You are on page 1of 24

Mga layunin:

 Naipaliliwanag ang ilang pangyayaring napakinggan na may kaugnayan sa


kasulukuyang mga pangyayari sa daigdig
 Nakapagbibigay ng mga halimbawang pangyayari sa tunay na buhay sa kaugnay ng
binasa
 Nagagamit ang mga angkop na panghalip bilang panuring sa mga tauhan
 Nabibigyang-kahulugan ang mahihirap na salita o ekspresyong ginamit sa akda batay
sa konteksto ng pangungusap
 Naibibigay ang katangian ng isang tauhan batay sa napakinggang diyalogo
 Nasusuri ang binasang kabanata ng nobela bilang isang akdang pampanitiikan sa
pananaw humanism o alinmang angkop na pananaw
 Nakikilala ang pagkakaugnay-ugnay ng mga salita ayon sa antas o tindi ng
kahulugang ipinahahayag nito (clining)
 Nailalarawan ang kultura ng mga tauhan na masasalamin sa kabanata
 Naibabahagi ang sariling opinyon o pananaw batay sa napakinggan
 Nakabubuo ng isang suring-basa sa alinmang akdang pampanitikang
Mediterranean
 Naibibigay ang kaugnay na mga konsepto ng piling salitang critique at simposyum
Panghalip at mga Uri
nito
-Angpanghalip ay bahagi ng
pananalitang inihahalili o ipinapalit sa
pangngalan.
Apat na Uri ng
Panghalip
1. Panghalip panao
2. Panghalip pamatlig
3. Panghalip Panaklaw
4. Panghalip Pananong
Panghalip Panao- mga panghalip na ipinapalit o inihahalili sa ngalan ng
tao. Ang Panghalip panao ay may panauhan, kaukulan, at kailanan

• Panauhan ng Panghalip panao- taong tinutukoy sa panghalip


 Unang panauhan- tumutukoy sa taong nagsasalita
Hal. Ako, ko, akin,kami, tayo, namin, natin, amin, atin
 Ikalawang panauhan- tumutukoy sa taong kinakausap
Hal. Ikaw, ka, mo, iyo, kayo, ninyo, inyo
 Ikatlong panauhan- tumutukoy sa taong pinag-uusapan
Hal. Siya, niya, kanya, sila, nila, kanila
• Kailanan ng panghalip- tumutukoy • Kaukulan ng Panghalip panao- tumutukoy sa
sa dami o bilang ng taong tinutukoy panghalip sa pangungusap
ng panghalip  Palagyo- mga panghalip panaong ginagamit
bilang simuno paksa ng pangungusap
 Isahan
Hal. Ako, akin, siya, niya, ikaw, ka, Hal. Siya ay nagkaroon ng matibay na
mo, iyo paninindigan.
 Maramihan  Palayon- mga panghalip na ginagamit bilang
layon ng pandiwa
Hal. Kami, tayo, namin, natin, amin,
Hal. Ang lupa ay ipinagbili niya. (layon ng
atin, kayo, ninyo, nila, sila
pandiwa)
Ang kuwento ay tungkol sa kanila. (layon ng
pang-ukol)
 Paari- mga panghalip na nagpapakita ng
pagmamay-ari sa isang bagay.
Hal. Hindi ipinagbili ni Editha ang kanyang lupa.
2. Panghalip Pamatlig- mga panghalip na inihahalili sa
pangngalang itinuturo o inihihinaton. Ang panghalip pamatlig ay may
panauhan at uri din.
Panghalip Panaklaw- mga panghalip na sumasaklaw sa
kaisahan, dami, o kalahatan ng tinutukoy. (indefinite pronoun)

