You are on page 1of 10

8

Gawaing Pampagkatuto sa Filipino


Kuwarter 2– MELC 2
Pagbuo ng mga Makabuluhang
Tanong Batay sa Napakinggang
Palitan ng Katuwiran

REGION VI-KANLURANG VISAYAS

i
Filipino 8

Learning Activity Sheet (LAS) Blg. 2


Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan
ng pamahalaanna naghanda ng gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.”

Ang Filipino 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag upang magamit
ng mga Paaralan sa Rehiyon 6.- Kanlurang Visayas.

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang


porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 –
Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet - Filipino 8

Manunulat: Lilibeth D. Meliton


Editor: Catherine D. Diaz
Tagasuri: Gemma B.
Obsiana Tagaguhit:
Lilibeth D. Meliton
Tagalapat: Lilibeth D. Meliton

Division of Capiz Management Team:


Dr. Salvador O. Ochavo,CESO
V Dr. Segundina F. Dollete
Shirley A. De Juan
Dr.Merlie J. Rubio

Regional Management Team:


Ma. Gemma M.
Ledesma Dr. Josilyn S.
Solana Dr. Elena P.
Gonzaga Mr. Donald T.
Genine
Celestino S. Dalumpines IV

i
MABUHAY!

Ang Filipino 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay nabuo sa pamamagitan ng


sama-samang pagtutulungan ng Sangay ng Capiz sa pakikipagtulungan ng
Kagawaran gn Edukasyon, Region 6 – Kanlurang Visayas sa sa pakikipag-ugnayan
ng Curriculum and Learning Division (CLMD). Inihanda ito upang maging gabay ng
learning facilitator, na matulungan ang ating mga mag-aaral na makamtan ang
mga inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na mapagtagumpayan


nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-kanilang
akayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang buo at ganap
na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-alang ang
kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:


Ang Filipino 8 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang matugunan
ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng edukasyon, na patuloy
ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan
mang bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.

Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto
samga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan
ang pag- unlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:


Ang Filipino 8 Learning Activity Sheet na ito ay binuo upang matulungan ka, na
mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa iyong paaralan.

Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at


makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang
mga panuto ng bawat gawain.
Kuwarter 2, Linggo 1

Learning Activity Sheets (LAS) Blg.2

Pangalan ng Mag-aaral: Grado at Seksiyon:


Petsa: _

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 8


Pagbuo ng Makabuluhang Tanong Batay sa Napakinggang Palitan ng Katuwiran

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nabubuo ang mga makabuluhang tanong batay sa napakinggang palitan
ng katuwiran F8PN-IIc-d-24

II. Panimula:
Ikinagagalak kong makasama kang muli sa pagkakataong ito. Batid
kong marami kang natutuhan noong mga nakaraang aralin. Ngunit,
alam ko ring mas lalo ka pang masisiyahan sa mga bagong kaalamang
iyong matatamo habang patuloy nating binabagtas ang landas patungo
sa mundo ng karunungan.
Sa pamamagitan ng inilaang mga gawain sa bawat bahagi ay
mararagdagan ang iyong kaalaman tungkol sa paksa at mas lalong
masusubok ang iyong pagkamalikhain sa pagbubuo ng mga
makabuluhang tanong batay sa napakinggang palitan ng katuwiran.
Sa kabilang dako, ang pagpapalitan ng katuwiran ay mahalaga upang
mabigyang laya ang bawat panig na marinig ang paniniwala, prinsipyo o
paninindigan.

