You are on page 1of 2

Diocese of San Pablo

LICEO DE CABUYAO
Mabini St., Cabuyao City, Laguna

Hulyo 27, 2018


Mahal naming mga Magulang,
Magandang Araw po!
Nais po naming ipabatid sa inyo na ang atin pong paaralan ay lalahok sa taunang
patimpalak na Sabayang Pagbigkas para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, na gaganapin sa
Cettro Mall, Cabuyao Laguna sa darating na ika-25 ng Agosto taong kasalukuyan.
Kaugnay po nito ang inyo pong anak ay kabilang sa nasabing patimpalak, sila po ay
magkakaroon ng ensayo sa paaralan sa, ika- 28 ng Hulyo at ika- 4,11 at 18 ng Agosto ng taong
kasalukuyan sa ganap na 9:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon. Ang ensayo po ay gagawin
upang lubos pong makapaghanda para sa nasabing patimpalak.
Sila po ay pinaaalahan na magdala ng mga pagkain, dahil hindi po sila papayagan na
lumabas ng paaralan sa oras na magsimula ang pag-eensayo.
Inaasahan po naming ang inyong mabuting konsiderasyon. Maraming salamat at
Pagpalain tayo ng Panginoon.

Lubos na Gumagalang,

Bb. Joy Ann B. Canlas


Tagapayo sa Filipino

Binigyang-pansin nina:

Bb. Shellyn Mae B. Bareza G. Erick Jay E. Evardome


Tagapangasiwa- Akademiko Tagapangasiwa- Aktibiti

Inaprubahan ni:

Gng. Josephine R. Buan


Punongguro

Tugunang Papel
Pinapayagan ko ang aking anak,na si na dumalo sa
nasabing ensayo.
Hindi ko pinapayagan ko ang aking anak,na si na
dumalo sa nasabing ensayo.

Lagda ng Magulang

You might also like