Halimbawa:
1. Marami ang sumali sa paligsahan sa Plaza.
2. Ang lahat ay inaanyayahan na dumalo sa pagpupulong sa darating na
Linggo.
3. Anuman ang mangyari tayo ay mananatiling buo at magkasama pa din.
4. Ang bawat isa ay tumulong upang matapos ng mabilis ang proyekto.
5. Alinman dito ay maari mong kunin.
Panghalip Pananong- Ang panghalip pananong na kilala sa
Ingles bilang interrogative pronoun ay mula sa salitang ‘tanong’,
kaya’t may pakahulugan itong ‘pantanong’.
Pagsasagawa ng Simposyum- isang pagtitipon, pagpupulong, o kumperensiya kaugnay ng isang paksa kung saan
maraming tagapagsalita ang magbabahagi o maglalahad para sa mga imbitadong tagapakinig o kalahok. Karaniwang mga
paksang pang-akademiko ang tinatalakay. ng symposium ay isang pagpupulong o tinatawag din na sampaksaan. Ito ay may
layunin na magbigay ng kaalaman ukol sa isang paksa o tema sa mga kalahok nito.Karaniwang ang nagsasalita ay ang taong
may malawak na kaalaman sa paksa o tema ng symposium. Ito ay maaring gawin sa paaralan o nationwide.

• Pagsasagawa ng Paunang Pulong upang Matalakay ang Detalye ng Simposyum


• Pagrereserba ng Lugar at mga Kagamitan
• Pakikipag-usap sa caterer na maghahanda ng Pagkain
• Pagbuo ng programa para sa Simposyum
• Pagpapaalam sa madla ng mga detalye ng Simposyum at Publisidad
• Paghahanda ng bulwagan o silid para sa Simposyum
• Pagsasagawa ng Simposyum
Halimbawa ng symposium:

Mga halimbawa:

1. The 26th Philippine Biodiversity Symposium


2. Resettlement and Livelihoods Symposium
Pagsulat ng Critique ng Akdang Pampanitikan
• Paghihimay sa iba’t ibang element0 at bahagi ng isang akda (tauhan, banghay,
tagpuan, at estilo ng pagsulat) upang makita kung ang bawat isa’y nakatutulong
maipaabot ang nais sabihin o ang mensahe ng akda
• Maipapabatid ang pananaw ukol sa akda kasabay ng pagbibigay ng angkop na
patunay sa mga pananaw na ito
• Binibigyang diin ang:
a. Kagandahan ng akta c. epekto ng kalagayan ng manunulat sa kabuuan n akda
b. Ang maaari pang gawin upang mapabuti ang akda
Criticism Critique
• Naghahanap ng mali • Naghahanap ng estruktura
• Naghahanap ng kulang • Naghahanap ng kung ano ang puwede
• Nagbibigay hatol sa hindi niya maunawaan • Nagtatanong para maliwanagan
• Nakalahad sa malupit at mapanuyang na tinig • Nakalahad sa Mabuti, matapat, at obhetibong
• Negatibo, Malabo, at malawak tinig

