You are on page 1of 5

PARAAN NG PAGPAPAHAYAG

https://bit.ly/3XpmWum

PAGPAPAHAYAG – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang iba’t
ibang mga paraan ng pagpapahayag at ang kahulugan nito.

Ang pagpapahayag ay isang mahalagang aspeto ng komunikasyon. Ito ay ang


pagbibigay natin ng impormasyon sa iba tungkol sa ating mga damdamin, opinyon, at iba
pang naiisip at nararamdaman.

Kaya naman, maraming paraan para magawa ito. Mayroong apat na pangunahing
paraan ng pagpapahayag. Ito ang mga sumusunod:

Paglalarawan – ito ang pagpapahayag na gumagamit ng pagbibigay pang-uri at


katangian. Naglalayong bumuo ng isang malinaw na lalarawan sa isipan ng mga
mambabasa o nakikinig.
Uri ng Paglalarawan
https://bit.ly/3UZOzZx
1. Karaniwang Paglalarawan– ito ang uri ng paglalarawan na kung ano ang
nakikita, nadarama, nairinig, o di kaya’y nalalasahan, iyon ang ilalaman sa
ginagawang paglalarawan. Ika nga, sa uring ito, mailalarawan sa balintataw
ng nakikinig o nagbabasa ang sinasabi ng manunulat dahil ito ang uri ng pahayag
na napakamakatotohanan.
2. Masining na paglalarawan- ito ay paglalarawang abstrak na di mo nakikita nang
kongkreto ang larawan o imahing isinasaad ng manunulat. Kadalasa’y
gumagamit din dito ng mga matalinghagang pahayag.

Mga dapat isaisip sa pagsulat ng Talatang Naglalarawan

1. Ang layon– Kailangan ang malinaw na paglalarawan kung ang nais ipakita ay
ang kaibahan ng isang bagay na kauri nito.

2. Ang Abot ng Tanaw– Makatutulong sa ikalilinaw ng paglalarawan kung


ilalarawanlamang ang abot ng tanaw mula sa kinaroroonan ng naglalarawan.

3. Mga katangiang namumukod– Humanap ng mga katangian na siyang


magpapabukod sa mga kauri nito.

4. Ang anyo ng bagay sa kabuuan– Ginagamitan ito ng mga pangungusap


nagpapakilala ng laki, hugis at kulay ng ano mang bagay na inilalarawan.
Pagsasalaysay – ito ay pagpapahayag na gumagamit ng kuwento at ang mga
pangyayaring naganap na magkaugnay. Nagsasaad ng isang pangyayari, karanasan, o
talambuhay ng mga kawili-wili na karanasan pasulat man o pasalita.
(https://bit.ly/3XnSqBb).

Ang pagsasalaysay ay isang sining na labis na kinagigiliwang gamitin sa pang-


araw-araw napakikipagtalastasan. Kung ang paglalahad ay may layuning magpaliwanag,
ang paglalarawanay may layuning ipakita ang kabuuan o katangian ng bagay, ang
pangangatwiran ay maylayuning manghikayat,

Ito ay nagsasaad ng mga pangyayari o karanasang magkaugnay. katulad ito ng


pagkukwento ng mga kawil-kawil na pangyayari, pasulat man o pasalita.Itinuturing ito na
pinakamasining, pinakatanyag attampok na paraan ng pagpapahayag. Ito rin ang
sinasabing pinakamatandang uri ng pagpapahayagsapagkat dito nagsimula ang alamat;
epiko at mga kwentong bayan.

Ang pagsasalaysay ay isang uri ng pagpapahayag na nag lalayong magpahayag


ng sunod-sunod napangyayari .

Kahalagahan ng Pagsasalaysay

1. Nagbibigay kaaliwan at libangan


2. Namumulat sa katotohanan
3. Dagdag kaalaman at karunungan
4. Magandang pagtingin at pag-unawa sa binasa

Layunin ng Pagsasalaysay

1. may kakayahang bumuo ng isang pangyayari.


