You are on page 1of 12

PANGALAN _________________________________________

TAON at PANGKAT ___________________________________

(DITO NA KAYO MAGSASAGOT, HINDI NA KAILANGAN GUMAMIT NG EKSTRANG PAPEL)

FILIPINO 10ACTIVITY/WORK SHEETS LINGGO 1-4

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Quezon
Guinayangan South District
NABANGKA NATIONAL HIGH SCHOOL S . Y . 2 0 2 1 - 2 0 2 2

Pangalan: _____________________________________ Iskor __________________________

Pangkat at Baitang:____________________________ IKAAPAT NA MARKAHAN
JOY KENNETH U. CAMANGA-Guro
Lagda ng Magulang _____________
LINGGO 1-2
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 1. Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari sa kaligirang pangkasaysayan ng El
Filibusterismo. Isulat ang bilang 1-5 sa mga patlang.

______ pagbitay sa GOMBURZA

______ tumulong si Valentin Ventura sa pagpapalimbag ng nobela
______ sinimulang isulat ni Rizal ang nobela
______ nailathala na ang nobela sa Ghent, Belgium
______ lumipat si Rizal sa Brussels, Belgica kung saan mas mura ang mga gastusin sapagkat kulang ang kaniyang pera
sa pagpapalimbag ng nobela.

GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 2. Magsaliksik ng mahahalagang detalye sa buhay ni Dr. Jose Rizal at ibalangkas
ito gamit ang character profile.
PERSONAL NA IMPORMASYON

KATANGIAN
EDUKASYON

JOSE RIZAL

MGA AKDA

GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 3. Basahin at unawain ang kaligirang pangkasaysayan at ang buod ng El
Filibusterismo.
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG EL FILIBUSTERISMO

• Ang ikalawang nobela ni Dr. Jose Rizal na El Filibusterismo, ang sikwel o karugtong ng Noli Me Tangere, ay sinimulan
niyang isulat sa kaniyang tinubuang Calamba noong Oktubre, 1887, sa kaparehong taon kung kailan natapos ang
manuskripto at maipalimbag ang kaniyang unang nobela. Makalipas ang halos isang taon, 1888, nirebisa ni Dr. Rizal sa
London ang halos lahat ng naisulat na niya sa ikalawang nobela. Gayunman, may mangilan-ilang sanggunian ang
nagsasabing nasimulan niyang isulat ito sa London habang tinatapos pa niya ang pagsusulat ng Noli Me Tangere. Kung
pagbabatayan naman ang talambuhay ni Dr. Rizal, tumataliwas ang pahayag na ito dahil hindi man lámang nabanggit
ang London sa mga bayang pinuntahan ni Dr. Rizal hábang sinusulat pa niya ang kaniyang unang nobela. Ayon sa aklat
na “Rizal’s Life, Works, and Writings” ni G. Gregorio F. Zaide, sinimulang isulat ni Dr. Rizal ang unang mga kabanata ng Noli
Me Tangere sa Madrid, Espanya noong 1884; ipinagpatuloy niya ito sa Paris, Pransiya; maging sa Wilhelmsfeld, Alemanya
sa mga buwang Abril–Hunyo; at tinapos sa Berlin, Alemanya sa hulíng mga buwan ng 1886 at ipinalimbag sa Berliner
Buchcdrukrei Actien Gesselchaft noong 29 Marso 1887 sa halagang Php300 para sa 2,000 kopya. Samantalà,
ipinagpatuloy naman niya ang pagsusulat ng El Filibusterismo sa Paris, Madrid, at Biarritz, Pransiya. Mapapansing iba-
ibang lugar ang napuntahan ni Dr. Rizal hábang sinusulat pa niya ang kaniyang mga nobela. Para sa Noli Me Tangere,
ang mga dahilan ay may kinalaman sa kaniyang pamamasyal sa iba’t ibang bansa at sa kaniyang propesyon.
Samantalà, mula sa Biarritz, Pransiya kung saan niya tinapos ang pagsusulat ng ikalawang nobela ay lumipat naman siya
sa Ghent, Belgium dahil sa dalawang bagay: (1) makaiwas kay Suzanne Jacoby na kaniyang sinisinta nang mga oras na
iyon, at (2) higit na mababà ang halaga ng palimbagan sa nasabing lugar. Bakit niya iniiwasan si Suzanne Jacoby sa
mga sandaling iyon kung tunay niya itong sinisinta? Sa kabila ng silakbo ng pagmamahal, kinailangan niyang pigilin ang
kaniyang damdamin para kay Suzanne Jacoby alang-alang sa maalab niyang pag-ibig sa Filipinas. Isinakripisyo ni Dr.
Rizal ang kaniyang nararamdaman sa isang babae―ang kaniyang personal na pangangailangan―dahil higit na
kailangan siya ng kaniyang mga kababayang patuloy na nagtitiis sa panlalapastangan ng mga Espanyol. Dahil na rin
sa nagsilbing aral para sa kaniya ang masaklap na mga karanasan sa pagpalalathala ng Noli, nanirahan siya sa masikip
na kuwarto ng kaniyang kaibigang si Jose Alejandrino para lámang maipalimbag ang kaniyang El Filibusterismo sa F.
Meyer-Van Loo Press, No. 66 Viaanderen Street, Ghent, Belgium. Ayon sa isa sa mga anekdota ni Jose Alejandrino para
kay Dr. Rizal, labis-labis ang pagtitipid na ginawa nito para lámang maging matagumpay ang pagpapalimbag ng El
Filibusterismo. Ayon kay G. Alejandrino, sang-ayon sa aklat muli na “Rizal’s Life, Works, and Writings” ni G. Gregorio F.
Zaide, ang tinutuluyan nilang apartment ay may sariling canteen pero sa halip na kumain doon, dahil sa mas
mapapamahal sila, ay bumili na lámang si Rizal ng isang latang biskuwit at ilang kape para sa mga almusal nilang dalawa
sa loob ng isang buwan. Ang ginawa pa ni Dr. Rizal, hinati niya nang pantay para sa kanilang dalawa ang mga biskuwit.
Si G. Alejandrino, dahil sa hindi nakasusunod sa kaniyang rasyon o kung ilang biskuwit lámang ang kaniyang kailangang
kainin sa isang araw ay halos maubos na ang kaniyang mga biskuwit sa loob lámang ng kalahating buwan. Samantalà,
si Dr. Rizal ay nagawa mismong tipirin ang sarili sa pagkain para lámang maipalimbag ang kaniyang nobela. Subalit sa
hindi magandang palad, tulad sa mga nangyari sa kaniya hábang ipinapalathala ang unang nobela, muli na namang
kinapos sa salapi si Dr. Rizal. Naubos na ang perang nakuha mulâ sa pagsangla niya sa kaniyang mga alahas. [Hindi
lámang nabanggit kung may kinita siya mulâ sa mga pinagbilhan ng kaniyang unang nobela.] Muli na naman siyang
humingi ng tulong sa kaniyang mga kaibigan ngunit natalagan bago dumating kaya noong 6 Agosto 1891 ay itinigil ang
paglilimbag sa nobela na noo’y nasa ika-112 pahina na. Hindi nagtagal, tulad muli sa mga nangyari hábang
ipinapalimbag ang Noli, ay dumating ang salaping kailangan ni Dr. Rizal mulâ sa isa sa kaniyang mga kaibigan na si
Valentin Ventura na noo’y nása Paris. Sa tulong ng sugo ng Diyos, ang ikalawang nobela ni Dr. Rizal ay natapos sa
pagpapalimbag noong 18 Setyembre 1891.