• Seryoso at hindi marunong magpatawa • Positibo, kongkreto, at tiyak


• Naghahanap ng pagkukulang sa manunulat at • Ang critique ay nagpapatawa rin
akda • Tumitingin sa kung ano ang nasa pahina
Mahahalagang hakbang sa pagsagawa ng
critique:
1. Pagbasa ng ilang beses sa akda
2. Pag-alam sa background at kalagayan ng manunulat sa panahong
kanyang isinulat ang akda
3. Pagbibigay-pansin sa mahahalagang bahagi at element ng akda
a. Mga Tauhan
b. Banghay
c. Tagpuan
d. Estilo sa pagsulat
4. Pagsulat ng Critique
a. Pagpapakilala sa Akda
b. Pagsulat sa Nilalaman ng Critique
c. Paglalagom/Pagbuo ng Kongklusyon
Halimbawa ng isang Suring-basa
Buod
Madaling-araw pa lamang ay papunta na sa tubigan sina Ka Albina, kasama ang anak
na dalagang si Nati at ang pamangking si Pilang. Sunung-sunong nila ang mga matong
ng kasangkapan at pagkain. Habang daan, nakasabay nila sina Ka Ipyong, Pakito at
Pastor na nakasakay sa kalabaw dala ang kani-kaniyang araro. Habang naglalakad,
nagkakatuwaan sila at nagkakatuksuhan. Si Ore na kasama rin nila ay nagpatihuli na
parang may malalim na iniisip.
Nang marating nila ang tubigang aararuhin, may nadatnan na silang nagtatrabaho. Ang
iba naman ay katatapos lamang sa pagtilad at habang nagpapahinga ay nagkakasarapan
sa pagkukuwentuhan.
Habang abala sa pag-aayos ng mga kasangkapang gagamitin sina Nati at Pilang,
nandoon din si Pastor at nagpipilit na tumulong kay Pilang. Si Ore naman ay
mapapansing pinamumulhang pisngi. Inabutan ni Pilang si Pastor ng kape ngunit
sinamantala ito ng binatang sapupuhin ang kamay ng dalaga. Walang kibong lumapit si
Ore kay Nati at humingi ng kape at kamote. Walang patlang ang sulyapan nina Nati at
Ore habang nagkakainan. Si Pastor naman ay laging nahuhuling nakatingin say Pilang.
Makakain, inumpisahan nila ang suyuan. Sunud-sunod silang parang may parada.
Masasaya silang nag-aararo at maitatangi ang kanilang pagkakaisa sa tulung-tulong na
paggawa. Para silang nagpapaligsahan sa ingay at hiyawan. Ganoon na nga ang
nangyari. Lihim na nagkasubukan sa pag-aararo sina Pastor at Ore. Pagpapakitang bilis
sa pagbungkal ng lupa at gilas ng kalabaw. Ipinanahimik lamang ito ng dalawang
dalaga na alam na alam ang dahilan. Nauna si Pastor, sumusunod lamang si Ore.
Malaki na ang kanilang naaararo ngunit patuloy pa rin sila. Mahina ang kalabaw ni Ore
kaya nahuhuli,
samantalang magaling ang kalabaw ni Pastor kaya nangunguna. Hindi na makahabol si
Ore sa layo ni Pastor nang huminto na ang kalabaw niya sa sobrang pagod.
Tinawag sila ni Ka Punso para kumain. Tumigil si Pastor. Kinalagan ang kalabaw
niya at sinabuyan ng tubig. Nakatawa itong lumapit sa mga kasama. Samantalang si
Ore ay hinimas-himas pa muna ang batok ng kanyang kalabaw na bumubula ang
bibig at abut-abot sa paghinga. Nilapitan siya ng isa sa mga kasamahan at
ipinagpatuloy ang ginagawa niya. Lumapit si Ore sa mga kasamahang mapulang-
mapula ang mukha at paulit-ulit na ikinukuskos ang mga palad na malinis na naman
sa pantalon at walang masabi kundi ang pag-aming talagang makisig ang kalabaw ni
Pastor. Naupo si Ore ilang hakbang ang layo kina Nati at Pilang. Si Pastor ay
kumakain sa tabi ni Pilang. Nilapitan ni Pilang si Ore at dinulutan ng pagkain.
Naibsan ang pagod at hirap ni Ore. Nagwakas ang kuwento sa pahiwatig na bagamat
