You are on page 1of 49

ARALIN 3.

7
NILALAMAN:

A. Paglisan (Buod)
Nobela mula sa Nigeria

ni Chinua Achebe

Isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera

B. Gramatika at Retorika: Pang-ugnay na Gamit sa


Pagpapaliwanag

C. Uri ng Teksto: Naglalahad


Panimula:

Ang Nigeria ay isa sa mga bansa sa Africa na may mala


king ambag sa panitikan. Sa kasalukuyan, maraming
akdang pampanitikang mula sa Nigeria ang nasusulat sa
Ingles dahil na rin sa impluwensiya ng mga bansa sa
Kanluran. Ang panitikan ng Nigeria ay sadyang
nakapagpataas ng kamalayan ng mamamayan ng bansa
pagdating sa isyu ng uri ng pamumuhay, kultura, tradisyon,
at suliranin sa politika. Gayundin ang tungkol sa kasarian at
kalagayan ng kababaihan sa lipunan. Mga akdang
pampanitikan din ang nakatulong upang maiangat ang
kanilang kalagayan tungo sa pagkakaroon ng makabagong
talakay sa mga akda na aagapay sa makabagong uri ng
pamumuhay ng mga taga-Nigeria.
Sinasabing ang kakaunting mga akda na nasusulat sa ilang
diyalekto ng Nigeria ay mas tumatalakay sa kung ano ang
nakaraan, lumipas, o naglaho na. Kabilang ang nobela sa
mga genre na nalinang ng Nigeria. Gayunpaman, ang tuon
ng kanilang panitikan ay sa mga prosa, tulad ng drama at
tula kung saan sadyang kinilala at nagbigay sa Africa ng
pagkakakilanlan pagdating sa panitikan. Sa nobela ni
Chinua Achinebe na pinamagatang Things Fall Apart,
ipinakita sa atin ang kumplikadong mga batas at gawi ng
angkang pinagmulan ni Okonkwo, sa pagpapanatili ng
maayos na ugnayan. Halimbawa nito ay ang pagsasalo o
pag-aalok ng lambanog at kola nuts na binabanggit sa
kabuuan ng nobela ang isang paraan ng mga Igbo ng
mapayapang pakikiharap sa sino mang tatanggaping bisita
sa tahanan o sino mang taong pakikiharapan.
Ang gayong gawi ay pagpapakita ng maayos na paraan ng
pagtanggap o pagtanggi sa kung ano man ang pakay o
layon ng paghaharap. Isang paraan ng pakikipagkapwa- tao
ng mapayapa para sa mga Igbo ang nasabing gawi. Kapag
nakapanghiram ng pera at sisingilin na, mahusay namang
hinaharap ng mga Igbo ang nasabing maniningil.
Bumabanggit sila ng mga sawikain na angkop sa nais
nilang ipabatid na mensahe. Tulad na lamang halimbawa
kapag hindi sila makababayad agad, sasambitin ang mga
kasabihang maaaring makapagpabago ng isip ng maniningil
upang ipagpaliban muna ang paniningil. Malinaw na
sinasabi ng mga kultura at nakagisnang tradisyon ng mga
Igbo ang kanilang pagiging payapa sa pagharap ng
ganitong suliranin. Paulit-ulit na binabanggit ni Chinua
Achebe ang kapayapaan ng mga Igbo bagama’t sila sa
maraming pagkakataon ay may komplikadong tradisyon at
nakagisnang mga gawi.
Ginawa ni Achebe ito sa nobela upang maipabatid na
hindi barbaro ang mga Africano tulad ng pagkakakilala
sa kanila ng mga Europeo. Ang Aralin 3.7 ay
naglalaman ng buod ng nobelang “Paglisan” mula sa
Nigeria na isinulat ni Chinua Achebe at isinalin sa
Filipino ni Julieta U. Rivera. Sa pagtatapos ng araling
ito, ikaw ay inaasahang magpapamalas ng pag-unawa
at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng
Africa sa tulong ng mga pang-ugnay na ginagamit sa
pagpapaliwanag at mabisang pagsusuri sa halaw ng
isang nobela. Inaasahan din na makapagtatanghal ka
ng isang puppet show na nagpapakita ng mga
kulturang nananatili pa sa inyong lugar.
Yugto ng Pagkatuto
Gawain 1: Scrambled Letter, Gawing Better
Ayusin ang mga letra sa bawat bilang upang makilala ang sinisimbolo ng
mga bagay na tanyag sa bansang Africa. Ang unang letra ay ibinigay na.

