You are on page 1of 3

FILIPINO

08/13/19

Pagbasa vs. Mapanuring Pagbasa

Sa anumang gawain ng tao sa araw-araw ay kailangan ang pagbabasa. Nasa loob man tayo ng bahay o nasa
labas ay may kaakibat na pagbabasa. Ang pagbabasa ay paraan ng pagkilala ng nakalimbag na sagisag at pagbibigay-
kahulugan nito. (Lapp at Flood, 1978) . Ito ay isang proseso na nangangailangan ng pag-iisip, pagpapahalaga,
pagpapasya, pagwawangis at paglutas ng suliranin. ( Lalunio, 1985). Ito ay isang tiyak at madaliang pagkilala ng ayos
at pagkakasunud-sunod ng mga salita, pagsasama-sama ng mga salita para makabuo ng ideya at kahulugan.(
Lorenzo, et. al, 1997). Isinasaad din na ang pagbabasa ay isang proseso ng pag-iisp at ito’y prosesong interaktibo.
(Badayos, 1999).

Samakatuwid habang nagbabasa ang isang tao , siya’y nag-iisip, nagsusuri, nagpapahalaga, nagiging
kritikal na mga palatandaang siya’y gumagawa ng mapanuring pagbasa.

Ang mapanuring pagbasa ay isang gawain ng pagbabasa na pinaglilimi at tinitingnang mabuti ang akda,
piksyunal man ito o di-piksyunal. Pinag-iisipang mabuti ang nilalaman at mensahe na nais ipaabot ng manunulat.
Tinitingnang mabuti ang bawat detalye o bahagi ng akda at ang ibubunga nito sa mambabasa – kung ang mga
impormasyon o kaisipang nakapaloob dito ay magiging gabay o daan tungo sa paglawak ng pag-unawa.

Sa mapanuring pagbasa, maaaring ilahad ng mambabasa ang kanyang pagsang-ayon o kaya’y pagtutol sa
punto ng may-akda. Walang alinlangang pinag-ukulan niya ng ibayong pag-iisip at lubusang pag-unawa ang anumang
akdang babasahin na makatutulong sa lalong ikauunlad ng kaalaman at maging ng panitikan.

Ang mapanuring mambabasa ay malayang nakapaglalahad ng mga reaksyon at sariling pananaw tungkol
sa nais ipabatid ng manunulat.

Ang isang akda ay mananatiling karaniwang akda lamang ngunit kung ang mapanuring mambabasa ay
naglalahad ng mahusay at kapaki-pakinabang na reaksyon, ang katha’y nagiging kanais-nais at katangggap-tanggap.

Ang mapanuring pagbasa ay isa ring sining sa paggawa ng mga pagpapasya o paghatol at pagtuturo o
pagsasabi ng mga kanais-nais na katangian, kapintasan, kamalian o pagkukulang ng isang akda.

Kung mabisa ang ating ginawang pagbasa, makabubuo tayo ng matalinong paghuhusga sa anumang ating
binasa.

Ano ba ang Matalinong Pagsusuri?

Ito ang mga batayan sa mabisang pagsusuri:

1. nakapagbibigay ng matalas na komento, opinyon o reaksyon sa nabasa sa


paraang positibo;
2. nakapagsusuri sa bawat detalye ng binabasa;
3. nakapagbibigay ng balanse at makatwirang paghuhusga sa pamamagitan ng pagbanggit
ng mga positibo at negatibong punto sa binasa;
4. walang kinikilingan; kung nararapat na sumang-ayon ay ipinahahayag ang pagsang-ayon
at kung nararapat tumutol ay ipinahihiwatig ang pagtutol;
5. pinagtutuunan ng pansin ang nais ipahiwatig ng manunulat;
6. pinahahalagahan ang kalakasan ( strength) ng akda at tinutukoy ang
kahinaan (weakness) ng akda
7. nagbibigay ng mungkahi para sa ikaliliwanag at ikahuhusay ng teksto

Proseso ng isang Mabisang Paghuhusga:

