Professional Documents
Culture Documents
MGA LAYUNING
1. Makaakit.
2. Makapagpaniwala.
3. Pumukaw sa damdamin ng mga nakikinig.
4. Makapagbigay-kasiyaan sa mga nakikinig.
5. Magpahatid ng mahalagang ideya tungkol sa isang paksa.
A. Ayon sa LAYUNIN
A.1 Talumpating may layuning manlibang – Ito’y kadalasang binibigkas pagkatapos ng isang salu-salo. Ang
nagtatalumpati ay nagpapatawa sa pamamagitan ng kuwento at anekdota.
A.2 Talumpating nagbibigay-kabatiran – Ang uring ito ay kadalasang binibigkas sa mga kombensyon. Ang
tagapagsalita ay tumatalakay sa paksang may kinalaman sa kanyang partikular na larangan. Ito’y
nagpapaliwanag at nagtuturo. Ginagamit ang uring ito sa mga ulat at pahayag.
A.3 Talumpating gumigising sa damdamin at nakalilikha ng Impresyon – Ang uring ito ay karaniwang ginagamit
sa mga reunyon, pagtanggap ng isang natatanging panauhin, pampasigla sa mga koponan ng mga manlalaro,
pagpaparangal sa mga bayani, gradwasyon, pagtatalaga ng pamunuan, inagurasyon, huling pati sa isang
pumanaw at pagtugon sa isang talumpating parangal sa isang tao.
A.3.1 TALUMPATI NG PAGPAPAKILALA: ang focus ay tungkol sa panauhin: dito nakasalalay ang
pagtanggap sa kanya, ipakita ang awtoridad ng ispiker sa paksa tungkol sa paksa: inihahanda
ang tagapakinig sa kahalagahan ng paksa.
A.3.2 TALUMPATI SA PAGKAKALOOB NG GANTIMPALA: Ang emphasis ay ang kahalagahan ng gawaing
siyang nagbigay daan sa okasyon. Binabanggit din ang entidad na nagkaloob ng gantimpala.
Maihahanay din ang pagkakaloob ng karangalan sa isang indibidwal dahil sa isang gawaing
matagumpay na nagampanan.
A.3.3 TALUMPATI NG PAGSALUBONG: Uri ng talumpati na ginagawa sa mga okasyong tulad ng
pagtanggap sa pinagpipiganang panauhin, dinadakilang nagtapos sa paaralan, pagbati sa isang
delegasyon. Nagpapaliwanag sa kabuluhan ng okasyon, pagpapakita ng layunin ng organisasyon,
pagpaparangal sa taong sinasalubong.
A.3.4 TALUMPATI NG PAMAMAALAM: Kapag aalis na sa isang lugar o magtatapos na ang
ginampanang tungkulin. Anu-ano ang mga kasiya-siyang karanasan? Ano ang damdamin sa
sandaling yon? Pasasalamat kung tatanggap ng ala-ala o gantimpala.
A.3.5 PAGPAPASOK NG PANGALAN O NOMINASYON: Sa mga kombensyong pulitikal, sa nominasyon
ng isang indibidwal, binibigyan diin ay ang mabubuting katangian, mga papuri, kakayahan na
may kaugnayan sa tungkulin. Layunin ng nagsasalita na nagnonomina na tangkilikin din ng mga
nakararami ang taong ito.
A.3.6 EULOHIYA: binibigkas sa sandali ng pagyao o sa memoryal na serbisyo sa isang kilalang
namayapa. Binibigyang diin ang nagawa ng namatay noong buhay pa siya.
A.3.7 INAGURASYON: binibigkas sa seremonya ng pagsisimula ng isang mahalagang tungkulin o
gawain tulad Talumpati ng Pangulo sa pagtatalaga sa kanila sa tungkulin, talumpati sa
pagsisimula ng isang proyekto ng organisasyon.