1. K M O U I N A K Y S N O

4. E P S R I U T I

2. P G A L L I I W N G A A

5. T A R D I S O Y N

3. I N G N N – B Y A N A
Gawain 2: Kahulugan ng Salita, Ilantad Na!
Magbigay ng kahulugan sa salitang nakasulat.

KATAPANGAN
Gawain 3: Pang-angkop, Iangkop
Lagyan ng wastong pang-angkop ang bawat patlang.

Masaya___ nag-aagahan ang pamilya ____ Rivera isang


malamig _____ na umaga. Nagluto ng ginisa____ kangkong
ang kanila___ kasambahya. Nilagyan ito ng kaunti___ toyo
upang magsilbing pampalasa sa ulam. Naging tampok ng
kanila____ kwentuhan ang nagdaan___ gabi. Sari-sari___
katatawanan ang naganap bago sila natulog. Nagbiruan,
nagtawanan at nauwi sa seryosohan ang usapan. Dahil sa
nakalilibang na gabi, kinain ng pusa ang tira___ ulam sa
mesa. Dapat sana ito ay kanila____ umagahan pa. kaya
naman nauwi sa ginisa____ kangkong ang kanila____
umagahan. Sa kabila nito. Batid nila na sustansiya ___ dulot
ng ginisa____ kangkong.
Gawain 4: Hula-ooppss!
Hulaan ang tinutukoy ng saknong.

Gamit sa teatro at telebisyon


artistiko at produktibong solusyon
sa komersiyo’y mainam na produksyon
sa kalusugan bawas altra presyon
sa mga bata ay icing atraksyon
karilyo ito noong unang panahon
ano ito sa ating panahon?

SAGOT:________________
LINANGIN
Basahin at unawaing mabuti ang bahagi ng nobelang mula sa Nigeria.
Kasunod ang ilang salita na tutulong sa iyo upang lubos mong
maunawaan ang akda upang sa gayo’y maipamalas mo ang iyong
pagpapahalaga at pag-unawa sa kultura ng bansang Africa lalo na sa
Nigeria.

Alam mo ba na…

Ang nobela ay isang mahabang kathang pampanitikan?


Naglalahad ito ng mga pangyayaring pinaghahabi sa isang
mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing
sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng tauhan at ng
hangarin ng katunggali sa kabila. Isang masining na
pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at
magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may kaniya-
kaniyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay
at kawiliwiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela.
May mga elemento ang nobela tulad ng sumusunod:

1. Tagpuan – Lugar at panahon ng mga pinangyarihan


2. Tauhan – Nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela
3. Banghay – Pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa
nobela
4. Pananaw – Panauhang ginagamit ng may-akda
a.) una - kapag kasali ang may-akda sa kwento,
b.) pangalawa- ang may-akda ay nakikipag-usap, at c.)
pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng may- akda
5. Tema – Paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela
6. Damdamin – Nagbibigay kulay sa mga pangyayari
7. Pamamaraan – Istilo ng manunulat
8. Pananalita – Diyalogong ginagamit sa nobela
9. Simbolismo – nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa
tao, bagay, at pangyayarihan
• Cowrie – Yari sa shell na ginagamit bilang palamuti ng
mga Afrikano. Ginagamit din sa ritwal at paniniwalang
panrelihiyon.
• Ekwe – Isang tradisyunal na kagamitang pangmusika na
yari sa sanga ng kahoy. Isang uri ng tambol na may iba’t
ibang uri at disenyo.
• Egwugwu – Espiritu ng mga ninuno. Gumagamit ng
mascara ang tribu at sumasanib sila kung may nais
lutasin na isang krimen. Pinaniniwalaan na ang mga
Egwugwu ang pinakamataas na hukom sa lupain ng
Nigeria.
• Ogene – Malaking metal bell na ginawa ng mga igbo sa
Nigeria. Igbo – Katutubong tao mula sa Timog-Silangang
Nigeria. Karamihan sa kanila ay magsasaka at
mangangalakal.
Paglisan (Buod)
Nobela mula sa Nigeria

ni Chinua Achebe

Isinalin sa Filipino
ni Julieta U. Rivera
Paglisan (Buod)
Si Okonkwo, isang matapang at respetadong
mandirigma, nagmula sa lahi ng mga Umuofia, isang
hindi gaanong kilala at hindi kalakihang tribo sa Nigeria. 

