You are on page 1of 22

LIHAM PAGBATI

#324, Zone 3, Maligaya Street,


San Pascual, Tondo, Manila

Pebrero 7, 2007

Mahal na Hannah,

Magandang Araw sa iyo aking kaibigan! Natutuwa akong marinig ang tungkol sa iyong
bagong trabaho sa JYP Company. Alam kong matagal ka nang naghahanap ang tamang
posisyon, ngunit tila ito ay magiging isang magandang tugma para sa iyong mga kasanayan at
karanasan.

Inaasahan ko na marinig ang lahat tungkol dito sa lalong madaling panahon! Kapag nag-ayos
ka na, gustung-gusto kong ilabas ka para sa isang kape upang makamit ang lahat.

Good luck sa iyong unang araw mo sa bagong posisyon.

Bumabati,

Vanessa E. Trinidad

JERICKSON D. GETIZO
Rinconada National Technical Vocational School
Sto. Domingo Iriga City

Pinagpipitaganang G.,
Magandang Buhay! Ang buwan ng Agosto ay pagbabalik tanaw at pagbibigay halaga
sa Wikang Filipino. Ito ay itinakda upang ipagdiwang ang buwan ng Wikang Pambansa na
may temang“Filipino: Wika ng Saliksik”.

Kaakibat ng pagdiriwang na ito ay malugod po namin kayong inaanyayahan bilang


aming Susing Tagapagsalita sa araw ng sabado ika-8 ng Setyembre sa ganap na ika 7:00 ng
umaga hanggang ika 5:00 ng hapon. Ito ay gaganapin sa bulwagan ng San Nicolas
Elementary School, Lungsod ng Iriga.

Batid namin na kayo ay may sapat na kaalam at kagalingan sa ganitong larangan.

Inaasahan namin ang inyong pakikiisa at pagpapaunlak sa aming paanyaya.

Maraming Salamat! Kalugdan nawa kayo ng Poong Maykapal.

