You are on page 1of 15

Ang sanaysay ang pinakagamitin sa

halos lahat ng larangan ng mga


mamamayan-pampulitika, panlipunan,
pang-edukasyon, atb.
Ang sanaysay ang laging ginagamit
sa pagsagot sa isang bahagi ng
pagsusulit, sa pagsulat ng liham, pag-
uulat at pananaliksik, sa paglalahad ng
mga kautusan, palibot-liham at
alituntunin.
ANG KAHULUGAN
NG SANAYSAY

Sa diksyunaryo
-isang komposisyong pampanitikan sa isang
natatanging paksa na higit na maikli at pormal kaysa alinmang
akda.
Michael de Montaigne
-lumikha ng sanaysay
-pagtatangka o pagsubok sa bagong larangan ng
panitikan ang mga kaisipan ay maaaring makipagtalastasan sa
kanino mang mga kaibigan o kakilala.
-Kung ang liriko ay para sa panulaan, ang prosa ay
para sa sanaysay.
MICHAEL DE MONTAIGNE

February 28, 1933-


September 15, !592
( age 59)
Alejandro G. Abadilla
-kilalang makata at mananaysay
-ang sanaysay at kuha sa kahulugan ng
pasasalaysay na isang sanay o nakasulat na
karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay.
- idinugtong pa niya na walang iniwan
sa tulang liriko sa larangan ng panunugma o
pagtula at madalas ay sentido komon at nasa
awtor.
ALEJANDRO G. ABADILLA
Genoveva E. Matute

-premyadong manunulat at mananalaysay

-Ang sanaysay sa makitid na kahulugan ay


pagtataya sa isang paksa sa paraang tuluyan at sa
malayang paraang maglalantad ng kaisipan, kuru-kuro,
palagay at ng kasiyahan ng sumusulat, upang mag aliw,
magbibigay kaalaman o magturo.
-idinugtong pa niya na ang sanaysay ay isa
na sa mga anyong higit na nagpapaisip, nagpapalawak ay
nagpapalalim sa pang-unawa, bumubuo at nagpapatibay
sa ispa’t damdamin ng bayan.
GENOVEVA E. MATUTE
ANG PINAGMULAN NG SANAYSAY

1580
-nagsimula ang tinatawag na sanaysay
dahil sa katipunan ng mga palagay at damdamin
ni Michael de Montaigne isang Pranses na
pinamagatang Essais.
-sa mga nakabasa ng Essais ipinalagay
nila na ang Essais ay kinapapalooban ng mga
pagtatangka, mga pagsubok at mga pagsisikap ng
mga may-akda.
1597
-nagsimulang magsulat ng mga
sanaysay si Francisco Bacon na naglalaman ng mga
saloobin at kaisipang punung-puno ng buhay. Ito
ang dahilan upang kilalanin siya bilang “ Ama
ng Sanaysay na Nasusulat sa Inlges “.
Sa Pilipinas
- ang kasaysayan ng sanaysay sa
Tagalog bilang sangay ng panitikan ay nagsimula
sa mga isinulat nina Jose Rizal sa kanyang The
Indolence of the Filipino People at The Philippines.
- ang A Century Hence ni Marcelo H. del
Pilar ang naging patnugot at tagapaglathala ng La
Solidaridad at itinuturing na nanguna sa pangkat
ng mga mapaghimagsik na mananaysay kabilang
sina Graciano Lopez Jaena, Jose Burgos, at Apolinario
Mabini.
-Mga sanaysay sa Tagalog ay
pinamulaklak nina Pascula Poblete, Lope K. Santos,
Julian Cruz Balmaceda, Inigo Ed. Regalado, atb. Ang
lumaganap sa panahong iyon ang magasing
Liwayway na naglalthala ng maikling kwento at
sanaysay.
-bago makidigma ang mga sanaysay ay
nina Pedro S. Dandan, Pablo Bautista ang kinagiwan
ng mga tao.
Naging masigla ang mga manunulat
nang masama sa taunang patimpalak ng Carlos
Memorial Awards For Literature ang pagsulat ng ng
sanaysay. Ang ilan sa mga sanaysay na nagwagi ay
yaong nahihingil sa panunuring pampanitikan ng
iba’t-ibang sangay ng panitikan. Kinilalang
mahuhusay na mananaysay ng “Palanca” sina
Pedro L. Ricarte, Virgilio Almario, Ruel Aguila,
Rosario Torres, atb.
DALAWANG URI NG
SANAYSAY

1.Pormal- sanaysay na tumatalakay sa mga


seryosong paksa at nangangailangan ng
masusing pag-aaral at malalim na
pagkaunawa sa paksa.

2.Di-pormal- sanaysay na tumatalakay sa


mga paksang magaan,karaniwan,pang-araw-
arawa’t personal.
SANGKAP NG SANAYSAY

● Tema at Nilalaman- anuman ang nilalaman ng isang


sanaysay ay itinuturing na paksa dahil sa layunin
sapagkakasulat nito at kaisipang ibinabahagi.
●Anyo at Istuktura- ang anyo at istruktura ng sanaysay
ay isang mahalagang sangkap sapagkat nakakaapekto ito
sa pagkakaunawa ng mga mambabasa,ang maayos na
pagkakasunud-sunod ng ideya o pangyayari ay
makatutulong sa mambabasa sa pagkaunawa sa sanaysay.
●Wika at Istilo- ang uri at antas ng wika at istilo ng
pagkakagamit nito ay nakakaapekto rin sa pagkakaunawa
ng mambabasa,higit na mabuting gumamit ng
simple,natural at matapat na mga pahayag.

You might also like