You are on page 1of 3

SANAYSAY

Ayon kay Alejandro G. Abadilla, "nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay. ang sanaysay ay
nagmula sa 2 salita, ang sanay atpagsasalaysay. Ito ay panitikang tuluyan na nagalalahad ng kuru-kuro,
damdamin, kaisipan, saloobin, reaksyon at iba pa ng manunulat hinggil sa isang makabuluhan, mahalaga at
napapanahong paksa o isyu.
Mahalaga nag pagsusulat at pagbabasa ng sanaysay sapagkat natututo ang mambabasa mula sa inilalahad na
kaalaman at kaisipang taglay ng isang manunulat. nakikilala rin ng mga mambabasa ang manunulat dahil sa
paraan ng pagkasulat nito, sapaggamit ng salita at sa lawak ng kaalaman sa paksa.
URI NG SANAYSAY
Pormal - sanaysay na tumatalakay sa mga seryosong paksa at nangangailangan ng masusing pag-aaral at malalim
na pagkaunawa sa paksa. Inaakay ng manunulat ang mga manbabasa sa malalim na pag-iisip upang makabuo ng
sariling pagpapasya at kumilos pagkatapos.
Di-pormal - sanaysay na tumatalakay sa mga paksang magaan, karaniwan, pang-araw-arawat personal. binibigyang
diin ng manunulat ang mga bagay-bagay, mga karanasan o isyung maaaring magpakilala ng personalidad ng
manunulat o pakikisangkot niya sa mga mambabasa.
SANGKAP NG SANAYSAY
Tema at Nilalaman - anuman ang nilalaman ng isang sanaysay ay itinuturing na paksa dahil sa layunin
sapagkakasulat nitoat kaisipang ibinahagi.
Anyo at Istruktura - ang anayo sat istruktura ng sanaysay ay isang mahalagang sangkap sapagkat nakaaapekto
ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa, ang maayos na pagkakasunud-sunod ng edeya o pangyayari ay
makatututlong sa mambabasa sa pagkaunawa sa sanaysay.
Wika at Istilo - ang uri at antas ng wika at istilo ng pagkakagamit nito ay nakaapekto rin sa pagkaunawa ng
mambabasa, higt na mabuting gumamit ng simple, natural at matapat na mga pahayag.
BAHAGI NG SANAYSAY
Panimula - ang pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito ang unag titingnan ng mga
mambabasa, dapat nakapupukaw ng atansyon ang panimula upangipagpatuloy ng mamababasa ang pagbasa sa
akda.
Katawan - Sa bahaging ito ang sanaysaya makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa tema at
nilalaman ng sanaysay, dapat ipaliwanag nang mabuti ang bawat puntos upang maunawaan ito ng maigi ng
mambabasa.
Wakas - nagsasara sa talakayang naganap sa katawan ng sanaysay. Sa bahaging ito nahahamon ang pag-iisip ng
mambabasa na maisakatuparan ang mga tinalakay ng sanaysay.
ELEMENTO NG SANAYSAY
Tema at Nilalaman - anuman ang nilalaman ng isang sanaysay ay itinuturing na paksa dahil sa layunin sapagkakasulat nitoat
kaisipang ibinahagi.
Anyo at Istruktura - ang anayo sat istruktura ng sanaysay ay isang mahalagang sangkap sapagkat nakaaapekto ito sa
pagkaunawa ng mga mambabasa, ang maayos na pagkakasunud-sunod ng edeya o pangyayari ay makatututlong sa mambabasa
sa pagkaunawa sa sanaysay.
Kaisipan- Mga ideyang nabanggit na kaugnay o panlinaw sa tema.
Wika at Istilo - ang uri at antas ng wika at istilo ng pagkakagamit nito ay nakaapekto rin sa pagkaunawa ng mambabasa, higt na
mabuting gumamit ng simple, natural at matapat na mga pahayag.
Larawan ng Buhay - Nilalarawan ang buhay sa isang makatotohanang salaysay, masining na paglalahad na gumagamit ng sariling
himig ang may akda.
Damdamin -Naipapahayag ang isang magaling na may-akda ang kaniyang damdamin nang may kaangkupan at kawastuhan sa
paraang may kalawakan at kaganapan.
Himig - naipapahiwatig ng kulay o kalikasan ng damdamin. Maaaring masaya, malungkot, mapanudyo at iba pa.

