You are on page 1of 4

Panukalang Proyekto

PAMAGAT:
Surpresang walang alisan

PROPONENT NG PROYEKTO:
Mula kay Joshua Phillip C. EuropeoGrade 12 AmethystSTEMJoshua Phillip C. EuropeoLagda

KATEGORYA NG PROYEKTO:
Ang proyekto ay isang surpresa.

PETSA:
Ibabahagi sa klase ang panukala sa unang araw ng Oktubre at isasagawa ang proyekto o surpresa sa
ikatlong araw ng Oktubre.

RASYONAL:
Ang mga kailangang sa isasagawang surpresa ay:
Mga lobo Kahon ng posporo na naglalaman ng mga mensahe sa guro
Cake Pagkain (Palabok/Pancit/Spaghetti)

Ang mga ito ay kinakailangan upang mas maging epektibo at bukal sa puso anggagawing surpresa para sa
butihing gurong tagapayo.

DESKRIPSYON NG PROYEKTO:
Ang proyekto na ito ay naglalayon na mabigyang surpresa ang mabait at butihinggurong tagapayo ng
pangkat ng Amethyst. Nais nito na maipakita ang buong pusong pagmamahal at pagtanggap ng
nasabing pangkat sa kanilang gurong tagapayo sapamamagitan ng isang masaya at nakakagulat na
surpresa.

Upang maisagawa ang proyekto, kailangan ang/na:

1. Mapag-usapan ng buong klase ang panukalang proyekto.

2. Mapagdesisyunan ang mga bagay na dapat pagdesisyunan hingil sa gagawing surpresa tulad ng
pagkain at paraan kung paano isasagawa ang surpresa.

3. Pag-abpruba sa badyet.

4. Pag-alam ng magiging schedule ni Gng. Uminga para sa araw ng Oktubre 3.

5. Pagsagawa ng surpresa.

BADYET: Ang inaasahang gagastusin para sa proyektong ito ay humigit-kumulang nasa 700 pesos.
Makukuha ang sapat sa badyet sa gagawing ambagan ng mga mag-aaral sa buong pangkat.

PAKINABANG: Makakatulong ang nasabing proyekto upang mas mapalalim pa ang pagkakaintindihan
at pagsasama ng mga mag-aaral sa pangkat ng Amethyst at ni Gng. Uminga. Ang pagiging
matagumpay ng proyekto ay nagpapakita lamang ng isang maganda at maayos na pagsasama sa loob
ng natitirang mga buwan ng pagiging Grade 12 ng mga Amethyst. Joshua Phillip C. Europeo Pangulo
ng pangkat

5 Halimbawa ng Talumpati Tungkol sa Kabataan

1. Kabataan ng Makabagong Henerasyon: Iba Pero Tanaw Pa Rin Ang Pag-Asa

“Iba na talaga ang mga kabataan ngayon” – mga salitang halos araw araw mong maririnig mula sa mga matanda.
Sa dyip, sa kalye, sa palengke. Halos nakakabingi na nga ‘di ba?

Iba na nga talaga ang mga kabataan ngayon. Ang kabataan ng makabagong henerasyon na maraming alam sa
bagong teknolohiya, maraming pangarap sa buhay, maraming nais maabot.

Ang totoo, maraming kapuri-puri sa mga kabataan ngayon. Marami sa atin ang hindi nakakakita nun dahil
inaasahan nating maging pareho sila ng kabataan noon. Hindi pa ipinapanganak, nakakulong na sa ating mga
ganito, ganun.
Ano sa tingin mo kaibigan? Hindi ba pwedeng hayaan natin silang mamuhay sa mundo na kinamulatan nila?
Mahirap. Mahirap ang pilitin silang mamuhay sa mundong ibang-iba na rin.

Iba man ang kabataan ng makabagong henerasyon, tanaw pa rin nila ang pag-asa. Hindi man sa paraan na ating
nakikita, pero malay mo, balang araw, mas magiging maliwanag ang mundo dahil sa kanila.

2. Ang Paggalang ng Kabataan sa mga Magulang

Nay… Tay… Po… Opo… Nasasabi mo pa rin ba ang mga ‘to? Hindi naman masakit sambitin hindi ba at mas
nakakalambot pa nga ng puso? Pero bakit parang dumadalang ang paggamit ng mga ito?

Ang pagtawag sa iyong ama na Tatay, Papa, o Daddy at sa iyong ina na Inay, Mama, o Mommy ay senyales ng
paggalang ninyo sa kanila. O mga kabataan ng bayan, sila yung dalawang taong gagawin ang lahat para sa inyo.

Ang paggalang mo sa mga magulang mo ay walang katumbas na ligaya sa kanila. Hindi mo man ito makikita, pero
ramdam nila ito. Bukod sa pagmamahal, wala nang mas sasarap pa sa paggalang ng anak sa kanyang ama o ina sa
lahat ng oras.

3. Kabataan, Tuloy Ang Laban

Hindi madali ang mabuhay sa mundong mayroon tayo ngayon. May droga, masamang impluwensya ng barkada,
bolakbol, at kun ano pa. Kadalasan, marami ang napapariwara.

Subalit, kabataan, tuloy ang laban. Huwag sana tayong papatalo sa mga pagsubok na dumarating sa mga buhay
natin araw-araw. Huwag sana tayong mapapagod na labanan ang kasamaan, ang kung ano man na sa atin ang
maidudulot ay hindi kabutihan. Kabataan, tuloy ang laban!

