You are on page 1of 4

Week 4 – Quarter 3

Tuklasin:
Basahin ang bahagi ng panayam sa ibaba. Sagutin ang mga tanong:

1. Ano ang nangyari sa isinagawang panayam?


 Hindi natuloy ang balak sanang pagsasagawa ng panayam dahil nahuling
dumating si Thea at hindi nakarating sa takdang oras.
2. Bakit hindi nagawang makakuha ng tagapanayam ng kinakailangang datos?
 Hindi nagawang makakuha ng tagapanayam ng kinakailangang datos dahil wala
siyang sapat na oras at hindi nakapaghanda para makapagkuha ng
kinakailangang datos sa kadahilanang siya ay huli sa oras na pinag-usapan para
sa isang panayam.

Isagawa: I-sarbey Mo!


1. Bumuo ng 5 katanungan tungkol sa opinyon ng ilang indibidwal pagbubukas
ng klase sa gitna ng Covid 19.
 Sa tingin mo ano ang magandang naidulot ng distance learning ngayong may
pandemya?
 Sa tingin mo ba dapat pa itong mag patuloy?
 Mahirap ba ang ganitong pararan ng pag aaral?
 Sa pagbubukas ng klase sa gitna ng pandemya ikaw ba ay handa sa ganitong
pamamaraan?
 Sa iyong palagay, hindi ba magiging dahilan ang pagdami ng covid cases kapag
nagbukas ang klase sa gitna ng pandemya?
2. Magsagawa ng interbyu sa limang (5) magulang hinggil sa kanilang opinyon
sa pagbubukas ng klase sa kabila ng kinakaharap na pandemya. Maaaring
makipanayam sa kanila sa pamamagitan ng virtual o pakikipanayam gamit ang
telepono o cellular phone.

 Sang-ayon po ba kayo na magkaroon ng face to face classes kahit may


kinakaharappa rin tayo na pandemya?
 Kampante po ba kayo na magiging ligtas ang inyong mga anak kung sakali na
magkaroon na ng face to face classes?
 Sa iyong opinion, kung magkakaroon ng face to face classes sa gitna ng pandemya,
makakaya kaya ito ng mga magulang na nawalan ng trabaho?
 Makasisiguro po ba kayo na sa face-to-face classes ay may social distancing ang
mga estudyante?
 Kung kayo po ang tatanungin, panahon na po ba para muling ibalik ang face to face
classes?
3. Magtala ng apat (4) na sanggunian na maaari mong gamitin upang makakuha
ka ng impormasyon para sa pananaliksik tungkol sa “Epekto ng Pandemya sa
Edukasyon.”
 Aklat/Libro
 Internet
 https://www.researchgate.net/publication/
356786397_Edukasyon_sa_Gitna_ng_Pandemya_Pananaliksik_ukol_sa_Dis
tansyang_Pamamaran_ng_Pagtuturo_ng_Wika_at_Panitikan_sa_Panahon_n
g_Pandemya
 https://www.academia.edu/45008712/
Ang_mga_epekto_ng_pag_aaral_sa_online_na_edukasyon_sa_pagganap_n
g_mga_mag_aaral_dahil_ng_covid_19_pandemic
 https://www.fredd.fr/veyum/epekto-ng-pandemya-sa-mga-mag-aaral-
pananaliksik.html
 https://saedukasyon.blogspot.com/2021/02/pananaliksik-tungkol-sa-
edukasyon-sa.html
 Interview sa magulang sa pamamagitan ng online na pakikipanayam.
 Interview sa estudyante sa pamamagitan ng online na pakikipanayam.

Tuklasin:
Matapos mong mabasa ang tekstong may pamagat na “Ako laking Lungsod ng
Angeles, Pampanga ay masasagot mo ba ang mga katanungan inihanda?

