You are on page 1of 16

ARALIN 5

Paglalahad at Pangangatuwiran
Bilang Sandigan sa Akademikong
Kalakasan
Paglalahad o Ekspositori

Ang paglalahad ay uri ng diskurso na nagpapaliwanag o naglalarawan ng


isang paksa. Ang layunin nito ay mapaliwanag at magsuri ng mga
impormasyon sa pamamagitan ng paglalahad ng ideya, mahalagang
ebidensya, at angkop na pagtatalakay.
Ang paglalahad ay ginagamit sa pagpapaliwanag ng pamamaraan o
proseso ng paggawa ng isang bagay at ng pagsasakatuparan ng isang
layunin o simulain.Pagbibigay ng direksiyon at pagpapaliwanag ng mga
hakbang.Natutugunan ng paglalahad ang mga tanong tungkol sa isang
usapin.Sinasaklaw ng paglalahad ang malawak na bahagi ng sinusulat at
binabasa ng tao.
KATANGIAN

Upang maging mabisa ang paglalahad, kailangan ang maging malawak na


kaalaman sa paksa. Mahalaga rin na maging mahusay ang pagkakahanay
ng mga impormasyon. Makakatulong nang Malaki ang pagsangguni sa
makabuluhang aklat, magasin, dyornal, at iba pang mahalagang sanggunian
para maging mapanghawakan ang mga impormasyong ibibigay. Ang
pagsasalaysay at paglalarawan ay ginagamit sa paglalahad kung ito ay
makatutulong sa gagawing pagpapaliwanag.
KAHALAGAHAN

Ang paglalahad ay maaaring magbigay ng depinisyon at tumutukoy sa sanhi at


bunga, sa paraan ng pagsasagawa, problema at solusyon. Para maisagawa nang
mahusay ang paglalahad, mahihikayat tayo na maging palabasa, mapanaliksik,
mapagmasid nang mapaunlad ang ating kakayahan.

Nagiging daan sa pagkakaroon ng bago at/o karagdagang kaalaman ng tao


kaugnay ng mga bagay na nagaganap sa kanyang kapaligiran
Layunin ng Paglalahad/Ekspositori

Makapagbigay ng impormasyon.
Madagdagan ang kaalaman ng tao tungkol sa mga bagay na nagaganap
sa kanyang kapaligiran.

Kahingian ng Epektibong Ekspositori

Pagkakaroon ng sapat na kaalaman ang isang tao kaugnay ng paksa.


Makabubo lamang ng isang mahusay na eksposisyon kung malawak at
maituturing na may kalaliman ang saklaw ng kaalaman ng isang tao sa isang
paksa.

Pagkakaroon ng kakayahang ihanay ang kaisipan.


Ang mahusay na organisasyon ay daan sa pag-unawa ng eksposisyon.
Kawalan ng pagkiling.
Nararapat na obhetibo ang tagapagpahayag kayat kailangang taglay ang
pagkakaroon ng bukas na isipan upang tanggapin ang mga mahaha-lagang
ideya kaugnay ng isang bagay maging ito man ay taliwas sa sariling paniniwala.

Mahalagang nagbabasa ang isang tao upang laging nakakakalap ng mga


impormasyon.
Mainam na maging mapagmasid dahil bukod sa mga aklat, ang kapaligiran ay
kapupulutan ng mga impormasyon na mahalaga sa pang-araw-araw na
pamumuhay.
KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY AT EPEKTIBONG
PAGLALAHAD

MALINAW maituturing na malinaw ang eksposisyon kung ito ay agad na


mauunawaan ng mambabasa o tagapakinig.
TIYAK nararapat na ang mismong tagapagpahayag ay magawang
mapanindigan ang kanyang pahayag.
MAY KOHIRENS hindi magkakaroon ng halaga ang nilalaman ng akda kung
ito ay hindi naihanay sa maayos na pamamaraan.
EMPASIS kailangang hindi malunod sa mga ideya ang mambabasa o
tagapakinig ngunit mahalaga ang mga karagdagang paliwanag
upang mas maging epektibo ang paglalahad.
Pamamaraan ng Epektibong Paglalahad
PAGBIBIGAY DEPINISYON
Itinuturing na karaniwang pamamaraan ng pagbibigay ng eksposisyon na
ginagamit sa mga teksbuk at iba pang aklat reperensyal na ginagamit sa
pagkatuto.

PAG IISA ISA (ENUMERASYON)


Ang pagtalakay sa pangunahing paksa kasunod ay ang pagbanggit nang isa-
isa ng mga kaugnay na mahahalagang kaisipan.

PAGSUSUNUD SUNOD (ORDER)


Nararapat na isaayos ng tagapagpahayag ang kanyang mga kaisipan mula
sa panimula hanggang sa pagwawakas ng akda,
Kailangan upang matiyak na hindi mapupunta sa wala ang pahayag.

PAGHAHAMBING AT PAGKOKONTRAS
Ang dalawang ideyang ito ay hindi maaaring mapaghiwalay.
PAGHAHAMBING pagpapahayag ng katangian, kahinaan at kalakasan ng
bagay upang makabuo ng sariling pagpapasya ang tao tungkol sa kahalagahan
ng isang bagay o kaisipan.
PAGKOKONTRAS pagpapahayag ng pagkakaiba-iba ng mga bagay na
nakapaloob sa isang akda.