• Ang El Filibusterismo ay binigyan ng iba’t ibang saling-pamagat. Sa wikang Ingles, ito ay isinalin bilang “The
Filibustering”. May salin din ito sa wikang Ingles na ang pamagat ay “The Reign of Greed” na tinumbasan naman sa
wikang Tagalog ng “Ang Paghahari ng Kasakiman”. Sa ibang aklat sa wikang Ingles, ito ay “The Subversive” na ang
salin naman sa wikang Filipino ay “Ang Subersibo”. Anuman ang pamagat, ang salitang filibusterismo ay nanggaling sa
salitang Kastila na “filibustero” na hiniram naman sa salitang Pranses na “flibustier” na tumutukoy sa sumusunod na mga
kahulugan: pirata (pirate), isang taong mangingikil ng buwis o pag-aari ng iba (plunderer), at isang táong may
kinalaman sa rebolusyon o pumupunta pa sa ibang bayan para suportahan ang isang pag-aaklas (freebooter). Ayon
mismo kay Dr. Jose Rizal, na mababasa rin sa ginawang introduksiyon ng kaibigan niyang si Ferdinand Blumentritt para
sa kaniyang ikalawang nobela, ang “filibustero” ay nangangahulugang “mapanganib na taong (makabayan)
mamamatay kahit na anong oras”. Ito ang kontekstuwal na pagpapakahulugan ng mga Espanyol at ilang Filipino
noon na nakaaalam ng salitang ito. Unang pagkakataon na narinig ito ni Dr. Rizal ay noong binitay ang tatlong paring
martir dahil sa pagkakadawit sa Cavite Munity. Labis-labis na pagkabalisa ang idinulot ng salitang ito sa mga Pilipino
maging sa mga nakapag-aral dahil ito ay parang parusang bigla na lámang ipapataw ng mga Espanyol sa sinumang
Pilipinong nais nilang mamatay. Dahil dito, ipinagbawal mismo ni Francisco Mercado, ama ni Dr. Rizal, ang pagbanggit
ng mapanganib na salitang ito, maging ng mga salitang “Cavite” at “Burgos” (isa sa tatlong paring martir na kaibigan
ng kapatid ni Dr. Rizal na si Paciano), dahilan para kakaunti lámang ang nakaaalam ng salitang ito.

• Labing-isang taóng gulang pa lámang noon si Dr. Rizal nang masaksihan niya ang kalunos-lunos na pagbitay sa tatlong
paring martir, ang GOMBURZA, na sina Mariano Gomez de los Angeles, Jose Apolonio Burgos y Garcia, at Jacinto Zamora
y del Rosario. Marami ang nalungkot at marami ang nagalit dahil pinatay ang tatlong paring inosente na dinawit lámang
sa Cavite Mutiny. Ang Cavite Mutiny ay ang pag-aaklas noon sa Cavite ng tinatayang 200 pinagsama-samang
manggagawang Pilipino dahil sa sapilitang paggawa o polo y servicio at pagkakaltas ng buwis ng mga Espanyol.
Gayunman, ang pag-aaklas na ito ay hindi naging matagumpay dahil lahat ng nagsipag-aklas ay hinuli, pinarusahan at
pinatay. Sinuman ang sumubok na sumuporta at tumulong sa pag-aaklas ay parehong kapalaran ang sinasapit. Dahil
sa maraming Espanyol, lalong-lalo na ang mga prayle, ang galit at naiinggit sa GOMBURZA, idinawit nila ang tatlong pari
bilang mga filibustero. Sila ay binitay sa pamamagitan ng garote sa Bagumbayan (ngayon ay Luneta Park) noong 17
Pebrero 1872. Ang karumal-dumal na pangyayaring iyon, kahit maraming taon na ang lumipas, ay kumintal sa isipan at
bumiyak sa puso ni Dr. Rizal kayâ ang GOMBURZA ang kaniyang pinag-alayan ng pagsusulat ng nobelang El
Filibusterismo. Gayumpaman, nang isulat ni Dr. Rizal ang dedikasyon sa nobela ay nagkaroon ng kaunting pagkakamali
ang bayani. Sa kaniyang orihinal na sipi, naisulat niya na binitay ang GOMBURZA noong 22 Pebrero 1872 at hindi 17
Pebrero 1872 na siyang talâng pangkasaysayan. Maging sa pagsasáma ng edad ng tatlong paring martir ay nagkaroon
ng dalumat: si Mariano Gomez na namatay sa edad na 72 ay nailahad ni Dr. Rizal ng 85 taóng gulang; si Jose Burgos,
ayon sa bayani ay namatay sa edad na 30 pero ayon naman sa mga historyador ay 35 taóng gulang; at si Jacinto
Zamora naman ay namatay sa edad na 36 pero ayon kay Dr. Rizal ay 35 taóng gulang.

