You are on page 1of 29

El Filibusterismo

Essential Question
Paano maipamamalas ng mag-aaral ang
pag-unawa at pagpapahalaga sa
nobelang El Filibusterismo bilang isang
obra maestrang pampanitikan tungo sa
kamalayang panlipunan?
Enduring
Understanding
Maunawaan ng mag-aaral na sa
pamamagitan ngpagpapalabas ng
makabuluhang photo/video
documentary na magmumungkahi ng
solusyon sa isang suliraning panlipunan
sa kasalukuyan
“Ang panulat ay mas
makapangyarihan kaysa sa
tabak.”
Magagawa Kong…
Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng: - pagtukoy
01 sa mga kondisyon sa panahong isinulat ang akda - pagpapatunay ng pagiral ng mga
kondisyong ito sa kabuuan o ilang bahagi ng akda - pagtukoy sa layunin ng may-
akda sa pagsulat ng akda

Naisusulat ang buod ng kaligirang pangkasaysayan ng EL Filibusterismo batay


02 sa ginawang timeline

Naipamamalas ang kahusayang magtala ng mahahalagang impormasyon mula sa


03 iba’t ibang pinagkukunang sanggunian
Gabay na
Tanong
1. Ano ang nag-udyok kay Rizal upang isulat
ang ikalawang nobela?
2. Nakatulong ba ang nobela sa Pilipinas?
Ipaliwanag ang sagot
3. Sa iyong palagay, bakit inihandog ni Dr.
Rizal ang kaniyang nobela sa tatlong paring
martir?
4. Sa tingin mo ba may nagbago sa Pilipinas
matapos tayong makalaya sa mga dayuhan?
Ipaliwanag ang sagot.
El
Filibusterismo
at Buhay ni
Rizal
Sino si Rizal?
• José Protasio Rizal Mercado y
Alonso Realonda
• June 19, 1861
• Francisco Mercado Rizal &
Teodora Alonso y Quintos
• 3 taon siya nang matutuhan ang
alpabeto
• 5 taon siya nang matutuhan
magbasa at magsulat
Sino si Rizal?
• 8 taon nang maisulat ang tulang “Sa Aking Mga Kababata”
• Isa siyang polyglot (22 languages)
• Binaril sa Bagumbayan noong December 30, 1896
• Napangasawa si Josephine Bracken at nagkaroon ng anak na
pinangalanan nilang Francisco.
May batas bang nagsasaad na si Rizal ang
pambansang bayani ng Pilipinas?

WALANG opisyal na batas o proklamasyong nagpahayag


ng pagkabayani ni Rizal bunga ng malawakang pagkilala
ng bayang Pilipinas ng kanyang kabayanihan. Ang
opisyal na pagkilala kay Rizal bilang pambansang bayani
ay naganap sa Panahon ng mga Amerikano sa ilalim ng
administrasyon ni Gob. William Howard Taft
Kung walang batas na nagsasabi siya ang
pambansang bayani, bakit natin pinag-aaralan
ang kaniyang buhay at akda?
R.A. 1425 - AN ACT TO INCLUDE IN THE CURRICULA OF
ALL PUBLIC AND PRIVATE SCHOOLS, COLLEGES AND
UNIVERSITIES COURSES ON THE LIFE, WORKS AND
WRITINGS OF JOSE RIZAL, PARTICULARLY HIS NOVELS
NOLI ME TANGERE AND EL FILIBUSTERISMO,
AUTHORIZING THE PRINTING AND DISTRIBUTION
THEREOF, AND FOR OTHER PURPOSES

