane ng Crawdor dahil ang dating
Thane ay nagtraydor sa hari at pinarusahan ng kamatayan. Naisip ng dalawa na
baka tama ang hula sa kanila. Kaya tinanong ni Macbeth kung umaasa si Banquo
na magkakatotoo ang hula sa kanya ngunit sinabi lamang niya ang demonyo
minsan ay nagsasaad ng kalahating katotohanan upang maakit ang taong
gumagawa ng makasasama sa sarili.
Nang sila ay makita ni Heneral Duncan, nagpasalamat ito para sa kanilan
kabayanihan at ipinagtapat sa lanat na ang tagapagmana ng lkanyang trono ay
ang anak na si Malcolm. Sinabi ni Haring Duncan na nais niyang maghapunan at
mamalagi sa kastilyo ni Macbeth. Sumulat naman si Macbeth sa kanyang asawang
si Lady Macbeth upang ipabatid sa kanya ang magiging panauhin nito at ang mga
naging hula sa kanyang buhay.
Inasam ni Lady Macbeth na mapunta ang trono sa kanyang asawa at ang naisip
nitong paraan ay ang patayin ang hari. Ngunit nagdadalawang isip si Macbeth
kung papatayin niya ang hari dahil napakabuti nito sa kanya at wala siyang
dahilan para gawin ito maliban na lamang sa kanyang ambisyon.
Kinuwestiyon ni Lady Macbeth ang kanyang pagkalalaki at hinikayat siya sa
plano nitong lalasingin ang dalawang guwardiya ng hari at papatayin ni Macbeth
ang hari. Ibinaling ang sisi sa dalawang lasing na guwardiya dahil pinunasan sila ni
Macbeth ng dugo ng hari.
Nadiskubre naman ni Macduff, ang katiwala ng hari ang nangyari sa hari. Sinabi
ni Macbeth na pinatay niya na ang dalawang guwardiyang pinagbibintangang
pumatay sa hari dahil sa labis niyang galit. Ngunit hindi makapaniwala si Macduff
na kayang patayin ng mga guwardiya ang hari; kaya nagkaroon ng suspetsa si
Macduff hinggil dito. Umalis ang dalawang anak ng hari na sina Malcolm at
Donalbain. Nangangamba sila na baka sila na ang isunod sa kanilang amang hari
na patayin. Nagtungo si Malcolm sa England at si Donalbain naman ay sa Ireland.
Hindi pa rin nawala sa isip ni Macbeth ang hulang ang papalit sa kanya ay
magmumula sa lahi ni Banquo. Isang gabi ay pinatawag niya si Banquo sa
palasyo. Hindi alam ni Banquo ay may inupahan si Macbeth na taong papatay sa
kanya at sa anak niyang si Fleance. Ngunit si Fleance ay nakaligtas sa tangkang
pagpatay.
Sa ginawang pagtitipon ni Macbeth sa Scotland ay nagpakita ang kaluluwa ni
Banquo. Labis na natakot ang hari at inayos naman ni Lady Macbeth ang
kaguluhang ito ngunit nagkaroon ng batik ang bagong hari para sa maraming
maharlika.
Dahil dito, bumalik si Macbeth sa tatlong manghuhulang dating nanghula sa
kanila. Binalaan siyang hindi siya mapapatay ng kahit sinomang taong iniluwal ng
isang babae at hangga't hindi niya nakikita ang gubat ng Birnam Wood na
papalapit sa palasyo ng Dunsinane. Hindi naman ito ikinabahala ni Macbeth dahil
sa pagkakaalam niya na ang lahat ng tao ay iniluwal ng isang babae at ang gubat
ng Birham Wood hindi naman puwedeng gumalaw at mapalapit sa Dunsinane.
Umalis naman si Macduffsa palasvo at nagtungo kay Malcolm upangSumanib at
himuking labanan si Macbeth. Sinubok naman ni Malcolm ang katapatan ni
Macduff at naging magkatuwang ang dalawa para sa isang natatanging balak.
Nang nalaman ni Macbeth na umalis at tumakas sa palasyo si Macduft, pinapatay
ni Macbeth ang asawa nitong si Lady Macduff at ang kanilang mga anak.
Nalaman naman ni Macduff ang balita tungkol sa ginawang kapangahasan ni
Macbeth sa kanyang pamilya. Labis na nagalit si Macduff kay Macbeth at
nangakong maghihiganti. Bumalik sila ni Malcolm sa Scotland kasama ang
sampung libong sundalong pinahiram ni Haring Edward. Naging kapanalig nila ang
mga maharlika sa Scotland upang talunin ang mapanil na pinunong si Macbeth.
Inusig naman si Lady Macbeth ng kanyang konsensya kaya nagawa nitong
magpatiwakal. Nabagabag si Macbeth sa pangyayaring ito ngunit sa halip na
malungkot ay lalong pinalakas ni Macbeth ang kanyang puwersa upang kubkubin
ang mga paparating na hukbo nina Macdutt. Ngunit habang papalapit na nang
papalapit ang hukbo nina Macduft at Malcolm ay labis siyang natakot. Ikinubli ng
htona hukbo ni Macduff ang kanilang bilang sa pamamagitan ng pagtatakip ng
mga sanga mula sa gubat ng Birham wood. Kaya nangyari na naman ang naging
hula sa kanya.
Nagsagupaan ang dalawang hukbo at hindi matalo nina Macbeth ang hukbong
mula sa England. Nang magkaharap sila ni Macduff, sinabi nitong siya ay hindi
iniluwal ng kanyang ina kundi siya ay mula sa sinapupunan ng ina. Siya ay
tinanggal sa sinapupunan sa pamamagitan ng hindi pagdaan nito sa ari ng ina. Ito
ngayon ang tinatawag na CS o caesarean section. Nagpatuloy pa rin sa
pakikipaglaban si Macbeth kay Macduff. Hangga't siya'y namatay. Hinirang na
bagong hari ang anak ni Haring Duncan na si Malcolm.

