You are on page 1of 7

Aralin 18: Paglisan (mula sa Nigeria) ni Chinua Achebe

Pagkilala sa May-akda

 Si Chinua Achebe ay isang Nigerian na manunulat at guro

 Isinulat niya ang nobela dahil gusto niyang wakasan ang stereotyping o paniniwala/panghuhusga ng
mga taga-Europa patungkol sa katutubong Aprikano.

Uri ng Panitikan

 Ang akda ay isang halimbawa ng nobela.


 Nakapaloob ang mga katangian ng isang nobela sa akdang Paglisan tulad ng maliwanag at maayos na
pagsulat ng mga tagpo at kaisipan, malikhain at maguni-guni ang paglalahad at pumupukaw ng
damdamin ng mambabasa.

Layunin ng Akda

Ang layunin ng akda ay magbigay aral na maging matapang at dapat handa kang harapin kung ano ang
naging bunga sa ginawa mo.

Paglalapat ng Teoryang Pampanitikan

 Teoryang Formalismo – ang teksto ay pinapalooban ng matatalinghagang salita.

 Teoryang Sosyolohikal - Ito ay sosyolohikal dahil masasalamin dito ang kalagayan at estado ng lipunan

 Teoryang Humanismo – makikita sa iba’t ibang bahagi ng teksto ang pagbibigay puri sa pagiging
marangal ng tao.

 Teoryang Realismo – Sa panahon ngayon, humahantong na minsan ang tao sa pagpatay sa kanyang
kapwa para sa sariling kapananan.

 Teoryang Moralistiko - Ito’y teaoryang motalistiko sapagkat masasalamin dito ang positibong pag
uugali at maging ang kagaspangan ng ugali ng mga tao.
Tema o Paksa ng Akda

 Ang paksa o tema ng akda ay ang labanan ng dalawang kultura o tradisyon, makikita ito sa kwento
kung saan may mga misyonero na dumating sa Mbanta at gustong palaganapin ang Kristiyanismo.

Mga Tauhan/Karakter sa Akda

 Okonkwo - matapang at respetadong pinuno na mula sa lahi ng Umuofia at siya'y nagpatiwakal dahil sa
nagawang kasalanan.

 Ikemefuna - inalagaan ni Okonkwo bilang tanda ng pakikipagsundo sa kapayapaan sa pagitan ng


Umuofua at isang nayon.

 Obierika - ang kaibigan ni Okonkwo.

Tagpuan/Panahon

 Mbanta - Dito nagtungo si Okonkwo nang siya ay ipatapon ng mga taga Umuofia dahil sa kanyang
ginwang pagpatay kay Ikemefuna at sa anak ni Ogbuefi Ezeudu. Dinala ni Okonkwo dito ang kanyang
buong pamilya at lugar ito ng kapanganalan ng kaniyang ina. Nanirahan dito si Okonkwo hanggang sa
siya ay pinatawag sa Umuofia para sa pagpupulong.

Nilalaman o Balangkas ng mga Pangyayari

 Hindi karaniwan ang akdang ito kung iyong babasahin sapagkat kung babasahin mo ito at iintindihin,
hindi aakalain na magiging ganoong kadilim at kamiserable ang buhay ni Okonwo. Pinakilala siyang
matapang at respetadong mandirigma sa simula at sa dulo siya ay naging mamatay tao at pinaratangan
niya ang kanyang sarili ng kamatayan. Para sakin ay bago ang dating ng akda na ito sapagkat iba ito sa
mga aking nabasa.

Mga Kaisipan/Ideyang Taglay

  Maging matatag sa mga darating na pagsubok sa buhay.

 Huwag magpadalos-dalos sa gagawing aksyon.

 Harapin ang mga nagawang aksyon at huwag itong takbuhan.

