You are on page 1of 17

UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY

(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)


City of Iriga, Philippines 4431

GRADUATE STUDIES AND RESEARCH

I. ANG SULIRANIN

Panimula 1
Batayang Teoretikal 3
Batayang Konseptwal 8
Paglalahad ng Suliranin 9
Paglalahad ng Haypotesis 9
Pagpapalagay ng Pag-aaral 10
Kahalagahan ng Pag-aaral 10
Saklaw at Limitasyon 11
Operasyunal na Pagpapakahulugan 12

Kaugnay na Literatura at Pag-aaral 14


Kalagayang Pansining 21
Gap 21
Mga Tala 22

II. PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK


Disenyo at Metodo 23
Populasyon at Lugar ng Pananaliksik 24
Kasangkapan sa Pangangalap ng Impormasyon 25
Paraan ng Pangangalap ng Impormasyon 25
Istadistikang Gagamitin 26
Mga Tala 30
UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
City of Iriga, Philippines 4431

GRADUATE STUDIES AND RESEARCH

MGA NATATANGING AKDA NI KRISTIAN S. CORDERO: PAGSUSURI AT


PAGSASALIN SA WIKANG FILIPINO

Isang Pananaliksik na inihanda sa


Kapulungan ng mga Dalubguro ng Kagawaran ng Filipino
UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY
Lungsod ng Iriga

Bilang Bahagi ng Pangangailangan sa Pagtamo


Ng Titulong Master sa Sining ng
Edukasyon sa Filipino

JELY T. BERMUNDO
HULYO 2022
UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
City of Iriga, Philippines 4431

GRADUATE STUDIES AND RESEARCH

KABANATA I

ANG SULIRANIN

Panimula

Sa pag-aaral ni Macan, [3] mayaman ang panitikang Filipino at ito’y hitik sa

bungang karunungan ng malikhang isipan ng mga manunulat na Filipino.

Ayon naman kay Batnag [4] ang mga panrehiyong panitikan ay higit na nagiging

kawili-wili kung ito ay naisalin sa Filipino nang sa gayo’y maintindihan ng nakararami.

Napapaunlad nito ang kamalayan at kultura ng rehiyon na matatagpuan at nilalaman ng

mga akda.

Ayon nga sa konstitusyon ng 1987, sa Artikulo XIV, Sek. 9, ay nagtadhana na:

“Dapat magtatag ang Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa na Binubuo

ng mga kinatawan ng iba’t ibang rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-

uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa

kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili.”

Tinalakay naman ni Baer (2017) na ayon sa DepEd Order 32 s. 2015, ang

pagsasanib ng lokalisasyon at indigenization tungo sa kontekstwalisasyon sa pagtuturo

sa lahat ng asignatura ay nakakatutulong sa paglinangng kakayahan at kaalaman ng

mga mag-aaral na mas mapahalagahan ang mga bagay na makikita mismo sa kanilang

pook na ginagalawan. Nakatutulong din ito upang mabigyan ng kalayaan ang mga

paaralan upang iangkop ang kurikulum sa lokal at iugnay ang nilalaman nito sa proseso
UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
City of Iriga, Philippines 4431

GRADUATE STUDIES AND RESEARCH

ng pagtuturo sa kapaligirang lokal. Mapahalagahan ang biyaya at likas na kagandahan

sa sariling pook.

Mapapansin rin ang kakulangan sa lunsaran ng mga aklat at paggamit ng mga

pangrehiyong panitikan sa mga batayang aklat kung kaya’t layunin ng mananaliksik na

maging batayan ang kinalabasan ng pagsasalin at pagsusuri sa pagpapayaman ng

panitikang rehiyon at makilala at mailathala ang mga piling mga akda na isinalin sa

Filipino. Ang mga panitikang rehiyonal kapag naisalin sa wikang Filipino ay magagamit

bilang lunsaran ng mga aralin sa asignaturang Filipino at magsisilbi ring karagdagang

kagamitang pampagtuturo sa larangan ng wika at panitikan.

Sa akademya, kailangang dagliang matugunan ang kakulangan ng mga aklat sa

ibat-ibang disiplina. Mapapabilis ang pagpapalabas ng mga aklat at sanggunian sa

pamamagitan ng pagsasalin ng umiiral nang mga aklat, habang hinihintay ang mga

orihinal na materyales.

