You are on page 1of 4

GRADE 10- EL FILIBUSTERISMO

KALIGIRANG KASAYSAYAN NG EL FILIBUSTERISMO


 Ang Pilibusterismo o Ang Paghahari ng Kasakiman
 PILIBUSTERO- taong kritiko, taksil, lumalaban o tumuligsa sa mga prayle at
Simbahang Katolika
 Ang El Filibusterismo ay isang nobelang pampulitikal
1885
 Binalangkas ni Rizal ang El Filibusterismo habang sinusulat niya rin ang Noli
Me Tangere.
1887
 Muli niyang nakasama ang kanyang pamilya. Ginamot niya ang mata ng
kanyang ina, nakipah-usap kay Leonor Rivera at inalam ang pagtanggap ng
mga Pilipino sa nobelang Noli Mi Tangere
1888
 Pebrero 1888, nilisan ni Rizal ang Pilipinas dahil na rin sa udyok ni Gob. Hen.
Emilio Terrero. Nagtungo siya sa iba’t ibang bansa sa Asya sa Amerika, at sa
Europa.
1890
 Sinimulan ni Rizal isulat ang El Fili sa London.
1891
 Nang matapos ni Rizal ang nobela noong Marso 29, 1891 at makahanap ng
paimbagan sa Ghent, Belgium. Ang manuskrito ay ipinadala niya sa kanyang
kaibigan na si Jose Alejandrino.
 Ika-6 ng Agosto, tinigilan ang pagpapalimbag; iniisip ni Rizal na sunugin na
lang ang libro subalit dumating ang tulong ni Valentin Ventura.
 Ipinalimbag niya rito sa F. Meyer Van Loo Press at naging hulugan ang
bayad.
 Ipinadala ni Rizal ang kopya ng El Filibusterismo sa Hong Kong ngunit ito ay
nasamsam ng mga Kastila.
 Sa Pilipinas, ipinuslit at naipasara ng pamahalaan ang mga nakumpiskang
nobela.
 Kalagitnaan ng Setyembre 1891 nang maganap ang isang hindi inaasahang
pangyayari. Dumating buhat sa Paris ang perang padala ng matalik na
kaibigan ni Rizal na si Valentin Ventura. Sa pangyayaring ito, naligtas si Rizal
sa pagkakagipit at ang El Filibusterismo, ay natapos ipalimbag noong
Setyembre 22, 1891. Bilang pagtanaw ng utang-na-loob, inialay ni Rizal kay
Ventura ang orihinal na manuskrito ng El Filibusterismo, at ipinadala ito sa
huli kalakip ng isang nilimbag at nilagdaang sipi ng nobela. Nagpadala rin si
Rizal ng mga sipi ng nobela sa matatalik na kaibigan gaya nina Ferdinand
Blumentritt, Marcelo H. Del Pilar, Graciano Lopez Jaena at Juan Luna. Ang
karamihan ng mga nailimbag na kopya ng aklat ay kanyang ipinadala sa
Hong Kong, samantalang ang natitirang bahagi naman ay sa Pilipinas. Ang
pagpapadala ni Rizal sa Pilipinas ng mga sipi ng nobela ay nagpapatunay na
sinulat niya ang El Filibusterismo upang basahin ng mga kababayan at di
lamang ng mga taga-Europa.
1896
 Malaki ang naging tulong ng El Filibusterismo kina Andres Bonifacio at sa
Katipunan upang maiwaksi ang mga balakid sa paghihimagsik

 Ang EL FILIBUSTERISMO ay inalay ni Rizal bilang pagpupugay sa tatlong


paring martir na binitay sa Bagumbayan noong Pebrero 1872.

( PADRE MARIANO GOMEZ, PADRE JOSE BURGOS AT PADRE JACINTO


ZAMORA)

KONDISYON NI RIZAL HABANG SINUSULAT ANG NOBELA


 Nagdanas ng mga paghihirap, walang sapat na pera
 Nagtipid nang mabuti (2 beses kumain)
 Nagsanla ng alahas
 Nilayuan ng mga kasamahan sa La Solidaridad
 Pinag-uusig ang kanyang mga magulang at mga kapatid
 Pagpapakasal sa iba ni Leonor Rivera
PINAGMULAN NG TEMA NG EL FILI
 Sa pamagat pa lamang ay mababatid na ang nilalaman ng nobela at isa itong
nobelang pulitikal. Tumatalakay ito sa mga maling gawi at pamamalakad ng
pamahalaan at ng simbahan. Inilalarawan din dito ang kapaitan ng buhay,
ang agwat ng mayaman at mahirap, at ang pangingibabaw ng galit sa puso
ng bawat tauhan, na nagsilbing udyok sa mga mamamayang Pilipino na
maghimagsik upang makamit ang hinihinging pagbabago sa mapayapang
paraan.
A. PANUTO: Isulat sa patlang ang Tama kung nagsasaad ng katotohanan at
Mali kung hindi batay sa nilalaman ng akda.
____1. Maraming pagsubok na dinanas si Dr. Jose Rizal bago nailimbag ang
nobelang El Filibusterismo.
____2. Maging ang kanyang pamilya, kaibigan at kababayan ay nakaranas nang
panggigipit mula sa mga Kastila.
___3. Dahil sa kakulangan ng salapi noong una, napilitan si Dr. Jose Rizal na ipatigil
ang pagpapalimbag ng nobela
____4. Ang kaibigang si Ferdinand Blumintritt ang tumulong upang mailimbag ang El
Filibuserismo.
____5. Ang mga magulang ng kasintahan ni Dr. Jose Rizal ay ayaw sa kanya, dahil
binansagan siyang subersibo at kalaban ng Espanya.

B. PANUTO: Suriin ang mga sumusunod na pahayag at lagyan ng tsek (√) kung
aling akda o nobela ang kinapalolooban ng mga mahahalagang nilalaman.

NILALAMAN NOLI ME TANGERE EL FILIBUSTERISMO


1.ito ay isang nobelang
pampulitikal.
2. napilitang ihinto ni Rizal
ang pagpapalimbag dahil
sa kakulangan ng pera.
3. nailathala ang akda
noong taong 1887
4.inialay ang nobelang ito
sa tatlong paring
martir(GOMBURZA)
5.si Valentin Ventura ang
tumulong upang mailimbag
ang nobelang ito.

C. Ilahad ang sariling pananaw sa mga sumusunod.

A. Pahalagahan ang pagsasakripisyo ng ating mga bayani sa bansang Pilipinas.


(5pts.)
B.Magsusumikap akong mag-aral upang mas makatulong sa bayan.(5 pts.)
C.Unahin ang sariling kapakanan bago ang iba.( 5pts.)
D. PANUTO: Isulat ang letrang W kung Wasto ang isinasaad ng pahayag at
letrang HW kung ito ay Hindi Wasto.
________1. Ang nobelang El Filibusterismo ni Dr. Jose P. Rizal ay tumatalakay sa
usaping pampulitikal
_________2. Taong 1891 nang unang malimbag ang El Filibusterismo
__________3. Inalay ni Dr. Jose Rizal sa GOMBURZA ang El Filibusterismo
_______4. Si Maximo Viola ay tumulong upang mailimbag ang akda
_______5. Maraming pagsubok na naranasan si Dr. Jose Rizal bago nailimbag ang
El Filibusterismo.

You might also like