2. makapag-aambag ng isang makatotohanang pangyayari
3. magbigay aliw at magpalipas oras

URI NG PAGSASALAYSAY

Pagsasalaysay na Totoo- base sa tumpak, tiyak at tunay na pangyayari.Kaya nga


totoo dahil ugat sa katotohanang sinusuportahan ng mga katibayan o katunayan.

Kabilang sa uring ito ang: Awtobayograpiya, Talambuhay ,Talaarawan, Alaala,


Kasaysayan,Pampahayagang, Ulat/Balita

PAGLALAHAD

Paglalahad – ito ay pagbibigay ng kuwento para mabigyang linaw ang isang


konsepto, ideya, o tema ng isang paksa. Naglalayo itong bigyan ng kalinawan ang isang
bagay o paksa upang lubos na maunawaan ng mga mambabasa o nakikinig.

Ang Paglalahad ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong mabigyang-


linaw ang isang konsepto o kaisipan, bagay o paninindigan upang lubos na maunawaan
ng nakikinig o bumabasa. Sa Pamamagitan ng paglalahad ay nagiging ganap ang
pagkatuto ng isang tao dahil nabibigyan siya ng pagkakataong makatuklas ng isang ideya
o kaisipan na makapaghahatid sa kanya ng kasiyahan at kalinawan sa paksang pinag-
uusapan. Itinituring din ang paglalahad bilang isang uri ng pagpapaliwanag ng tao ukol
sa mga bagay-bagay na may kaugnayan sa kanyang mga gawaing pangkomunikasyon.

Iba't ibang pamamaraan ang gamit ng tao sa paglalahad lalo't sa parang pasalita
o pabigkas. Ngunit kapag ito ay sa paraang pasulat, mahalagang makita ang mga
sumusunod upang maging epektibo sa bumabasa:

1. Gawing malinaw ang paksa at sikaping malinaw din ang pagkasulat nito.
2. Gumagamit lamang ng mga salitan at pangungusap na madaling maunawaan.
3. Sikaping maging maayos ang organisasyon.
4. Panatilihin ang makatawag pansin na simula, ang mayamang bahagi ng
katawan at kapana-panabik na wakas.
5. Basahing muli ang isinulat at iwasto kung kinakailangan.
6. Pumili ng angkop na pamagat at isulat sa gitnang bahagi ng papel.

MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA PAGLALAHAD

1. Kalinawan - Malinaw ang paliwanag at angkop o tama ang mga salitang


ginagamit.

2. Katiyakan - Nakafokus lamang sa paksang tinatalakay at tiyak ang layunin ng


pagpapaliwanaga. Iwasan ang mga bagay na di kaugnay sa tinatalakay.
3. Kaugnayan- magkaugnay ang mga pangungusap o talata.
4. Diin - binibigyang diin ang mga mahahalagang kaisipang nais talakayin.

MGA BAHAGI NG PAGLALAHAD

1. Simula - nakatatawag-pansin; nakakaakit; nakapupukaw;nakagaganyak at


nakahahatak ng kuryosidad.

Ilan sa mga halimbawa ng maaring simula:


a. Pagtatanong
b. Pagkukwento o Pagsasalaysay
c. Pagsipi o paghalaw ng isang saknong
d. Paggamit ng siniping pahayag
e. Dayalogo o usapan
f. Makatawag pansing pangungusap

2. Katawan o Gitna - binubuo ng talatang kinapalooban ng mga pangunahin at


pantulong na kaisipan upang maibigay ang detalye sa isang paksa. Dapat
magkaroon ng kaisahan, kaugnayan at diin ang mga kaisipan para hindi malito
ang bumabasa.
3. Wakas - nag-iiwan ng isang impresyong titimo sa damdamin at kikintal sa isipan
ng mamababasa. gaya ng panimula, ang paglalahad ay maaaring wakasan sa
iba't ibang paraan. Balikan ang talakay tungkol dito na naisa-isa na sa mga
naunang aralin.

MGA URI NG PAGLALAHAD

1. Pagbibigay Katuturan - napalilinaw nito ang pag-uunawa sa kahalagahan ng


isang bagay, tao, pangyayari, dinarama o konsepto.