4. Hinaing ng mga Kabataan sa mga may Katungkulan sa Bayan

Anim na taon sa elementarya, anim na taon sa sekondarya, at may kolehiyo pa. Labas ang paghahanda na
ginagawa bago kayo palayain sa mundong ito kabataan. Ang akala ng iba’y madali, ang totoo bawat araw ay
nagbabakasali.

Subalit, pursigido ang marami sa mga kabataan ngayon. Bawat gabi’y nananaginip ng magandang bukas, bawat
umaga’y dumidilat sa pag-asang may mas maliwanag na bakas.

Habang hindi pa ito dumarating, ngayon muna, hinaing sa may katungkulan sa bayan ang nais pakinggan. Sana’y
mas lalong paigtingin ang suporta sa edukasyon, iba pa rin ang sa araw-araw ay may natutunan na leksyon.

Sana ipaglaban ang kayamanan ng bayan, ang bawat parte na siyang naging kapalit ng pagkamatay ng mga tao
noon pa man. Sana’t huwag hayaang droga ay manaig, huwag hayaang sakupin nito ang buong daigdig.

Sana mas lalong paunlarin ang kalikasan, pangalagaan ang yaman na kailanma’y hindi matutumbasan. Sana, sana
manaig ang katauhan. Hustisya sana sa bawat isa’y palaging pahalagahan.

Sa ngayon, ito muna, ito muna ang hinaing ng mga kabataan sa may mga katungkulan sa bayan.

5. Ang Uri ng mga Kabataan

Iba’t iba ang uri ng mga kabataan sa mundong ito. May mahirap, may mayaman, at may katamtaman. May
magaling, may madiskarte, may malaya, at may natatakot sa mundo. Ikaw, alin ka dito?
Maraming kabataan ang may mga pangarap sa buhay, mayroon naman na nasa gilid lang tumatambay. May mga
pamilya ang inuuna, mayroon ding bahala na kung saan papunta. Ikaw, alin ka dito?

May mga kabataan na edukasyon ay pinapahalagahan, mayroon namang pagtratrabaho ang kailangang unahin
higit sa ano pa man. Yung iba, alam kung ano yung gusto, yung iba naman, gusto kung ano yung meron. Ikaw, alin
ka dito?

Ilan lamang ito sa mga uri ng mga kabataan na mayroon ang mundo ngayon. Kahit sino ka pa sa mga nabanggit,
parte ka ng mundong ito. May puwang ka sa bawat sulok nito.

AGENDA:

Adyenda ng Pagpupulong

Lokasyon: Mababang Paaralan ng Malabon

Petsa: Ika-27 ng Oktubre taong 2017

Oras: 3:00 n.h.

Tagapangasiwa: Punong Guro Letty Pascual


I. Introduksyon
II. Pagtala ng Bilang ng Dumalo
III. Pagpresenta at Pagtalakay sa Adyenda

3.1. Pagpaplano para sa pagdiriwang ng Halloween


3.2. Skedyul ng klase
3.3. Balangkas ng programa
3.4. Listahan ng mga magpeperform
3.5. Pagpaplano sa pagdiriwang ng Pasko
3.6. Palamuti sa eskwelahan
3.7. Petsa ng Christmas Party

IV. Karagdagang Impormasyon

V. Pangwakas na Salita

KATITIKANG PULONG

Republika ng PilipinasLalawigan ng CaviteBAYAN NG TANZAYOUTH AND ENVIRONMENT


SOCIETYKATITIKAN NG BUWANANG PULONG NG YOUTH AND ENVIRONMENTSOCIETY NG BAYAN
NG TANZA, CAVITE NA GINANAP SA TANZA NATIONALCOMPREHENSIVE SENIOR HIGH SCHOOL,
BRGY. DAANG AMAYA 2, BAYANNG TANZA, CAVITE NOONG IKA

14 NG HULYO, 2017.

Dumalo:

Bb. Micah Marah Balbin - Pangulo


G. Cesar Iyan Ehuranggo - Pangalawang Pangulo
Bb. Ethel Mae Mangao - Kalihim
Bb. Joyce Crudo - Katulong na Kalihim
Bb. Criselda Guhit Ingat-Yaman
G. Harold Banta – Tagasuri
G. Ace Salazar – Tagapagbalita
G. Jaymart Monton – Tagapamayapa

Ang pagpupulong ay itinayo ni Bb. Micah Marah Balbin, ang pangulo, sa ganap na 6:00 ng hapon.Pinasimulan ito
sa pamamagitan ng pambungad na panalangin na ipinagkaloob ni G. Harold Banta, angtagasuri. Kasunod ng
panalangin ay ang pambungad na pananalita ng pangulo.

At nagpatuloy ang pagpupulong sa pagtatanong ni Bb. Balbin sa mga kasapi ukol sa posibleng proyektona
maaaring isagawa sa paaralan. Nagkaroon ng botohan sa pagitan ng dalawang proyekto; (1) FireExtinguisher
para sa mga silid aralan, (2) Basket para sa paaralan at sa kalikasan. Nanguna bilang may pinakamaraming boto
ang proyektong “Basket para sa Paaralan at sa Kalikasan” na iminungkahi ni G. Jaymart Monton. Ayon sa kanya,
mahalagang matuto ang bawat mag-aaral na magtapon ng basura sa tamang tapunan atmagkaroon ng
pagbubukod ng mga basura.

Ang sumunod na pinag-usapan ay ang lugar na paggaganapan ng proyektong napili. Muling nagkaroonng
botohan sa pagitan ng Tanza National Comprehensive Junior High School at Tanza National
ComprehensiveSenior High School. Naitala bilang may pinakamaraming boto ang Tanza National Comprehensive
Senior High.

You might also like