You are on page 1of 23

Ang mga Bahagi ng

Teksto

Inihanda ni:
Chilla Mae L. Limbing
PAMAGAT
PANIMULA/ INTRODUKSYON

KATAWAN

KONKLUSYON
1. PAMAGAT
 tumatalakay sa tema o paksang
binibigyang pokus sa isang komposisyon

 dapat kawili – wili

 pinaniniwalaan na isa sa mga


konseptong kukuha sa atensyon ng mga
mababasa bukod sa bahaging panimula
 kapag lilikha ng pamagat ng teksto
ay ibagay ang isang malikhaing
pamagat na hinuha mula sa
mayamang guni- guni at malalim na
pag – unawa.
Halimbawa:
1. Bunga ng Kasalanan ni Cirio Panganiban
2. Kristal na Tubig ni Antonio B. L Rosales
3. Di Mo Masilip ang Langit ni Benjamin
Pascual
4. Ang Tulay ng Kinabukasan ni Bartolome
Del Valle
5. Walang Sugat ni Severino Reyes
2. PANIMULA / INTRODUKSYON

Ayon kay Gomez 2013:59

 “mukha ng sulatin”
 humahatak o umaakit sa mga
mambabasa
 nangangailangan itong gamitan ng
malikhaing pag – iisp ang panimula ng
isang akda dahil nakasalalay rito ang
kawilihan ng bumabasa
Mga Halimbawa ng Mabisang Panimula

A.Pasaklaw na Pahayag
 Inilalahad sa paraang ito ang resulta
o kinakalabasan ng paksang
tinatalakay
 Mababasa sa simula ang
pinatutunguhan ng paksa subalit sa
nilalaman lamang maaring malaman
ang buong detalye
Halimbawa:

1. May isang Pilipinang mapalad na


nanalo sa American Idol.

2. Tumalon sa ika – 17 palapag ng gusali


ang isang dalagita sa pag – aakalang
wala nang nagmamahal sa kanya.
B. MAKATAWAG – PANSING
PANGUNGUSAP

 Isa itong paraan ng paglalahad ng


panimula na ginagamitan ng
matatalinghagang pahayag tulad ng
tayutay at idyoma
Halimbawa:

1. Muli na namang naglipana ang mga


kalapating mababa ang lipad at
ang mga ganid ng buwitre.

2. Abot langit ang katuwaan nang


dumating sa kanilang pamilya ang
isang anghel ng tahanan.
C. PAGTATANONG

 isang panimulang tanong o katanungan na


bibigyang kasagutan sa nilalaman ng
teksto.

Halimbawa:
1. Magagawa kayang kalimutan ng anak ang
isang magulang handang ibuwis ang buhay
para lamang sa kanyang anak?
D. TUWIRANG SINABI

 Ito ay ang pagsipi o paggamit ng


mga orihinal na pahayag na
binanggit ng kilala o maging
karaniwang tao.
 kawikaan “ qoutations”
Halimbawa:
1. Ang hindi marunong magmahal sa
sariling wika ay higit pa sa hayop at
malansang isda. (Dr. Jose P. Rizal)
2. Kilalaning lubos ang sarili. (Plato)
3. Ang nagpakataas, ibaba
Ang nagpapakumbaba, itataas
(Hesukristo)
E. PANLAHAT NA PAHAYAG

 paggamit ng mga kasabihan (sayings) at


salawikain (proverbs) na nagpasalin – salin sa
bibig ng mga tao.

Halimbawa:
1. Ang taong mayaman ay may maraming kaibigan,
sa panahon ng kagipitan ay nagsisialisan.
2. Walang mahirap na gawa kung ito’y idinaan sa
tiyaga.
F. PAGLALARAWAN

 ito ay paggamit ng mga salitang


naglalarawan upang maipakita ang
katngian ng isang paksa – tao man,
bagay o mga pangyayari
HALIMBAWA:
Masungit ang panahon, malakas ang ulan,
ang kulog ay dumadagondong na parang mga
bombang pinasasabog sa kalawakan, usad –
pagong ang daloy ng trapiko kaya mga
pasahero ay lumulubog sa baha na abot
beywang. Nag – iiyakan ang mga kabataan,
naginginig sa sobrang ginaw ang lahat na kung
titingnan ay parang mga basang – sisiw ang
lagayan. Iyon ang bagsik na dulot ng bagyo.
G. PAGSASALAYSAY

 pagkukwento ng isang pangyayari


sa buhay ng iang tao na maaring
natapos na, nangyayari pa

 maaaring tunay na pangyayari o


kaya’y hango sa imahinasyon
lamang.
H. PAGBUBUOD

 ginagamit bilang panimula ang isang kaisipan


o kaya’y ang tema ng paksang tinatalakay

Halimbawa:
1. Ang tagumpay ay hindi malayong marating
ng isang taong masipag, may matibay na
paninindigan, positibong pag – uugali at may
determinasyon sa buhay.
I. ANALOHIYA
(Pagwawangis o Pagtutulad)
 ang paksa ay inihahambing o inihahalintulad sa
ibang kaisipang hindi kauri

Halimbawa:
1. Siya ay isang itim na tupa ng pamilya kaya
nahihirapan ang iba na siya ay mapasunod o kaya’y
pakisamahan.
2. Ang buhay ay isang gulong, patuloy na umiikot,
minsa’y mabilis, minsan nama’y mabagal,
napailalim at napapaibabaw.
J. PAGPAPAHIWATIG NG AKSYON

 hinahamon nito ang damdamin at


isipan ng mga bumabasa o makikinig
upang gumawa ng isang
makabuluhang aksyon o para
kumilos para sa isasakatuparan sa
nasimulang adhikain
3. KATAWAN O GITNANG BAHAGI NG TEKSTO

 nakapaloob dito ang mga mahahalagang kaisipan


at diwang ibinabahagi ng mayamang guni- guni ng
manunulat

 inilalahad dito ang mga kasugutan sa mga


kaisipang naging malabo para sa tao

 dapat malinaw at isa – isang masagot ang bawat


tanong na inilalahad sa panimula
4. KONKLUSYON / WAKAS

 isang mabisang pahayag sa


bahaging wakas ng teksto ay
napakahalaga upang makakuha ng
interes ng mababasa
Pagsasanay
Aktibiti Blg. 1

Panuto: Gumawa ng SARALING


sanaysay batay sa katangian ng
maganda at mabisang sulatin o teksto.

You might also like