BATAYANG TEORETIKAL

Sa Teorya ni Santiago [12] halaw sa kanyang aklat na “Ang Sining ng


Pagsasaling-wika”. ang pagsasaling-wika ay isang sining ng pagpapahayag ng isang
orihinal na akda nang hindi nagbabago ang diwa at kaisipang inihahayag nito tungo sa
ibang wika.

Halimbawa, ang maling guhit o pagpili ng salita ay tunay na paglayo sa mensahe


ng tunay na akda. Kinakailangan ang layuning hindi ang bawat salita ang maisalin
bagkus ay ang diwan a nais iparating ng tunay na akda.
UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
City of Iriga, Philippines 4431

GRADUATE STUDIES AND RESEARCH

Sa ating bagong kurikulum ay unti-unti nang kinikilala ang mga akdang rehiyunal,
ibig sabihin ay nabibigyang-pansin na rin ang ibang panitikan hindi lamang ang
panitikan ng katagalugan na hitik na hitik noon. Ayon pa nga kay Santiago, ay mas
magiging maganda tayo ay makabubuo ng tinatawag na pambansang panitikan o
literatura ng bayan na kumakatawan sa kabuuan ng pambansang kaisipan. Isang
panitikang matatawag na kaisipang Pilipino na hango sa alinmang bilang Pilipino.

Ipinapakita rito ang isang ilustrasyon buhat sa teorya ng pagsasalin ni Santiago.

Mga Akda ni G. Kristian Cordero

Bikol Filipino
Wikang Isasalin Wikang Pagsasalinan

Tagabasa A = Tagabasa B

Sa teoryang pagsusuri naman ni Berelson [13] sa aklat ni Austero [14] sa


kanyang pag-aaral ay tumutukoy na ang pagsusuri ng nilalaman ay karaniwang
ginagawa sa kakaunti at di kompletong mga halimbawa o kalahok na ang mga datos na
susuriin ay iilan lamang upang mabigyan ng katuturan ang tema at wastong pag-aaral.
Dugtong pa niya sa pagsusuri at pag-iinterpreta ng nilalaman na nahihinuha ang epekto
at kalalabasan nito upang maging bahagi ng prosesong pagsusuri.

Ito ay sinang-ayunan din ng teorya ni Alejandro [15] na ang pagsusuri ay dapat


taglayin ng isang kritiko ang ganap na kaalaman sa kanyang paksa. Una, Ito’y
tumutukoy sa kabuuan at nilalaman ng akda at ang paksang tinutukoy ng awtor. Dapat
din malaman na ang buhay at kaisipan ng awtor ay isaalang-alang ang panahon ng
pagkakasulat nito; ikalawa, ang katapatan ng loob ay isang katangiang dapat taglayin
ng isang kritiko; ikatlo, ang isang kritiko ay dapat magangkin ng likas na pagkukuro. Ang
UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
City of Iriga, Philippines 4431

GRADUATE STUDIES AND RESEARCH

isang tagasuring may likas na pagkukuro sa buhay ng awtor ay hindi sanligan sa


pagkilatis ng isang akdang pampanitikan.

Tinatawag din ito, bilang ang pag-aaral sa mga buhay na panlipunan ng mga tao,
grupo, at lipunan. Interesado ang sosyolohiya sa ating pag-uugali bilang mga nilalang
na marunong makisama, sa ganitong paraan sinasakop ng nagustuhang larangan sa
sosyolohiya mula sa pagsusuri ng maiikli hanggang sa pakikitungo sa pagitan ng hindi
magkakilalang indibidwal sa daan hanggang sa pag-aaral ng proseso ng pandaigdigang
panlipunan.

Naniniwala ang tagapagtaguyod na ang manunulat ay produkto ng kanyang


panahon, lugar, mga kaganapan, kultura at institusyon sa kanyang kapaligiran kung
saan itinuturing sila bilang boses ng kanyang panahon.