Source: Published in the Official Gazette, Vol. 52, No. 6, p. 2971 in


June 1956.
Tungkol sa Noli Me Tangere
• Ang Noli Me Tangere na nangangahulugang “Huwag Mo Akong
Salingin” sa Filipino o “Touch Me Not” sa Ingles ay pumapatungkol
sa idealistikong pananaw ni Dr. Jose Rizal sa kalagayan ng mga
Pilipino noon.
• Binubuo ng 64 na kabanata ang Noli Me Tangere (65 sa kabuuan
kung isasama ang kabanatang tinanggal ni Rizal na pinamagatang
“Elias at Salome”)
• Ito ay isang akdang panlipunan na inialay ni Rizal para sa Inang
Bayan.
Mga Detalye Tungkol sa El Filibusterismo
• Paghahari ng Kasakiman sa Filipino, The Reign of Greed sa
Ingles.
• Sinasalamin nito ang malalim na pagtingin ni Rizal sa kalagayang
sosyo-politikal ng bansa noong panahong nailabas ito.
• Inihahandog ito ni Rizal sa tatlong paring martir na sina Padre
Mariano Gomez, Padre Jose Burgos, Padre Jacinto Zamora.
• Nasimulan ang burador ng nobela sa Calamba, Laguna noong
1887.
Mga Detalye Tungkol sa El Filibusterismo
• Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagsusulat ng nobela sa Ghent,
Belgium mula sa pananatili sa Madrid, Spain.
• Marso 29, 1891 nang matapos niya ang El Filibusterismo
• Mayo 1891 nang maipasok niya ang nobela sa isang
palimbagan.
• Agosto 6, 1891 naantala ang pagpapalimbag dahil sa
kakulangan ng pondo.
• Nagpaabot ng tulong si Valentin Ventura ng halagang 150
upang maipagpatuloy ang pagpapalimbag.
Gabay na
Tanong
1. Ano ang nag-udyok kay Rizal upang isulat
ang ikalawang nobela?
2. Nakatulong ba ang nobela sa Pilipinas?
Ipaliwanag ang sagot
3. Sa iyong palagay, bakit inihandog ni Dr.
Rizal ang kaniyang nobela sa tatlong paring
martir?
4. Sa tingin mo ba may nagbago sa Pilipinas
matapos tayong makalaya sa mga dayuhan?
Ipaliwanag ang sagot.
Gawain 1: Kondisyong
Panlipunan
1.Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng
akda sa pamamagitan ng: - pagtukoy sa mga
kondisyon sa panahong isinulat ang akda -
pagpapatunay ng pagiral ng mga kondisyong
ito sa kabuuan o ilang bahagi ng akda -
pagtukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat
ng akda
Gawain 1: Kondisyong
Panlipunan
Batay sa nabasang kaligirang kasaysayan ng Noli Me Tangere,
ilarawan ang kondisyong panlipunan sa panahong isinulat ang
akda. Talakayin din ang mga naging epekto nito matapos itong
maisulat, mula noon hanggang sa kasalukuyan. Maaaring
gumawa ng karagdagang saliksik tungkol dito.
Kondisyong Panlipunan sa
Kondisyong Panlipunan sa Bago Kondisyong Panlipunan sa
Matapos maisulat ang El
maisulat ang El Filibusterismo Kasalukuyan
Filibusterismo
Mga Tauhan sa El
Filibusterismo
Mahahalagang Tauhan
 SIMUON– Siya si Crisostomo Ibarra sa nobelang Noli Me Tangere
na nagbabalik bilang si Simuon. Nagpapanggap siyang isang
mayamang mag-aalahas at malapit na tagapayo ng Kapitan-Heneral.

 ISAGANI – Ang makata at mangingibig ni Paulita Gomez. Siya ay


pamangkin ni Padre Florentino. Natapos siya sa Ateneo at isa sa mga
nagtataguyod ng Akademya ng Wikang Espanyol.

 BASILIO – Kinuha siyang utusan ni Kapitan Tiyago kapalit ng


pagpapaaral sa kaniya. Kasintahan ni Juli
Mahahalagang Tauhan
 KABESANG TALES– Si Telesforo o mas kilala sa tawag na Kabesang
Tales ay isang magbubukid na anak ni Tandang Selo. Nahirang bilang isang
cabeza de barangay bago kamkamin ng prayle ang mga lupang sakahan.

