You are on page 1of 43

ARALIN 13

Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino

ENRIQUEZ ROMASANTA
NILALAMAN
Pahiwatig at Yupemismo sa
1 Komunikasyong Pilipino
Internasyonalisasyon at Pambansang
2 Adyenda sa Pananaliksik
3 Kahulugan at Layunin ng Pananaliksik
Katiwalian sa Katutubong Kamalayan sa
4 Pag-aaral ng Wika at Kulturang Pilipino

Maka-Pilipinong Pananaliksik bilang


5 Modelo at Metodo ng Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino
NILALAMAN
7 Katangian ng Pananaliksik

8 Mga Uri ng Pananaliksik

Integrasyon ng mga Disiplina sa Pananaw


9 ng Wika at Kulturang Pilipino

10 Kahalagahan ng Pananaliksik
ARALIN 13

Pahiwatig at Yupemismo
sa Komunikasyong
Pilipino

ENRIQUEZ ROMASANTA
- Ang mga taglay na salita at kilos ng isang
indibidwal ay maaaring magkaroon ng iba't ibang
kahulugan batay sa kulturang pinaglalapatan at
bumabasa rito.

- Mahalagang maunawaan ang kultura na nagluluwal


ng mga kagawian at kaparaanan sa isang
nabubuong ugnayang pangkomunikasyon upang
mabatid ang kabuluhan at bisa ng isang mensahe.
- Ang salitang ugat na "hiwatig" ay nagmula
sa sinaunang Tagalog na tumutukoy sa
paraan ng paghahatid ng nararamdaman
at kaisipan ng isang tao sa pamamagitan
ng pagliligoy sa pagpapahayag.

"Pahiwatig: Kagawiang Pangkomunikasyon ng


Filipino" ni Melba Padilla Maggay (2001)
ARALIN 13

Bakit nga ba maligoy


ang Pilipino?

ENRIQUEZ ROMASANTA
"Euphemism/Yupemismo sa Lenggwahe ng mga
Pinoy" ni Pamela Constantino (2003)

- ayaw ng Pilipino na - mapanatili ang


mapahiya o kaya'y mabuting pakikitungo
mawalan ng pag-asa at pagpapanatili ng
sa partikular na oras konseptong
na iyon ang kaniyang "pakikipagkapwa" sa
kausap kaya may sinomang kausap o
paraan siya sa pag- patutunguhan ng
iwas. mensahe.
ARALIN 13

Internasyonalisasyon at
Pambansang Adyenda sa
Pananaliksik

ENRIQUEZ ROMASANTA
Ano ang
Internasyonalisasyon?
- tumutukoy sa pagpapataas ng halaga sa mga
pandaigdigang kalakaran kabilang na ang
ekonomikong palitan, ugnayan, tradato, alyansa,
at iba pa, na ang batayang yunit ay nakabatay
sa mga bansa ngunit ang ugnayan ng mga
bansa ay higit na mahalaga at kinakailangan.

DALY (1999)
Internasyonalisasyon

- Samantala, ang sarili nating


pambansang kakayahan at
diskursong pambansa ay
naiisantabi at nababansot bunga
ng "pakikiangkas" at
"panggagaya" upang makatugon
sa ipinapataw na mga
pamantayang global.
- "Marami-rami na rin sa ating mga kababayan
ang nakapag-ambag ng mahahalagang
kontribusyon sa daigdig ng kaisipan. Subalit,
kadalasa'y hindi natin ito binibigyan ng
importansiya. Ito'y isang dahilan ng kawalan ng
tradisyong intelektuwal."

Renato Constantino (1996)


Ano ang
Pananaliksik?
- Proseso ng pagsusuri, pagsisiyasat o panga-
ngalap ng mga totoong impormasyon tung-
kol sa isang paksa, pangyayari, at iba pa.

- Hango sa salitang "saliksik" o ang ibig


sabihin ay "masusing paghahanap"
Ito ay isang maingat, kritikal,
disiplinadong inkwiri sa pamamagitan
ng iba't ibang teknik at paraan batay
sa kalikasan at kalagayan ng natukoy
na suliranin tungo sa klaripikasyon o
resolusyon nito.

