You are on page 1of 5

Pangalan: _________________________________ Iskor:______________

Petsa :_________________ Taon at Pangkat:_____________________

Ikatlong Mahabang Pagsusulit


sa Filipino Baitang 10
I. MARAMING PAGPIPILIAN
Panuto: Basahin ang talata at sagutin ang mga tanong para sa mga bilang 1-2. Bilugan ang titik lamang ng
tamang sagot.

Isinilang si Liongo sa isa s pitong bayang nasa baybaying-dagat ng Kenya. Siya ang nagmamay-ari ng karangalan
bilang pinakamahusay na makata sa kanilang lugar. Malakas at mataas din siya tulad ng isang higante, na hindi
nasusugatan ng ano mang mga armas. Ngunit kung siya’y tatamaan ng karayom sa kaniyang pusod ay mamamatay siya.
Tanging si Lionggo at ang kaniyang inang si Mbwasho ang nakakaalam nito. Hari siya ng Ozi at Ungwana sa Tana Delta, at
Shangha sa Faza o isla ng Pate.

Halaw sa “Liongo”ni Roderic P. Urgelles

1. Ano ang katangiang taglay ni Lionggo?


A. masungit na mananakop ng trono
B. malakas at mataas din siya tulad ng isang higante
C. matiya at mapagkatiwalaan sa lahat ng mga bagay
D. masunurin at mapagkumbaba sa kapwa nasasakupan
2. Ang binasang akda ay isang _________________.
A. Anekdota B. Mitolohiya C. Sanaysay D. Tula
Para sa mga bilang (3-4)
Pinagpatuloy ni Zahhak ang magandang ugali niya sa mga empleyado at mga magandang ugali niya sa mga
empleyado at sa mambibili, ngunit umarkila si Ahriman ng dalawang tao para patnubayan si Zahhak. Ang ginawa ng
dalawang bagong empleyado ay pinapataas ang presyo ng mga paninda ng kompanya niya kay Zahhak, tinatanggalan ng
trabaho ang maraming empleyado at pinapabaya ang mga mamimili nila.

Halaw sa “Zahhak, Ang Pinuno ng Merkado”