A.4 Talumpating naghihikayat sa isang tao – Ang talumpating ito’y ginagamit sa paglulunsad ng krusada,
pagtatalumpati ng isang pulitiko, pagpapasok ng panukalang batas ng isang mambabatas, pagtatanggol ng isang
abugado sa kanyang kliyente, at isang karaniwang taong may layuning akitin ang mga kababayan o kanayon na
tumulong sa kanyang inilunsad na proyekto.
A.5 Talumpating Okasyonal: Isinusulat at binibigkas na para sa isang partikular na okasyon gaya ng kasal,
kaarawan atbp.
B. Ayon sa KAHANDAAN
1. Biglaan o Daglian (Impromptu): walang pagkatataong makapaghanda ang mananalumpati; ngunit ang mga
pagkakataong ito ay gaya lamang ng mga simpleng okasyon gaya ng mga paaralan, kaarawan at iba pa.
2. Maluwag (Extemporaneous): ang mananalumpati ay binibigyan ng maikling panahon para maghanda
pagkatapos maibigay ang paksa o tanong.
3. Handa (Prepared)
3.1 Memoryadong Talumpati: inihanda at sinaulo para bigkasin sa harap ng mga tagapakinig.
3.2 Pagbigkas sa pamamagitan ng pagbasa ng manuskrito o Piyesa: inihanda at iniayos ang pagsulat upang
basahin nang malakas sa harap ng mga tagapakinig.
Mga BAHAGI/ELEMENTO
1. PAMBUNGAD o PANIMULA
Ito ang bahaging inihahanda ang kaisipan ng mga nakikinig. Nararapat na iangkop ang haba ng
pambungad sa katawan ng talumpati. Ang pambungad ay dapat mapagkumbaba at nakaaakit sa
kalooban ng mga nakikinig. Ang pagpapatawa sa simula ng talumpati ay nakatutulong sa pagkuha
ng kalooban ng mga nakikinig.
Mga halimbawa:
1. Tengang kawali. (Nagwawalang-kibo upang hindi makasakit o masangkot sa sigalot)
2. Kimkim ang sama ng loob. (Nagtitiis upang maiwasan ang pakikipagkagalit)
TANDAAN: Ito ay Paghahanda – Kailangan nilang malaman ang pupuntahan, kung bakit nila
kailangang sumama.
2. PAGLALAHAD
Ito ang bahaging nagpapaliwanag (katawan ng talumpati). Ang paglalahad ay may mga sumusunod na
KATANGIAN:
2.1 KAWASTUHAN – dapat ang talumpati ay maging wasto sa BUOD, PORMA at GRAMATIKA.
2.2 KALIWANAGAN – dapat maliwanag ang talumpati sapagkat hindi mapahihinto ng mga nakikinig ang
isang nagtatalumpati kung mayroon hindi maintindihan.
2.3 PANG-AKIT – ang talumpati ay dapat umakit sa KATWIRAN, GUNIGUNI at DAMDAMIN ng mga nakikinig
sa pamamagitan ng mga salitang may kaugnayan sa limang senso (senses) ng tao.
3. PANININDIGAN
Ito ang bahaging kinaroroonan ng mga pagpapatunay ng magtatalumpati. Ang bahaging ito ay mabisa KUNG
mapapaniwala at mahihikayat ng nagtatalumpati ang mga nakikinig dahil sa kalakasan ng kanyang mga
katwiran na tumimo sa pag-iisip at damdamin ng mga tagapakinig.
4. PAMIMITAWAN
Ito ang huling bahagi ng isang talumpati. Ito ay nararapat na hindi masyadong mahaba. Sa bahaging ito nag-
iiwan ng isang marikit at maindayog na pangungusap na nag-iiwan ng isang KAKINTALAN (lasting impression)
sa nakikinig.
1. Ibigay ang buod ng paksa: Ang pagbubuod ang pinakapraktikal na gamitin sa lahat ng paraan.
2. Pag-iiwan ng isang tanong/mga tanong. Halimbawa: “Sa hamong ito ng panahon, handa ba kayo? Nasa
inyo ang kasagutan, mga kaibigan!” (Wakas ng talumpating “Wikang Filipino, Galing ng Pilipino”, ni A.P.