PAGPAPAYAMAN NG TALASALITAAN
Palaisdaan ng Talasalitaan: Hulihin ang isda upang mabigyang-kahulugan ang
mga salita. Piliin ang kahulugan ng salitang may salungguhit na nakasulat sa loob
ng mga isda.
1. Inusig si Lady Macbeth ng kanyang konsensya.
2. Ipinagtapat sa lahat na ang tagapagmana ng trono ay anak ni Malcolm.
3. Nadiskubre ni Macduff ang nangyari sa hari.
4. Si Thayne ay nagtraydor sa hari at pinarusahan.
5. Pauwi na sila matapos ang pagkapanalo sa pakikidigma.
ginuho nagtataksil

natuklasan sinabi

pakikipaglaba
n

GAWAIN 1
Kultura Mo, Kultura Ko: Paghambingin ang kulturang nakita sa binasang akda sa
kulturang mayroon ang ating bansa.

Gusto ni Haring Duncan na maging tagapagmana ng trono


ang kaniyang anak na si Malcolm.
Nasalaming Kultura sa Kaugnay na Kultura sa Karagdagang
Scotland Pilipinas Impormasyon

Paniniwala ni Macbeth sa tatlong manghuhula.


Nasalaming Kultura sa Kaugnay na Kultura sa Karagdagang
Scotland Pilipinas Impormasyon
Pinagsabihan ni Lady Macbeth ang kaniyang asawa na duwag at
mahina ang pagkalalaki kaya sumunod si Macbeth sa nais nitong plano.

