You are on page 1of 9

Modyul sa Retorika: Masining na Pagpapahayag

1
Retorika: Masining na Pagpapahayag

Yunit VIII: Mga Malikhaing Komposiyon

Panimula
Ang mga likhang sining ay sumasalamin sa yaman ng puso at isipan ng mga may-akda. Ito
ang sarii nilang paraan ng pagpapahayag ng ganda at lawak ng kanilang imahinasyon. Ito ang
nagbibigay tinig sa mga makabuluhang karanasan at nagbibigay ng pakpak sa nagpupumiglas
nilang imahinasyon. Mainam na ang mga ito ay mapalaya at hayaang makaabot sa mga mata at
tainga na handang kumalinga sa mga ito. Ang pagkatha ng mga malikhaing komposisyon ay isang
susi para sa ga ideyang ito. Marami itong uri at porma na tama at angkop sa layon at paksa ng
komposisyong lilikhain.
Sa yunit na ito ay mapagtatalakayan ang iba’t ibang uri at katangian ng malikhaing
komposisyon.
Sa pagtatapos ng talakayan sa yunit na ito ay matutunghayan ang mga gawaing tatasa sa
inyong kabatiran sa mga paksang tinalakay.

Layunin
Matapos ang pagtatalakay ng paksang ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. mailarawan depinisyon at katangian ng iba’t ibang uri ng malikhaing komposisyon;
2. makalikha ng sariling malikhaing komposisyon; at
3. maitanghal ang kinathang malikhaing komposisyon.

Lunsaran
Basahin ang mga akdang ito bilang lunsaran ng talakayan sa klase.
- https://ejournals.ph/article.php?id=6209
- https://po.pnuresearchportal.org/ejournal/index.php/normallights/article/download/380/23
2

Nilalaman
MALIKHAING KOMPOSISYON
Higit na masining ito kung ihahambing sa mga karaniwang komposisyon. Mas malalim at
mas makulay, wika nga. Higit din ang panahong ilalaan dito. May iba't iba ring kaalaman at
kasanayang kailangan sa pagsulat ng iba't ibang uri ng malikhaing komposisyon.

EDITORYAL
Pinakamahalagang bahagi ang isang pahayagan o magazine. Tinatawag din itong
pangulong-tudling. Masasalamin dito ang kalakalan,programa at paninindigan ng isang
pahayagan,lalo na sa isang pangyayaring o isyu na may malaking kahalagahan sa bayan.Kaya
naman hindi lamang ito nagpapahayag ng opinion o damdamin hinggil sa isang isyu o pangyayari
;Itoy nagsusuri rin sa isang napapaksang isyu o kaya’y nagsusuri rin sa isang nappaksang isyu o
kaya’y nagpapaliwanag sa isang malabong pangyayari
2
Retorika: Masining na Pagpapahayag

MGA URI NG EDITORIAL


Ang isang editorial ay maaring mauri batay sa layunin nito sa kung ano ang ginagawa nito
sa mga mambabasa o sa paksang tintalakay.
Samakatwid, ang editorial ay maaaring:

1. Nagpapabatid - nagpapaliwanag tungkol sa isyu. Nililinaw nito ang mga bagay na may
kaugnayan sa kasalukuyang isyu upang matulungan ang mga mambabasa na magkaroon
ng buong kaalaman tungkol sa tinalakay na paksa .

2. Nangangatuwiran - ojikal na pianangangatwiran ang isang panig ng isyu upang patunayan


ang isang paninindigan.

3. Umaamuki - tuwirang nananawagan sa mga mambabasa na suportahan ang isang


programa,balak o kilos nililinaw rin nito ang dahilan kung bakit dapat susugan ang isang
gawain.

4. Pagpapakahulugan o Komentaryo - ipinaliliwanag ang kahulugan ng balita kaugnay ng


iba pang pangyayari.

5. Pamumuna - ibinibigay ng mga puna at mungkahi hinggil sa isang isyu.

6. Nagpapahalaga - pinapahalagahan ang nagawa ng isang tao, pinupuri ang kalagayan ng


institusyon o gawin o pinaparangalan ang isang dakilang adhikain.

