You are on page 1of 3

ANG SANAYSAY

Ang sanaysay ang pinakagamitin sa halos lahat ng larangan ng mga mamamayan-


pampulitika, panlipunan, pang-edukasyon, atb. Ang sanaysay ang laging ginagamit sa pagsagot
sa isang bahagi ng pagsusulit, sa pagsulat ng liham, pag-uulat at pananaliksik, sa paglalahad
ng mga kautusan, palibot-liham at alintuintunin.

ANG KAHULUGAN NG SANAYSAY


Sa disyunaryo
- isang komposisyong pampanitikan sa isang natatanging paksa na higit na maikli at
pormal kaysa alinmang akda.

Michael de Montaigne
- lumikha ng sanaysay
- pagtatangka o pagsubok sa bagong larangan ng panitikan ang mga kaisipan ay maaaring
makipagtalastasan sa kanino mang mga kaibigan o kakilala.
- Kung ang liriko ay para sa panulaan, ang prosa ay para sa sanaysay.

Alejandro G. Abadilla
- kilalang makata at mananaysay
- ang sanaysay at kuha sa kahulugan ng pasasalaysay na isang sanay o nakasulat na
karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay.
- idinugtong pa niya na walang iniwan sa tulang liriko sa larangan ng panunugma o
pagtula at madalas ay sentido komon at nasa awtor.
- Si Alejandro G. Abadilla o “AGA” ang lumikha ng salitang "SANAYSAY" na
pinaniniwalaang hinango sa pariralang "sanay sa pagsasalaysay ." Ito ang paglalahad ng
opinyon at pananaw ng may akda tungkol sa isang tiyak na paksa.

Genoveva E. Matute
- premyadong manunulat at mananaysay
- Ang sanaysay sa makitid na kahulugan ay pagtataya sa isang pakasa sa paraang tuluyan
at sa malayang paraang maglalantad ng kaisipan, kuru-kuro, palgay at ng kasiyahan ng
sumusulat, upang umaliw, magbibigay kaalaman o magturo.
- idinugtong pa niya na ang sanaysay ay isa na sa mga anyong higot na nagpapaisip,
nagpapalawak ay nagpapalalim sa pang-unawa, bumubuo at nagpapatibay sa isipa’t
damdaminng-bayan.

ANG PINAGMULAN NG SANAYSAY


 1580 - nagsimula ang tinatawag na sanaysay dahil sa katipunan ng mga palagay at
damdamin ni Michael de Montaigne isang Pranses na pinamagatang Essais - sa mga
nakabasa ng Essais ipinalagay nila na ang Essais ay kinapapalooban ng mga pagtatangka,
mga pagsubok at mga pagsisikap ng mga may-akda.
 1597 -nagsimulang magsulat ng mga sanaysay si Francisco Bacon na naglalaman ng
mga saloobin at kaisipang punung-puno ng buhay. Ito ang dahilan upang kilalanin siya
bilang  “ Ama ng Sanaysay na Nasusulat sa Inlges “.
 1700 -kakaunti lamang ang mga naisulat na sanaysay. Ngunit maraming naghangad na
sundan ang mga yapak ni Bacon. Isa naritosina: Sir Thomas Izaak Walton– sumulat ng

1
aklat na pinamagatang The Compleat Angler. Naging paksa niya ang tungkol sa
pamimingwit at pakikipagkaibigan.
 Sir Thomas Browne- ang paksa niya ay tungkol sa mga katutubong kaugalian. Ito’y
masusi niyang inilarawan sa Religio Medici at Urn Burial. 
 John Dryden- ang kanyang mga opinyon tungkol sa panitikan at sining ay kinalugdang
basahin ng mga nag papahalaga sa dalawang disiplinang nabanggit. Itinuturing na
pinakamahusay na sanaysay ni Dryden ang An Essay of Dramatics Poesy.
  1800 –sumigla ang sa pagsulat ng sanaysay sina Richard Steele, Joseph Addison, Samuel

Johnson, Oliver Smith atb.


 1900 – patuloy na namulaklak ang paglaganap ng sanaysay. –bukod sa panitikan at sining
naging malaganap ang paksang panlipunan at panrelihiyon. –nanaluktok sa panahong ito
ang pangalang John Ruskin, Thomas Henry, Huxley, Matthew Arnoldatb.

 Sa Pransya - hindi masyadong lumaganap ang sanaysay sa Pransya ang sinilangang


bansa ni Montaigne. Binigyan lang ito ng pansin noong ika-17 dantaon ang tinuturing na
Gintong Panahon ng Panitikang Pranses. -ang mga sanaysay na isnilat ni Francois de
Rochefoulldcauld tungkol sa mga sawikain ay mananaysay na Pranses. Isa sa
naimpluwensyahan ay siVoltaire. -noong ika-19  dantaon sumikat ang mga pangalang
Sainte Beauve, Jules Lemaitre, Ferdinand Brunetiere at Anatole France.

 Sa Estados Unidos -napatunayan ang mga sanaysay ni Washington Irving sa Sketch


Book na nailathala noong 1819 ay katulad ng mga sanaysay na naisulat ng mga
mananaysay na Ingles. Nagkakaiba lamang sa istilo sa pagkat higit na matimpi ang istilo
ni Irving. -nakilala rin angmgasanaysayninaRalph Waldo Emerson, John Burroughs, atb.
At sino ang hindi nakakikilala kay Edgar Allan Poe na hindi lamang mahusay sa
makata’t manunulat kund iisa ring institusyon sa larangan ng pagsulat ng sanaysay.