Nasalaming Kultura sa Kaugnay na Kultura sa Karagdagang


Scotland Pilipinas Impormasyon

Karamihan sa mga bisita ni Macbeth sa pagtitipon sa


Scotland ay pawang mga maharlika.
Nasalaming Kultura sa Kaugnay na Kultura sa Karagdagang
Scotland Pilipinas Impormasyon

Ang mga mandirigma ay hindi sumusuko hangga't hindi


natatalo ang gaya ni Macbeth.
Nasalaming Kultura sa Kaugnay na Kultura sa Karagdagang
Scotland Pilipinas Impormasyon

Mga Uri ng Dulang Pantanghalan Ayon sa


Anyo
Ang dula ay isang uri ng panitikang nakatuon sa sining ng panggagaya at
pagganap sa tagpo ng buhay sa isang tanghalan. Nagpapakita ito ng iba't ibang ayos
at kalikasan ng buhay. Itinatampok nito ang kakayahan at kasanayan ng isang tao
na humarap sa hamon ng buhay. Ito ay naglalayong magbigay-allw impormasyon, at
higit sa lahat ay realisasyon sa sinomang tagapanood.
Narito ang ilan sa mga uri ng dulang pantanghalan ayon sa anyo:
1. Komedya - ito ay nagpapakita ng mga katawa-tawang pangyayari at magaan
lamang ang paksang tinatalakay rito.
2. Trahedya - Kasalungat ng komedya dahil nagpapakita ito ng kalunos-lunos at
kahabag-habag na pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan.
3. Melodrama - Ito ay kinapapalooban ng halos nakalulungkot na pangyayari.
Walang puwang ang kasiyahan sa uri ng dulang ito.
4. Tragikomedya - Ito ay kombinasyon ng kasiyahan at kalungkutan. Makikita ang
mga tauhang masaya sa ilang tagpo ngunit makararamdam ng matinding
kalungkutan sa hulio wakas.
5. Saynete - Ito ay tinuturing bilang isang libangan dahil sa pagpaksa ng mga
kultural,na katangian ng 1sang lahi o lugar.
6. Parsa - Ito ay kakikitaan ng halos katatawanan kaya nawawalang saysay minsan
ang daloy ng kuwento.
7. Parodya - Ito ay isang dulang panunudyo na kinakasangkapan ang katatawanan
o pagbibiro upang magbigay-puna o kritik sa isang isyu.
8. Proberbyo - Kapag ang pamagat ng dula ay hango sa mga karunungang bayan
at ang layunin nito ay magbigay-aral sa katauhan ng buhay.

Mga Elemento ng Dulang Pantanghalan


Katulad sa iba pang uri o genre ng panitikan, ang dula ay nagtataglay rin ng mga
elementong magiging panuntunan sa isang ganap na pagsusuri. Narito ang mga
elemento nito:
1. Simula - dito nakapaloob ang pagpapakilala sa tauhan at tagpuang pag-iiku- tan
ng buong dula.
2. Gitna - dito makikita ang mga kawil ng pangyayari na ilalahad ng mga diyalogo
ng mga tauhan, ang paglalahad ng mga suliranin sa saglit na kasiglahan, ang
tunggalian, at ang pinakadiwa ng mga pangyayari na mamamalas sa bahaging
kasukdulan.
3. Wakas - dito naman pumapasok ang bahaging kakalasan at wakas. Ipinaki- kita
rito ang kinahinatnan ng mga tauhan na maaaring masayao malungkot, mabuti o
masama, at talo o panalo.

GAWAIN 2
Magsaliksik ng isang dulang Pilipino at ihambing sa binasang dula batay sa:
a. Paksa
b. Katangian ng mga tauhan
c. Uri ng dula
d. Nasalaming kultura

UGNAY WIKA
Sa pakikipagtalastasan, isang natural na bahagi nito ang makapagbigay ng sariling
saloobin o pananaw ang sinoman sa isang isyu o paksa. Ito ang nagsisilbing kritikal
na pakikisangkot ng tagapagsalita at tagapakinig upang lalong mabigyang-linaw,
kalutasan, at iba pa ang isang isyu o paksa. Mahalaga na magkaroon ng mabisang
paggamit ng wika sa pagpapahayag ng mga ito tungo sa lalong pagiging epektibo ng
pakikipagtalastasan.