Ang teoryang sikolohikal naman ay tumutukoy sa akdang pampanitikan na


nagsisiwalat sa isip, damdamin at personalidad ng may-akda. Inaanalisa ang mga
behavior ng mga tauhan, kilos at kaisipan, at ang relasyon ng bawat isa. Kung bakit
nagbago ang dating paniniwala, kung bakit tinalikuran ang dating ipinakikipaglaban, ang
pinagdaanang buhay o mga pangyayaring nakaaapekto o nakakaapekto sa kanilang
pananaw. Ang layunin ng teoryang sikolohikal sa panitikan ay ipaliwanag sa
pamamagitan ng pagpapakita ng mga salig sa pagbuo ng naturang pag-uugali,
paniniwala, pananaw, pagkatao sa isang tauhan sa kanyang akda. Ipinapakita sa akda
na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong behavior dahil may nag-udyok
na mabago o mabuo sila[16]
UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
City of Iriga, Philippines 4431

GRADUATE STUDIES AND RESEARCH

MGA NATATANGING AKDA NI KRISTIAN S. CORDERO: PAGSUSURI AT


PAGSASALIN SA WIKANG FILIPINO

SANTIAGO TRANSLATION
THEORY

SANTIAGO TRANSLATION
SANTIAGO TRANSLATION
THEORY
THEORY

BATAYANG KONSEPTWAL
UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
City of Iriga, Philippines 4431

GRADUATE STUDIES AND RESEARCH

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito ay tukuyin ang bilang pag- iisa-isa, layunin nitong masagot
ang mga sumusunod na suliranin:

1. Ano-ano ang mga pili at natatanging akda ni Kristian S. Cordero?

2. Ano ang kaugnayan ng

3. Nasusuri ang nangibabaw na nakapaloob sa bawat akda batay sa teoryang:

a. Sosyolohikal

b. Sikolohikal

4. Anong gawaing pang-akademiko ang maaaring imungkahi kaugnay sa pagsusuri

at pagsasalin ng mga natatanging akda ni Kristian Sendon Cordero?

a. pagsasalin sa Filipino ng mga maikling kwento ni Jesus Sanchez


b. pagsusuri sa mga maikling kwento gamit teoryang sosyolohikal at sikolohikal
c. pagtukoy at pagsusuri sa mga kulturang nangibabaw sa kwento;
d. paggamit sa mga naisalin at nasuring kwento sa asignaturang Panitikang
Rehiyon, Pagsusuring panitikan at iba pang araling pampanitikan at mailathala
ang mga naisaling maikling kwento.
PAGLALAHAD NG HAYPOTESIS
UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
City of Iriga, Philippines 4431

GRADUATE STUDIES AND RESEARCH

ASAMPSIYON NG PAG-AARAL

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay makabuluhan at may malaking ambag sa mga sumusunod:

Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong upang mapalawak ang

kaalaman ng mga mag-aarl sa mga panitikan sa Bicol at patuloy na tangkilikin at

mahalin ang pang rehiyong mga akda. Makakatulong rin ang pagsasalin nito sa Filipino

upang lubos na maunawaan ng mga mag-aaral ang bawat nilalaman ng mga akda.

Guro. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong upang palawakin ang mga lunsaran

sa panitikang Bikol at magamit sa pang-akademikong instruksyon lalong-lalo na para sa

kontekstwalisadong pagtuturo nang mailahad ng mainam at epektibo sa pamamagitan

ng mga panitikan na may taglay ng sariling kultura.


UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
City of Iriga, Philippines 4431

GRADUATE STUDIES AND RESEARCH

Paaralan. Ang pag-aaral na ito ay may malaking ambag at tungkulin sa paaralan

o sa institusyon sapagkat maaari itong maging batayan sa mga susunod pang pag-

aaral na isasagawa na may kaugnayan sa paksa ng pananaliksik.

Mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong upang mas lumawak ang

kaalaman ng mananaliksik tungkol sa mga kultura at panitikang Bikol. Makakatulong rin

ito upang pag-alabin ang kanyang mga pagmamahal sa mga panitikan ng rehiyon.

Mambabasa. Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing sanggunian at lunsaran ng

sinumang mga mambabasa na nagnanais na makakalap ng impormasyon o datos at

masagot ang kanilang suliranin na may kaugnayan sa pananaliksik.