Sumasainyo,

ANNE DZELLYKA M. ECLARINAL


Pangulo ng SAMAFIL
Di Mahanap-Hanap, Masukal City
Nobyembre 16, 2019 Kaibigang Juan, Kumusta ka? Matagal na rin nang huli tayong
magkasama. Kaarawan ko na pala sa darating na ikalimang araw ng Disyembre. Balak ko
sanang imbitahan ka para sa pagdiriwang ng aking ika-21 kaarawan dito sa amin. Alam mo
pa naman siguro ang daan di'ba? Sana ay makapunta ka. Ang iyong pinakaguwapong
kaibigan, Pedro
Liham Pasasalamat para sa Magulang Mahal kong, Nanay at Tatay, Bawat araw sa aking
buhay, tinulungan ninyo ako at ibinigay ninyo sa akin ang akingmga gusto. Karamihan sa
mga hiningi ko, binigay ninyo at palagi ninyo akong iniisip. Alamko mahirap magtrabaho at
mag-ipon ng pera, kaya nagpapasalamat ako ng buong puso.Ngayong nasa high school na
ako at dalawang taon na lang bago ako pupunta sa colegio,gusto ko pag-usapan ang pag-aaral
sa ibang bansa. Palagi ninyo akong sinasabihan na dapat ako ay magsikap sa aking pag-aaral
atdapat ibigay ko ang aking lahat. Ngayon, gusto ko sana mag-aral sa ibang bansa at
palakihinang aking mundo. indi lahat ng tao ay mayroong sapat na pera at hindi lahat ng
taong ay nakakakuha ng ganitong oppurtunidad, kaya sana payagan ninyo ako. !sang beses
lang akomagiging estudyante, kaya gusto ko gawin ang aking lahat upang maging masaya
angpanahon ko sa college. Marami akong bagong matututunan at makililalang tao sa ibang
bansa. Bukod doon,mas maganda ang edukasyon sa ibang bansa at mas maraming
opportunidad angmakukuha ko. Kung natatakot man kayo na mag-isa lang ako, huwag na
kayo matakotsapagkat isa itong opportunidad na lumaki bilang tao at maging mas
responsible. Pinalakinaman ninyo ako ng mabuti kaya huwag na kayong kabahan, hindi
naman ako gagawa nggulo sa ibang bansa.! to talaga ang nasa aking puso. anda ako mag-
sakripisyo at gawin ang lahat upangito ay mangyari. "alang mawawala kung susubukan ko ito
at malay ninyo, makakagawa rinako ng mabuti. Kung papayagan ninyo ako, sisiguraduhin ko
na ako ay magsisikap upang balang araw, maibalik ko sa inyo ang inyong kabaitan.!nyong
anak, Annjelyn Tabian
Ika- 20 ng Oktubre, 2017 Josephine P. Matobato Punong BarangayFatima Uhaw, General
Santos City Madam:Magandang araw po! Kami po ay mga mag-aaral na nasa ikatlong taonsa
kursong AB Filipino mula sa Mindanao State University, General SantosCity. Kasalukuyan
po kaming gumagawa ng isang pananaliksik tungkol sakulturang mayroon sa Fatima Uhaw
dito sa Lungsod ng Heneral Santos. Kungmararapatin po ninyo nais po naming malaman ang
kasaysayan ng BarangayFatima, at lalo na ang pupolasyong mayroon dito. Humihingi rin po
kami ng pahintulot na makapagsagawa ngobserbasyon sa nasabing lugar upang aming
makalap ang mga datos na maykaugnayan sa kulturang mayroon sa inyong barangay na
makakatulong saikatatagumpay ng aming pag-aaral. Inaasahan po namin ang inyong
positibongpagsang-ayon sa aming kahilingan. Maraming salamat po!Lubos na gumagalang,
SHIELA MAE M. YARANMga Mananaliksik
Liham Pagsang-ayon Liham na sumasang-ayon sa nagpapaabay sa isang kahilingan o
panukala na makabubuo saoperasyon ng osang anggapan.Maaaring samahan ng kondisyon
ang pagsang-ayon kung kinakailangan. Ang PAGSANG-AYON ay kumpirmasyon sa isang
bagay na, ginawa ang mga plano. aypagsuporata pagpapa bay sa bagay na napag-usapan. Ang
mga para do ay laging dalawa o higit pa para masasabing mayroong pagsang-ayon. A kapa
nasang-ayunan ang isang bagay odesisyon, maaari na i kong isagawa base na rin sa
nakaplanong mga usapan
Marso 1, 2020 Anita Gonzales Dagohoy st. Poblacion, Buug, Zamboanga Sibugay Mahal na
Gng. Anita, Nais ko po sanang ipaalam ang aking pagtanggi sa inyong alok na makapag
bakasyon diyan sa niyo. Kasi kailangan ko pa pong tapusin ang aking nasimulan na gawain sa
paggawa ng mga kagamitang pang-bahay. Baka po matagalan bago ako makapunta diyan
para mag bakasyon. Labis po akong nagpapasalamat sa inyong kabaitang ipinapakita. Huwag
po kayong mag alala, asahan niyo po na pagkatapos ko nito ay makaka-alis na ako at
makapunta diyan para mag bakasyon. Aasahan ko po na inyong maintindihan na matatagalan
bago ako makapag bakasyon diyan. Gumagalang, JENNY ROSE MARA
Address ng taong pagpapadalhan] [Petsa kung kelan pinadala] [Pangalan ng pagpapadalhan]
[Katungkulan]Kagalang galang na [pagpapadalhan] Ako po si Ozymandias18, ang