GOOD, 1963
Ito ay sistematikong pag-aaral o
imbestigasyon ng isang bagay sa
layuning masagot ang mga
katanungan ng isang mananaliksik.

PAREL, 1996
Ito ay isang pagtatangka para
makakuha ng solusyon sa mga suliranin.
Isang pangangalap ng mga datos sa
isang kontroladong sitwasyon para sa
layunin ng prediksyon at eksplanasyon.

E. TRECE AT JW TRECE, 1973


LAYUNIN NG
PANANALIKSIK
- Makadiskubre ng mga bagong kaalaman, ideya, at konsepto.
- Mabigyang linaw ang isang mahalagang isyu o paksa.

- Makatuklas ng mga solusyon sa mga suliraning hindi pa


nalulutas ng mga umiiral na metodo.

- Makapagbigay ng bagong pagpapakahulugan o


interpretasyon sa dati nang mga ideya at teknik.
- Makalikha ng mga batayan sa pagpapasya sa larangan ng
industriya, kalakalan, edukasyon, pamahalaan, at iba pa.
- Mapunan ang kuryosidad ng mananaliksik.
Ano ang
Pambansang Adyendang
Pampananaliksik?
Pambansang Adyendang
Pampananaliksik

- tumutukoy sa mga paksa,


pamamaraan, at pananaw na
nagtataguyod ng ating
pambansang interes at lumulutas sa
ating mga sariling isyu at suliranin
bilang bahagi ng komunidad,
bansa, at daigdig.
- "Palakasin ang mga pamantasan natin sa
pamamagitan ng pananaliksik, at lalakas
lamang ang pananaliksik natin kung matatag
ang wika natin. Dapat mag-usap-usap tayong
mga Pilipino ukol sa ating interes at adyenda na
kapaki-pakinabang sa ating sariling lipunan. "

Demeterio (2016)
ARALIN 13

Katiwalian sa
Katutubong Kamalayan
sa Pag-aaral ng Wika at
Kulturang Pilipino

ENRIQUEZ ROMASANTA
- kawalang-ingat ng mga mananaliksik at manunulat sa
kanilang paksang sinasaliksik na nagreresulta ng
katiwalian sa paglikha ng kahulugan at pagsasawalang-
bahala sa kapakanan ng pinag-aaralang paksa.
Sakaling mailabas bilang aklat o sanggunian ang mga
maling impormasyon, na magluluwal din sa maling pag-
unawa at kamalayan sa mambabasang Pilipino

"Mga Katiwalian sa ating Kamalayan Tungkol


sa Kaalamang Bayan" ni Arnold Azurin (1991)
- Upang malutan ang ganitong katiwalian,
maging kritikal sa pag-aaral ng mga paksa ukol
sa katutubong kultura at kaalamang bayan na
nangangailangan din ng praktis (lampas sa
pagteteorya) at pagpapaloob sa mismong
proseso ng pag-unawa rito.

"Mga Katiwalian sa ating Kamalayan Tungkol


sa Kaalamang Bayan" ni Arnold Azurin (1991)
ARALIN 13

Maka-Pilipinong
Pananaliksik bilang Modelo
at Metodo ng Pananaliksik
sa Wika at Kulturang
Pilipino
ENRIQUEZ ROMASANTA
Maka-Pilipinong Pananaliksik

- gumagamit ng wikang Filipino at/o


mga katutubong wika sa Pilipinas at
tumatalakay sa mga paksang mas
malapit sa puso at sa isip ng mga
mamamayan.
Maka-Pilipinong Pananaliksik

- maraming pananaliksik ang


nakabatay sa interes ng mananaliksik
at hindi sa interes ng kaniyang
paksang sinasaliksik. Nahihikayat din
ang karamihan ng lagi’t laging
pagaaralan ang kulturang dayuhan sa
halip na magkaroon ng motibasyong
linangin ang sariling kaparaanan.
Maka-Pilipinong Pananaliksik

- kasabayan rin ng ganitong


pagkahumaling sa dayuhang kultura
ang pagkampi sa mga tanyag na
konsepto at pamamaraang kanluranin
na hindi umaangkop sa kalagayan,
karanasan, gawi, at diwang
Pilipino.
Maka-Pilipinong Pananaliksik

- Problematiko rin ang paksa at


layuning nakakulong sa pamantayan
at layuning akademiko lamang
habang isinasantabi ang kabuluhan
ng pamumuhay at layuning
akademiko, habang isinasantabi ang
kabuluhan ng pamumuhay at
karanansang panlipunan bilang
laboratory ng kaalaman
- hindi kailanman mapagtatagpo ang magkaibang
realidad; kailangang unawain ang mga sariling
palagay at haka-haka na nakatanaw sa layunin at
kontekstong Pilipino.