7. Nanlilibang - naglalayong libangin ang mambabasa habang nagmumungkahi ng isang


makatwirang gawain.

8. Nagbabalita - nagpapahayag ng isang natatanging balita na siyang laman ng usap-usapan


sa buong kapuluan. Ito rin ay nagbibigay ng opinion ng editor tungkol sa isyu.

9. Sumasalungat - tuwirang pagsalungat sa opinion ng ibang editor na inilathala sa ibang


pagayagan.

TALUMPATI
Ang talumpati, kung tutuusin, ay sanaysay din. isinulat ito upang bigkasin sa harap ng
madla o pangkat ng mga tagapakinig. May isang uri ng talumpating hindi na isinusulat. Dagliang
talumpati ang tawag dito, ngunit hindi ito ang fokus ng bahaging ito ng pag-aaral. Ang pagtutuunan
natin ng pansin ay ang talumpating inihahanda para bigkasin sumakatuwid, isinusulat.

MGA URI NG TALUMPATI


Nababatay ang uri ng isang talumpati sa layuin nito, sa pagkakataong tatampukan at sa
pagsasalitaan ng mananalumpati batay sa mga layunin ang talumpati ay maaaring mauri bilang:
1. Talumpating Pampalibang - ang ganitong uri ng talumpati ay karaniwan sa mga salo-
salo, mga pagtitipong sosyal, mga meeting ng mga klab at mga bangketa.
3
Retorika: Masining na Pagpapahayag
2. Talumpating Nagbibigay-kabatiran - layunin ng talumpating ito na maipabatid sa mga
nakikinig ang isang bagay. Ganitong uri ng talumpati ang ginagamit sa pagbibigay ng ulat,
mga panuto o kaya’y pahayag.

3. Talumpating Pampasigla - sa aibersaryo ng mga bantayog na pang ala-ala, sa pagtatalaga


ng mga gusali, sa pagtatapos sa mga paaralan at sa iba pang pagkakataong katulad ng mga
ito, ditto gianagamit ang talumpating ito sa paggising ng isip at damdamin. Ginagamit din
ang talumpating ito sa mga rally at kunvensyon dito’y sinasariwa sa ala-ala sa
magagandang tradisyon at adhikaing tila nalilimot na ng madla ngunit mga tradisyon
lamang ang buhayin upang may panibagong-sigla ang lakas ng diwa at isip ng mga
nakikinig.

4. Talumpating Paghikayat - itoy talumpating nagmamatruwid. Angkop ito sa sermon sa


simbahan. Sa pagkampanya sa panahon ng halalan sa pakikipagtalo, sa talumpati, sa
kongreso o talumpati ng abogado sa hukuman.

5. Talumpating Nagbibigay-galang - kabilang sa mga ito ay ang talumpati ng pagsalubong


sa bagong kaanib sa isang kapisanan, sa mga bagong dating na dalaw, talumpating tugon
sa talumpating pagsalubong, talumpati ng pagtanggap sa isang tungkulin o sa isang ala
alang handog.

6. Talumpating Papuri - Kabilang sa ganitong uri ng parangal (eulogy), ang talumpati ng


pagtatalaga, ang talumpati ng pamamaalam, ang talumpati ng paghahandog at ang
talumpati ng pagmumungkahi.

PAGSULAT AT PAGBIGKAS NG TALUMPATI


Sa paghahanda ng talumpati unang tiyakin kung anong klaseng tagapakinig ka,
halimbaway grupong intelektwal, mga kabataan , o kagawad ng isang grupong relihiyoso.iakma
sa tagapakinig na ito ang paksa at pag aralan kung sa anong dapat bigkasin ang gagawing
talumpati. Sa ganito, maisusunod ang tempo ng pagsulat sa tempo ng pagbigkas niyon. Kapag
nakakuha na ng paksa, gumawa muna ng balangkas. Itoy mahalaga sapagkat matitiyak mo kung
gaanong materyales ang iyong kailangan.
Gayundin madali mong maisusulat ang talumpati sapagkat may balangkas ka nang
susundin. Ganito humigit-kumulang ang balangkas ng isang talampati:
A. Panimula
Isang paraan ito ng pagpapasok ng paksa na ang ginagamit ay pamukaw o panggulat
na pananalita upang tawagan ang pansin ang tagapakinig. Kaya lamang, iwasan maging
bomabastiko baka ka kainisan ng mga tagapakinig.