SAKLAW AT LIMITASYON
Saklaw ng pananaliksik nito ang mga pili at natatanging akda ng isang tanyag na

manunulat ng Bikol na si Kristian Cordero. Nililiitahan ito sa apat na piling mga akda na

imumungkahi ng may-akada na suriin at isalin.

OPERASYUNAL NA PAGPAPAKAHULUGAN

Panitikan. Ito’y pagpapahayag ng damdamin at kaisipan ng isang tao sa lipunan, sa

pamahalaan, sa kapaligiran, sa kapwa at maging sa Dakilang Lumikha (Santiago,

1980).
UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
City of Iriga, Philippines 4431

GRADUATE STUDIES AND RESEARCH

Pagsusuri. isang pag-aaral, pagtalakay, pagsusuri at pagpapaliwanag ng panitikan

na napili na suriin

Pagsasaling-wika. Ito’y paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na

katumbas ng diwa o mensaheng isinasaad sa wikang sinasalin (Santiago, 1997).

Wikang Filipino- ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas,

ang Ingles ang isa pa, ayon sa Saligang Batas ng 1987.

Bikol. Tumutukoy sa mga lenggwaheng ginamit at kasalukuyang ginagamit ng mga

Bikolano sa pakikipagtalastasan at maging ng mga Bikolanong manunulat sa rehiyon

Bikol.

Bikolano. Tumutukoy sa mga taong naninirahan sa rehiyon V at gumagamit ng Bikol

sa anyong bernakular at nakauunawa ng mga Panitikang Bikol.

Sosyolohikal. Teoryang pampanitikan na nahihinuha ang kalagayang panlipunan sa

panahon na isinulat ang akda.

Sikolohikal. Ito ay teorya ng panitikan na masasalamin ang takbo ng isip ng may

katha, antas ng buhay, paninindigan, pinaniniwalaan at tumatakbo sa isipan ng may

katha.
UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
City of Iriga, Philippines 4431

GRADUATE STUDIES AND RESEARCH

KAUGNAY NA LITERATURA

Binanggit ni Santiago (2003) ang kahulugan ng pagsasalin batay sa paglalahad

nina Nida at Taber. Ayon dito, ang pagsasaling wika ay muling paglalahad sa

pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na natural na katumbas ng orihinal – ang

mensaheng isinasaad ng wika, una’y batay sa kahulugan, at ikalawa’y batay sa istilo.

Binanggit din ni Santiago (2011) na ang pagsasaling wika ay binubuo ng pagtatangkang

palitan ang isang nakasulat na mensahe sa isang wika ng gayon ding mensahe sa

ibang wika.

Kaugnay nito, binigyang pansin ni Anonuevo (2011) ang kahalagahan ng isang

talatanungan sa pananaliksik. Binanggit niya na sa pananaliksik ay kailangang

mabigyang pansin ang mga tanong. Ayon din sa kanya, ang tanong ay kailangang

batay sa mga umiiral na datos na kailangan, kung paano ito isasakataga upang

maitakda ang saklaw at lalim ng saliksik, at haba ng panahong ilalaan dito. Gayundin,

ayon pa rin sa kanya ay kinakailangan ng mananaliksik na timbangin ang pagiging

patas (subjective) at ang pagtanaw sa kung saang panig (subjective), ang ilalahad na

datos.

Ayon kay Almario sa kanyang artikulong “Pagsulyap sa Kasaysayan ng

Pagsasalin” kung ang pagkaimbento ng papel ay nagpakahalaga salansakan at

matagalang pang-iimbak ng matatayog na karunungan at dakilang panitikan, ang

pagsasalin naman ang naging mabisang kasangkapan sa pagkakalat at pagtanggap ng


UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
City of Iriga, Philippines 4431

GRADUATE STUDIES AND RESEARCH

mga naturang pamana ng sibilisasyon sa iba’t ibang lugar sa buong mundo. Isang

halimbawa ng dakilang panitikang naipamana dahil sa pagsasalin ang Epikong

Odyssey ni Homer na sinasabing pinakamatandang nakaulat na salin.