3. Ano ang suliranin ni Zahhak sa Xerxes Industries nang siya ang namuno?
A. nagalit si Zahhak
B. nagwawal si Ahriman sa nakita niya
C. walang pakialam si Zahhak sa empleyado at mambibili
D. umarkila si Ahriman ng dalawang tao para patnubayan si Zahhak
4. Ang ___________________ay ang diwa ng talata at hindi ang bawat salita na bumubuo nito.
A. makata B. pagsasaling diwa C. pagsasaling wika D. taga-ulat
Para sa mga bilang (5-9)
Nagbukas na ang mga pamantasan at matataas na paaralan sa Maynila. Samantala, sa nayon ng Kamias, hindi
kalayuan sa lungsod. Maagang nagbangon nang umagang yaon si Aling Irene at inihanda kapagkaraka ang mga
pangangailangan ng kabutong anak na si Iloy. Si Mang Simon naman ay hindi muna nagtungo sa linang upang samahan sa
pagluwas ang anak na pag-aaralin sa Maynila. Awa naman ng Diyos ay maluwalhating nakarating sa lungsod ang mag-
ama. Isang balita ng paaralang sarili ang kanilang tinungo agad. Dinatnan nila ang tagatala na abalang-abala sa
pagtanggap ng di-kakaunting mga batang nagsisipagprisinta. Nagpalinga-linga si Mang Simon.
Halaw sa“Akasya o Kalabasa “ni Consolation P. Conde
5. Ang binasang akda ay isang____________.
A. Anekdota B. Maikling Kuwento C. Sanaysay D. Tula
6. Sino ang maagang nagbangon at naghanda ng mga pangangailangan ng anak?
A. Aling Ailen B. Aling Irene C. Iloy D. Mang Simon
7. Saan ang mga pamantasan at mataas na paaralan?
A. Kamias B. Maynila C. Pangasinan D. Tondo
8. Si Mang Simon ay maalalahaning ama. Bakit hindi muna nagtungo si Mang Simon sa linang
________________________.
A. upang manood ng sine
B. upang makita ang paaralan
C. upang samahan sa pagluwas ang anak na ipasyal sa Maynila
D. upang samahan sa pagluwas ang anak na pag-aaralin sa Maynila
9. Ano ang katangian ni Mang Simon?
A. mapagbigay B. mapagmahal C. masayahin D. mayabang
Para sa mga bilang (10-13)
10. Nagbukas na ang mga pamantasan. Ano ang kasalungat ng salitang nilapian na nagbukas?
A. Nag-alsa B. Nagsara C.Nakibaka D. Nagtuklas
11. Awa naman ng Diyos ay maluwalhating nakarating sa lungsod. Ang salitang nilapian na maluwalhati ay
nangangahulugang __________.
A.kaligayahan B.kasakiman C. napalundag D. napasama
12. Abala sa pagtanggap. Ano ang kasalungat ng salitang nilapian na pagtanggap?
A. pag-ayaw B. pagsang-ayon C. pagsisi D. pagtaksil
13. Nagpalinga-linga si Mang Simon. Ang salitang nilapian na nagpalinga-linga ay nangangahulugang
__________.
A. lumilingon B. naglalaro C. nagtatakbo D. nagtatanim
Para sa mga bilang (14-16)
14. Likhang isip at hindi base sa tunay na buhay at madalas na may paksang katatawanan subalit may taglay
na mensaheng kupupulutan ng aral. Ito ay ____________?
A. Anekdota B. Maikling Kuwento C. Sanaysay D. Tula
15. Elemento ng anekdota na tumutukoy sa lugar o panahon?
A. Kasukdulan B. Tagpuan C. Tauhan D. Wakas
16. ___________ ay ang suliranin ng tauhan, labas sa kaniyang sarili, sa kapwa at paligid.Ito’y nakapaloob
sa banghay?
A. Banghay B. Suliranin C. Tagpuan D. Tungggalian
Para sa mga bilang (17-25)
Tayo ay kumilos nang may kaligayahan at kagalakan sa paglunti ng kapaligiran at sa pagbukadkad ng mga bulaklak.
Ang espiritwal at pisikal na kaisahan na ating ibinabahagi sa lupaing ito ay nagpapaliwanag sa lalim ng sakit na dala-dala ng
ating mga puso sa tuwing makikita natin ang ating bansa na unti-unting nalulugmok ng di pagkakasundo, at sa tuwing
makikita natin ang pagtanggi, ang paglaban sa batas, at paghihiwalayng mga tao sa mundo. Ito ay dahil sa naging
pambansang batayan ang nakamamatay na ideolohiya at ng pagkakaroon ngrasismo.
Halaw sa “Nelson Mandela:Bayani ng Africa“isinalin ni Roselyn T. Salum

17. Sino ang nagsalin sa talumpati?


A. Consolation P. Conde B. Roemar T. Salum C. Roderic P. Urgelles D.Roselyn T. Salum
18. Ang talumpating binasa ay halimbawa ng _________________.
A. Anekdota B. Maikling Kuwento C. Sanaysay D. Tula
19. “Tayo ay kumilos nang may kaligayahan at kagalakan sa paglunti ng kapaligiran at sa pagbukadkad ng
mga bulaklak”. Kanino napatungkol ang pahayag?
A. Afrikano B. Amerikano C. Pilipino D. Tsino
20. Bakit kaya sinulat niya ang kaniyang talumpati?
A. may sapat na pagkain.
B. may pantay-pantay sa politika.
C. ihayag ang pagnanais ng halalan.
D. ihayag ang pagnanais ng kalayaan ng kanilang bansa.
21. Kailan ipinanganak si G. Nelson Mandela?
A. Hulyo 18, 1918 B. Hulyo 19, 1918 C. Hulyo 18, 1919 D. Hulyo 19, 1919
22. Si Nelson Mandela ay kilalang, “Ama ng ___________________________”.
A. Ama ng Africa B. Ama ng Demokrasya C. Ama ng Sanaysay D. Ama ng Kasaysayan
23. Ilan ang anak at apo niya?
A. 4 na anak at 10 na mga apo
B. 5 na anak at 14 na mga apo
C. 6 na anak at 17 na mga apo
D. 7 na anak at 18 na mga apo
24. Saan siya nagtapos ng pag-aaral?
A. Unibersidad ng Oxford
B. Unibersidad ng Barcelona
C. Fort Hare University of Wonderland
D. Fort Hare University of Witwatersrand
25. Ano ang katangiang taglay ni G. Nelson Mandela?
A. Masunuring mamamayan
B. Katapatan sa kaniyang sarili
C. Nagmalasakit sa kaniyang kapwa
D. Walang pakialam sa Timog Africa