2. Pagsunod sa Panuto/pamamaraan Halimbawa nito ang pagsunod sa isang


recepi o paraan ng paglaro ng isang uri ng laro.

3. Pangulong Tudling/Editoryal - nagpapahayag ng opinyon o palagay ng editor


ng isang pahayagan o magasin tungkol sa napapanahong isyu.

4. Sanaysay - anyong panitikan na naglalahad ng kuru-kuro, pananaw,


paniniwala at damdamin ng manunulat, hango sa kanyangkaranasan at sa
inaakalang palagay niya sa katotohanan.

5. Balita - naglalaman ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa loob at labas ng


bansa.

6. Pitak - karaniwang makikita sa mga pahayagan o magazin. Naglalaman ng


reaksyon, kuru-kuro at pansariling pananaw hinggil sa isang napapanahong
isyu o pangyayaring nagaganap sa kanyang paligid o sa iba pang pook.
natawag din itong kolum.

7. Tala - paglilista ng mga bagay-bagay na dapat gawin o tandaan.

8. Ulat - paglalahad ng mga kaisipan o kaalamang nakuha, natutunan o nasaliksik


mula sa binasa, narinig, nakita o naranasan.

(Paglalahad - Retrieved from: https://bit.ly/3EW5N4o)

PANGANGATWIRAN

Pangangatwiran – ito ay ang pagbibigay ng katwiran at sapat na katibayan at


may hangad na makatotohanan.

Ito ay isang pahpapahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay upang


ang isang panukala ay maging katanggap - tanggap o kapani-paniwala. Layunin nito na
hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang kawastuhan ang kanilang pananalig o
paniniwala sa pamamagitan ng makatwirang pagpapahayag. (- Badayos)
Sa pangangatwiran, ang katotohaanan ay pinagtitibay o pinatutunayan sa
pamamagitan ng mga katwiran o rason. (- Arogante)

Ang pangangatwiran ay isang sining sapagkat ang paggamit ng wasto, angkop at


magandang pananalita ay makatutulong upang mahikayat na pankinggan, tanggapin at
paniniwalaan ng nakikinig ang nangangatwiran.

Ang pangangatwiran ay maituturing ding agham sapagkat ito ay may prosesong


dapatisaalang-alang o sundin upang ito ay maging mahusay at matagumpay, lalo na sa
formal na pangangatwiran gaya ng debate.

Ang pangangatwiran ay isa ring kasanayan dahil ang kahusayan ay maaaring


matamo n imo man subalit hindi sa paraang madali at sa maikling panahon lamang.

DAHILAN NG PANGANGATWIRAN

1. upang mabigyang - linaw ang isang mahalagang usapin o isyu.


2. maipagtanggaol ang sarili sa mali o masamang propaganda laban sa kanya.
3. Makapagbahagi ng kanyang kaalaman sa ibang tao;
4. Makapagpahayag ng kanyang saloobin
5. Mapanatili ang magandang relasyon sa kanayng kapwa

Kasanayang Nalilinang sa Pangangatwiran

1. Wasto at mabilis na pag-iisip


2. Lohikong paghahanay ng mga kaisipan
3. Maayos at mabisang pagsasalita
4. Maingat na pagkilala at pagsusuri ng tama at maling katwiran
5. Pagpapahalaga sa kagandahang asal gaya ng pagtitimpi o pagpipigil ng sarili
at pag-unawa sa mga karaniwang inilahad ng iba o pagtanggap sa nararapat
na kapasyalan.

URI NG PANGANGATWIRAN

1. Pangangatwirang Pabuod o Induktivo - nagsissimula sa mga halimbawa o


partikular na kaisipan o katotohanan at nagtatapos sa pangkalahatang simulain
o katotohanan.

2. Pangangatwirang Pasaklaw o Pedaktivo - sinisimulan ang pangangatwiran sa


pamamagitan ng paglalahad ng pangkalahatan o masaklaw na pangyayari o
katotohanan at mula rito ay iisa-isahing ilalahad ang maliliit o mga tiyak na
pangyayari o katotohanan.

(Pangangatwiran. Retrieved from: https://bit.ly/3Vo0fVx).

You might also like