nagmamay ari ng Egypt Express. Ang Egypt Express ay isang kumpanya nagumagawa ng
mga riles ng tren sa buong kamaynilaan. Netong nakaraan, ang aming kumpanya ay
nagkakaroon ng problemang pinansyal. Nais sana namingumutang ng halagang Php.
1,000,000 para sa pagpapatuloy ng aming operasyon. Pinapangako po naming babayaran
kayo sa loob ng dalawang taon. Lubos na gumagalang Ozymandias18.
Liham Pagsubaybay G-FRIES FRANCHISING COMPANY 145 D. Padilla StreetOrmoc
City, Leyte Ika-30 ng Agosto, 2019 GNG. LEILALY CLRRZE BATAIN Manager 52 Tulips
Street, Malangit Quezon, Manila Mahal na Gng. Batain, Ako po ay nagpadala ng liham
kahilingan noong nakaraang buwan (Hulyo). Layunin kopong sumubaybay sa kung ano na
ang kalagayan sa kahilingan ng aming stall ukol sa amingpaghingi ng karagdagang pakete ng
G-Fries kada buwan dahil mas marami na pongtumatangkilik ng G-fries dito sa Ormoc City.
Ang karagdagang pakete po naibibigay niyo saamin ay magiging maganda at mas malaki ang
magiging kita naming dito. Sana ay ikonsidera niyo ang kahilingan ng aking stall dito sa
Ormoc City. Inaasahan ko poang inyong positibong tugon. Magkaisa po tayo sa kalaguan ng
G-Fries sa Pilipinas.Maraming salamat po. Lubos na gumagalang, Harly Joe Baguna
Liham Pagbitiw Abril 23, 2021 HAZEL D. FLORES CEO, Office Department MDG
Company #74 Bldg.Brgy. Maligaya, Metro Manila Sa Kinauukulan, Magandang araw po!
Ako po si hazel D. flores, Assistant Manager sa Office Department,sumulat po ako upang
ipahayag ang aking pormal na pagbibitiw bilang Asst. Manager simula saAbril 23, 2021
upang mabigyang daan ang aking pangarap na mangibang-bansa. Nais ko rin pong ipabatid sa
inyo ang aking kagalakan sapagkat sa loob ng limang na taon, marami po akongnatutunan
hindi lamang po sa gawain sa trabaho, gayundin po sa aking sarili.Sa muli, maraming salamat
po. Lubos na gumagalang. Hazel flores
Staisy Kathleen T. Laureta Patucannay Bangued, Abra Setyembre 14, 2017 Gng. Janice
Tamo Abra Provincial Hospital Rizal Street Zone 6 Bangued, Abra Kagalang-galang na Gng.
Tamo: Nabasa ko po sa isang diyaryo nan a nangangailangan kayo ng isang nars sa
inyonghospital. Naniniwala po akong taglay ko ang mga katangiang hinahanap ninyo para sa
trabahongito, kaya gusto ko po sanang mag-aplay. Ako po’y isang dalaga, dalawampu’t
pitong gulang, nagtapos ng kolehiyo sa Divine Word College of Bangued noong Marso 2017
at ako po ay isang rehistradong nars. Ako po ay mabait,magalang, matiyaga, masipag at
lalong-lao na sa lahat magaling po akong mag-alaga ng pasyente,kaya po naniniwala akong
madaling gagaling ang inyong mga psayente. Maabilidad at matalinorin po ako at kaya ko
pong gawin lahat para lamang sa ikabubuti ng mga tao. Handa po akong magtungo sa inyong
tanggapan para sa isang panayam, sa oras at sa petsang nanaisin ninyo.Maraming salamat po.
Lubos na gumagalang Staisy kathleen laureta
LIHAM NG PANGHIHIRAM MAKATI FINANCE CORPORATION FAMY, LAGUNA
Sir/Madam, Ako, Florante B. Cura, ay dumudulog sa inyong tanggapan para sa
hangarinmahiram ang orihinal na official receipt at certificate of registration ng BARAKO II-
BLUE. Ang nasabing hinihiram na dokumento ay pagkukunan ng mahalagangimpormasyon
na kailangan para maipadilaw ang plaka ng motor upang magamit bilangpampublikong
sasakyan o public vehicle. Maraming salamat po sa pag-unawa Lubos na gumagalang,
FLORANTE B. CURA Humihiram
18 Augosto 2013 GAISANO MINGLANILLA Minglanilla ST. Cebu Lungsod Minglanilla
Ginoo/Binibini: Mangyaring Pakibigay po ang pinakamahabang halaga para sa mga sangkap
na nakatala sa ibaba at ipadala sa SOFIAS BAKESHOP, Lungsod Minglanilla Cebu. Ito ay
kahilingan lamang para sa presyo at hindi para sa paanyaya ng pagpatawad. Lubos na
Sumasainyo
Imperial Southplains Subdivision Layon, Ligao City August 21, 2011 G Eric Quizon Branch
Manager Ericson Computer Sales and Repair Center Ligao City, Albay Ginoo: Maligayang
Pagbati! Sa ngayong moderno na ang panahon, hindi na natin maikakaila na kasabay ng pag-
usbong ngteknolohiya ay umuusbong din ang pangangailangan ng tao sa mga Computer . Ito
ay nagiging malakingtulong sa pang araw-araw na gawain ng sino man lalong lalo na sa mga
estudyanteng katulad ko. At dahil dito, nais ko po sanang ipakilala sa inyo ang kamag-aral
kong alam ko ay masisiyahan namakalahok sa isang seminar na inyong isinasagawa para