KAUGNAY NA PAG-AARAL

Sa pag-aaral na ginawa nina Anglo at Ricafrente (2010) binanggit nila na isang

malaking gampaning pambansa ang pagsasalin. Kailangan ang pagsasalin upang

maipon ang lahat ng kaalaman at karunungan ng mundo tungo sa wika ng bansa.

Idinagdag naman ni Ricafrente (2010) na ang pagsasaling-wika ay isang larang at

sining na dapat pag-ukulan ng nararapat na pansin, kaya marapat lamang na alamin

ang mga salik na nakapaloob dito.

KALAGAYANG PANSINING

GAP

MGA TALA
UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
City of Iriga, Philippines 4431

GRADUATE STUDIES AND RESEARCH

KABANATA II

PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Tinalakay sa kabanatang ito ang paraan at disenyong ginamit sa pag-aaral, ang

mga respondente, mga instrumento at paraan sa pagkalap ng mga datos at ang mga
UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
City of Iriga, Philippines 4431

GRADUATE STUDIES AND RESEARCH

kagamitang ito ay angkop sa kasalukuyang pinag-aaralan tungkol sa “MGA

NATATANGING AKDA NI KRISTIAN S. CORDERO: PAGSUSURI AT PAGSASALIN

SA WIKANG FILIPINO”

DISENYO AT METODO

Ang pananaliksik na ito ay gagamit ng Kwalitatib-Diskriptib upang mailarawan


at mailahad nang mabuti ang mga tiyak na mga pangyayari sa mga akda na isinuri.

Mayaman sa panitikan at kilala ang Bicol sa mga tanyag na manunulat ngunit


pinili lamang ng mananaliksik ang mga natatanging akda ni Kristian Cordero bilang
maging pokus ng pag-aaral. Ang mananaliksik ay kinakailangang simulang makipag-
ugnayan at humingi ng pahintulot sa may-akda at upang hingin ang kopya ng kanyang
mga akdang isinulat upang mabigyang pagkakataon na suriin at isalin ang kanyang
mga akda.

Gagamitin ang teoryang Sosyohikal sa pagsusuri sa pagsisiyasat sa mga


nagibabaw na mga kultura sa mga akda upang matukoy ang pakikitungo sa lipunang
ginagawalan. Sikolohikal, ang nagsisiwalat sa isip, damdamin at personalidad ng may-
akda. Inaanalisa ang mga behavior ng mga tauhan, kilos at kaisipan, at ang relasyon ng
bawat isa.

Lugar ng Pananaliksik
UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
City of Iriga, Philippines 4431

GRADUATE STUDIES AND RESEARCH

Kasangkapan sa Pangangalap ng Impormasyon

Ang instrumentong gagamitin sa pangangalap ng datos sa may-akda ay


pakikipanayam partikular ay isang semi- structured interview. Ang semi -structured
interview ay tumutukoy sa paraan ng pagtatanong na kung saan maaring magkaroon ng
mga karagdagang katanungan ang mananaliksik. Gagamit din ang mga mananaliksik
na voice recorder upang ang makuha nilang mga impormasyon ay malinaw at ang uri
ng pakikipanayam na ginawa ay personal na pakikipanayam

Paraan ng Pangangalap ng Impormasyon

Bago makapagsimula sa pagsusuri at pagsasalin, ang mananaliksik ay paunang

hihingi ng pahintulot sa may akda bago isagawa ang pag-aaral sa kanyang mga akda.

Ang mananaliksik din ay personal na hihingi ng kopya ng mga mungkahing akda na

nais at maaaring sagawan ng pagsusuri at pagsasalin.

Magkakaroon rin ng interbyu ang mananaliksik tungkol sa talambuhay ng may-

akda at mga gabay na interbyu sa nilalaman at mensahe bago ito isalin sa Wikang

Filipino. Matapos masuri at maisalin ang mga kuwentong ay ipapawasto at ipapabalida

sa mga propesor na eksperto sa wika.

Istadistikang Gagamitin
UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
City of Iriga, Philippines 4431

GRADUATE STUDIES AND RESEARCH

Mga Tala

Ang pag- aaral na ito ay isinagawa sa Saint Mary’s University ng Bayombong, Nueva
Vizcaya sa Taong Aralan 2013-2014.

You might also like