"Ang sanaysay ay isang pampanitikan daan sa pagpapahayag ng halos lahat tungkol sa kahit anuman."
-Aldous Huxley

Sanaysay

isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda.


Ang sanaysay ayon kay Alejandro G. Abadilla ay nakasulat na karansan ng isang sanay sa pagsasalaysay. Ang sanaysay ay nagmula sa
dalawang salita: ang sanay at pagsasalaysay. Ito ay panitikang tuluyan na naglalahad ng kuru-kuro, damdamin, kaisipan, saloobin, reaksyon at
iba pa, ng manunulat hinggil sa isang makabuluhan, mahalaga at napapanahong paksa o isyu.

Mahalaga ang pagsusulat at pagbabasa ng sanaysay sa pagkat natututo ang mambabasa mula sa inilahad na kaalaman at kaisipang taglay ng
isang manunulat. nakikilala rin ng mambabasa ang manunulat dahil sa paraan ng pagkasulat nito, sa paggamit ng salita at salawikaing kaalaman
sa paksa.
ANG PINAGMULAN NG SANAYSAY
1580-nagsimula ang tinatawag na sanaysay dahil sa katipunan ng mga palagay at damdamin ni Michael de
Montaigne isang Pranses na pinamagatang Essais. -sa mga nakabasa ng Essais ipinalagay nila na ang Essais ay
kinapapalooban ng mga pagtatangka, mga pagsubok at mga pagsisikap ng mga may-akda.
1597 -nagsimulang magsulat ng mga sanaysay si Francisco Bacon na naglalaman ng mga saloobin at
kaisipang punung-puno ng buhay. Ito ang dahilan upang kilalanin siya bilang Ama ng Sanaysay na Nasusulat sa
Inlges .
1700 -kakaunti lamang ang mga naisulat na sanaysay. Ngunit maraming naghangad na sundan ang mga yapak
ni Bacon. Isa naritosina:Sir Thomas Izaak Walton sumulat ng aklat na pinamagatang The Compleat Angler.
Naging paksa niya ang tungkol sa pamimingwit at pakikipagkaibigan.
Sir Thomas Browne- ang paksa niya ay tungkol sa mga katutubong kaugalian. Itoy masusi niyang inilarawan sa
Religio Medici at Urn Burial.
John Dryden- ang kanyang mga opinyon tungkol sa panitikan at sining ay kinalugdang basahin ng mga nag
papahalaga sa dalawang disiplinang nabanggit. Itinuturing na pinakamahusay na sanaysay ni Dryden ang An
Essay of Dramatics Poesy.
1800 sumigla ang sa pagsulat ng sanaysay sina Richard Steele, Joseph Addison, Samuel Johnson, Oliver Smith
atb.
1900 patuloy na namulaklak ang paglaganap ng sanaysay. bukod sa panitikan at sining naging malaganap
ang paksang panlipunan at panrelihiyon. nanaluktok sa panahong ito ang pangalang John Ruskin, Thomas Henry,
Huxley, Matthew Arnoldatb.