Labingwalong taong gulang noon si Okonkwo nang


matalo niya sa isang labanan si Amalinze, ang Pusa.
Dahil dito kinilala ang katapangan ni Okonkwo mula
Umuofia hanggang Mbaino.  Sa  maraming
pagkakataon, ipinamalas ni Okonkwo ang kaniyang
katapangan upang mapagtakpan ang laman ng
kaniyang dibdib laban sa kaniyang ama, si Unoka na sa
kaniyang tingin ay mahina at talunan. Walang nagawang
mahusay ang kaniyang amang si Unoka dahil sa
kaniyang katamaran.
Sa halip, puro kahihiyan ang iniwan nito sa
kanilang pamilya sapagkat nag-iwan pa ito ng
maraming utang sa mga kanayon bukod pa sa
pinabayaan niya ang kaniyang pamilya. Ang naging
buhay na  ito ni Unoka ay laban kay Okonkwo.
Kaya pinatunayan niyang naiiba siya sa kaniyang
ama. Para patunayan ang kaniyang kakayahan sa
pamumuno, pinamahalaan niya ang siyam na
nayon. At siya ay nagtagumpay. Tatlo ang kaniyang
naging asawa, nakapundar ng mga ari-arian na
nagpapatunay lamang ng kaniyang pagiging
masipag. Naging matapang na mandirigma at
makapangyarihan siya sa buong nayon. Dahil dito,
siya ay kinilalang lider ng kanilang tribo.
Dahil sa kaniyang kakayahan sa
pamumuno, pinili si Okonkwo ng mga
kanayon upang ipagtanggol si Ikemefuna,
ang lalaking kinuha bilang tanda ng 
pakikipagkasundo sa kapayapaan sa
pagitan ng Umuofia at isang nayon
pagkatapos mapatay ng tatay ni
Ikemefuna ang isang babaeng Umuofian.
Tumira ang batang lalaki kina Okonkwo.
Naging magiliw at magkasundo naman
ang dalawa. Itinuring ng bata si Okonkwo
bilang pangalawang magulang.
Isang araw, lihim na ipinaalam  ni Ogbuefi Ezeudu,
isa sa matatandang taga-Umuofia, ang planong
pagpatay kay Ikemefuna. Binalaan ni Ezeudo na huwag
makialam sa planong ito si Okonkwo. “Hindi ka dapat
makialam  sa isasagawang iyon ng  kalalakihan ng
Umuofia sapagkat isang ama na ang turing ni Ikemefuna
sa iyo,” wika ni Ogbuefi Ezeudu kay Okonkwo. Dahil
dito, gumawa ng paraan si Okonkwo.  Pinaniwala niyang
ihahatid na si Ikemefuna sa kaniyang tunay na ina.
Naglakbay ang bata kasama ang ilang kalalakihan ng
Umuofia. Sa gitna ng kanilang paglalakbay, sinugod ng
mga kasamang lalaki si Ikemefuna upang patayin ngunit
nakatakas ang bata. Nagpasaklolo ito sa kaniyang ama-
amahan. Noon ay nasa harapan ng mga katribo si
Okonkwo upang mapanatili ang ipinakitang katapangan,
tinaga niya ang bata sa harapan nila sa kabila ng
paghingi ng awa sa itinuring na ama.
Nakalimutan ni Okonkwo ang naging usapan nila ni
Ogbuefi Ezeudu. Umuwi si Okonkwo na mag-isa. Wala
na ang batang tumulong at gumabay sa kaniya. Naging
simula naman iyon ng malaking pagbabago kay
Okonkwo. Hindi na siya makakain, hindi na makatulog,
hindi na rin makapag-isip nang maayos.  Ramdam niya
sa kaniyang sarili ang depresyong siya rin naman ang
may pagkakamali  kaya’t upang maibsan ang
kapighatian at huwag matulad sa kaniyang ama na
isang sawi ay nagtungo siya sa kaniyang kaibigang si
Obierika. Humingi siya ng payo rito  at nakaramdam
naman siya ng kaunting gaan ng loob. Nagkasakit
naman noon si Ezinma, anak na babae ni Okonkwo,
ngunit gumaling din sa tulong ng mga halamang gamot
na ipinanlunas ng kaniyang ama.
Lumipas ang panahon, nabalitaan ni Okonkwo na
namatay si  Ogbuefi Ezeudu. Nakaramdam  ng
konsensiya  si Okonkwo sapagkat nang huling
makausap niya ito  ay noong bigyan siya nito ng babala
tungkol sa pagkonsulta sa orakulo na papatayin si
Ikemefuna. Pinuno ng malalakas na tunog ng tambol na
sinasabayan ng alingawngaw ng  malakas na putok ng
baril ang maririnig  sa paligid habang nakaburol si
Ogbuefi Ezeudu.  Kagimbal-gimbal na trahedya ang
bumulaga sa lahat ng mga naroroon nang pumutok ang
baril ni Okonkwo at tamaan ang labing-anim na taong