Ang mga sumusunod ay dapat sundin sa mabisang paghuhusga:

1. Liwanaging mabuti kung anong uri ng teksto ang sinusuri. Ito ba ay isang talumpati,
editoryal, balita at iba pang babasahin.
2. Basahin ito nang masinsinan at igawa ng lagom ( buod ng nilalaman), mas maikli lamang
ang lagom kaysa mismong akda.
3. Bigyang-halaga hindi lamang ang nilalaman kundi pati ang estilo o paraan
ng pagkakasulat ng katha.
4. Bukod sa pagbanggit sa kahusayan at kahinaan ng katha, mag-ukol din ng
karampatang pagpapakahulugan.
5. Lakipan ng ilang siping makapagbibigay-kahulugan sa ginagawang panunuri at
samahan ng maikling pagbibigay-katuturan.
6. Iwasan ang pagbibigay ng anumang kapasyahan nang walang lakip na batayan o
patunay.
7. Ibatay ang anumang pagpapasya sa takdang pamantayan, bagamat maaaring isama
rin ang sariling pagkilala ng sumusulat ayon sa matapat niyang paniniwala.
FILIPINO impormasyon na mahalaga sa pang-
08/22/19 araw-araw na pamumuhay.

Paglalahad Katangian ng isang epektibong paglalahad


1. Malinaw
Paglalahad o Maituturing na malinaw ang
- Isang pagpapaliwanag na obhetibo o walang paglalahad kung ito ay agad na
pagkampi na may sapat na detalye pawing mauunawaan ng mamababasa o
pampalawak ng kaalaman sa paksang tagapagpakinig
binibigyang-linaw ng lubos upang
maunawaan ng may interes. 2. Tiyak
- Sa bisa ng paglalahad naipaliliwanag ang o Nararapat na ang mismong
kahulugan ng isang ideya at ang katuturan ng tagapagpahayag ay magawang
isang salita; gayundin, nakikilala o nakikilatis mapanindigan ang kanyang pahayag.
pa lalo ang isang bagay, tao o pangyayari
- Natutugunan ng paglalahad ang mga tanong 3. May Kohirens
tungkol sa isang usapin. o Hindi magkakaroon ng halaga ang
nilalaman ng akda kung ito ay hindi
Kahalagahan ng Paglalahad o Ekspositori naihanay sa maayos na pamamaraan
- Nagiging daan ito sa pagkakaroon ng bago
at/o karagdagang kaalaman ng tao kaugnay 4. Empasis
ng mga bagay na nagaganap sa kanyang o Kailangang hindi malunod sa mga
kapaligiran. ideya ang mambabasa o tagapakinig
ngunit mahalaga ang karagdagang
Layunin ng Paglalahad o Ekspositori paliwanag upang mas maging
1. Makapagbigay ng Impormasyon epektibo ang paglalahad
2. Maragdagan ang kaalaman ng tao tungkol sa
mga bagay na nagaganap sa kanyang
kapaligiran

Kahingian ng Epektibong Paglalahad


1. Pagkakaroon ng sapat na kaalaman ang isang
tao kaugnay ng paksa
o Makabuo lamang ng isang mahusay
na exposisyon kung malawak at
maituturing na may kalaliman ang
saklaw ng kaalaman ng isang tao sa
isang paksa.

2. Pagkakaroon ng kakayahang ihanay ang


kaisipan
o Ang mahusay na organisasyon ay
daan sa pag-unawa ng paglalahad

3. Kawalan ng Pagkiling
o Nararapat na obhetibo ang
tagapagpahayag kaya’t kailangang
taglay ang pagkakaroon ng bukas na
isipan upang tanggapin ang
mahahalagang ideyang kaugnay ng
isang bagay maging ito man ay
taliwas sa sariling paniniwala.

4. Mahalagang nagbabasa ang isang tao upang


laging nakakakalap ng mga impormasyon.
o Mainam na maging mapagmasid
dahil bukod sa mga aklat, ang
kapaligiran ay kapupulutan ng mga

You might also like