PROBLEMA AT SOLUSYON
Walang problema na walang katapat na solusyon dahil hindi maituturing na
problema ang isang bagay kung hindi mahahanapan ng katapat na solusyon.

SANHI AT BUNGA
Walang pangyayari na hindi nagging kahinatnan ng isang pangyayari.
Ang bawat pangyayari na nagbibigay-daan sa iba pang pangyayari ay nagiging
simulain ng panibagong pangyayari.
Uri ng Paglalahad

SANAYSAY pagpapahayag ng isang manunulat ng kanyang ideya, kaisipan,


pananaw o damdamin kaugnay ng isang paksa.
PAGLALAHAD NG PROSESO maraming bagay sa ating paligid na kailangang
ipaliwanag upang mapakinabangan. Ang matagumpay na pagsasa-gawa
ng isang bagay o ang wastong paggamit ng isang bagay ay nakasalalay sa
mahusay na pagsunod sa mga panuto na magaganap lamang kung
maingat at masusing inihayag ang bawat hakbang na nakapaloob sa isang
proseso.
SURING BASA O REBYU nakatutulong sa mga manonood o mambabasa
upang maging mapanuri sa pagpili ng aklat at pelikulang tatangkilikin.
EDITORYAL isang uri ng eksposisyon na naglalayong ipayahag ang pananaw
ng isang pahayagan o ng isang manunulat kaugnay ng isang isyu: mapa-
sosyal, pulitikal, ispirituwal o cultural na may mahalagang impak sa buhay ng
tao.
BALITA O ULAT madalas na nababasa o napapakinggan sa mga radio o
telebisyon na nagbibigay ng mga tiyak at malinaw na detalye kaugnay ng
isang mahalagang pangyayari na madalas ay kagaganap lamang.
Pangangatuwiran o Pagmamatuwid

Ang pangangatwiran o pagmmamatuwid ay isang anyo o paraan ng


pagpapahayag na ang isangkatotohanan ay pinagtitibay o pinatutunayan sa
pamamagitan ng mga katwiran o rason, kalakipang mga ebidensya sa
diretsahang (harapan) at diretso (tuwid) na paglalahad

Layunin
Makapagpahayag ng matitinong kaisipan o kaalaman bilang pagpapatunay
sa isangkatotohanan sa maayos, efektibo at lohikal na pamamaraan para
makapagpaniwala ng kapwasa kahalagahan ng pinaninindigang panig ng
isang isyu o proposisyon.
Ang layunin ng pangangatwiran ay mapatunayan ang validity ng ideya o ang
pagiging mapanghahawakan nito. Ito ay maglalahad ng matitibay na
pangangatwiran, argumento, at pagtatalakay na lubusang humihikayat sa
mambabasa. Karagdagang layunin nito ang mapakilos ang mga mambabasa. Ang
mga halimbawa nito ay: editorial, liham sa editorial, resume, liham aplikasyon, liham
ng rekomendasyon at kritikal na pagbabasa.
Kahalagahan

1. Sa pamamagitan nito nalilikha ang paniniwala.


2. Ito ay pangkalahatan o pang-unibersal.
3. Itoy kailngang-kailangan ng tao bilang anyo o paraan ng pakikipag-
komunikasyon sa bawat isa.

2 Paraan ng Pangangatuwiran

1.Pangangatwirang Pabuod o Inductive Method- nagsissimula sa


mga halimbawa opartikular na kaisipan o katotohanan at nagtatapos sa
pangkalahatang simulain o katotohanan.
2.Deductive Method - sinisimulan ang pangangatwiran sapamamagitan
ng paglalahad ng pangkalahatan o masaklaw na pangyayari o katotohanana
mula rito ay iisa-isahing ilalahad ang maliliit o mga tiyak na pangyayari o
katotohanan.
2 Bagay na dapat isa-alang-alang upang
mapagtagumpayan ang pangangatwiran

1. Matibay na pagpapaniwala.
2. Mahatak na panghihikayat

Ang panghihikayat ay lalakas kung isasaalang-alang


naman ang koordinasyon ngtatlong mahahalagang
bagay:

1. Ang Tagapagsalita
2. Ang Paksa
3. Ang Tagapakinig
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG PARA MAGING MATAGUMPAY
ANG ARGUMENTASYON
1. Matibay na Paniniwala - Nagmula sa pagkakaroon ng isang tao ng malinaw
na pag-iisip na maipamamalas sa pamamagitan ng diskurso.
2. Mahatak na Panghikayat - Nakatuon sa damdamin ng manunulat sa kanyang
binubuong diskurso.

PANGKALAHATANG URI NG PANGANGATWIRAN

1. Pasaklaw na Pangangatwiran
Nagsisimula sa malaking kaisipan tungo sa tiyak na kaisipan.
2. Pabuod na Pangangatwiran
Nagsisimula sa isang maliit na halimbawa patungo sa panalahat na simulain.

You might also like