Tumangan)
3. Mag-iwan ng hamon. Halimbawa: “Sa mga balikat ninyo nakasalalay ang pagtatagumpay o kabiguan ng
ating wikang Filipino. Mahalin ninyo ito at pagmalasakitan at ito’y magtatagumpay, magwalang-bahala
kayo at ito’y mabibigo!” (Wakas ng talumpating “Istandaridisasyon ng Filipino,” A.P. Tumangan)
4. Maaaring gumawa ng panghuhula. Halimbawa: “Sa panahong iyon, magkahawak-kamay na nating
haharapin nang buong tatag at walang anino ng takot at pangamba ang Ngayon at ang Kinabukasan ng
ating bansa. At natitiyak ko… sa tulong ng ating Dakilang Lumikha… makakabuo tayo ng isang bansa…
isang Pilipinas na dakila, masagana at kaiga-igayang panahanan.” (Wakas ng talumpating “Ang Kabataan
sa Pagbuo ng Bansa,” ni A.P. Tumangan)
5. Magwakas sa angkop na sipi. Halimbawa: Nais kong hiramin ang pahayag ni Rizal na “nasa inyong
kabataan ang pag-asa ng bayan sa kinabukasan.” Sasabihin ko naman ngayon, nasa inyong kabataan ang
pag-asa ng ating sariling wika.
6. Maaaring sariwain ang suliraning binanggit sa simula.
A. Ang Mananalumpati – dapat isaalang-alang ng mananalumpati ang kanyang sarili sa harap ng kanyang
tagapakinig; ang kanyang paraan ng pagbigkas ng mga salita, kanyang pananamit, kanyang asal sa entablado,
kumpas ng kamay; at laging dapat tandaan na siya ay nasa harap at pinakikinggan at pinanonood ng mga tao.
Ayon kay Dr. Rufino Alejandro, ang isang mabisang mananalumpati ay kailangang magtaglay ng tatlong
katangian:
1. Kaalaman – ang isang talumpati upang maging kawiliwili at makabuluhan ay dapat nagtataglay ng kaalaman.
Ang mga kaalaman ay maaaring maangkin sa pamamagitan ng pagmamasid, pagbabasa at pag-aaral ng iba’t
ibang paksa.
2. Tiwala sa Sarili - ang nagtatalumpating may tiwala sa sarili ay tuwid at maginhawa ang tindig. Maluwag ang
kanyang kilos at galaw ng kanyang mga bisig. Matatag at matuwid kung siya’y tumingin sa mga nakikinig.
Ang anyo niya ay kapapansinan ng kataimtiman at lakas. Maliksi ang kayang pag-iisip kung kayat hindi
nasisira ang pagkakaugnay-ugnay ng kanyang sinasabi.
3. Kasanayan - ang isang taong sanay na sa sining ng pagtatalumpati ay malaki ang tiwala sa sarili.
B. Ang Talumpati – kailangang isaalang-alang ang nilalaman ng talumpati upang matukoy ang wasto at
pinakamabuting paraan ng pagbigkas nito at higit sa lahat dapat matukoy ang layunin at kaisipang nais iparating
ng talumpati upang maiabot ito nang malinaw sa mga tagapakinig.
C. Ang Tagapanood/Tagapakinig – higit na mabuting malaman ng isang mananalumpati ang uri at antas ng kanyang
tagapakinig upang makapag-isip siya ng mabuting paraang gagamitin na makapukaw sa atensyon ng mga ito at
nang mahikayat ang mga ito na makinig hanggang sa wakas ng talumpati; mahalaga ring malaman kung sino ang
tagapakinig upang maibagay sa kanila ang talumpati at maging malinaw ang kahalagahan ng talumpati para sa
kanila.
1. Isaalang-alang ang uri ng wika at angkop na salita na maging kaaya-aya at mauunawaan ng tagapakinig.
a. konserbatibo
b. makabago
c. lengwahe, dialekto
d. tono