Professional Documents
Culture Documents
Paglalahad
Ang Paglalahad ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong mabigyang-linaw ang isang konsepto o
kaisipan, bagay o paninindigan upang lubos na maunawaan ng nakikinig o bumabasa. Sa Pamamagitan ng
paglalahad ay nagiging ganap ang pagkatuto ng isang tao dahil nabibigyan siya ng pagkakataong makatuklas ng
isang ideya o kaisipan na makapaghahatid sa kanya ng kasiyahan at kalinawan sa paksang pinag-uusapan.
Itinituring din ang paglalahad bilang isang uri ng
pagpapaliwanag ng tao ukol sa mga bagay-bagay na may kaugnayan sa kanyang mga gawaing
pangkomunikasyon.
Iba't ibang pamamaraan ang gamit ng tao sa paglalahad lalo't sa parang pasalita o pabigkas. Ngunit kapag ito
ay sa paraang pasulat, mahalagang makita ang mga sumusunod upang maging epektibo sa bumabasa:
1. Gawing malinaw ang paksa at sikaping malinaw din ang pagkasulat nito.
2. Gumagamit lamang ng mga salitan at pangungusap na madaling maunawaan.
3. Sikaping maging maayos ang organisasyon.
4. Panatilihin ang makatawag pansin na simula, ang mayamang bahagi ng katawan at kapana-panabik na
wakas.
5. Basahing muli ang isinulat at iwasto kung kinakailangan.
6. Pumili ng angkop na pamagat at isulat sa gitnang bahagi ng papel.
2. Katawan o Gitna - binubuo ng talatang kinapalooban ng mga pangunahin at pantulong na kaisipan upang
maibigay ang detalye sa isang paksa. Dapat magkaroon ng kaisahan, kaugnayan at diin ang mga kaisipan para
hindi malito ang bumabasa.
3. Wakas - nag-iiwan ng isang impresyong titimo sa damdamin at kikintal sa isipan ng mamababasa. gaya ng
panimula, ang paglalahad ay maaaring wakasan sa iba't ibang
paraan. Balikan ang talakay tungkol dito na naisa-isa na sa mga naunang aralin.
1. Pagbibigay Katuturan - napalilinaw nito ang pag-uunawa sa kahalagahan ng isang bagay, tao, pangyayari,
dinarama o konsepto.
8. Ulat - paglalahad ng mga kaisipan o kaalamang nakuha, natutunan o nasaliksik mula sa binasa, narinig,
nakita o naranasan.
Sining ng Pagsasalaysay
Pagsasalaysay
Ito ay nagsasaad ng mga pangyayari o karanasang magkaugnay. katulad ito ng pagkukwento ng mga kawil-
kawil na pangyayari, pasulat man o pasalita. Itinuturing ito na pinakamasining, pinakatanyag at tampok na
paraan ng pagpapahayag. Ito rin ang sinasabing pinakamatandang uri ng pagpapahayag sapagkat dito
nagsimula ang alamat; epiko at mga kwentong bayan.
Paglalarawan
Paglalarawan
Ang paglalarawan ay isang anyo o paraan ng pagpapahayag ng mga kaisipan o pala-palagay.
Maaring tungkol sa tao, hayop, bagay, lugar at pangyayari.
Ginagamitan ito ng makulay, mahuhugis at maaanyo at ibang mapapandamang (naamoy, nalalasahan,
naririnig) pananalita.
Layunin ng Paglalarawan
Layunin nito na makapagpamalas sa isip ng tagapakinig o mambabasa ng isang malinaw at buong larawan.
Malimit gamitin ang Paglalarawan sa bahagi ng pagsasalaysay na mangangailangang tumukoy ng mga
kongkreto o abstrak na bagay na binibigyang-hugis o anyo upang maliwanag na malikha sa isipan ang mga
binubuong larawan.
Layunin ng Paglalarawan
Layunin din nitong makapagbigay ng impormasyon.
At para makapanggising ng damdamin.
Dalawang uri ng Paglalarawan
Karaniwang Paglalarawan- ito ang uri ng paglalarawan na purong pangkaalaman ang mga detalyeng sinasabi.
Mga tiyak na impormasyon at pawang katotohanan lamang ang ginagamit na mga katangian.
Ang damdamin at opinyon ng tagapaglarawan ay hindi dapat isinasama.
Pangangatwiran
- Ito ay isang pahpapahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay upang ang isang
panukala ay maging katanggap - tanggap o kapani-paniwala. Layunin nito na hikayatin ang
mga tagapakinig na tanggapin ang kawastuhan ang kanilang pananalig o paniniwala sa
pamamagitan ng makatwirang pagpapahayag. (- Badayos)
- Ang pangangatwiran ay isang sining sapagkat ang paggamit ng wasto, angkop at magandang
pananalita ay makatutulong upang mahikayat na pankinggan, tanggapin at paniniwalaan ng
nakikinig ang nangangatwiran.
- Ang pangangatwiran ay isa ring kasanayan dahil ang kahusayan ay maaaring matamo n imo
man subalit hindi sa paraang madali at sa maikling panahon lamang.
DAHILAN NG PANGANGATWIRAN:
1. upang mabigyang - linaw ang isang mahalagang usapin o isyu.
2. maipagtanggaol ang sarili sa mali o masamang propaganda laban sa kanya.
3. Makapagbahagi ng kanyang kaalaman sa ibang tao;
4. Makapagpahayag ng kanyang saloobin
5. Mapanatili ang magandang relasyon sa kanayng kapwa
URI NG PANGANGATWIRAN
1. Pangangatwirang Pabuod o Induktivo - nagsissimula sa mga halimbawa o partikular na
kaisipan o katotohanan at nagtatapos sa pangkalahatang simulain o katotohanan.
2. Pangangatwirang Pasaklaw o Pedaktivo - sinisimulan ang pangangatwiran sa
pamamagitan ng paglalahad ng pangkalahatan o masaklaw na pangyayari o katotohanan at
mula rito ay iisa-isahing ilalahad ang maliliit o mga tiyak na pangyayari o katotohanan.