1. Ano-anong kaisipan ang natalakay sa tekstong binasa?


 Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili,pamilya,
komunidad, bansa at daigdig.
2. Maliwanag ba ang pagkakaulat ng bawat kaisipan nais ihatid ng nagpapahayag?
 Oo, dahil nalaman ko na ito ay mga kaisipang nakapaloob sa sarili, pamilya ,
kukunidad, bansa at daigdig
3. Paano kaya maiuugnay ang mga kaisipan hatid ng teksto sa sarili? pamilya?
komunidad? bansa? daigdig?
 Dahil dito natutunan natin ang mga tamang pamantayan o paraan ng pakikipag-
ugnayan sa pamilya, komunidad, bansa maging sa daigdig.
Isagawa:
Sumulat ng tekstong deskriptibong maglalarawan sa ambag mo bilang indibidwal sa
iyong sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig.

1. Sa iyong sarili
 Sa bawat paghakbang ng buhay waring hindi ko makilala ang aking sarili natatakot
akong minsa’y madapa at hindi na muling makaahon sa mga pagsubok na iyon.
Mabuti na lamang at sadyang mabuti ang tadhana sapagkat sa bawat pagkakadapa
ay muli akong nakakaahon at taas noong ipinagmamalaki na nakaya kong lampasan
ang mga suliranin na aking kinaharap sa paglipas ng panahon. Masaya ako na ito
ako pagkat puno ng pagmamahal ang aking nararamdaman sa mga tao na aking
nakakasalamuha at nakikilala sa bawat hakbang ng buhay na ito. Salamat sa aking
sarili sapagkat minsan ay hindi ako nagkamali sa mga desisyon na aking ginawa.
2. Sa iyong pamilya
 Ang pangunahing ambag ko sa aking pamilya ay ang pag aaral nang mabuti dahil sa
pamamagitan nito, masisiguro ko na magkakaroon ako ng magandang kinabukasan
para matulungan ang aking magulang. Natututo rin ako ng mga bagay na
magagamit sa hinaranap. Bukod dito, magiging masaya ang aking pamilya kapag
umunlad ang aming buhay.
3. Sa iyong komunidad
 Ang aming komunidad ay nasa gitna ng kabihasnan. Napakalinis ng komunidad na
aming kinabibilangan. Ang mga tahanan ay halos magkakapareho ng istruktura
ngunit iba’t iba ang pintura ng mga ito. Napakasaya tingnan ng mga ito dahil mukha
itong bahaghari. Masaya ang mga tao na tila ba walang problema. Ang pamilihan ay
napakalaki at kumpleto ng paninda. Dito ay nabibili nila lahat ng kanilang kailangan.
Ang paaralan naman sa aming komunidad ay napakaganda. Mababait ang mga
guro at napakaganda ng mga pasilidad. May hardin at may makukulay na mga
bulaklak. Ang namumuno sa komunidad ay napakahusay. Pinapanatili niya ang
kaayusan ng aming lugar kaya naman napakadalang ng panahon na mayroon kami
ng problema.
4. Sa ating bansa
 Ang kaguluhan lalo na ang pagpatay sa iba't ibang lugar, krimen ay talagang parte
na ng problema dito satin. Pero kamakailan nga ay naihain ni Pang. Duterte ang
mga nagawa nya at pinaplano nyang gawin sa buong taon. Nagdudulot ito ng
pangamba sakin ngunit nagdulot din naman ng pag-asa ang mga nasabi. Balik
tanawin man natin ang nakaraang pamumuno o humakbang man tayo sa
kinabukasan ang tanging magagawa natin ay ipanalangin ang mga namumuno at
maka-isa sa mga programang alam nating makakatulong sa nakakarami.
5. Sa ating mundo
 Nakakalungkot na marami ang di natin na maipaliwanag na nagyayari kagaya ng
mga gulo at giyera, kagutuman at iba pa. Isama pa dito ang globalwarming at
pagkaubos ng yamang likas ng ibat ibang bansa. Maraming abusado at pansariling
pagnanais lamang ang nabubuhay sa mundo natin. Subalit bilang isang simpleng
mamayan ng Pilipinas, naiisin ko parin kumilos at imulat ang aking mata sa mga
magagandang karanasan ko at maibahagi ito lalo na sa mga kabataan na naliligaw
ng landas.

You might also like