gulang na anak ng yumao. Dahil dito, kailangang
pagbayaran ni Okonkwo ang nagawang kasalanan
laban sa kaniyang kaangkan. Isang malaking
pagkakasala sa diyosa ng Lupa ang pumatay at
makapatay ng kauri.
Hinakot lahat ni Okonkwo ang kaniyang mga ari-
arian at mahahalagang kagamitan at nagtungo sa
Mbanta, lugar ng kapanganakan  ng kaniyang ina
dala ang kaniyang buong pamilya. Sinunog ang
mga natirang hayop, kubo, at mga naiwang pag-aari
ni Okonkwo tanda ng paglilinis sa buong
pamayanan sa kasalanan nito. Malugod naman
silang tinanggap ng mga kaanak higit lalo ang
tiyuhin nitong si Uchendu. Tinulungan nila sina
Okonkwo na makapagpatayo ng kanilang munting
pamayanan at pinahiram ng mga butil na
pagsisimulan ng kanilang munting kabukiran.
Malagim at mahirap man ang sinapit ni Okonkwo,
pinilit niyang tanggapin ang lahat at muling
magbalik sa kung saan siya nagmula. 
 Dumaan ang dalawang taon ng
pagkakapatapon kina Okonkwo. Sa mga
taong iyon matiyagang kinukuha at inaani ni
Obierika ang mga pananim ni Okonkwo sa
dating lugar. Ibinebenta niya ito at ibinibigay
ang pinagbilihan kay Okonkwo. Buong sipag
niya itong ginagawa hanggang sa makabalik
na si Okonkwo sa Umuofia. Isang masamang
balita naman noon ang ipinabatid ni Obierika
nang minsang nagdala siya ng pinagbilhan
kay Okonkwo. Winasak daw  ng mga puti
ang Abame, isa ding pamayanan ng mga
Umuofia. 
Hindi naglaon, may mga dumating na
misyonero sa Mbanta.  Sa tulong ng isang
interpreter na si G. Kiaga, kinausap ni G. Brown,
lider ng mga misyonero ang mga taga-Mbanta.
Ayon sa kanila, ang pagsamba sa mga diyos-
diyosan ay isang malaking kasalanan at hindi
katanggap-tanggap sa  simbahan. Lalong  hindi 
maunawaan ng mga taga-Mbanta kung
paanong  ang Tatlong Persona ay naging iisang
Diyos katulad ng ipinaliliwanag ng mga
misyonero tungkol sa dapat na pagsamba sa
iisa lamang na Panginoon. 
Layunin ng mga misyonero na dalhin ang
Kristiyanismo sa Mbanta at hindi ang
tuligsain sila. Nagkasakit si G. Brown at
pinalitan ni Rev. James Smith, isang malupit
at bugnuting misyonero. Nagkaroon ng
relihiyon ang mga taga-Mbanta. Habang
isinasagawa ang taunang seremonya para
sa pagsamba sa Bathala ng Lupa hinablot ni
Enoch ang takip sa mukha ng isang
Egwugwu, katumbas ng pagkitil sa espiritu
ng mga ninuno. Kinabukasan, sinunog ng
Egwugwu ang tahanan ni Enoch at ang
simbahang itinayo nina Rev. Smith.
Ikinapanlumo ng Komisyoner ng distrito ang
naganap na panununog sa kanilang  simbahan. Dahil
dito humiling siya ng pakikipagpulong sa pinuno ng mga
Umuofia. Sa pulong, pinosasan ang mga dumalong
pinuno ng mga Umuofia at ikinulong. Nakatikim ng
pandudusta, masasakit na salita at pang-aabuso ang
mga pinuno ng Umuofia.  Pagkatapos mapalaya ang
mga bilanggo, agad silang nagpulong at
napagkasunduang tumiwalag. Inakala ni Okonkwo na
nais ng mga kaangkan na maghimagsik kung kaya’t
gamit ang machete pinatay niya ang pinuno ng mga
mensaherong lumapit sa mga kaangkan niya. Hinayaan
naman ng tao na makatakas ang iba pang mensahero
at doon napagtanto ni Okonkwo na hindi handa ang
kaniyang mga kaangkan sa isang giyera.
Dumating sa lugar ni Okonkwo ang Komisyoner ng
Distrito upang imbitahan siya sa isang pagdinig sa korte
subalit  natagpuan na lamang niyang nakabitin si
Okonkwo. Nagpatiwakal si Okonkwo.  Ibinaba nina
Obierika ang katawan ni Okonkwo. Gumimbal sa buong
nayon ang nangyaring ito  sapagkat kinikilala nila na ang
pagpapatiwakal ay isang malaking kasalanan at bukod
dito si Okonkwo ay nakilala sa pagiging matapang at
malakas. “Ang taong iyan ay kilala at tanyag sa buong
nayon, dahil sa kaniyang ginawang pagpapatiwakal,
matutulad lamang siya sa isang inilibing na aso.” Sabi ni
Obierika, ang kaniyang kaibigan.

Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al.


2008. Texas, USA
GAWAIN 4: Paglinang ng Talasalitaan
Piliin sa pares ng salita sa bawat bilang ang angkop na kahulugan
ng salita. Gamitin ito sa makabuluhang pangungusap. Isulat sa papel
ang sagot.
1. Palamuti abubot dekorasyon

2. Ipinabatid ipinaalam isinangguni

3. Napagwagihan Napagtagum- nalampasan


payan

4. Magpatirintas nagpasalapid nagpapusod

Kagulat- gulat Kataka-taka


5. Kagimbal-gimbal
GAWAIN 5: Tradisyong Africa, Pahiwatig Ano Ba?

Ipaliwanag ang sumusunod na tradisyon mula sa Africa.


Isulat sa sagutang papel ang sagot.

1. Pagsasalo sa alak na gawa sa palm at koala nuts sa


tuwing may pag-uusapang mahalagang bagay.
2. Paggamit o pagbigkas ng mga Igbo ng mga sawikain
kapag dumarating ang mga maniningil ng utang.
3. Pagkonsulta sa Orakulo ng mga Igbo bago lumusong o
magdeklara ng giyera
4. Pagkakaroon ng kinikilalang relihiyon.
5. Pagsunog sa mga ari-ariang maiiwan ng nagkasala
kapag siya ay naipatapon.
GAWAIN 6: Fan-Fact Analyzer
Gamit ang graphic organizer, pagsunod-sunorin ang mga
pangyayari sa binasang buod ng isang nobela mula sa Nigeria.
GAWAIN 7: Komprehensiyon at Reaksiyon sa Leksiyon
Sagutin ang mga gabay na tanong.

1. Ilarawan mo si Okonkwo batay sa iyong binasang buod.


2. Ano-anong mukha ng kahinaan ang iniiwasan ni Okonkwo? Ano ang
sinisimbolo ng pagkakaroon ng asal-babae ng kalalakihan para kay
Okonkwo?
3. Makatuwiran ba ang ginawa ni Okonkwo kay Ikemefuna?
Patunayan.
4. Batay sa mga ipinakita ni Okonkwo karapat-dapat ba siyang
kilalaning isang magiting na mandirigma? Bakit?
5. Paanong ipinakita ni Okonkwo ang kaniyang katatagan sa kaniyang
paniniwala at paninindigan? 6. Sa paanong paraan ipinakita sa akda
ang pagtanggap ni Okonkwo sa kaniyang pagkatalo at muling magbalik
sa kaniyang pinagmulan?
7. Sang-ayon ka ba sa naging wakas ng nobela? Pangatuwiranan ang
sagot.
8. Kung isasapelikula ang nasabing nobela, ano-anong bahagi ang
iyong bibigyang kulay? Bakit?
GAWAIN 8: Iskrip: Basahin at Suriin
Narito ang bahagi ng iskrip ng Sarah, Ang Munting Prinsesa na isinulat ni
Shaira MellaSalvador sa Direksiyon ni Romy V. Suzara. Gamit ang pormat na
kasunod, suriin ang bahagi ng iskrip.
I. Pamagat
II. Mga Tauhan
III. Buod ng Pelikula
IV. Banghay ng mga Pangyayari (story grammar)
a. Tagpuan
b. Protagonista
c. Antagonista
d. Suliranin
e. Mga Kaugnay na Pangyayari o Mga Pagsubok sa Paglutas ng
Suliranin
f. Mga Ibinunga
V. Paksa o Tema
VI. Mga Aspektong Teknikal
a. Sinematograpiya
b. Musika
c. Visual Effects
d. Set Design
VII. Kabuuang Mensahe ng Pelikula
Adaptasyon mula sa nobelang A Little Princess.

Matapos mamatay ang ina ni Sarah (Camille Pratts) ay napilitan siyang


iwanan ng kaniyang amang si Capt. Ralph Crewe (Matt Ranillo III) sa isang
boarding house. Nang ibalita ni Mr. Barrow na patay na si Mr. Crewe ay
ayaw panatilihin si Sarah sa boarding house ng head mistress na si Miss
Minchin (Jean Garcia). Ipinagtatanggol siya ng kapatid ni Miss Minchin na si
Miss Amelia (Rio Locsin).