B. Paglalahad
Isunod ang paglalahad pagkaraang maikondisyon na sa paksa ang isip at damdamin
ng tagapakinig. Kailangan ditto ang sisteamtiko at malinaw na paghahalayhay ng mga
kabatiran, pagpapaliwanag at panghihikayat.
4
Retorika: Masining na Pagpapahayag
C. Bigay-diin o empasis
Pagkaraang mailahad na ang kabuuan ng ideya o paninindigan, bigyan agad iyon
ng diin upang ang bias niyon ay malalim na tumalab sa isip at kalooban ng tagapakinig.
Dito nakikita kung forceful o malakas ang panghikayat ng isang tagapagsalita.

D. Impresyon
Wakasan ang pagsulat ng talumpati sa pamamagitan ng pagbibigay ng impresyong
ang inilalahad ng ideya o paninindign ay katotohanan o kalagayan na hindi nagbabago. Sa
gayon, buong-buo ang paniniwala at simpatya ng tagapakinig sa iyong talumpati kapag
nagwakas ka na.

REBYU
Ang rebyu ay isang akdang sumusuri o pumunta sa isang likhang-sining. Maingat ditong
binibigyang-pansin ang mga sangkap o element ng genre na nirerevyu upang ang isang kritiko ay
makapglhad ng objektiv at matalinong analisis.

MGA KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG ISANG KRITIKO


Hindi isang pangkaraniwang gawain ang magsuri ng isang likhang-sining. May ilang mga
katangiang dapat taglyain ang isang kritiko upang maging isang ganap na kapani-paniwalang ang
kanyang rebyu. Ang mga katangiang ito ay ang mga sumusunod:
1. Sapat na kaalaman sa genre na kanyang sinusuri at sa paksa niyon.
2. Sapat na kakayahang magsuri o kakayahang kumilala ng mga kahinaan at kalakasan ng
genre na sinusri,
3. Pagiging tapat, objektiv at kawalan ng bahid impluho ng damdaming pansarili, at
4. Pagkakaroon ng likas na kuru-kuro o hindi pagpapadala sa iba’t ibang influwensyang may
kiling.

MAHAAGANG BAGAY NA DAPAT TANDAAN SA PANUNURI


Sa kanyang aklat na Malikhaing Pagsulat, si Arrogante (2000:226) ay naglista ng ilang
mga bagay na dapat tandaan sa panunuri:
1. Liwanaging mabuti kung anong uri ng katha ang sinusuri kung itoy nobela, maikling
kwento, tula, dula, pelikula, programang pantelevisyon o iba pa.

2. Basahin o panoorin ito nang masinsin at igawa ng lagom. Ang lagom ay maikli lamang,
sapat ang habaupang maunawaan ng babasa ang paksang diwa ng kathang sinusuri. Hindi
dapat pag-ukulan ang lagom ng kung ilang pahina. Ang kailanagan lamang ditto ay ang
buod ng nilalaman.

3. Bigyang-halaga hindi lamang ang nilalaman kundi pati ang istilo o paraan ng pagkakasulat
ng katha.

4. Bukod sa pagbanggit ng kahusayan at kahinaan ng katha, mag ukol din ng karampatang


pagpapakahulugan.
5
Retorika: Masining na Pagpapahayag
5. Lakipan ng ilang siping (quotations) makakapagbigay-kahulugan sa ginagawang panunuri.
Maingat itong piliin at samahan ng maikling pagbibigay-katuturan.

6. Iwasan ang pagbibigay ng anumang kapasyahan ng walang lakip na batayan o patunay.


Hindi sapat na sabihing “ ang akda ay maganda at kawili-wili.” Kailanagang ipaliwanag
kung bakit ito maganda at kawili-wili.

7. Kailanagang nababatay din ang anumang pagpapasya sa mga takdang pamanatayan,


bagamat maaaring isama rin ang sariling pagkakakilala ng sumuulat ayon sa matapat
niyang paniniwala.