 Kinilala ring mahusay na manunulat sa panahong ito sina Oliver Wendell Holmes at


James Russell.-lumaganap din sa panahong ito ang dalawang magasing naglathatla ng
mga sanaysay ng ilang piling manunulat, ang The Atlantic Monthly at ang Harper’s
Magazine.

 Sa Pilipinas - ang kasaysayan ng sanaysay saTagalog bilang sangay ng panitika ay


nagsimula sa mga isinulat nina Jose Rizal sa kanyang The Indolence of the Filipino
People at The Philipines. - ang A Century Hence niMarcelo H. del Pilar ang naging
patnugot at tagapaglathala ng La Solidaridad at itinuturing na nangunasap angkat ng mga
mapaghimagsik na mananaysay kabilang sina Graciano Lopez Jaena, Jose Burgos, at
Apolinario Mabini.
 Sa mga Pilipinong mananaysay na sumulat ng sa Ingles ay nakilala sa tulong ng The
College Folio at Literary Apprentice ng Unibersidad ng Pilipinas. Kilalang mahhusay na
mananaysay sa panahong ito sina I. V. Mallari, Francisco B. Icasiano, Salvador P.
Lopez,atb.
 Mga sanaysay sa Tagalog ay pinamulaklakan nina Pascula Poblete, Lope k. Santos,
Julian Cruz Balmaceda, Inigo Ed. Regalado, atb. Ang lumaganap sa panahong iyon ang

2
magasing Liwayway nanaglalthalang maiklingkwento at sanaysay bago makidigma ang
mga sanaysay ay kina Pedro S. Dandan, Pablo Bautista ang kinagiliwan ng mga tao.
 Noong 1945 hanggang 1950 nanaluktok sina Teodoro A. Agoncillo, Liwayway Arceo,
Brigdo C. Batungbakal, Genoveva Edroza, Alfredo Enriquiz, Pablo Glorioso, Epifanio
Matute, Clodualdo del Mundo, Macario Pineda, Alejandro G. Abadilla, Narciso G. Reyes
at Vito C. Santos.
 Marami ding mga katipunan ng sanaysay ang nailimbag kabilang na dito ang Mga Piling
Sanaysay ni Alejandro G. Abadilla, Sanaysay ni Gemiliano Pineda, Buhat sa
AmingSulok ni Paraluman Aspillera at Ako’y isang Tinig ni Genoveva Edroza. Sa mga
aklat na pampaaralan mayroon na ring mangilan-ngilan na nalathala nasa sanaysay tulad
ng DiwangGinto, Diwang Kayumanggi at Panitikan Para sa Mataas na Paaralan
 Sa mga magasin na nalathala ay angPanitikanni Alejandro G. Abadilla at Free Press na
naglalaman ng mga sanaysay ang ni B.S. Medina Jr. sa pitak na pinamagatang “ Lubos
na Sumasainyo” Si Direktor Ponciano ng Surian ngWikang Pambansa ay may aklat na
naipalimbag, ang Bato sa Katedral na katipunan ng kanyan ilang piling sanaysay na
karamihan sa paksa ay tumatalakay sa mga araling pangwika. Naging masigla ang mga
manunulat nang masama sa taunang patimpalak ng Carlos Memorial Awards For
Literature ang pagsulat ng sanaysay. Ang ilan sa mga sanaysay na nagwagi ay yaong
nahihingil sa panunuring pampanitikan ng iba’t-ibang sangay ng panitikan. Kinilalang
mahuhusay na mananaysay ng“Palanca” sina Pedro L. Ricarte, VirgilioAlmario,
RuelAguila, Rosario Torres, atb.

MGA KATANGIANG DAPAT TAGLAY NG ISANG MABUTING


MANANAYSAY:
1. May malawak nakaalaman o karanasan sa paksa.
2. Nagagamit ang wika nang wasto at mabisa.
3. Nakapipili ng mabuti at mabisang istilo ng paglalahad ng ideya.
4. Malinaw at hindi madamot o matipid sa pagpapaliwanag ng kaisipan at kaalaman ukol sa
paksa.
5. May kakayahang pumukaw o manghikayat ng mambabasa.

MGA BAHAGI NG ISANG SANAYSAY


PANIMULA/INTRODUKSIYON ang pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito
ang unang tinitingnan ng mga mababasa, dapat nakapupukaw ng
atensyon ang panimula upang ipagpatuloy ng mambabasa ang
pagbasa sa akda.
KATAWAN/NILALAMAN sa bahaging ito ng sanaysay makikita ang pagtalakay sa
mahahalagang puntos ukol sa tema at nilalaman ng sanaysay,
dapat ipaliwanag nang mabuti ang bawat puntos upang
maunawaan ito nang magiging mambabasa
KONKLUSYON/WAKAS nagsasara sa talakayang naganap sa katawan ng sanaysay; sa
bahaging ito nahahamon ang pag-iisip ng mambabasa na
maisakatuparan ang mga tinalakay ng sanaysay.

You might also like