You are on page 1of 24

ANEKDOTA

ER I A
Pagpapaunlad sa Talasalitaan/Paghahawan ng Sagabal
PANUTO: Kilalanin ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa
pangungusap. Piliin angtamang sagot sa loob din ng pahayag.
1. Ang mga taong nakikinig sa kaniya ay nagulumihanan. Sila ay nalilito sa kanyang
sinasabi.
2. Ang sermon na ginawa ni Mullah ay dapat pag-aralan at huwag itong aksayahin.
Hindi ito nararapat na sayangin ng kanyang tagapakinig.
3. Nangingimi ang mga nakikinig sa kaniyang homiliya. Napahiya silang
lahat kay Mullah.
4. Muli na naman siyang inanyayahan sa simbahan. Naimbitahan siya upang
magsalita saharap ng nakararami.
5. Agad siyang umalis matapos makapagsalita sa harap ng mga tao. Lumisan siya
kahitmarami ang nais sanang makinig sa kanyang pagkukukwento.
Pagpapaunlad sa Talasalitaan/Paghahawan ng Sagabal
PANUTO: Kilalanin ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa
pangungusap. Piliin angtamang sagot sa loob din ng pahayag.
1. Ang mga taong nakikinig sa kaniya ay nagulumihanan. Sila ay nalilito sa
kanyan sinasabi.
2. Ang sermon na ginawa ni Mullah ay dapat pag-aralan at huwag itong
aksayahin. Hindi ito nararapat na sayangin ng kanyang tagapakinig.
3. Nangingimi ang mga nakikinig sa kaniyang homiliya. Napahiya silang
lahat kay Mullah.
4. Muli na naman siyang inanyayahan sa simbahan. Naimbitahan siya upang
magsalita saharap ng nakararami.
5. Agad siyang umalis matapos makapagsalita sa harap ng mga tao. Lumisan
siya kahitmarami ang nais sanang makinig sa kanyang pagkukukwento.
ANEKDOTA
mula sa Persia/Iran
Mullah Nassreddin
ANEKDOTA
Naiiba ang anekdota sa ibang
PAANO akdang pampanitikan dahil ito
NAIIBA ay naglalaman ng mga
ANG panyayaring tunay na naganap
ANEKDOTA sa buhay ng isang tao subalit
SA IBANG ang mga pangyayaring ito ay
PANITIKAN kakaiba o di naman kaya ay
? katawa-tawa na nagbibigay aral
sa mga tao.
Naiiba ang anekdota sa ibang
PAANO akdang pampanitikan dahil ito
NAIIBA ay naglalaman ng mga
ANG panyayaring tunay na naganap
ANEKDOTA sa buhay ng isang tao subalit
SA IBANG ang mga pangyayaring ito ay
PANITIKAN kakaiba o di naman kaya ay
? katawa-tawa na nagbibigay aral
sa mga tao.
TSINELAS NI RIZAL
• Maganda ang dagat at ang ilog sa
aming bayan sa Laguna. Bughaw
na may halong luntian kapag
walang sigwa. Ang tubig sa wawa
ay napapaligiran ng mga
kawayang sumasayaw na tila
umiindak kapag nahihipan ng
hangin.
• Ang mga bangkang may layag ay
parang mga paru-parong puti na
naghahabulan.
TSINELAS NI RIZAL
• Ang bangka ay karaniwang gawa sa
kahoy na inukit sa matibay na kahoy na
nakukuha sa aming gubat. Kung minsan
ito ay may dalawang katig na gawa sa
matitibay at mahabang kawayan upang
ang bangka ay hindi gumiwang kapag
ito ay nakatigil sa tubig.
• Karamihan sa gamit nito ay pangingisda
nguni't sa aming lalawigan, ang ay
ginagamit namin sa paglalakbay lalo na
sa pagtawid sa ibayo ng dagat. Mas
mabilis ito kaysa gumamit ng kalabaw o
ng karetela.
TSINELAS NI RIZAL
• Naalala ko pa noon kasalukuyang
kaming nakasakay sa bangka nang
humulagpos ang isa kong tsinelas. Ang
tsinelas ay ang gamit namin sa
pagpasok at pagpunta sa mga lakaran
kung saan ang bakya na gawa sa kahoy
ay hindi nararapat.

• Mabilis itong inanod sa tubig bago ko


nahabol para kunin. Malungkot ako
dahil iniisip ko ang aking ina na
magagalit dahil sa pagkawala ng aking
tsinelas.
TSINELAS NI RIZAL
• Tiningnan ako ng nagsasagwan
nang kinuha ko ang aking isa
pang tsinelas at dali dali kong
itinapon sa dagat, kasama ang
dasal na mahabol nito ang
kapares na tsinelas.