Sa mga ito ay maaaring idagdag ang mga sumusunod:

8. Gamitin ang pananalitang makatutulong sa mambabasa ng makapagpasya kung ang akda


ay karapat-dapat niyang basahin o hindi. Dapat iwasan ang mahabang paglalahad upang
hindi naman malaman ang lahat ng mambabasa ng revyuang kalahat-lahatang mga bagay
at din a niya kailanganing basahin pa ang akda.

9. Iwasang makulayan ang revyu ng palgay at kuro ng mga profesyunalna mamumuna na


nakapagpapahayag ng kanynag kuro-kuro sa ada.

10. Pag ukulan din ng pagpapahalaga ang estilo ng pagkakasulat bukod sa nialalaman.
Maaaring dahilan sa estilo ay maiba ang akda sa ibang tumatalaky sa gayon ding paksa.
Maaaring sa estilo ay maging lalo itong mahalaga kaysa ibang akda.

MAIKLING KWENTO
Ang maikling kwento o maikling katha ay naklala na libu-libong taon pa bago naipanganak
si Hesus. Patunay rito ang kwentong Alibughang Anak, Easter at Lazarona mababasa natin sa
Banal na Aklat ng mga Kristiyano. Ang mga ito ay tumutugon sa mga tuntunin at
panganagailangan ng pagiging isang maikling kwento.
Gayundin, ang sinasabing katha ay mauugat ntin sa panitikang Filipino partikular ang mga
sinaunang salaysay tulad ng mga alamat, mga mito, mga pabula, mga epiko at mga kwentong-
bayan.
Ang maikling kwento bilang isang tunay na sining ay unang naipakikilala sa pamamagitan
ni Edgar Allan Poe. Siya rin ang bumuo ng patnubay na dapat sundin ng isang nagnanais lumikha
ng maikling kwento- ang maikling kwento ay may banghay. Ito ang dahilan kung bakit tinagurian
siyang Ama ng Maikling Kwento ng mga kritiko at mga manunulat.

MGA KATANGIAN NG MAIKLING KWENTO


Ang maikling kwento ay sangay ng salaysay na may bisang kakintalan o impresyoon. Hindi
ito pinaikling nobela o buod ng isang nobela. May katangian itong tinataglay sa ganang sarili:
(1) isang madulang bahagi ng buhay na tinatalakay
(2) isang panunahing tauhan na may mahalagang suliranin at kakauntian nito
(3) isang panunahing tauhan na may mahalagang tagpuan at kakauntian nito
6
Retorika: Masining na Pagpapahayag
(4) mabilis ang galaw ng pangyayari tungo sa kawilihan hanggang kasukdulang sinusundan agad
ng wakas
(5) iisang kakintalan
(6) maikli ang kaanyuan at
(7) nababasa sa iisang upuan lamang.

Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ang mga sumusunod ay mga katangian ng maikling
kwento.

1. May maayos at wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na tinatawag na banghay

2. Gumagamit ng iisang paningin na tumutukoy sa kung sinong tauhan ang dapat


magsalaysay ng mga pangyayaring nakikita at naririnig niya

3. Ang pangunahing tauhan ay may suliraning tinataglay na dapat niyang bigyan ng kalutasan
sa pagwawakas ng maikling kwento

4. May mahalagang ideya o paksang-diwa na iniikiran ng mga pangyayri sa akda

5. Nagtataglay ang maikling kwento ng kulay ng damdamin tulad ng kasiyahan, kalungkutan


atbp.

6. Natural na usapan o diyalogo ng mga tauhan

7. Nagkakaroon ng tunggalian ang pangunahing tauhan laban sa kapwa tauhan sa kalikasan


o sa mismong damdamin niya,

8. May kapananabikan, kasukdulan at kakalasan,

9. May paggalaw o pag-unlad ng pangayayari sa kwento mula sa pagkakalahad ng suliranin


tungo sa pagkalutas ng suliranin.