SEQ. 19-A. INT. HALLWAY OUTSIDE MISS MINCHIN’S OFFICE. DAY.


Sarah hurries down the stairs. Bitbit niya si Emily (doll). Hustong nakalabas
na ng office ni Miss Minchin si Mr. Barrow. He walks towards the main
entrance. Sarah sees him.

SARAH : Papa! Papa!

Mr. Barrow does not look back. Tuloy-tuloy ito sa paglakad.


Sarah runs after him.
Finally, when Mr. Barrow nears the school entrance, he turns around to look
at her. Show the surprise and the disappointment on Sarah’s face. Mr.
Barrow shakes his head sadly and walks away.
SEQ. 19-B INT. MINSHIN’S OFFICE. SAME DAY
Back in the office, Miss Minchin and Miss Amelia discuss the
issue. Miss Amelia is depressed about Sarah’s situation.

MISS AMELIA: (naiiyak) Kawawa naman si Sarah…


kailangang tulungan natin siya Ate.
MISS MINCHIN: (sharply) Anong kawawa? Mas kawawa
tayo! Hindi tayo bahay ampunan, baka akala mo.
MISS AMELIA: Saan siya pupunta, Ate? Narinig mo ang
sinabi ni Mr. Barrow… walang ibang kukupkop kay Sarah.
MISS MINCHIN: Hindi ko na problema iyon…
MISS AMELIA: Alangan namang itaboy natin ang bata?
MISS MINCHIN: Alam mo namang nakasangla sa banko ang
eskwelahang ito… baon na baon na tayo sa utang kay Mr.
Crisford…nasaan na ang utak mo, Amelia?
MISS AMELIA: Nasaan ang kunsensiya mo, Ate?
MISS MINCHIN: (raises her voice) Bakit kasalanan ko ba
kung bakit namatay ang ama ni Sarah?

Because of their heated discussion, the two women failed


to take notice of Sarah’s presence. Sarah is standing
outside Miss Minchin’s door, crying softly. Miss Amelia sees
her.

MISS MINCHIN: Sarah…

Miss Minchin looks over her shoulder at Sarah. The little


girl quietly walks away, clutching Emily close to her.
GAWAIN 9: Kaya Mo
Sagutin ang mga gabay na tanong.

1. Ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagsusuri


ng isang pelikula?

2. Bakit mahalagang ihanda muna ang iskrip ng


isang nobela bago ito isapelikula?

3. Ano-ano ang dapat nilalaman ng isang iskrip?


Pagsasanib ng Gramatika at Retorika

Alam mo ba na...

Sa pagsusuri o pagbibigay ng ebalwasyon sa isang iskrip may mga


bagay tayong dapat bigyan ng pansin? Ayon kay Ricky Lee sa kaniyang
aklat na Trip To Quiapo Scriptwriting Manual, una, kailangang maging
malinaw muna ang konseptong pinag-uusapan. Ikalawa, malaman ang
major concepts ng materyal. Ikatlo, dapat konektado ang lahat ng
gustong sabihin ng sumulat ang kung tungkol saan ba talaga ang
istorya. Kailangang masagot ang anomang mga tanong tungkol dito.
Kailangang ang bawat bahagi ay magkakaugnay. Makakamit naman
ang maayos na paghahanda ng iskrip kung masusing bibigyang-tuon
hindi lamang ang pagkakaugnay ng mga pangyayari kundi sa pagbuo
ng mga diyalogo. Malaki ang maitutulong ng mga pang-ugnay sa
pagbuo ng mga diyalogong ito.
Sa pagsusuri naman ng isang pelikula, bumubuo ka ng
pagpapaliwanag sa mga detalyeng nais na bigyan ng
pansin. Maaaring pagpapaliwanag sa magandang nakita
sa iskrip at o sa pelikulang pinanood gayundin naman sa
pagpapaliwanag ng mga naging kahinaan ng iskrip at/o ng
pelikulang pinanood. Ayon sa aklat na Gramatikang
Pedagohikal ng Wikang Filipino ni Vilma M. Resuma,
maipaliliwanag ang isang argumento o punto sa tatlong
paraan: (1) pagpapalawak at/o pagpapaliwanag ng
kahulugan, (2) pagbibigay ng mas tiyak, detalyado, at higit
na maliwanag na deskripsiyon, kabilang na sa puntong ito
ang mga paggamit ng pangugnay, pagtutulad at pag-iiba-
iba, at (3) pagbibigay ng halimbawa. Makatutulong nang
malaki ang paggamit ng mga pang-ugnay upang maging
mabisa ang pagpapaliwanag.
Ilan sa mga ito ay ang mga pang-angkop na
ginagamit bilang pang-ugnay upang mapadulas
ang pagbigkas ng salita. Ang pang-angkop na na,
ng, at g. Ginagamit ang na kapag ang salitang
aangkupan ay nagtatapos sa katinig, ang g
naman ay ginagamit sa mga salitang nagtatapos
sa n at ginagamit naman ang ng sa mga salitang
aangkupan na nagtatapos sa patinig. Maliban
dito, ang mga pangatnig na bagamat, upang, at,
tulad ng, kapag, kung, at iba pa ay magagamit
din sa mahusay na pagpapaliwanag.
Pagsasanay 1:
Gamit ang 3R’s, Read, React, Reenact, isagawa ang tungkol
sa sumusunod na sitwasyon na mula sa iskrip ng “Ang Munting
Prinsesa.”
MISS MINCHIN: (sharply) Anong kawawa? Mas kawawa tayo! Hindi
tayo bahay ampunan, baka akala mo. Hindi ko na problema iyon…
Alam mo namang nakasangla sa banko ang eskwelahang ito…baon na
baon na tayo sa utang kay Mr. Crisford…nasaan na ang utak mo,
Amelia? Bakit kasalanan ko ba kung bakit namatay ang ama ni
Sarah???