- dapat pahalagahan tunguhing maka-Pilipino na


makapag-aambag sa karaniwang Pilipino at
larangang magpapalakas sa inters ng paksang
sinasaliksik.
Maka-Pilipinong Pananaliksik

- kinakailangan rin ang isang metodo


na makapagpapakilala sa mananaliksik
at kalahok ng pananaliksik upang
kapwa nila matamo ang maka-
Pilipinong pagtatanong, pagsubok,
pagdalaw-dalaw o pagmamatiyag,
pagsusubaybay, pakikialam,
pakikilahok, at pakikisangkot.
KATANGIAN NG PANANALIKSIK

1. SISTEMATIKO
2. KONTROLADO
3. EMPIRIKAL
4. MAPANURI

5. OBHETIBO AT LOHIKAL
6. ORIHINAL NA AKDA
7. KUWANTITIBO O
ESTADIKAL NA METODO
8. AKYUREYT
MGA URI NG PANANALIKSIK

1. ANALISIS
2. ARAL-KASO O CASE STUDY
3. KOMPARISON
4. KORELASYON-PREDIKSYON

5. EBALWASYON
6. DISENYO-DEMONSTRASYON
7. SURVEY-QUESTIONNAIRE
8. ISTATUS
9. KONSTRUKSYON NG TEORYA
10. TREND ANALISIS
ARALIN 13

Integrasyon ng mga
Disiplina sa Pananaw ng
Wika at Kulturang
Pilipino

ENRIQUEZ ROMASANTA
INTEGRASYON NG MGA DISIPLINA

- pagsasama ng
- ito ay paggawa ng
dalawang
bagong ideolohiya sa
akademikong
pamamagitan ng
disiplina sa isang
crossing boundaries.
aktibidad.
Ito ay maiuugnay sa
(Halimbawa ay ang
isang interdisiplina o
paggawa ng isang
interdisciplinary
interdisiplinaryong
field.
pananaliksik.)
INTEGRASYON NG MGA DISIPLINA

- ito ang
makapagpapalitaw -Maari rin magamit
sa mabisang tugon at ang nasyonalistang
diskurso ng iba’t lenteng pang-
ibang larangan ekonomiya bilang
upang makabuo ng gabay sa pagbubuo
isang matatag na ng mga proyektong
araling Filipino na pang angham o sa
nakasalig sa lakas ng iba pang larangan.
wika at kultura.
ARALIN 13

Mga Pananaw sa
Pananalisik

ENRIQUEZ ROMASANTA
INTERDISIPLINARYONG PANANAW

- nilalayon nitong maigpawan ang pagkakaiba


tungo sa pagkakahawig at pag-uugnay upang
pagbaigkasin ang dalawang disiplina sa
pamamagitan ng integrasyon ng kaalaman at
pamamaraan ng mga ito.
KROS-DISIPLINARYONG PANANAW

- nilalayon nitong sipatin ang isang disiplina sa


pananaw ng iba pang disiplina. Pinagtutuunan
nito ng pansin ang isang paksa na magsisilbing
batayan sa pagpili ng ibang pagtingin,
pananaw, at pamamaraan.
MULTIDISIPLINARYONG PANANAW

- nilalayon nitong pagtagpuin ang iba’t ibang


disiplina upang mapalakas ang sariling
disiplina.
KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK

- kakayahang magluwal ng iba pang kaalaman at


kabuluhan na lampas sa saklaw ng larangang ito

- nabubuksan ang mga malawak na espayo para sa palitan


ng ideya, talaban na bisa at pagtanaw sa isang diwang
Pilipino na mahalagang sangkap sa paghawan ng mga
balakid at paghaap sa hamon ng pagtuloy na pagdurog at
pananalanta sa tumitingding ragasa ng globalisasyon.

You might also like