Estilo ng Pagkakasulat ng Akda

 Ang akda ay ginamitan ng mga mababaw na salita ngunit mayroon ding mga matatalinghagang salita
na nagpalito ng kaunti sa mambabasa.
 Sa bandang huli, gumamit ang may-akda ng simbolismo na nagpaisip sa mga mambabasa.
Buod

Si Okonkwo ay isang respetadong pinuno sa tribo ng mga Igbo sa Nigeria. Nagpapamalas siya ng
katapangan dahil ayaw niya matulad sa kanyang ama na sa tingin niya ay mahina at talunan. Ipinangalaga
sa kanya si Ikemefuna na tanda sa pakikipagsunduan sa Umuofia at napatay niya rin ito. Nagpakalayo-
layo si Okonkwo dahip napatay niya ang anak ni Ogbuefi Ezeudu. Hindi naglaon, may dumating na mga
misyonero sa Mbanta at gusto ipalaganap ang Kristiyanismo. Nakatikim ng pang-aabuso ang mga pinuno
ng Umofia at gustong tumiwalag. Gamit ang machete pinatay ni Okonkwo ang mga mensahero dahil
inaakala niya na gusto ng kaangkan na maghimagsik. Ang Komisyoner ng Distrito ay dumating sa lugar ni
Okonwo para sa paglilitis ngunit natagpuan nila na nagpatiwakal ito.
Ang akdang ito ay may mabigat na epekto ng kolonyalismo sa mga
katutubong tao ng Africa , bilang karagdagan sa pagsusuri sa mga tradisyunal
na kultura ng tagabaryong Nigerian sa nobela.Ang paghihimagsik at
pagpapakamatay ni Okonkwo ay nagdala ng pasipikasyon ng mga primitibong
tribo ng mas mababang Niger.
1. Pinakaiiwasan ni Okonkwo ang matulad sa kanyang ama. Si Unoka –
ama ni Okonkwo – ay isang mahina at talunan na tao. Sa tingin din ni
Okonkwo ay walang nagawang tama ang kanyang ama dahil sa ito ay
tamad. Bukod sa pagpapabaya sa kanyang pamilya, marami ding
iniwang utang si Unoka sa kanyang mga kanayon. Itinuring ito ni
Okonkwo na isang kahihiyan.  Ayon kay Okonkwo, ang pagkakaroon ng
asal babae sa mga kalalakihan ay sumisimbolo ng kahinaan.

2.

3. Si Okonkwo na isang matapang na mandirigma ay nakipaglaban upang


ipakita ang kanyang katatagan sa kanyang paniniwala at paninindigan.
Kahit pa maraming pagsubok ang dumating sa buhay nya, patuloy pa
rin siyang lumalaban. Hindi siya nawalan ng lakas ng loob. Higit sa
lahat, bumabangon siya sa tuwing bumabagsak siya sa lupa. Hindi niya
ugali ang sumuko sa laban.

4. hinakot lahat ni okonkwo ang kaniyang mga ari-arian at mahahalagang


kagamitan at nagtungo sa Mbnata, lugar ng kapanganakan ng kaniyang
ina dala ang kaniyang buong pamilya. Sinunog ang mga natirang
hayop, kubo, at mga naiwang pag-aari ni Okonkwo tanda ng paglilinis
sa buong pamayanan sa kasalanan nito
   5.     MGA TAUHAN/ KARAKTER SA AKDA
·       Okonkwo – Ang bida sa nobela. Isang magaling na lider at may
gusting patunayan ngunit nabigo.
·        Unoka – Si Unoka ay ang ama ni Okonkwosiya ay tamad at
miserable ang buhay. Siya ang nag-udyok sa bida upang hindi maging
katulad niya.
·        Obierika- Ang pinakamatalik na kaibigan ni Okonkwo.
·        Ikemefuna- Isang batang lalaki na galling sa tribo ng Mbiano.
Inalagaan siya ni Okonkwo dahil siya ang tanda ng pagkakaayos ng
dalawang tribo, tinuring nila ang bawat isa na parang tunay na
kapamilya.
·        Ogbuefi Ezeudu- Ang nagpaalam kay Okonkwo na dapat patayin
si ekemefuna ayon sa orakulo.
·        Mr. brown – Ang puti na malapit ang loob sa tribo umuofia ngunit
namatay rin dahil sa karamdaman.
Ang mga akda ng Africa at Persia ay nagdala ng kakaibang pagbabago
sa  mundo ng panitikan. Isa sa mga naiambag ng dalawang bansa ay
ang kanilang mga mahuhusay at malikhaing manunulat na
nagpapakilala sa kanilang paniniwalang Sufism kung saan ang isang
indibidwal ay napapaunlad sa pamamagitan ng kanyang pandama. Ang
kawastuhan at katapatan sa pagsulat ay isa rin sa mga naibahagi ng
mga bansang ito sa mundo ng panitikan lalo na sa larangan ng
pilosopiya at paniniwala.

You might also like