ANG PAGSULAT NG MAIKLING KWENTO


Ayon kay Teresita C.sayo sa kanyang aklat na Malikhaing Pagsulat, may misyon ang
manunulat na nais niyang maabot sa kanyang pagsusulat maging ito man ay sanaysay, tula, nobela,
drama o maikling kwento, hayagan o di man tuwirang tanggapin ng may-akda. Ang maikling
kwento ay maaaring gumanap ng alin man sa mga tungkuling ito:
1. Umaliw,
2. Magbigay ng informasyon sa masining at di-hayagang pamamaraan’
3. Maging lunsaran ng mga ideya tungo sa isang ninanasang pagbabago para sa kabutihan ng
nakararami o ng bayan
4. Magpakita ng isang larawan ng buhay na hindi pa gaanong napag-ukulan ng pansin at sa
kuro ng manunulat ay nararapat lamang na bigayang pagpapahalaga,at
5. Lunsaranng sining. Ito ang tinatawag sa ingles na Art for Art’s sake.

Paano ba ang pagsulat ng maikling kwento?


7
Retorika: Masining na Pagpapahayag
Bilang tugon sa tanong na ito ng isang nagnanais na sumulat ng maikling kwento, gamitin
natin ang karaniwang nitong balangkas.
1. Isang pangunahing tauhang may suliranin
2. Gagawa ng mga paraan ang tauhang ito upang malutas niya ang kanyang suliranin.
3. Siya ay nakakatagpo ng mga sagabaln kaya magkakaroon ng tunggalian lilikha ng
kapanabikan,
4. Ang tunggalian ay ligting hanggang umabot sa kasukdulan na sinusundan naman kaagad
ng kakalasan na siyang kinalabasan ng tunggalian, at
5. Kasunod kaagad ng kakalasan ang wakas.

MGA TULONG SA PAGSULAT NG MAIKLING KWENTO


1. Bagong pagtalakay sa paksa
2. Maingat na paglalarawan ng tauhan
3. Ang paggamit ng sagisag
4. Pumipili ng uri ng maikling kwento
5. Ang kaisahan sa kwento
6. Ang mabuting pamagat
7. Ang pagsisimula at pagwawakas.
8
Retorika: Masining na Pagpapahayag
SANGGUNIAN

Abad M. A. (2009). Retorika. Cacho Hermanos INc. Mandaluyong City.

Alagad-Abad. 2009. Retorika. Cacho Hermenos, Inc. Pines cor. Union Sts. Mandaluyong City

Antonio L. F. 2009 . Retorika. C and E Publishing Inc. Quezon City.

Aristotle's Rhetoric, Book I, Chapter 2, Section 1359 (trans. W. Rhys Roberts)


[https://web.archive.org/web/20080916083515/http://www.public.iastate.edu/~honeyl/Rhetoric/rh
et1-4.html Archived 16 September 2008 at the Wayback Machine; Aristotle, Rhetoric
1.2.1, "Archived copy". Archived from the original on 15 April 2012. Retrieved 19 October 2011.)

blogspot.com. 2015. Malikhaing pamamaraan. May 11, 2015.


http://laffyandtaffy.blogspot.com/2012/08/mga-tayutay-alusyon-at-sawikain-o-idyoma.html

Carpio P. S. at Castillo MJ. A. 2012. Retorika at Masining na Pagpapahayag. JimCryzville Publications.


Malabon City

Gaboy, Luciano L. nd. Rhetoric, retorika - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-
Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com

Heinrichs, Jay. 2017. Thank You for Arguing p.303

Toye, Richard. 2013. Rhetoric A Very Short Introduction. Oxford, United Kingdom: Oxford University
Press. ISBN 978-0-19-965136-8.)( https://en.wikipedia.org/wiki/Canon_(basic_principle)#cite_note-3)

ELEKTRONIKONG SANGGUNIAN

https://tl.wikipedia.org/wiki/Sayusay#cite_ref-Antonio,_Andres,_Ambrocio,_Aranza,_Bagadiong_2-0
http://randomdiblog.blogspot.com/2012/11/ano-ang-idyoma-at-mga-halimbawa-nito.html
https://www.facebook.com/AsignaturangFilipino/posts/396241757100591
http://lessonproper.blogspot.com/2011/10/matalinhagang-pahayag.html
http://misterhomework.blogspot.com/2013/07/sawikain-o-idyoma.html
https://en.wikipedia.org/wiki/Rhetoric#cite_note-10

You might also like