• Tulad sa nabanggit sa unang bahagi ng tekstong ito: nirebisa ni Dr. Rizal sa London ang halos lahat ng naisulat na niya
sa ikalawang nobela noong 1888. Ito ay may kinalaman mismo sa kaniyang naging mga inspirasyon sa pagsusulat; ngunit
naiiba sa mga inspirasyon ng ibang manunulat: ang kaniyang masasakit na karanasan sa totoong búhay dahilan para
maging mabigat ang mga emosyon at mga pangyayaring mayroon sa El Filibusterismo. Ang mga ito ay ang mga
sumusunod: (1) ang pagmamalupit ng mga paring Dominiko sa mga magsasaka ng Calamba at sa kaniyang
pamilya―matutunghayan sa Kabanata 4; (2) ang pagkamatay ng dalawang Filipino sa Madrid na sina Felicisimo
Gonzales at ang kaibigan niyang si Jose Maria Panganiban; (3) ang away nilang dalawa ni [Heneral] Antonio Luna dahil
sa isang babae, si Nelly Bousted; (4) ang tunggalian sa pagitan nila ni Marcelo H. del Pilar sa pamumuno ng samahán ng
mga Kastila at mga Filipino sa Espanya―mababása sa unang mga bahagi ng nobela ukol sa pagpapatayo ng
Akademya ng wikang Kastila; at (5) ang pagpapakasal ng kaniyang kasintahang si Leonor Rivera sa isang inhinyerong
Ingles na si Henry C. Kipping―matutunghayan sa hulíng mga bahagi ng nobela, sa kabanata kung saan nagpakasal si
Paulita Gomez kay Juanito Pelaez.

• Tulad sa Noli Me Tangere, ang ilang tauhan sa nobelang ito ay hinango mismo ni Dr. Rizal sa tunay na buhay: (1) ang
ginagalang na paring Pilipino na si Padre Florentino ay walang iba kundi si Padre Leoncio Lopez na malapit na kaibigang
pari ni Dr. Rizal; si Isagani ay si Vicente Ilustre na isang makata; si Paulita Gomez ay si Leonor Rivera, ang pinsan ni Dr. Rizal
na naging kasintahan niya, si Leonor Rivera din si Maria Clara sa Noli Me Tangere, mapapansin na magkaiba ang mga
katangian nina Maria Clara at Paulita Gomez pero pareho lamang hinalaw sa iisang tao; si Simoun, ang pangunahing
tauhan, ay walang iba kundi si Simon Bolivar, ang tagapagpalaya ng Katimugang Amerika mulâ sa pananakop ng
Espanya; si Padre Salvi ay si Padre Antonio Piernavieja; si Donya Victorina ay si Donya Agustina Medel; at si Kapitan Tiago
ay si Kapitan Hilario Sunico.

(BUOD) MAIKLING KABUUAN NG EL FILIBUSTERISMO

*Isang bapor tabo ang naglalayag at sakay nito sa ibabaw ng kubyerta sina Simoun, Isagani, Basilio, Kapitan Heneral,
Donya Victorina,Don Custodio, Padre Irene, Ben Zayb, Padre Salvi, Padre Sibyla, Kapitan Basilio,at Padre Florentino.
Napag-usapan nila ang tungkol sa suliranin sa ilog. Makikita rin sa bapor tabo ang mahirap na kalagayan ng mga
taong nasa ilalim ng kubyerta. Napag-usapan din ng ilang nabanggit na tauhan ang tungkol sa ilang mga alamat.
*Nang makarating si Basilio sa San Diego ay nakita niya si Simoun sa lugar kung saan nakalibing ang kanyang inang si
Sisa. Nalaman niya na ang mag-aalahas na si Simoun ay walang iba kundi si Crisostomo Ibarra na nagbabalatkayo.
Tinangka ni Simoun na patayin si Basilio upang ang lihim niya ay hindi mabunyag. Naghunos-dili si Simoun at hinikayat
na lamang si Basilio upang tulungan siyang maghiganti at baguhin ang bulok na sistema ng pamahalaan. Ngunit
tumanggi si Basilio at pinili na magpatuloy sa pag-aaral at di makialam sa mga plano ni Simoun.
*Hiniling ng mga estudyante ang pagpapatayo ng isang paaralan para sa pag-aaral ng Wikang Kastila. Bagamat hindi
pa ito aprubado ay sinisikap ng mga estudyante na sila ay magtagumpay sa kanilang adhikain.Sa ikalawang
pagkakataon ay nakipagkita si Simoun kay Basilio upang hikayatin itong maghimagsik at tulungan siyang makuha si
Maria Clara. Ngunit sa kasamaang palad , si Maria Clara na ililigtas na sana ay pumanaw na noon ding hapong iyon.
*Samantalang ang mga estudyante na bigo naman sa kanilang panukala na magpatayo Akademya para sa wikang
Kastila ay nagsalu-salo sa Panciterìa Macanista de Buen Gusto. Dahil sa tahasang pagtuligsa ng mga estudyante sa
mga prayle sa pamamagitan ng talumpati ay pinadakip sila dahil sa bintang na sila ang may pakana ng mga paskin
na naglalaman ng pagtuligsa, paghihimagsik at pagbabala sa harap ng pinto ng unibersidad. Kasama si Basilio sa
mga nadakip kaya si Juli na kanyang kasintahan ay labis na nagdamdam.
*Nakalaya naman kaagad ang mga estudyante sa tulong ng kanilang mga kamag-anak na inilakad sila para
mapawalang-sala maliban kay Basilio. Dahil sa kahirapan ay wala ni isang namagitan sa kanya at dahil sa wala na rin
si Kapitan Tiago ay nananatili siyang nakakulong. Inihingi ni Juli si Basilio ng tulong kay Padre Camorra ngunit sa halip na
makatulong ito ay siya pang naging sanhi ng kanyang kamatayan dahil sa pagkahulog nito sa durungawan ng
kumbento.
*Upang maisakatuparan ang plano, ay nakipagsosyo siya kay Don Timoteo Pelaez na ipakasal ang kanyang anak na si
Juanito kay Paulita Gomez.
*Ang ninong sa kasal ay ang Kapitan Heneral at kasama sa mga dadalo sa pagdiriwang ang mga may katungkulan sa
Pamahalaan. *Matapos ang dalawang buwan ay nakalaya si Basilio sa tulong ni Simoun kaya’t umanib sIya rito.
Ipinakita nya kay Basilio ang bomba na gagamitin sa pagpapasabog sa pagdiriwang ng kasal. Ang bombang ito ay
lampara na may hugis ng granada at sinlaki ng ulo ng tao. Ang lamparang ito ay magbibigay ng liwanag sa kasal at
matapos ang dalawampung minuto ay lalabo. Sa oras na hatakin ang mitsa nito upang mapaliwanag at magdudulot
ito ng pagsabog at wala ni isang naroroon ang mabubuhay . Sa kabilang banda naman , magiging hudyat ng
paghihimagsik na pangungunahan ni Simoun ang pagsabog ng ng dinamita sa lampara.
*Habang si Basilio ay palakad-lakad sa tapat ng bahay na pinagdarausan ng pagdiriwang ay nilisan ni Simoun ang
lugar. Susunod na sana si Basilio kay Simoun ngunit nakita niya si Isagani. Sinabihan nya ito na umalis ngunit
nagkibitbalikat si Isagani. Ipinagtapat ni Basilio ang plano kay Isagani.
*Nang mapansin na lumalabo na ang ilaw ng lampara ay agad itong inihagis ni Isagani sa Ilog. Dahil sa pumapalpak
ang plano ni Simoun na himagsikan ay nakituloy siya sa tahanan ni Padre Florentino. Siya ngayon ay pinag-uusig na ng
mga maykapangyarihan. *Nang palapit na ang mga darakip kay Simoun ay uminom ito ng lason upang hindi na
mahuli ng buhay at ipinagtapat ang kanyang tunay na pagkatao kay Padre Florentino. Isinalaysay nya lahat mula sa
pagbabalik nya sa Pilipinas galing Europa , labintatlong taon na ang nakakalipas. Isinalaysay din nya ang
pagmamahalan nila ni Maria Clara at ang pagpapanggap nya bilang si Simoun na mag-aalahas na may layuning
maghimagsik sa Pamahalaan. Matapos ang makumpisal ay namatay si Simoun.
*Upang hindi na magamit pa sa kasamaan ang kayraming kayamanan ni Simoun ay tinapon ito lahat ni Padre
Florentino sa karagatan.

GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 4. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Bakit mahalagang matutuhan muna ang kaligirang pangkasaysayan ng isang akda?

____________________________________________________________________________________________________________________

2. Paano nakatulong ang kaligirang pangkasaysayan sa lubos na pagkaunawa sa nobela

____________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________

GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 5. Isulat ang mga magkakaugnay na mga pangyayari sa El Filibusterismo at sa
buhay ni Rizal.

PANGYAYARI SA BUHAY NI JOSE RIZAL KAUGNAY NA PANGYAYARI SA EL FILIBUSTERISMO

1.

2.

3.

4.

5.

GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 6. Mggsaliksik. Gumawa ng timeline ng kaligirang pangkasaysayan ng El

Filibusterismo gamit ang grapikong presentasyon.

Pagsulat ng Nobela Maikling Buod ng Nobela Tema at Kasaysayang Pangkonteksto

Pamagat ng Nobela/ Paghahandog o Inspirasyon ng Nobela

Pangunahing Tauhan
PAGTATAYA. Panuto: Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot sa bawat bilang at isulat sa sagutang papel.

1. Ang El Filibusterismo ay __________ nobela ni Rizal.

A. unang B. ikalawang C. ikatlong D. ikaapat na
2. Anong pangyayari ang tumatak sa isip ni Rizal na naging inspirasyon niya sa pagsulat ng nobelang El Filibusterismo?
A. pagbitay sa Gomburza B. pag-agaw ng kanilang lupain
C. sapilitang paggawa ng mga Pilipino D. pananakot ng mga Espanyol
3. Ang mga sumusunod ay mga isyung inilantad ni Rizal sa nobelang El Filibusterismo maliban sa:
A. reporma sa edukasyon B. katiwalaan ng namamahala sa gobyerno
C. pang-aabuso ng mga paring Espanyol D. pagtulong ng mga mayayaman sa mahihirap
4. Iniingatan ni Rizal na huwag mapasakamay ng mga ________ ang kanyang aklat.
A. Filipino B. Espanyol C. Intsik D. Hapones
5. Isinulat ni Rizal ang El Filibusterismo hindi upang mabasa ng mga Espanyol kundi ______________
A. upang mabasa ng mga Filipino B. upang mabasa ng mga kaaway
C. upang maipagyabang sa mga kaibigan D. upang kumita ng malaking halaga
6. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng paglalahad ni Rizal ng mga pangyayari sa nobela?
A. satirikong paglalarawan B. karikaturang mga tauhan
C. may limitadong katatawanan D. lahat ng nabanggit
7. Nagsimula ang nobela sa paglalakbay ng isang ________
A. bangka B. tren C. bapor D. karwahe
8. Siya ang pangunahing tauhan ng nobela na higit na mapusok at may mapaghiganteng layunin.
A. Crisostomo B. Gobernador Heneral C. Simoun D. Kabesang Tales
9. Nagtapos ang nobela sa ___________________
A. pagtatapon ng bangkay ni Simoun sa dagat B. paghuhukay ng kayamanan sa gubat
C. pagtatapon ng kayamanan sa dagat D. wala sa mga nabanggit
10. Ang dalawang nobela ay naging inspirasyon ni _____________ at ng iba pang rebolusyonaryo sa kanilang
ipinaglalaban.
A. Emilio Aguinaldo B. Andres Bonifacio C. Jose Rizal D. wala sa nabanggit

LINGGO 3
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 1. Ipahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga sa larawang nasa ibaba
sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong.

1. Magbigay ng sariling pakahulugan sa salitang maskara.

____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

2. Bakit kailangan ng tao na minsan na magsuot ng maskara? Ipaliwanag.

____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________________________________

3. Ano sa palagay mo ang pinakamabuting gawin upang matanggap ng iba ang iyong tunay na sarili?

____________________________________________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________________________________________

Basahin at unawain ang kabanata 4, 7, 8, 10, at 30 ng El Filibusterismo.

