You are on page 1of 8

5

Activity Sheets sa
Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Quarter 2 – MELC (EsP5P – IId-e – 25)
Opinyon Mo, Igagalang Ko!

REGION VI – WESTERN VISAYAS

REGION VI – WESTERN VISAYAS


Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Learning Activity Sheet (LAS)
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.”

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 5 Learning Activity Sheet (LAS) na ito


ay inilimbag upang magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 6.- Kanlurang Visayas,

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang


porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang
Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet


Edukasyon sa Pagpapakatao 5

Writer: Charito C. Dajao


Editor: Josephine S. Tero
Quality Assurance: Gualberto A. Dajao

Division of Bacolod City Management Team:


Gladys Amylaine D. Sales
Michell L. Acoyong
Janalyn B. Navarro
Ellen G. De La Cruz
Gualberto A. Dajao

Regional Management Team:


Ma. Gemma M. Ledesma
Josilyn S. Solana
Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Miriam T. Lima
Pambungad na Mensahe
Pambungad na Mensahe

MABUHAY!
Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 5 Learning Activity Sheet (LAS) na ito
ay nabuo sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng Division of Bacolod
City sa pakikipagtulungan ng Kagawaran gn Edukasyon, Region 6 – Kanlurang
Visayas sa sa pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning Management and
Development (CLMD). Inihanda ito upang maging gabay ng learning facilitator, na
matulungan ang ating mga mag-aaral na makamtan ang mga inaasahang
kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.
Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na
mapagtagumpayan nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa
kani-kanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang
buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-
alang ang kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 5 Learning Activity Sheet (LAS) na ito


ay binuo upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa
larangan ng edukasyon, na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa
kani-kanilang mga tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa kanilang
komunidad.
Bilang mga learning facilitator, siguraduhing maging malinaw ang mga
panuto sa mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating
masubaybayan ang pag-unlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 5 Learning Activity Sheet (na ito ay


binuo upang matulungan ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka
ngayon sa iyong paaralan. Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng
makahulugan at makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain
nang mabuti ang mga panuto ng bawat gawain.
Quarter 2, Week 4

Learning Activity Sheets (LAS) Blg. 4

Pangalan ng Mag-aaral:______________________ Grado at Seksiyon:__________


Petsa: ______________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO 5

Opinyon Mo, Igagalang Ko!

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nakabubuo at nakapagpapahayag nang may paggalang sa anumang
ideya/ opinion (EsP5P – IId-e – 25)

II. Panimula

Isa sa mga ipinagkaloob sa atin ng Panginoon ay ang malayang makapag-


isip lalo na ng mga bagay na makakabuti sa sangkatauhan. May kalayaan
din tayong magpapahayag ng ating mga opinyon o ideya batay sa ating
paniniwalang tama at makabuluhan ang mga ito. Subalit kailangan nating
tandaan na ano mang ideya/ opinyon ng iba ay dapat din nating isaalang–
alang at igalang upang hindi magbunga ng ano mang di-pagkauunwaan.
“Respeto” ang dapat itanim sa ating puso at damdamin upang
mapakingggan natin ang ideya/ opinyon ng kapwa natin.
Ang totoo walang kahit isang tao ang may alam ng lahat ng bagay dito sa
mundo. Ang bawat isa ay may nalalaman batay sa kanyang karanasan at
kakayahan na mag-aral ng mga bagay-bagay. Kaya wala tayong
karapatan na sabihing sarili mo lang ang tama sa lahat ng panahon.
Kahit na may kakulangan ang opinyon o ideya ng iba at kahit ano pa ang
kanyang katayuan o propesyon sa buhay ay dapat siyang pakinggan o
irerespeto. Ito ang batayang pag-uugali na magdadala sa bawat-isa ng
dagdag na kaalaman gayon din ng kapayapaan at pag-unlad ng ating
lipunan.
Sa mga batang tulad mo, may maraming ideya tayong maririnig galing sa
mga matatanda o sa kapwa bata. Dapat sa mura mong edad matutunan
mo na makinig at magrespeto sa opinyon, ideya o paniniwala ng iba. Ang
sariling nating opinyon ay hindi pinipilit sa iba. Nasa ating pamamaraan na
kombisihin ang iba na maniwala sa kawastuhan ng ating ideya.
Marahil hindi lahat ng opinyon ay maari mong paniniwalaan o hahayaang
manatili na mali dahil sa iginagalang mo ang iba. Maaring hindi mo
paniniwalaan kung ito ay mali at maari mo ring tuturuan ng tama kung may
mali.

III. Mga Sanggunian

DepEd MELCs 2020

IV. Mga Gawain

1. Panuto: Basahing mabuti ang mga pinapagawa sa bawat pagsasanay


sa ibaba.

2. Pagsasanay

Unang araw

Pag-aanalisa ng Mga Pangungusap: Ayon sa mga sitwasyon sa ibaba,


pag-isipan ng mabuti ang sumusunod. Kung ang pangungusap ay
nagpapakita ng mabuting pamamaraan ng paggalang sa ideya/
opinyon ng ibang tao sasagutin ng tsek (/) at ekis (X) kung hindi. Ilagay
sa patlang ang mga sagot.