• “Bakit mo itinapon ang iyong isa


pang tsinelas?” tanong sa akin
ng kasamahan ko sa bangka.
TSINELAS NI RIZAL
• “Isang tsinelas ang nawala sa
akin at walang silbi sa
makakakita. Ang isang tsinelas
na nasa akin ay wala ring silbi sa
akin. Kung sino man ang
makakuha ng pares ng tsinelas
ay magagamit niya ito sa
kaniyang paglakad.
• Napatingin ulit sa akin ang
mama. Marahil naunawaan niya
ang isang batang katulad ko.
PAGTATAYA:
____ 1. Paano mo ilarawan si Mullah bilang
tauhan sa anekdotang iyong nabasa?
a. malungkutin c. pilosopo
b. mapagbiro d. masayahin
PAGTATAYA:
____ 2. Anong pamamaraan ng pangunahing
tauhan ang ginampanan upang siya ay makilala
bilang pinakamahusay sa larangan ng
pagpapatawa?
a. Sa paraan ng kanyang pagpapatawa
b. Sa pagsasayaw
c. pagpapakita ng nakakatawang bagay
d. Sa pag-awit
PAGTATAYA:
____ 3. Si Mullah ay kilala bilang
pinakamahusay sa pagkukuwento ng
katatawanan sa kanilang bansa. Ano ang
paraan na kanyang ginamit sa
pagsasalaysay ng kuwento?
a. payo c. palabas
b. talumpati d. panayam
PAGTATAYA:
____ 4. Dahil sa kahusayan ni Mullah
siya ay ipinagmalaki ng kanyang mga
kababayan. Saang bansa nagmula at
tanyag si Mullah?
a. Japan c. Persia
b. Saudi Arabia d. Italya
PAGTATAYA:
_____ 5. Ang sumusunod ay mga
katangian ni Mullah. Alin ang HINDI?
a. matalino c. masayahin
b. mapagbiro d. tamad
PAGTATAYA:
____6. Ano ang damdaming
nahihinuha ng sumulat sa anekdotang
“Mullah Nassreddin?
a. nasisiyahan c. nagalit
b. nalungkot d. nag-aalinlangan
PAGTATAYA:
_____ 7. Muli na naman siyang
inanyayahan sa simbahan. Ano ang
kasingkahulugan ng salitang
inanyayahan?
a. lumisan c. nalito
b. napahiya d. inimbitahan
PAGTATAYA:
_____ 8. Ang mga taong nakikinig sa
kaniya ay nagulumihanan. Ano ang ibig
sabihin ng nagulimihan?
a. nalito c. nasiyahan
b. natuwa d. nagalit
PAGTATAYA:
_____ 9. Kung ikaw ang isa sa mga tagapakinig ni
Mullah, ano ang nararapat na magiging reaksyon
mo sa kanyang pagtanggi sa pagkukuwento?
a. aawayin at pagtutulungan si Mullah.
b. huminto na sa pagtangkilik sa kanyang talento
c. magmakaawa at pakiusapan siya na ibahagi ang
anekdota.
d. pabayaan at hintayin kung kailan siya
magbabahagi.
PAGTATAYA:
_____ 10. “Wala akong panahong magsalita sa mga
taong hindi alam ang aking sasabihin,” wika ni Mullah
Nassredin sa mga taong nais makinig sa kanyang
kuwento. Ano ang mahihinuha sa pahayag na ito?
a. a. abala sa mga ibang gawain si Mullah
b. b. nakalimutan niya ang detalye ng anekdotang
isasalaysay
c. c. mayabang at mapagmataas si Mullah sa kanyang
kapwa
d. d. minamaliit niya ang kanyang kababayan
PAGTATAYA:
_____ 11. Sa Anekdotang “ Ang tsinelas ni
Jose Rizal”, anong aral ang nais iparating
sa kuwento?
a. Katapatan sa bayan
b. Pagpapahalaga sa Kapwa
c. Pagpaparaya para sa kapakanan ng iba
d. Mahusay na pakikitungo sa kapwa.
PAGTATAYA:
_____ 12. Ano ang dahilan kung bakit hinayaan ni
Rizal na agusin nalang ang dagat ang magkapares
niyang tsinelas?
a. Upang maawa ang mga tao na makita siya
b. Upang magamit ng sinomang makatagpo nito.
c. Upang bilhan siya ng bagong tsinelas
d. Sapagkat hindi niya gusto ang disenyo ng
tsinelas.

You might also like