III. Mga Sanggunian


MELCs 2020 – pahina 32
Mga Sariling Katha
Meliton, Lilibeth D. (2020). Sa Panahon ng Pandemya
Hindi nailathalang bahagi ng diyalogo
Meliton, Lilibeth D. (2020). Aling Wika ang mas Kapaki-
pakinabang sa Pananaliksik
Filipino Ba o English?
Hindi nailathalang Balagtasan
IV. Mga Gawain:
Gawain 1
Panuto: Subukin muna natin ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa
pagbuo ng mahalagang tanong. Maglaro tayo ng Tanong KO, Sagot MO,
Sagot KO, Tanong MO. Lagyan ng angkop na sagot ang bakanteng
espasyo sa talahanayan pagkatapos marining ang maikling sagutang
kasunod. Gayahin ang pormat sa sagutang papel.

 Gabay ng magulang/tagapaggabay:
Magpatulong sa kasama sa bahay upang basahin at
iparinig sa mag-aaral ang sagutan sa ibaba.
 Gawain ng mag-aaral:
Makinig nang mabuti habang binabasa ng dalawang
kasama sa bahay ang sagutan upang masagot ang mga
makabuluhang tanong tungkol sa iyong napakinggan. Ihanda

1
ang papel at bolpen upang maitala ang posibleng sagot sa mga
katanungan.

Sa isang purok sa bayan ng Panitan, lalawigan ng Capiz ay may


matalik na magkaibigang sina Gemma at Cathy: Isang araw, dali-daling
pumasok sa bahay si Gemma sapagkat may paparating na tauhan ng
Department of Health (DOH).
Sa Panahon ng Pandemya

Cathy : Sa pakiwari ko’y kaya ka pumasok,


Dahil face mask mo ay di mo suot-
suot; Sinabi ko naman sa iyo noon pa,
Pero palagi mong binabalewala.

Gemma:Tumahimik ka’t baka marinig nila,


Face mask ko ay nakalimutan kanina;
Sapagkat ako ay nagmamadali na,
Inutusan na bumili ng paminta.
Sariling katha: Lilibeth D. Meliton

TANONG KO SAGOT MO
Ikaw, bilang isang mag-aaral, paano
mo maipaliliwanag kong sakaling
mahuli ka ng taga – DOH na hindi
nakasuot ng face mask?
TANONG MO SAGOT KO
Hindi masama ang agarang
pagsunod sa utos, subalit bago
sumunod, isiping mabuti kung
ano ang nararapat gawin upang
maiwasan ang kapahamakan.

Gawain 2
Ngayon, tunghayan natin ang isang paraan ng pagpapahayag ng
katuwiran.
 Gabay ng magulang/tagapaggabay:
Magpatulong sa dalawa pang kasama sa bahay upang basahin
at iparinig sa mag-aaral ang sagutan sa ibaba.

 Gawain ng mag-aaral:
Makinig nang mabuti habang binabasa ng tatlong kasama sa
bahay ang sagutan upang masagot ang mga makabuluhang
tanong tungkol sa iyong napakinggan. Ihanda ang papel at
bolpen upang maitala ang posibleng sagot sa mga katanungan.
Aling Wika ang mas Kapaki-pakinabang sa Pananaliksik,
Filipino Ba o English?
Sariling Katha: Lilibeth D. Meliton

Lakandiwa: Kuha sa LDDNHS ni Lilibeth D. Meliton

Balagtasan ngayo’y aming itatanghal,


Para sa mahal na mga kamag-aral;
Sa mataas na paaralang nasyonal,
Ang pagpapahalaga, sa wikang mahal.

Mula sa ikalabing - isang baitang,


Maririnig n’yo mga panig na hirang;
Magkaibang prinsipyo’t paninindigan,
Kaisipa’y ipahayag at bigyang daan.

Mula sa silangan, inaanyayahan,


Pumarito na’t, ihayag ang isipan;
Ngunit bago simulan ‘tong talaktakan,
Halika na’t, paghandaan ang kalaban.

Mga palad ngayo’y ating pagdaupin,


Malakas na palakpak, ay salubungin;
Hiling ko sana’y kapwa pag-ibayuhin,
Ang pangangat’wirang taos sa saloobin.

Alin ang lalong kapakipakinabang?