ANG MGA SUMUSUNOD NA KABANATA NG EL FILIBUSTERISMO AY MGA BUOD LAMANG. MAAARI KANG
MANGHIRAM NG AKLAT, MAGSALIKSIK PA UKOL SA NILALAMAN/ KABUUAN NG BAWAT KABANATA UPANG
LUBOS ITONG MAUNAWAAN.

Kabanata 4: Kabesang Tales

Naninirahan sila dati sa pusod ng gubat. Si Tandang Selo, si Telesforo(Tales) –kanyang asawa at 3
anak. Isang araw hinawan nila ang gubat sa may hangganan ng bayan sapagkat akala nila’ywala naman
ditong nagmay-ari at sa pangyayaring ito namatay ang kanyang asawa at panganay na anak dahil sa
matinding lagnat. Noong umpisa walang pumapansin sa kanila ngunit nang umani na sila sa unang
pagkakataon, isang korporasyong relihiyoso na may-ari ng mga lupain sa karatig-bayan ang umangkin sa
kanilang taniman at iginiit na sakop ito ng hangganan nila. Bagama’t hindi ito binawi kina Tales, pinagbayad
naman sila ng taunang buwis na 20 o 30 piso.

Pumayag sila at nagbayad hanggang sa tumaas ng tumaas ang singil at ginawa siyang Kabesa o
taga- kolekta ng buwis. Dahil dito naglugi siya ng malaki sapagkat pag may mga hindi nagbabayad, siya
din ang nagpupuno dito galing sa kanyang sariling bulsa. Isinali sa Itinaas ang upa sa dalawandaang piso at
dito na tumutol si Tales. Sinabi niya na hanggang walang nakakapaghukay at nakakapag araro sa lupa niya
ng dugo at nawalan ng asawa at anak, hindi niya ito ibibigay.

Sinampahan niya ito ng asunto at inubos ang pera sa pag arkila ng mga abogado. Hindi na nakapag
aral si Juli sa Maynila at hindi rin natubos si Tano sa hukbo ng pagka- gwardiya sibil. Sa kahuli hulihan, nakidnap
si Tales at humingi ang mga tulisan ng limangdaang piso kapalit ng kanyang paglaya. Ibinenta nina Juli at
tandang Selo ang lahat ng kagamitan nila ngunit kulang pa rin kaya namasukan si Juli kay Hermana Bali
upang punan ang 250 Piso na kulang.

Kabanata 7: Simoun

Malapit sa puntod na pinanggalingan ni Basilio may nakita siyang di kakilalang lalaki sa malayo at
yun ay si Simoun. Naghuhukay ang alahero, walang suot na salaming asul kaya naman nagbago ang anyo
nito. Kinilabutan si Basilio dahil alam niyang ito rin ang di kilalang lalaki na humukay ng paglilibingan ng
kanyang ina labintatlong taon na ang nakalipas, higit na matanda nga lamang ngayon, may puti na ang
buhok, maybigote at balbas ngunit iyon parin ang mga mata nito at ang mapanglaw na mukha. Naisip niya
na samakatuwid na ang namatay o naglaho na tagapagmana ng lupaing ito ay walang iba kundi ang
alaherong si Simoun—napagtagpi-tagpi na ni Basilio na si Simoun nga si Crisostomo Ibarra. Nilapitan niya ito
at tinanong kung may matutulong siya. Sa pagkagitla ni Simoun, tinanong niya si basilio kung alam ba niya
kung sino siya at sumagot si Basilio na isa raw siya sa mga taong itinuturing niyang banal sapagkat 13 taon
na ang lumipas tumulong ito sa kanya sa paglilibing ng kanyang ina. Sumagot si Simoun na taglay ni Basilio
ang lihim na maaaring makasira sa kanyang mga balak.

Ang nakaraan ni Simoun:

Siya nga ang may sakit at kalunos-lunos na nagtungo rito 13 taon na ang nakalipas upang mag-ukol
ng huling pagpapahalaga sa isang dakilang kaluluwa na maringal na yumakap sa kamatayan alangalang
sa kanya. Sinawi ng isang pusakal na sistema, naglagalag si Simoun sa iba’t ibang parte ng mundo upang
magpayaman at maisakatuparan ang kanyang mga balak. Nagbalik siya upang wakasan ang sistemang
ito sa pamamagitan ng lalong pagpapadali sa pagkabulok nito.

Kabanata 8: Maligayang Pasko

Madilim-dilim at kasalukuyang nagtitilaukan ang mga manok nang magising si Juli. Umaasa siya na
maghihimala ang Mahal na BIrhen at makakakita ng kapunuan ng perang kulang sa pantubos sa kanyang
amang si Kabesang Tales na kinidnap ng mga tulisan. Pero hanggang sa sumikat ang araw at muling tingnan
ang ilallim ng imahen ng mahal na Birhen ay wala siyang nakitang pera. Hindi nagmilagro ang mahal na
Birhen. Lupaypay ang damdamin ni Juli sa kabiguan.

Nabuo sa kanyang loob na wala nang natitira pang ibang paraan kundi ang magtungo sa bagong
amo (Hermana Penchang). Hindi naman siya malulungkot sapagkat malapit lamang ang bahay na kanyang
paglilingkuran. Tuwing makalawang araw ay maaari niyang dalawin ang kanyang lolo Selo. Inayos na ni Juli
ang kanyang lalagyang ng mga gamit at hinalikan ang kanyang laket na may brilyante at esmeralda. Pero
ito ay kaagad na itinago nang maalaalang galing iyon sa isang ketongin.

Binasbasan siya ni Tandang Selo nang hindi ito umiimik. Nagbili si Juli sa kanyang lolo na pagdating
ng ama ay ipakisabi nitong siya ay pumasok sa pinakamurang kolehiyo at ang kanyang amo ay marunong
ng Kastila. Mabilis na siyang nanaog sapagkat napansin niyang hilam na sa luha ang mata ng kanyang lolo.

