You are on page 1of 2

2 Uri ng Sanaysay at ang katangian nitoAng

maanyo o pormal

na sanaysay ay nangangailangan ng maingat, maayos at mabisang paglalahad ng mga kaisipan. Ang


pananalita ay pinipiling mabuti. Ang paksa ay pinag-uukulan ng isang masusing pag-aaral. Seryoso ang
ganitong uri ng sanaysay. Maingat na inilalahad at ipinaliliwanag ng awtor ang kanyang tinatalakay na
bagay o isyu nang Hindi lamang nababatay sa sarili niyang karanasan at nalalaman. May mga sanggunian
o basehan siya, may batayang kilala at kinikilala sa kanyang mga inilalahad. Ang

sanaysay na di-pormal

o palagayan ay tila nakikipag-usap, pansarili ang himig at may kalayaan ang ayos sa pagpapahayag. Ang
karaniwang layunin nito ay magpakilala ng mahalagang kaalaman. Sa uring ito ng sanaysay, maaring
paksain ang balana lalo na ang kaugalian ng Tao sa isangmasaklaw na paglalahad. Dahil sa pamamaraang
masaya at masigla, ang sanaysay na di-pormal o palagayan ay siyang ipinalalagay na kaakit-akit at kawili-
wiling basahin. ba pang kahulugan ng nga Uri ng sanaysay

Pormal

- ito ay nagbibigay ng patalastas sa isang paraang maayos bunga ng isang maingat na pagtitimbang-
timbang ng mga pangyayari at mga kaisipan. !ung minsa"y tinatawag itong impersonal o syentipiko
sapagkat ito"y binabasa upang makakuha ng impormasyon.

Impormal

- ito ay tinatawag ding pamilyar o personal na nagbibigay-diin saisang estilong nagpapamalas ng


katauhan ng may akda. to ay may himig naparang nakikipag-usap, nais maglahad ng isang panuntunan
sa buhay. to rin ay naglalarawan ng mga pakahulugan ng may akda sa isang pangyayari sa buhay,
nagtatala ng kanyang pagmumuni-muni at paglalahad ng pala-palagay o kuro-kuro.

12 uri ng Sanaysay:
1. Pasalaysay
Ang sanaysay na ito ay katulad din ng pormal na sanaysay dahil ito ay sasanay na gumagamit ng
mga salitang pormal.

2. Naglalarawan

Ang sanaysay na ito ay nagpapahayag ng mga pangyayari sa buhay, inilalarawan nya lahat ng detalye.

3. Mapang-isip o Di praktikal

Ang sanaysay na ito ay naghahayag ng mga salita na nagbibigay sa mga mambabasa na mapag-isipan ang
kanilang binabasang sanaysay.

4. Kritikal o Mapanuri -
kritikal sanaysay ay isang papel na nangangailangan ng isang malalim na pag-aaral ng isang paksa at
inilalantad nito malakas at mahina tampok. Iyon ay kung bakit ang may-akda ay hindi kinakailangan
pangangailangan na pumuna. Ang kanyang gawain ay ang evaluat ea paksa ng pag-aaral at magpasya
kung pumuna ito o sinusuportahan

5. Didaktiko o Nangangaral

Ang sanaysay na ito ay nagpapahayag ng kanyang sariling karanasan na nagbibigay pangaral o


inspirasyon sa mga mambabasa.

6. Nagpapaalala

Ang sanaysay na ito ay nagpapahayag ng kanyang sariling opinyon upang makapag-paalala sa mga
mambabasa ng kanyang mga naiispan.

7. Editoryal

Ang sanaysay na ito ay ginagamit sa mga balita at may mga paksa tungkol sa mga nangyayari na
trahedya sa kapaigiran.

8. Maka-siyentipiko

Sa sanaysay na ito ay sinasanaysay ang mga maka-agham na mga pangyayari o nglalahad ng tungkol sa
kalusugan.

9. Sosyo-politikal

Ang sanaysay na ito ay nagpapatungkol sa mga politika na mga gawain tulad ng paksa sa mga tauhan ng
gobyerno o kaya naman ay naglalahad ng mga pangyayari sa loob ng politika.

10. Sanaysay na pangkalikasan

Ang sanaysay na ito ay tungkol sa mga kalikasan, pumapaksa sa kapaligiran tulad ng paksa patungkol sa
kagubatan.

11. Sanaysay na bumabalangkas sa isang tauhan

Ang sanaysay na bumabalangkas sa isang tauhan ay nagsasanaysay na nakapokus lamang sa isang


tauhan, inilalahad nito ang paksa tungkol sa tauhang ito.

12. Mapangdilidili o Replektibo -

Isang masining na pagsulat na may kauganayan sa pansariling pananaw at damdamin sa isang partikular
na pangyayari.

You might also like