Pokus sa Pinaglalaanan at Kagamitan sa Bisa


at Diwa ng Pagbibigay ng Saloobin at
Pananaw
1. Pokus sa Pinaglalanan o Tagatanggap - Ginagamit ang mga sumusunod na mga
panlapi ay ang mga i, ipag at ipang. Ito ang tumatanggap sa kilos o diwa ng
pandiwa.
Halimbawang Isyu o Paksa: Pagmamahal ni Macduff sa kanyang pamilya.
Pananaw: Sa aking palagay, dapat ipinaglaban ni Macduff ang kanyang pamilya
laban kay Macbeth.
Ang pandiwang ipinaglaban ay tinanggap ng simunong pamilya.
2. Pokus sa Kagamitan o Instrumento - Ginagamit ang unlaping i- sa pandiwa.
Ito ang kagamitang ginamit sa pagsasagawa ng isang kilos.
Halimbawang Isyu o Paksa: Pagsugod ng hukbo ni Malcolm sa palasyo.
Pananaw: Marapat na ipangubli nila ang mga sanga ng puno sa Birham Wood sa
puwersa nina Macbeth.
Ginamit ang sanga ng puno sa pagsasagawa ng kilos o pandiwang ipangubli.

GAWAIN 2
Gamitin ang mga pokus ng pandiwa na pinaglalaanan at kagamitan sa pagbuo ng
isang diyalogo ng mga tauhan hinggil sa pagtatampok ng kultura ng bawat isang
tauhan. Mainam na ang mga tauhan ay mula sa iba’t-ibang bansa o di kaya ay ang
mga pangkat-etniko sa bansa at mahalagang maipakita ang saloobin at pananaw ng
bawat isa sa kanilang kultura.

RUBRIKS
PAMANTAYAN Pak na Pak na Pak na Dis Alam na Dis Paunlarin pa Dis
Dis (Mahusay) (Medyo (Paunlarin pa)
(Napakahusay) 3 Mahusay) 1
4 2
NILALAMAN
(May
kakayahang
maglapat ng
ideyang
naangkop sa
tema.)
ORGANISASYON
(Lohikal ang
presentasyon at
magkakaugnay
ang mga
konsepto.)
GAMIT NG
WIKA
(Nailapat ang
kahusayan sa
gamit ng pokus
ng pandiwa.
Wasto rin ang
pagbabantas at
iba pang
sangkap
panggramatika.
KABUUANG
ISKOR

PLANO SA PAGBUO NG DULA


Isang Pagtatangka sa Makabuluhang Paghahanda
Kinakailangan ng isang dula ang pagkakaroon ng isang makabuluhang
paghahanda upang lalong maitampok ang mga bagay na dapat isaalang-alang sa
pagbuo ng isang dula. Mahalagang maipakita.rito ang kasiningan at kaaghaman sa
pagbuo ng dula. Masining dahil kapapalooban ito ng mga aspektong magpapatingkad
sa kagandahan ng bubuoing dula. Makaagham naman dahil sa pagbuo ng isang
masistemang daloy ng kuwento at yugto ng dula. Nagbunsod ang paghahandang ito
tungo sa isang dulang kagigiliwan ng lahat dahil sa angking kagandahan at
kahusayan ng buong dula. Kailangang maisaalang-alang ang sumusunod para sa
isang komprehensibong pagpaplano at paghahanda sa isang dula:
 pagpili sa paksang tatalakayin o ipakikita sa buong dula
 pagkilala sa mga tauhan at tagpuan ng buong dula
 pagbabalangkas ng mga pangyayari
 pag-uugnay-ugnay sa bawat yugto
 pagsasaalang-alang sa teknikal na ilalapat sa pagbuo ng dula
 paghahanda sa mga props at kasuotang gagamitin
Kaya marapat na magkaroon ng isang mabisa at komprehensibong paghahanda
upang magluwal ang dula ng isang matalinong pakikisangkot sa sinumang
tagapanood o tagabas

You might also like