makatulong sa mga mag-aaral na gusto pangmahubog ang kani-kanilang angking galing sa
Information Technology. Si Joriz po na aking kamg-aral bihasa sa paggamit ng ibat-ibang
softwares sa computer. Dahil dito, siyaay ang representatib ng Pixel Club – isang samahan sa
aming eskwelahan na binubuo ng mgaestudyanteng may angking galling sa mga computer. Si
Joriz din ay marunong ng mga basictroubleshooting practices sa mga computer kaya naman
siya ang takbuhan naming sa tuwing may nasisirao may hindi kami alam sa mga lumalabas sa
iskren n gaming mga laptops. Maraming salamat po, at nawa’ y mapaunlakan niyo ang aking
hiling na tiyak na makatutulong sa mgatulad niya na nais na mapaunland ang pagpapalaganap
ng mabuting adhikain sa pag-usbong ng agham atteknolohiya. Gumagalang, RAY DANIEL
G. PERALTA
Bicol Regional Science High School
Setyembre 20, 2012 Business Loan OfficerBank of the Philippine Islands Sta.Maria, Bulacan
Kagalang-galang na Business Loan Officer: Magandang Araw! Ang layunin ng liham na ito
ay para sa stado ng aking negosyo. Ang aking negosyo ay nangangailangan ng 100,000Php–
300,000Php na karagdagang puhunan upang matulungan po itonglumago at mag patuloy na
mag serbisyo hangang sa susunod na taon. Kung mangyari po lamang ay padalhan nyo po
ako ng mga importanteng importasyon paramakakuha ng loan para sa aking negosyo. At lalo
na gusto ko malaman ang sistema o paraan ngpagpapautang ninyo sa isang negosyo. Ano ang
mga kailanganng papeles at ang kaparaanan ngpagbabayad. Kung kailangan pa po ng inyong
kumpanya ang iba pang detalye ng MAJORICH café,maari po ninyo kaming tawagan sa
numeron 0943-599-3808 upang mabigay ang mga impormasyonna inyong
kakailanganin.Lubos na gumagalang, Marie Joyce Kristine M. Tabayan MAJORICH café
owner
Liham Pakikidalamhati 130 Lealtad Sampaloc, Manila Ika-18 ng Agosto, 2018 TAOS
PASCUAL 130 Washington St. Palompon, Leyte Mahal kong Sincerely, Ako ay lubos na
nakikidalamhati sa pagkawala ng iyong lolo Sebyo noong biyernes. Kakatanggap ko lang ang
masamang balita kahapon. Ikinalulungot ko ang pagkawala ng lolo mo lalo na at malapit siya
sa aming magkakapatid bilang siya ang naging lolo namin sa Sampaloc. Pagpasensyahan mo
na kung hindi kami makakapunta sa burol ni lolo Sebyo dahil sa masamang panahon dito sa
Visayas. Huwag kang mag-alala dahil magpapadala si Mama ng karagdagang pera para sa
gastusin sa burol ni lolo. Ipahatid mo sa iyong pamilya ang aming pakikidalamhati. Sana ay
palakasin ninyo ang inyong loob dahil laging nandiyan ang Diyos upang gumabay sa inyo.
Ang iyong kaibigan, Aeiou Torres
LIHAM PAKIKIRAMAY 130 Lealtad Sampaloc,Manila Mayo 5, 1992 Mahal kong Linda,
Kaming magkakaklase ay nakikiramay sa pagkamatay ng iyong Lolo Sebyo. Huwag kang
labis namalungkot. Ipinagdarasal namin ang kanyang kaluluwa. Nawa ay maging matahimik
siya sakabilang buhay. Ipahatid mo sa iyong pamilya ang aking pakikiramay at ng aking mga
kamag-aral. Ang iyong kaibigan, Amy
Queenie Rose Caya Resident Brgy. Tubod, Isabel, Leyte Ika-25 ng Oktubre, 2021 Hon.
Edgar Bandal Captain Brgy. Tubod, Isabel, Leyte Iginagalang naming Kapitan Bandal, Ang
amin pong lugar ay madalas nababaha tuwing umuulan at madalas ay malalim talaga ang
tubig sa bawat sulok ng aming barangay dahil sa mga basura na nakatambak sa kanal. Ako po
ay nangangamba para sa kaligtasan ng lahat sa barangay natin lalo na at mayroong paparating
na bagyo. Dahil dito, humihingi po ako ng tulong sa inyo na kung maaari ay magkaroon ng
cleaning program at pagkalooban rin kami ng mga gamit na magagamit namin sa paglikas sa
tuwing tataas ang tubig. Ikakagalak po namin ang iyong agarang tulongsa amin. Lubos na
gumagalang, Queenie Rose Caya
Setyembre 10, 2019 Gng. Maria Christina Gutierrez Manager LJF Publishing House 234
Sampaguita St., Mandaluyong City Mahal na Gng. Gutierrez: Ang layunin ng liham na ito ay
upang patunayan ang pagtatrabaho ng pinangalang empleyado. Pangalan ng
Empleyado:Kicons Pataueg Numero ng Social Security:923-74-5213 Araw ng
Kapanganakan: 08-09-91 Kumpanya:XYZ Company Mga Petsa ng Pagtatrabaho:Enero 11,
2017 hanggang kasalukuyan Titulo sa Trabaho:Accountant Kasalukuyang Sweldo:Php
134,000.00 Mangyaring huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin kung kailangan pa
ng karagdagang impormasyon na hindi nakasama rito. Maraming salamat sa iyong
konsiderasyon

You might also like