Sa Pransya - hindi masyadong lumaganap ang sanaysay sa Pransya ang sinilangang bansa ni Montaigne. Binigyan
lang ito ng pansin noong ika-17 dantaon ang tinuturing na Gintong Panahon ng Panitikang Pranses. -ang mga
sanaysay na isnilat ni Francois de Rochefoulldcauld tungkol sa mga sawikain ay mananaysay na Pranses. Isa sa
naimpluwensyahan ay siVoltaire. -noong ika-19 dantaon sumikat ang mga pangalang Sainte Beauve, Jules
Lemaitre, Ferdinand Brunetiere at Anatole France.
Sa EstadosUnidos -napatunayan ang mga sanaysay ni Washington Irving sa Sketch Book na nailathala noong
1819 ay katulad ng mga sanaysay na naisulat ng mga mananaysay na Ingles. Nagkakaiba lamang sa istilo sa
pagkat higit na matimpi ang istilo ni Irving. -nakilala rin angmgasanaysayninaRalph Waldo Emerson, John
Burroughs, atb. At sino ang hindi nakakikilala kay Edgar Allan Poe na hindi lamang mahusay sa makatat
manunulat kund iisa ring institusyon sa larangan ng pagsulat ng sanaysay.
Kinilala ring mahusay na manunulat sa panahong ito sina Oliver Wendell Holmes at James Russell.-lumaganap
din sa panahong ito ang dalawang magasing naglathatla ng mga sanaysay ng ilang piling manunulat, ang The
Atlantic Monthly at ang Harpers Magazine.
Sa Pilipinas - ang kasaysayan ng sanaysay saTagalog bilang sangay ng panitika ay nagsimula sa mga isinulat
nina Jose Rizal sa kanyang The Indolence of the Filipino People at The Philipines. - ang A Century Hence niMarcelo H.
del Pilar ang naging patnugot at tagapaglathala ng La Solidaridad at itinuturing na nangunasap angkat ng mga
mapaghimagsik na mananaysay kabilang sina Graciano Lopez Jaena, Jose Burgos, at Apolinario Mabini.
Sa mga Pilipinong mananaysay na sumulat ng sa Ingles ay nakilala sa tulong ng The College Folio at Literary
Apprentice ng Unibersidad ng Pilipinas. Kilalang mahhusay na mananaysay sa panahong ito sina I. V. Mallari,
Francisco B. Icasiano, Salvador P. Lopez,atb.
Mga sanaysay sa Tagalog ay pinamulaklakan nina Pascula Poblete, Lope k. Santos, Julian Cruz Balmaceda, Inigo
Ed. Regalado, atb. Ang lumaganap sa panahong iyon ang magasing Liwayway nanaglalthalang maiklingkwento at
sanaysay bago makidigma ang mga sanaysay ay kina Pedro S. Dandan, Pablo Bautista ang kinagiliwan ng mga tao.
Noong 1945 hanggang 1950 nanaluktok sina Teodoro A. Agoncillo, Liwayway Arceo, Brigdo C. Batungbakal,
Genoveva Edroza, Alfredo Enriquiz, Pablo Glorioso, Epifanio Matute, Clodualdo del Mundo, Macario Pineda, Alejandro
G. Abadilla, Narciso G. Reyes at Vito C. Santos.

Marami ding mga katipunan ng sanaysay ang nailimbag kabilang na dito ang Mga Piling Sanaysay ni Alejandro G.
Abadilla, Sanaysay ni Gemiliano Pineda, Buhat sa AmingSulok ni Paraluman Aspillera at Akoy isang Tinig ni
Genoveva Edroza. Sa mga aklat na pampaaralan mayroon na ring mangilan-ngilan na nalathala nasa sanaysay
tulad ng DiwangGinto, Diwang Kayumanggi at Panitikan Para sa Mataas na Paaralan
Sa mga magasin na nalathala ay angPanitikanni Alejandro G. Abadilla at Free Press na naglalaman ng mga
sanaysay ang ni B.S. Medina Jr. sa pitak na pinamagatang Lubos na Sumasainyo Si Direktor Ponciano ng
Surian ngWikang Pambansa ay may aklat na naipalimbag, ang Bato sa Katedral na katipunan ng kanyan ilang piling
sanaysay na karamihan sa paksa ay tumatalakay sa mga araling pangwika. Naging masigla ang mga manunulat
nang masama sa taunang patimpalak ng Carlos Memorial Awards For Literature ang pagsulat ng sanaysay.
Ang ilan sa mga sanaysay na nagwagi ay yaong nahihingil sa panunuring pampanitikan ng ibat-ibang sangay ng
panitikan. Kinilalang mahuhusay na mananaysay ngPalanca sina Pedro L. Ricarte, VirgilioAlmario, RuelAguila,
Rosario Torres, atbp.

You might also like