natalo ni Pastor si Ore sa pag-aararo ay natalo naman ni Ore si Pastor sa pag-ibig ni
Pilang.
Pagpapakilala sa akda at may-akda
Suyuan sa Tubigan ni Macario C. Pineda Mabibilang lamang sa daliri ang mga
manunulat na mulat sa mapusyaw na anyo ng maikling kwento at mahinang galaw ng
lipunan. At si Macario Pineda, bilang manunulat ay isa sa mga nagpayaman sa
iskulturang pagsulat ng kwento. Siya rin ang nagpasigla sa dating malungkot na galaw
ng lipunan. Nasa pulso ng kanyang panulatang sining ng paglikha at kagandahan ng i-
maikubling katotohanan. Sang-ayon nga kay Hernandez sa Paunang salita ng kanyang
Bayang Malaya. Sa sining, katula ng buhay, ang kagandahan ay isa lamang mukha ng
katotohanan. Ang tunay na likhang sining aay hindi bahagi lamang ng magkabilang
mukha ng buhay, ni isang bahagi ngkabuuan, kundi ang kabuuan na rin. Sa maganda,
maayos at mabisang paglalakip ng lahat ng bahagi nakasalalay ang kadakilaan ng isang
likhang-sining. Ayon kina Lope K. Santos at Inigo ed. Regalado ay isang potograpiya
lamang ang “Suyuan sa Tubigan” ni pineda kaya’t hindi maituturing na kwento ngunit
potograpiya man ay nailuklok naman sa mataas na pedestal ng paghanga, kundi ma’y
pagsamba
Pagpapatunay lamang na isa nang maituturing na institusyon si Mang kayong
sa pagsulat ng maikling kwento. Ang paligid, kaayusang panlabas, pag-
uugali, mga paniniwala, mithiin, kakayahang pampook (idosyncracies) at
sariling tatak ay nakakatulung-tulong sa pagbubuo ng kathang
pangkatutubong kulay. Bagama ang mga pamantayan pandaigdig
(universality) ay kailangan sa pagbubuo ng isang mabuting katha, ito’y higit
na sumasakop sa kaalaman, sa mga bagay na natatagpuan sa lahat ng tao ano
mang lahi, kulay, bayan o pananampalataya. Samantala ang mga sangkap ng
katutubong kulay ay higit na pampalamuti kaysa kaalaman, ngunit mga
pampalamuting nagtatatak ng kakanyahan. Isa sa pangunahing manunulat ng
mga kathang pangkatutubong kulay ay si Macario Pineda na kasisinagan ng
mataas na pag-ibig hindi lamang sa pook na kanyang inilarawan kuni sa mga
taong kanyang binuhay sa kanyang mga akda.
Intro
Suyuan sa Tubigan. Sa pamagat pa lamang ay kasisislayan na ng katutubong kulay na hinulma ng
diwang Pilipino, bisig-Pilipino si pusong Pilipino. Isang matulaing pamagat na kababakasan ng pag-
ibig, paglalambing, pagtutulungan at pagkakaisa. May tatak pagbabayanihan na isang tradisyong
nagpapatibay ng relasyon ng tao sa kanyang kapwa at sa kanyang lipunan.
Katawan
Sa simula pa lamang ng kwento ay kinalabit na ni Pineda an gating imahinasyon at panloob na
sensibilidad. Matutukoy agad, bagama’t hindi tuwirang inilantad ang pangyayaring magaganap:
Sumusilip pa lamang ang araw nang kami’y lumusog sa kandas na patungo sa tubigan ni Ka Teryo.
Nakasabay naming si ka Albina, na kasama ang dalaga niyang si Nati at ang knayng pamangking si
Pilang, Ang tatlo’y may sunog na mga matong ng kasangkapan at pagkain. Isang buhay na larawan
ng sama-samang paggawa na kababakasan ng pananabik, pagkukusang-loob at pagmamahal. Ayon
nga kay Timbeza sa kanyang Pilosopyang Pilipino. Ang paggawa ay siyang lundayan ng kaunlaran
at katiwasayan tagumpay at kaligayahan. Maisakatuparan ang mga layunin sa buhay sa