Filipino o English ang dapat asahan?
Sa sagutang ito, ang makikinabang,
Ay lahat na hangad ay maliwanagan.

Wikang Filipino, buksan iyong kaban,


Itong wikang Filipino ng sambayan;
Wika ng saliksik, dala’y kaalaman,
Hindi lang bansa maging sa sanlibutan.

Filipino
Pagbigay galang mahal na lakandiwa,
Kalakip na ang hinihirang kong madla;
Itong abang lingkod, ay ‘yong kababata,
Makabayan sa isip puso at diwa

Filipino, itong wika ng saliksik


Nais patunayang sa talino’y hitik
Di tulad ng English, utak walang laman
Maaaninag kung maiging pakinggan.
Para sa kaalaman nitong paaralan,
Mga salita, buhat sa lalawigan;
Wikang Filipino ang pinagbatayan,
Bokabularyong sumulpot kahit saan.

Lalawiganin, pampanitikan, balbal,


Pampamahalaan, o maging koloyal
Ginagamit kahit mga taong sosyal;
Hindi katulad mong ayaw lang tanggapin,
Filipino lang ang may silbi sa atin.

Katalo, tanggapin ang katotohanan,


Batid kong, ikaw ay walang ilalaban;
Kung ako sa ‘yo, huwag mo nang simulan,
English Alam kong ikaw ay aatras din naman.

Kawawa ka naman, mahal kong katalo,


Kasisimula ay nag-aalburuto;
Nakararamdam ako ng awa sa ‘yo,
Kasi wikang Filipino lang alam mo.

Mata’y idilat, imulat ang isipan,


Wikang gamit mo, English pinag-ugatan
Pangalan mong Rezza, English pinagmulan,
Kung Filipino, pangalan mo ay Esang.

Hahaha! Bakit ka nanggagalaiti,


Di pa naririnig aking masasabi;
May wikang English na walang panghalili,
Wikang Filipino gaya mong ‘lang silbi.

Trapezoid, diode, x-ray at washing machine,


Sige nga’t isalin mo’t aking susundin;
Lakandiwa: Ngayon, natamimi dahil walang ma say,
Di ba, payatot ka’t di tulad kong sexy.

Opps! Dahan-dahan lamang mga kaklase,


Paalala’y pakikisamang mabuti,
Igawad sa isa’t isa nang maayos,
Ang huntahang ito’y di padalus-dalos.

Ipagpatuloy sundin ang paalala,


Nang maunawang mabuti nitong madla;
Sikaping maihayag nang mahinahon,
Filipino: Ang katuwiran ninyo at mga tugon

Lakandiwang mahal, panig ko’y pakinggan,


Wikang Filipino, tanging kayamanan;
Pananaliksik, pagtuklas ng kaalaman,
Pakikinabangan ng ‘sang sambayanan.
Pinoy ka, at ako tayo’y Filipino,
Kilala at hinahangaan ng mundo;
Bakit ka nagsusumiksik d’yan sa English mo?
Banyaga’y hangad galing ng Pilipino.

Ikutin natin ang buong sansinukob,


May bagani sa diwa at niloloob;
Natatanging dunong sa isipa’y tangan,
English: Makapagpapayabong ng kaisipan.

Na amnesia ba, mahal na kaibigan?


O utak mo’y naiwan sa basurahan?
Sana’y hindi sa di-nabubulok naman,
May pagkakataon kang i recycle ‘yan.

English, lamang ang wika nitong saliksik,


Sagot sa pangarap na isipang hitik;
Hindi Filipinong sinusuportahan mo,
Filipino Talasalitaan nito, limitado.

Talasalitaa’y hitik ang wika ko,


Hindi mo natalos at kinabisado!