II.PAGTUGON SA KAHILINGAN (26-29)


Panuto: Tugunan ang bawat kahilingan.
26-27. Ibigay ang mga dalawang uri ng sanaysay.
26.
27.
28-29. Ano-ano ang dalawang uri ng pagpapahayag?
28.
29.
III.PAGBIBIGAY- KAHULUGAN (30-33)
Panuto: Bigyang -kahulugan ang mga sumusunod na mga salita.
30. namayani-
31. tumilapon -
32. naghahalukay -
33. nagtampisaw-
IV.PAGKIKILALA (34-43)
Panuto: Tukuyin ang mga ipinapahayag ng mga sumusunod. Isulat sa nakalaang puwang ang tamang
sagot.
_____________34. Akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay, hinango sa guniguni, pinararating
sa ating damdamin at ipinapahayag sa pananalitang may angking aliw –iw.
_____________35. Ito ay sumusunod sa lumang pamamaraan ng pagsulat na nagtataglay ng apat na
sangkap ng sukat, tugma, talinghaga at kaisipan.
_____________36. Ang saglit na pagtigil o paghinto sa loob ng sukat ng taludtod.
_____________37. Pinakamahalagang elemento o sangkap ng tula na may pareho-parehong tunog sa
dulo ng mga panghuling salita ng taludtod.
_____________38. Ang tugma kapag magkapareho lámang ang tunog ang huling salita sa bawat
taludtod, ngunit magkakaiba ang titik.
_____________39. Ang tugma kapag magkakapareho ang tunog o titik ng huling salita sa bawat
taludtod.
_____________40. Ito ang mga salita sa tula na may kahulugan sa mapanuring isipan ng mambabasa.
_____________41. Ito ay mga salitang binanggit sa tula na nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa
isipan ng mambabasa.
_____________42. Lubhang pinalabis o pinakukulang ang tunay na kalagayan ng tao, bagay o
pangyayari.
_____________43. Ito ay mga salitang kapuri-puri ngunit kabaligtaran naman ang kahulugan.
V.PAGSASALAYSAY (44-48)
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod para sa mga bilang 44-46. Sagutin nang may
kaangkupan at kapayakan.
Iingatan mo ang kaniyang libingan kung siya’y nahimlay.
Tuwinang gugunitain yaring kaniyang palayaw.
Aking supling, mananatili siya sa iyong panambitan,

Halaw sa “Helen ng Ina sa Kaniyang Panganay”


44-46. Ano ang ibig ipagkahulugan ng sinalungguhitang taludtod?

Para sa mga bilang (47-48)


47-48. Bakit nagawang kainin ni Kibuka ang alagang baboy? Sinabi na niya na ang pagkain ng isang
napamahal na alaga ay isang barbarong gawain.

Patnubayan ka ng Panginoon!
Mga Sagot
I.MARAMING PAGPIPILIAN IV. PAGSASALAYSAY
1. B 44-48. Depende sa sagot ng mga bata.
2. B
3. D
4. C
5. A
6. B
7. B
8. D
9. B
10. A
11. A
12. A
13. A
14. A
15. B
16. D
17. D
18. C
19. A
20. D
21. A
22. B
23. C
24. D
25. C

II.PAGTUGON SA KAHILINGAN
26. Pormal na sanaysay
27. Di-pormal na sanaysay
28. Tuwirang pahayag
29. Di-tuwirang pahayag

III.PAGBIBIGAY-KAHULUGAN
30. nanaig/ nangingibabaw
31. tumalsik/ lumipad
32. naghahalungkat/ nagkalkal
33. naligo/ nagbabad

IV.PAGSASALAYSAY
34. Tula
35. Tradisyunal
36. Sesura
37. Tugma
38. Di-ganap Inihanda ni:
39. Ganap
40. Simbolismo MA. CHERYL T. CASIDO
41. Larawang-diwa
42. Pagmamalabis
43. Pag-uyam

You might also like