pamamagitan lamang ng paggawa. Dahil diyo’y laging nakalalamang ang kaganapan sa paggawa.
Ang marunong gumawa ay makikita sa pagkilos at hindi sa pagsasalita.
Bawat tauhan sa kwento ay kumikilos. Hindi sila nilikha ni Pineda upang
maging tau-tauhan lamang, kundi nilikha silang mga pangyayaring angkop
sa suliraning pangkwento. Pinag-ugnay ni Pineda ang mga tauhan at ang
mga pangyayari bilang mabisang sangkap ng kwento na kailan ma’y hindi
maaaring paghiwalayin. Gumamit si Mang Kayong ng iba’t ibang paraan sa
paglalarawan ng tauhan. Ito’y masining niyang mabigyang-buhay sa tulong
ng panlabas na kaanyuan, pag-uugali, isipan, damdamin at mithiin.
Isinaalang–alang din niya rito ang paraan ng pagkilos at pagsasalita at ang
reaksyon sa isang tiyak na pangyayari. At wari’y isang malik-matang
gumuhit sa balintataw ng aking mga mata ang mga lihim ng dulang nangyari
na sa paligid-ligid ng mga tubigang yaon: si Punso’t Ka Juana, si …mga
pasalising tagpo sa malago’t lalong makabuluhang dula ng buhay.
Ang luma nang paksa’y napanatiling bago sa istilong ginamit ng may-akda. Sa kwento’y
nagsabog ng kakaibang halimuyak si Pineda, bagama’t palasak noong dekada ’40 ang paksang
nauukol sa pag-ibig. Bukod sa pagiging makapangyarihan ng paksa ay ito ang tanging
nagbibigay-kahulugan sa daigdig. Buhay na buhay ang pagkakahulma ni Pineda sa nga tauhan at
napalutang ito sa paksa: Lumapit si Pastor kay Pilang. Kitang-kita ko nang abutin niya ang tasa
ng kape ay kusa niyang sinapo ang mapuputing daliri ng dalaga… …Makailang nagpalitan ng
mga makabuluhang titig sina Nati at Ore. Si Pastor ay lagging kay Pilang naksulyap. At doon sa
kinauupuan ng binata- ilang hakbang ang layo sa karamihan-doon siya dinulutan ni Pilang.
Malayang pinakilos ni Pineda ang mga kabataang tauhan tulad nina Pastor, Pilang, Nati at Ore
upang palutangin ang pag-iibigan sa kwento. Bawa’t isa’y nabigyan ng pagkakataong makatakas
sa kahigpitan ng mga tauhang kabilang sa inuuban nang henerasyon ngunit naroon pa rin ang
paggalangsa isa’t isa. Sapat na angpalihim na sulyap ng mga dalaga sa mga lalaking
lihimnilangnapupusuan at ang pagpapahayag ng pag-ibig ng mga lalaki sa pamamagitan ng
pagpapaligsahan.
Nakasalalay sa pakikipagpaligsahang ito ang kasagutan ng isang matamis na pamimintuho ng
lalaki sa babaing nililiyag. Nagpapatunay lamang na maging sa pag-ibig ay kailangang
maghirap muna ang tao upang mapagtanto ang sarap at ginhawa ng karanasang tao. Ang buhay
ay lagi nangmay katambal na sangkap ng kalikasan, gaya ng hirap at ginhawa, pait at tamis, init
at lamig o lungkot at galak. Ito ang itinuturing na konseptong pangkahirapan (sufferings) ng
mga Pilipino, na kailangang matikman muna ng tao ang pait upang maunawaan ang kahalagan
ng tamis. Kailangang maranasan muna ang hapdi ng init upang malaman ang ginhawang dulot
ng lamig. Kailangang maranasan ng tao ang malungkot upang matalos ang kasiyahang dulot ng
tuwa at galak.
Kongklusyon
Unang nalathala sa Liwayway noong Nobyembre 27, 1943, ang Suyuan sa Tubigan ay
mananatiling klasika ng antolohyang pampanitikan hangga’t may pag-ibig na susuklian
din ng pag-ibig, hangga’t tradisyong kikilalaning tatak n gating pagka-Pilipino, sagisag ng
ating pagkalahi at sukatan ng damdamin at kaisipan ng ating pambansang
pagkakakilanlan.

You might also like