Dumating ang araw ng pasko. Maraming mga kamag-anak nila ang ang namasko sa bahay. Pero
hindi sila ininindi ng Tandang Selo. Wala itong imik. Tulala. Napipi.Sa sama ng loob ay napipi si Tandang Selo.
Napipi si Tandang Selo dahil sa masalimuot na sinapit ng kanyang pamilya.

Kabanata 10: Kayamanan at Karalitaan

Kinabukasan, nagtaka ang buong bayan sapagkat ang mag-aalahas na si Simoun ay nakituloy sa
bahay ni Kabesang Tales. Inusisa niya si Tales kung gagamitin ang kanyang baril laban sa mga tulisan.
Samantala dumating si Kapitan Basilio kasama ang asawa, anak na si Sinang at manugang na handang
gumastos ng halagang 3,000. Dumating din si Hermana Penchang upang bumili ng singsing na brilyante.
Kaagad na inilabas ni Simoun ang mga dalang alahas at marami naman ang bumili.

Tinanong ni Simoun si Tales kung wala itong ipinagbibiling alahas. Sinagot ito ni Tales na naipagbili na
ng kanyang anak na si Juli ang lahat ng mga alahas maliban sa isang agnos(laket) na handog ni Basilio.
Tinawaran ni Simoun ang laket pero sabi ni Tales ay isasangguni muna niya ito kay Juli.

Magtatakip-silim lumabas na ng nayon si Tales upang puntahan si Juli sa bahay ni Hermana

Penchang. Buhat sa malayo ay natanaw niya ang paring namamahala ng asyenda at ang taong nagsasaka
sa dati niyang lupain. Biglang naglatang ang galit sa kanyang dibdib. Sinundan niya ang dalawa.

Samantala maghahating-gabi na ay hindi pa rin dumarating si Tales. Nainip si Simoun hanggang sa

makatulog. Kinaumagahan nang magising siya ay wala ang kanyang baril. Isang sulat ang kanyang
natagpuan mula kay Tales na nagsasabing kinuha niya ang baril upang gamitin sa panunulisan. Iniwan ang
laket ni Huli na dating kay Maria Clara. Tiningnan ito ni Simoun ng buong pagsuyo.

Si Tales ang numero unong suspek sa krimeng naganap nang gabing iyon. Tatlong bangkay ang
natagpuan ng oras na iyon. Ang una ay si Padre Clemente na tagapangasiwa ng asyenda at ang bagong
namumusisyon sa lupain ni Tales. Basag ang bungo ng mga ito at may nakasungangang lupa sa mga bibig.
Ang isa pang bangkay ay pugot ang ulo at sa tabi ay mayroong papel na may nakasulat sa dugo na “TALES”.

Kabanata 30: Si Juli

Naging malaking balita ang pagkakahuli kay Basilio at labis itong pinagalala ni Juli. Siya ay
binabangungot sa kakaisip kay Basilio. Sa pagnanais niyang makalaya si Basilio ay naisip niya si Padre
Camorra. Isang salita lamang ni Padre Camorra ay makakalabas ng kulungan si Basilio. Siya na lamang ang
natira sa bilangguan dahil wala siyang tagapagtanggol at wala rin naman kamag-anak. Ayaw pumunta ni
Juli sa kumbento dahil natatakot siya kay Padre Camora ngunit pinilit siya ni Hermana Bali. Nang makapasok
na sila sa kumbento, kinahapunan ay may nangyaring hindi maganda. May babaeng tumalon sa bintana
at namatay at may babaeng nagtatakbong lumabas ng kumbento na tila wala na sa katinuan. Pinuntahan
ni Tata Selo ang kumbento at hinahanap si Juli ngunit hind siya pinapasok at sa halip ay pinagtabuyan pa.
Hinanap niya ang gobernadorsilyo, Juan de Paz at tinyente ngunit wala ang mga ito. Narinig sa bayan ang
panaghoy ni Tata Selo at kinabukasan ay dinala niya ang kanyang itak at nilisan ang lungsod. (Upang sumapi
sa mga tulisan)

GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 2. Ipahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga kaugnay ng mga
kaisipang namayani sa akda.

KAISIPAN SARILING PANINIWALA AT PAGPAPAHALAGA

Kabanata 4: Kabesang Tales

Ang pagdadala ni Kabesang Tales ng

mga armas tulad ng baril, gulok, at
palakol upang bantayan ang kaniyang
lupain.

Kabanata 7: Si Simoun

Ang pag-amin ni Simoun sa tunay niyang

pagkatao.

Kabanata 8: Maligayang Pasko

Ang paniniwala ni Huli sa himala

Kabanata 10: Kayamanan at Karalitaan

Ang pakikipanuluyan si Simoun kina

Kabesang Tales.

Kabanata 30: Si Huli

Ang paghingi ng tulong ni Huli kay Padre

Camorra na nagbunga ng kaniyang
kasawian.
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 3. Suriin kung ang mga kaisipan o pahayag sa bawat bilang ay may kaugnayan
sa mga sumusunod. Isulat ang titik sa patlang bago ang bilang.
A. kabuluhan ng edukasyon E. pagmamahal sa kapwa-tao
B. pamamalakad sa pamahalaan F. pagmamahal sa pamilya
C. pagmamahal sa Diyos G. karapatang pantao
D. pagmamahal sa bayan

_____1. Nang mapaunlad ni Kabesang Tales ang bukid ay agad itong inangkin ng mga prayle ay siya’y pinagbuwis.
_____2. Ayon kay Simoun”Walang mang-aalipin kung walang paaalipin”
_____3. Binanggit din ni Simoun na “Hindi kailanman maaaring maging wikang panlahat ang Kastila”
_____4. Nagtungo ni Huli sa kumbento upang humingi ng tulong kay Padre Camorra na makalaya si Basilio.
_____5. Tumalon si Huli mula sa bintana ng kumbento.
_____6. Pagkagising ni Huli ay agad na tinungo ang Mahal na Birhen upang alamin kung may dalawang daan at
limampung piso ang ilalim nito.
_____7. Dahil sa labis na kalungkutan ay napipi si Tata Selo.
_____8. Mamamasukan si Huli kay Hermana Penchang upang matubos ang kaniyang ama.
_____9. Si Tata Selo ang dinakip ng mga guwardiya sibil nang hindi naabutan si Kabesang Tales.
_____10. Nagbibitbit ng mga armas si Kabesang Tales habang nagbabantay sa kanyang bukid.

GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 4. Unawain at ipaliwanag ang matalinghagang pahayag na binanggit ni Simoun.
Sikaping maipahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga kaugnay ng kaisipan namayani sa akda.

“ Ang karunungan ay walang katapusan at siyang kagalingan ng sangkatauhan”

_______________________________________________________________________________________________

GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 5. Tukuyin kung sino sa mga tauhan ng akda ang nagsabi ng mga sumusunod na
pahayag.
SIMOUN HULI TANDANG SELO BASILIO KABESANG TALES PADRE FERNANDEZ
______________________1. “Ngunit lalong dakila ang isang manggagamot kung siya’y nakapagbibigay ng buhay sa
kanyang nanlulumong mga kababayan”
______________________2. “Ang karunungan at katarungan ay higit na mabuti kaysa isang balak na ikapapahamak ng
lahat”.
______________________3. “Ang karunungan ay ipinagkakaloob lamang sa mga taong karapat-dapat”.
______________________4. “Kapag dumating po ang aking ama ay pakisabing napasok ako sa pinakamurang kolehiyo
at matututo ng Kastila dahil ang aking amo ay marunong niyon”.
______________________5. “Hayaan mo na, ipagpalagay mo na lamang na nahulog sa ilog at kinain ng mga buwaya”

LINGGO 4
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 1. Magbigay ng mga impormasyon hinggil sa iyong nalalaman sa mga sumusunod
na larawan.

1._____________________________ 2. _____________________________ 3.______________________________

______________________________ ______________________________ ________________________________

______________________________ ______________________________ ________________________________

______________________________ ______________________________ ________________________________

4. _____________________________ 5. ________________________________ 6. __________________________

_______________________________ __________________________________ ____________________________

_______________________________ __________________________________ ____________________________

_______________________________ __________________________________ ____________________________

GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 2. Basahin at unawain ang mga sumusunod na kabanatang kasangkot sa araling
ito.

ANG MGA SUMUSUNOD NA KABANATA NG EL FILIBUSTERISMO AY MGA BUOD LAMANG. MAAARI KANG
MANGHIRAM NG AKLAT, MAGSALIKSIK PA UKOL SA NILALAMAN/ KABUUAN NG BAWAT KABANATA UPANG
LUBOS ITONG MAUNAWAAN.

Sa kabanatang ito, matutunghayan mong malayo ang agwat ng kalagayan ng mga pasahero sa itaas ng bapor
kaysa sa ilalim na palapag nito-mainit, masikip, at mahirap ang kondisyon ng paglalakbay. Makikita rito ang
karaniwang eksena kapag bakasyon ang mga mag-aaral. May mga tahimik at magugulong estudyante kapag
nagsama-sama. Matutunghayan mo rin dito ang masisipag, pagod, at puyat na mangangalakal na Intsik. Ang iba
namang pasahero ay nanonood ng tanawin sa ilog, nagbaraha, at mga tulog. Hindi alintana ng magkaibigang Basilio
at Isagani ang ibang pasahero dahil seryoso silang nakikipag-usap sa mayamang si Kapitan Basilio na taga-San Diego.
Isinusulong ng magkaibigan at ng iba pang makabagong mag-aaral ang pagtatag ng akademya para sa pagtuturo
ng wikang Kastila. Ayon kay Kapitan Basilio walang mararating ang kanilang panukala. Marami ang hindi naniniwalang
maitatayo ito at maging si Simoun ay salungat din subalit matatag at pursigido ang magkaibigan dahil alam nilang
mabuti ang kanilang layunin at bukod dito ay nakahanda na ang lahat- ang mga gagastusin, ang magtuturo, at ang
gagamiting paaralan.

Nagsama-sama ang makabagong mag-aaral sa tahanan ni Makaraig. Dito sila nagpahayag ng kani-kanilang
damdamin sa kalalabasan ng kanilang kahilingan sa pag-aaral ng wikang Kastila. Matutuhan dito ang buhay ng mga
estudyante noon at kung paano ang mabuhay sa panahong iyon. Mabubuksan ang kaisipan ng mga mag-aaral dito
sa pamamahala ng mga prayle sa paaralan.

Naging bantog na manananggol si Ginoong Pasta mula sa kanyang pagsisikap sa kamay ng pinagsilbihang mga
prayle. Siya ay sinasangguni ng malalaking tao tungkol sa mahahalagang pasiya kaya lumapit si Isagani sa kanya
upang magpatulong. Siya ay mamamagitan para sa kabataan sa opisyal na tagapayo sakaling humingi ito ng payo
sa kanya. Naisip niyang pahahalagahan siya nito dahil naging kaklase ng kanyang tiyo si Ginoong Pasta subalit buo
ang pasiya ng ginoong huwag makialam sa usapin upang makaiwas sa suliranin.

Nagsama-sama mula sa iba’t ibang antas ng lipunan ang mga mamamayan sa isang palabas. Muling nailalarawan
dito ang kaugalian ng mga manonood sa teatro. Maging ang mga prayle na hindi inaasahan sa ganitong palabas ay
aktibong nakiugnay sa entablado. Si Isagani na isa ssa mga manonood ay tahimik na nagtitimpi ng kaniyang galit at
paninibugho nang makita sina Paulita at Pelaez na magkasama. Samantala si Donya Victorina ay nagsimula nang
magkagusto kay Juanito at iniisip na maging kapalit na kaniyang asawa kung sakaling mamamatay ito. Sa kabilang
dako ay

nadismaya naman ang mga mag-aaral sa akademya dahil sa kabiguang mapapayag ni Pepay si Don Custodiong
maipasa ang isinusulong nilang panukala sa halip ibingay ng huli sa mga relihiyosong orden ang pagpapasiya sa
bagay na ito.