1. Planong pagpapaalis ni Miss Minchin kay Sarah


Read _________________________________
React _________________________________
Reenact _______________________________

2. Kabutihang loob ni Miss Amelia kay Sarah

3. Hindi pagtatapat agad kay Sarah ng nangyari sa kaniyang ama

4. Pagtatalo ng magkapatid na Minchin at Amelia


Pagsasanay 2:
Lagyan ng angkop na pang-ugnay ang mga patlang
upang mabuo ang talata

Sa nobelang isinulat ni Chinua Achebe matagumpay na nailahad


ang kagiliw-giliw ________ tradisyon ng mga taga-Africa. ________
sa simula ay negatibo ang ipinamalas na paraan ni Okonkwo,
lumilitaw naman na sa kabuuan ng nobela, siya ang protagonista.
________ susuriing mabuti, kapansin-pansin ang isa pang kultura na
mababanaag sa mga taga-Umuofia. Akala ng mga Kanluranin, ang
mga tagaAfrica ay likas na tahimik ________ malinaw na ipinakita ni
Achebe ang kabalintunaan nito sa ugaling taglay ng Umuofia na sila
ay may komplikadong wika, punong-puno ng talinhaga ________ may
masining na paraan ng pamamahayag. Kapansinpansin din ang
pagbabalik loob ni Okonkwo sa kaniyang pinagmulan, pagkilala sa
kaniyang pagkagapi, at pagtanggap sa mga parusang ipinataw sa
kaniya sa kabila ng imahe ng katapangan na siya niyang
ipinamumukha sa kaniyang mga katribo.
Pagsasanay 3:
Sumulat ng isang talatang naglalarawan sa
bansang Africa o Persia. Gumamit ng mga pang-
ugnay. Guhitan ang lahat ng pang-ugnay na iyong
ginamit.
Pagnilayan at Unawain:

1. Gamit ang Venn Diagram, ano-anong kultura at


tradisyon ng mga taga-Africa ang may pagkakatulad at
pagkakaiba sa Pilipinas. Tandaang mula ito sa limitado
nating kaalaman tungkol sa dalawang kultura

AFRICA PILIPINAS

2. Sa paanong paraan makatutulong ang kaalaman sa


paggawa ng iskrip at gamit ng pang-ugnay sa
pagpapaliwanag sa pagbuo ng panunuring pampelikula?
Ilipat
Binabati kita sa kahusayang ipinamalas mo sa pagsusuri sa
mga tradisyon ng mga taga-Africa at mga pang-ugnay.
Ngayon, pihadong maisasagawa ang pagganap sa yugtong
ito.

Nalalapit na ang pista sa inyong lugar at ikaw ay kilalang


magaling na event organizer. Nakiusap ang Kapitan ng
inyong barangay na pamahalaan mo ang pagkakaroon ng
puppet show upang maitanghal ang kultura at tradisyong
namamayani pa sa inyong lugar na kinamulatan pa ng
inyong mga magulang.
Itataya ang iyong pagganap batay sa sumusunod
na pamantayan:
Pagbuo ng Iskrip 30 puntos
Pagganap 25 puntos
Aspektong Teknikal 25 puntos
Kaangkupan ng paksa 20 puntos

Kabuuan 100 puntos


Alam mo ba na...