 DON CUSTODIO – Si Don Custodio de Salazar y Sanchez de


Monteredondo o mas kilala sa tawag na Don Custodio at ang
pinagkakatiwalaan ni Padre Sibyla na magpasiya hinggil sa hiling ng mga
kabataan. Tinatawag din siyang “Buena Tinta.”

 PADRE FLORENTINO - Siya ang butihing amain ni Isagani. Pinili niyang


ipagpatuloy ang pagpapari dahil sa hiling ng kaniyang ina sa kabila ng
kagustuhan niyang pakasalan ang kaniyang kasintahan.
Mahahalagang Tauhan
 PADRE FERNANDEZ– Siya ang paring Dominikano na may malayang
paninindigan. Kaibigan siya ni Isagani at nangakong gagawin ang lahat ng
makakaya upang mapagbigyan ang hiling ng kabataan.

 BEN ZAYB– Abraham Ibañez o mas kilala sa tawag na Ben Zayb ay isang
mamamahayag. Palagi siyang naghahangad na magkaroon ng maganda at
interesanteng maisusulat.

 GINOONG PASTA – Siya ang isa sa pinakakilalang abogado sa Maynila.


Siya ang hinihingan ng payo ng mga prayle pagdating sa mga usaping legal.
Sa kaniya rin sumangguni si Don Custodio hinggil sa hiling ng kabataan.
Mahahalagang Tauhan
• PADRE CAMORRA – Siya ang mukhang artilyerong pari na may
lihim na balak kay Huli.

• PAULITA GOMEZ – Siya ang dating kasintahan ni Isagani bago


magpakasal kay Juanito Pelaez. Siya rin ang pamangkin ni Donya
Victorina.

• JULI– Juliana de Dios ang kaniyang tunay pangalan. Siya ang


pinakabatang anak na babae ni Kabesang Tales. Nagsilbi siyang
utusan kay Hermana Penchang upang matubos ang ama mula sa mga
tulisan.
Mahahalagang Tauhan
• PLACIDO PENITENTE– Siya ang anak ni Kabesang Andang na
pinanghinaang ipagpatuloy ang pag-aaral dahil sa mga problemang
pampaaralan. Siya ang mag-aaral na sumagot sa kaniyang guro matapos siyang
pahiyain.

• QUIROGA – Ang tsinong negosyante na nagnanais na magkaroon ang Tsina


sa Pilipinas upang mahirang siya bilang konsul. Siya ang nagtago ng mga
armas ni Simuon bilang kapalit ng pagtulong sa kaniya.

• KAPITAN-HENERAL – Ang pinakamataas na opisyal mg Pilipinas noong


panahon ng pananakop ng Espanyol.
Mahahalagang Tauhan
• JUANITO PELAEZ – Ang mag-aaral na kinagugustuhan ng mga propesor
dahil sa pagkakabilang sa pamilyang may dugong Espanyol. Siya ang
pakakasalan ni Paulita.

• MAKARAIG – Ang mayamang mag-aaral at ang tumatayong pinuno ng


kabataan para sa kanilang layuning magkaroon ng Akademya ng Wikang
Espanyol.

• SANDOVAL – Isang kawaning Espanyol ngunit sumusuporta para sa


ipinaglalaban ng kabataan.

• TADEO - isa sa mga mag-aaral na naghahangad na magkaroon ng Akademya


ng Wikang Espanyol
Gawain 2: Timeline
1.Naisusulat ang buod ng kaligirang
pangkasaysayan ng EL Filibusterismo
batay sa ginawang timeline
Timeline ng El Filibusterismo
Magsaliksik pa ng mahahalagang impormasyong may
kaugnayan sa kaligirang kasaysayan ng El Filibusterismo.
Gumawa ng isang timeline kaugnay nito. Maging
malikhain sa paggawa ng timeline. Gawin ito sa
microsoft word.
RECAP
1. Kasaysayan ng El Filibusterismo
2. Mga Mahahalagang Tauhan

You might also like