English:
Kabisado ko ‘yan, ako’y edukado,
Matalino, ito hindi katulad mo.
Filipino:
Mas, mautak ako! Hindi katulad mo!
English:
Lalong dalubhasa ako ‘yan ang piho!
Lakandiwa:
Tama na! sapat na ang kaalaman,
Upang kayong dalawa’y mahuhusgahan;
Mga katuwira’y narinig ng bayan,
Itong paghatol sa inyo’y ilalaan.

Filipino: wika naman ng saliksik


Sa English, karununga’y hitk na hitik
Sa pagtuklas nitong bagong kaalaman,
Na makahuhubog ng ating isipan.

Hali nga kayo at lumapit sa akin,


Kapuwa mahuhusay at magagaling;
Kaya ngayon ang aking ihahabilin,
Pareho kayong panalo’t bida sa ‘kin.
Dapat nating maalaman na…
kapag gumawa tayo ng mga tanong, sikaping tukuyin kung
anong uri ng sagot ang makukuha rito. May mga tanong na humihingi
ng partikular na sagot—sagot na talagang tugma sa itinanong.
Sa pagtatanong, kinakailangang mabuo ito sa paraang pag-
iisipang mabuti ang isasagot, sapagkat nakahihikayat ito ng talakayan
at malayang pagpapalitan ng opinyon tungkol sa paksang pinag-
uusapan.
Halimbawa:
Alin sa mga katuwirang inyong narinig ang higit na naghatid
ng pagbabago sa iyong paniniwala bilang tagapagpakinig?
 Ito ang uri ng tanong ang nagpapa-isip at nagpapadama
kumpara sa mga tanong na kailangan lang alalahanin
ang isang bagay o maglahad ng impormasyon. Mahalaga
namang alalahanin ang impormasyon sa ilang
pagkakataon o sitwasyon.
 Maraming paraan na masasabi ang mga dapat
alalahanin, tulad ng:
 “Ano ang naalala ninyo tungkol sa elemento ng
tula?” (karaniwan)
 “Naaalala ninyo na pinag-usapan natin noong
nakaraan ang elemento ng tula at kung paano nga
ba nakatutulong upang maging kawili-wili ang
pag- aaral nito?” (makabuluhan)
Tandaan:
Ang pagbuo ng makabuluhang tanong ay mahalaga upang
makamit ang pinakatama at pinakamagandang sagot batay sa binasa,
napanood o napakinggan man.

Panuto: Bumuo ng dalawang makabuluhang tanong batay sa napakinggang


sagutan, maaring gawing gabay ang mga tanong sa Pagsasanay 1. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.
Rubrik sa Pagmamarka: (Bibigyan ng tig 10 puntos ang bawat tanong)

Pamantayan Puntos
1. Nilalaman (nakabatay sa paksa) 3
2. Gramatika (wastong gamit ng salita;bantas) 3
3. Organisasyon (tamang pagkakahanay ng kaisipan) 3
4. Kaayusan (tamang anyo o porma ng pangungusap) 1
KABUOAN 10

V- Repleksiyon:

Panuto: Isulat sa anyong patalata ang mahalagang repleksiyong nakuha mo


mula sa aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod na tanong. Isulat sa
iyong sagutang papel.

Ano-ano ang iyong natuklasan?


Gawain 1
Repleksiyon:
Posibleng sagot:
Iba-iba ang sagot ng mga bata.
Sagot MO
Gawain 2 Hihingi ako ng paumanhin
at tatalima sa
Mga posibleng tanong
kaparusahang kaakibat sa
1. Alin sa dalawang wika ang higit na kapaki- pagsuway nito.
pakinabang sa pananaliksik?
Tanong KO
2. Gaano kahalaga ang pagpapahayag ng
Kailangan bang sundin
paninindigan at paniniwala batay sa paksang
nang agaran ang iniuutos
pinapanigan sa paglalahad ng katuwiran?
sa inyo kahit
Bibigyan ng marka ang mga mag-aaral batay sa inihandang ikapapahamak mo?
rubrik Ipaliwanag

You might also like