1. Sa pagbukas ng klase ngayong Oktobre, iba’t-iba ang opinyon


tungkol sa kung papaano gaganapin ang klasihan ngayong taon.
May mga magulang na nagsasabing hindi dapat ituloy ang pasukan
ngayong taon dahil mapanganib ang COVID 19, subalit may mga
gumigiit naman na ituloy ang pasukan. Naging mainit ang debate sa
“social media” hanggang sa nagkaroon ng palitan ng panglalait sa
isat –isa. ______

2. Isang araw, nakita mo si titser kasama sa rally ng mga guro na


nanawagan sa pamahalaan na itaas ang kanilang sweldo. Parang
hindi mo pa ito maunawaan ngunit humingi ka ng paliwanag sa
titser mo.______

3. Ayaw na ayaw ng kaklase mo sa patakaran ng inyong paaralan na


ipinagbawal ang pagtitinda sa canteen ng mga produktong
nagdadala ng basurang plastic. Paborito nya kasi na bilhin ang mga
candies at junk foods na nababalot sa plastic. Gusto mo sana
siyang kokontrahin ngunit sa halip ipinaliwanag mo na lang sa
kanya ang masamang epekto ng plastic sa kapaligiran. _______
4. Isang araw naging paksa sa inyong klase sa Edukasyon sa
Pagpapakatao ang tungkol sa pagiging masipag. Nagkaroon ng
debate sa loob ng klase kung totoo ba na ang katamaran ay ang
sanhi ng kahirapan. Isang kaklase mo ang naninidigan na hindi lang
ang katamaran ang tanging dahilan ng kahirapan dahil marami
namang mga magulang na hindi tamad at nagtatrabaho ngunit
mahirap pa rin. May marami pang dahilan ang kahirapan, ayon sa
kanya. Para sa iyo tama naman ang kaklase mo kaya nagpahayag
ka ng pagsasang-ayon sa kanya. ________

5. Naging palsa nyo sa Araling Panlipunan ang tungkol sa ating


pambansang bayani. Mainit ang debate ng mga kakalse mo kung
sino ang karapat-dapat ng kilalaning pambansang bayani, si Rizal
ba o si Bonifacio. Umuwi sa pang-iinsulto at pagsisigaw ang
debate. _________

Ikalawang araw:

Gawin ang Tama. Sagutin ng tama o mali ang bawat pangungusap.


Kung mali, ibigay ang tamang sagot.

1. Ayaw ni Nilo na sumang-ayon sa matandang magsasaka nang


sabihing ang mga nabubulok na mga basurang galing sa mga
halaman ay mabisang pataba. Ayon kay Nilo, hindi naman
nakapag-aral ng agriculture ang matanda at bakit maniniwala
naman ako sa kanya?

2. Sinabi ng pastor ng isang relihiyon na sila lang daw ang mailigtas


dahil sila lang may wastong paniniwala kay Hesus.

3. Hindi kayo nakakasiguro kung tama ba o mali ang sinasabi ng


iyong kaklase na kung hindi ka nakasuot ng face mask ay tatamaan
ka ng virus ngunit iginigiit mo pa na hindi kayo mahahawa kahit
hindi magsuot ng face mask dahil malusog ang iyong
pangangatawan. Halos malapit na kayong magsisigawan.

4. Nanunuod kayo ng kaibigan mo ng larong basketball sa TV.


Magkalaban ngayon ang inyong paboritong team. Habang
naglalaro ang inyong paboritong team, nagtatalo kayo kung sino sa
kanila ang pinakamagaling. Noong natalo ang isang team
pagkatapos ng laro, nananatili pa rin kayong matalik na
magkaibigan.

5. Hindi naniniwala ang isa mong kaibigan na bumabalik ang kaluluwa


ng mga namatay tuwing “All Soul’s Day” kaya hindi sya naglalagay
ng bulaklak at kandila sa sementeryo. Iba naman ang paniniwala
mo. Hindi naman ito nakakaapekto sa inyong pagiging
magkaibigan.
Mga Batayang Tanong:

1. Bilang bata, ano sa palagay mo ang mga mabuting maidudulot ng


paggalang sa opinyon ng iyong kapwa? Ipaliwanag
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________

2. Sa totoong buhay, nagawa mo na ba ang magpapakita ng


paggalang sa opinyon ng iyong kapwa? Ano naman ang
pakiramdam matapos mo ito gawin? Ipaliwanag.
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________

3. Ano sa palagay mo ang iba pang paraan upang maipakita mo ang


paggalang sa opinyon ng iyong kapwa? Ipaliwanag.
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

V. Repleksiyon

a. Ano ang mga leksyon sa buhay ang natutunan mo mula sa ating araling
“Opinyon mo, Igagalang Ko”?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

b. Ano ang gagawin mo para maisasabuhay mo ang iyong mga natutunang


aral ngayong paksa?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

c. Ano ang iyong mga iminumungkahi na gawin upang mapaunlad mo ang


iyong pag-aaral sa susunod na paksa?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
VI. Susi sa Pagwawasto

Unang Araw:

1. X
2. /
3. /
4. /
5. X

Pangalawang Araw:

1. Mali
2. Mali
3. Mali
4. Tama
5. Tama
/

You might also like