Malaki ang paggalang nina Padre Fernandez at Isagani sa isa’t isa subalit dumating ang napakahigpit na
pangyayaring kailangan nilang harapin at pag-usapan ang suliranin ng mga mag-aaral at kanilang korporasyon.
Kinatawan ni Padre Fernandez ang mga prayle sa bansa at si Isagani, ang mga mag-aaral na Pilipino. Nagtalo sila
nang pangkalahatan. Mahusay na nailahad ng mag-aaral ang katayuan ng mga Pilipino sa kamay ng mga prayle
subalit pinagsinungalingan ito ng paryle. Idiniin ng bawat isa ang kanilang panig at kapwa nagpasiyang tapusin ang
tunggalian ng kaisipan upang manumbalik sa kani-kanilang layunin at tungkulin.

Nagdatingan ang mga panauhin na mula sa maliit hanggang sa may pinakamataas na katayuan sa buhay at
tungkulin. Hindi maintindihan ni Don Timoteo ang gagawing pag-estima sa panauhin lalo na sa Kapitan Heneral.
Samantala, dahil likas ang kabutihang loob ni Basilio, nahirapan siyang pigilan ang sarili, Ilang ulit niyang sinubukan at
bigyang-babala ang mga panauhing inosente na madadamay sa pagsabog subalit hindi niya ito nagawa nang
makita niya ang mga sanhi ng kaniyang kabiguan at nang marinig niya si Simoun nagalit na nag-utos sa kutsero na tila
sa kanya ipinararating na magmadaling lumisan sa kinaroroonan nito. Sa pagkakataong lilisanin na niya ang lugar ay
nakita niya ang matalik na kaibigang si Isagani na tila tulala na nakatingin sa nangyayaring piging. Pinigilan niya ito at
sinabihang huwag magtungo roon subalit tumanggi siyang sumunod kaya nabunyag ang tungkol sa lihim na regalong
gintong “lampara”.

Nakikinig lamang si Isagani sa mga alingasngas tungkol sa nangyari sa piging. Isang saksi ang nagpapatunay sa balita
at sinabihang ipinid ang bibig ng mga naroon subalit naibunyag din nga sa usapan nilang ito. May mga nagalit kay
Simoun at sinabihan ng masasakit na salita. Ang iba naman ay nagpahayag ng panghihinayangna na “ninakaw” ang
lampara, dapat daw ay ubos na ang mga Espanyol. Hindi na nakatiis si Isaganing ipaliwanag ang panig ng
“magnanakaw” at nagsabing kung alam daw sa nito ang layunin ng nagpakana ay baka raw hindi nito ninakaw ang
lampara.

GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 3. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1 Paano ipinakita ang kabuluhan ng edukasyon at kabayanihan batay sa mga binasang kabanata?
____________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________

2. Naipakita ba sa mga binasang kabanata ang kabayanihan at karuwagan ng tauhang si Isagani? Patunayan.
____________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________

3. Kailangan bang magkaroon ng kamalayan ang isang kabataan sa mga nangyayari sa kaniyang bayan?
Ipaliwanag.
____________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________

4. Gaano kahalaga ang isang wika sa isang bayan?

____________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________

5. Ano-anong suliraning panlipunan ang masasalamin sa mga binasang kabanata? May pagkakatulad ba ito sa
nangyayari sa ating bansa sa kasalukuyan? Magbigay ng halimbawa bilang patunay.
____________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________

6. Bilang isang kabataan paano ka makatutulong sa mga suliraning panlipunan na kinakaharap ng ating bansa sa
kasalukuyan?
____________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 4. PUMILI LAMANG NG ISANG PAKSA at bumuo ng sanaysay hinggil sa mga
kaisipan mula sa mga kabanatang binasa na may kaugnayan sa mga sumusunod. Isulat sa mga patlang ang
sanaysay.

A. kabuluhan ng edukasyon E. pagmamahal sa kapwa-tao

B. pamamalakad sa pamahalaan F. pagmamahal sa pamilya
C. pagmamahal sa Diyos G. karapatang pantao
D. pagmamahal sa bayan
____________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________

GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 5. Piliin mula sa mga sumusunod ang may kaugnayan sa mga kaisipan o
pahayag na nasa ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

A. kabuluhan ng edukasyon E. pagmamahal sa kapwa-tao

B. pamamalakad sa pamahalaan F. pagmamahal sa pamilya
C. pagmamahal sa Diyos G. karapatang pantao
D. pagmamahal sa bayan

_______1. “Hindi po kami bumibili ng alahas dahil hindi namin kailangan,” ang tuyot na sagot ni Isagani kay Ginoong
Simoun dahil sa nasaling ang pagmamahal niya sa kaniyang lalawigan.

_______2. “Ang pamahalaang ay nagbibigay ng ating pangunahing pangangailangan kahit di pa natin hinihiling at
hindi tayo pwedeng humiling sapagkat ang humihingi ay para lang sa nagkukulang sa kaniyang tungkulin ang
pamahalaan.

_______3. “Hindi ako nagpunta rito para sa aking sarili kung hindi para sa iba na nangangailangan ng aking tulong.”

_______4. “Ang kasalanan ay nasa nagturo sa kanila ng pagkukunwari, nasa sumisiil sa malayang kaisipan .at malayang
pagpapahayag.”

________5. “Ang karunungan ay ipinagkakaloob lamang sa karapat-dapat na pagkalooban,” ang tuyot na sagot ni
Padre Fernandez. “Ang ipagkaloob iyon sa mga taong walang malinis na kalooban at mabuting asal ay kahalay-halay
lamang.”
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 6. Gamit ang talahanayan, isulat sa kolum B mga kaisipang nasa kolum C na
nangibabaw sa binasang kabanata sa kolum A. Titik lamang

A B C

MGA KABANATA SAGOT KAISIPAN

Kabanata 2: Sa Ilalim ng Kubyerta 1. A. kabuluhan ng edukasyon

Kabanata 14: Sa Bahay ng mga Estudyante 2. B. pamamalakad sa pamahalaan

Kabanata 15: Si Ginoong Pasta 3. C. pagmamahal sa Diyos

Kabanata 22: Ang Palabas 4. D. pagmamahal sa bayan

Kabanata 27: Ang Prayle at ang Pilipino 5. E. pagmamahal sa kapwa-tao

Kabanata 35: Ang Piging 6. F. pagmamahal sa pamilya

Kabanata 37: Ang Hiwaga 7. G. karapatang pantao

You might also like