Ang puppet show ay isang pagtatanghal na ang pangunahing


tauhan ay mga puppet? Ang puppet ay isang uri ng sining na
ginagamitan ng iba’t ibang mga midya, kagamitan, at
pamamaraan. Dito mo maipakikita ang iyong pagkamalikhain at
kakayahan sa paggawa ng isang likhang- sining sa
pamamagitan ng mga patapong bagay. May mga puppet na
pinagagalaw sa pamamagitan ng pisi o sinulid, puppet na pang
kamay o hand puppet tulad ng medyas na puppet, puppet na
supot, at puppet na bag at stick puppets. Ang stick puppet ang
pinakapayak sa lahat ng uri nito. Mayoon lamang mga larawang
ginupit at idinikit sa stick. Ang medyas na mga puppet ay simple
rin. Isusuot lamang ng bata ang medyas sa kanyang kamay at
pagagalawin niya ito sa pamamagitan ng mga daliri habang
nagsasalita kasama ang hinlalaki para magmukhang bibig ng
puppet. Maaaring lagyan ng tali, butones at kapirasong damit
para magmukhang mukha ng tao.
Pagkatapos makalikha ay maaari nang
magtanghal ng isang puppet. Ang mesa
na nababalutan ng tela ang magsisilbing
tanghalan habang nakatago sa likod
nito ang nagtatanghal (puppeteers).
Narito ang ilang halimbawa ng paggawa
ng puppet
Puppet na Supot
Pamamaraan:

1. Kumuha ng isang supot na papel.


2. Gumuhit ng mukha ng tao sa isang puting papel, gupitin sa paligid
at idikit sa dakong ilalim ng supot.
3. Itapat ang bibig ng larawan sa lupi ng supot.
4. Gupitin nang pahalang ang bahagi ng larawan na nakatapat sa bibig
at lupi ng supot upang huwag magkahiwalay ang nguso at labi.
Huwag gugupitin ang supot.
5. Ibuka ang dakong bibig at dikitan ng papel na hugis bilog upang
mag-anyong loob ng bibig. Maaari mong dikitan o guhitan ng maliit
na dila.
6. Isuot ang kamay sa supot na ang palad ay nakaharap sa larawang
idinikit. Iaros ang apat na daliri sa dakong itaas at ang hinlalaki sa
ibaba. Sa pamamagitan ng mga daliri ay maaari mong pagsalitain
ang “puppet” habang ikaw ay nagkukuwento.
Puppet na Medyas
1. Gupitin paloob ang dulo ng medyas. Ito ang magsisilbing
bibig.
2. Gumupit ng tela o retasong hugis bilohaba na kulay
dalandan, pula o rosas, at itahi sa paligid ng ginupit na bahagi
ng medyas.
3. Isuot ang kamay sa medyas na ang apat na daliri ay nasa
dulo ng dakong talampakan ng medyas at ang hinlalaki ay nasa
dulo ng dakong ibabaw ng medyas upang malaman kung saang
dako mo ilalagay ang mga mata at ilong.
4. Lagyan ng mga mata at ilong ang puppet sa pamamagitan ng
mga butones, abaloryo o ano mang patapong bagay. Maaari mo
ring iburda ang mga mata at ilong
5. Ang ulo ay maaari mong lagyan ng binungkos na sinulid
upang magmukhang buhok o sombrero.
6. Suotan ng damit ang iyong puppet upang matakpan ang
iyong braso.
Puppet na Gumagalaw

1. Gumawa ng isang manika sa pamamagitan ng mga


retaso o sirang stockings na binalumbon at itinali sa mga
hugpungan.
2. Lagyan ng mga mata, ilong, at bibig sa pamamagitan
ng mga butones at patapong mga bagay.
3. Lagyan ng buhok na binigkis na estambre o sinulid.
4. Balutan ng ibang retaso ang dakong ibaba upang
magkaroon ng damit.
5. Lagyan ng tig-iisang pisi o sinulid ang mga lugar na
nais pagalawin at itali ang kabilang dulo sa pinag-ekis na
patpat. Maaari mo itong pagalawin sa pamamagitan ng
paggalaw sa patpat. 6. Isipin kung paano pa maaaring
pagalawin ang puppet at kung saan pang bahagi ng
katawan maaari itong talian.
Binabati kita! Maluwalhati mong
natapos ang mga gawaing
nakatulong sa iyo upang
maipamalas mo ang iyong galing.
Ngayon nama’y simulan mo na
ang pangwakas na gawain.

You might also like