You are on page 1of 5

Mala-Masusing Banghay Aralin sa Filipino

Baitang VIII

I. Layunin: Sa loob ng itinakdang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. malaman ang wastong paggamit ng mga bantas; at
b. nakapagpupuno ng angkop na tamang bantas sa pangungusap.

II. Paksang Aralin: Mga Bantas


Sanggunian: Pluma 8
Kagamitan: Cartolina, felt-tip pen, scotch tape, gunting

III. Pamamaraan

Balik-aral

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

Magandang hapon klas! Magandang hapon rin po mam!

Paglalahad

Mga Bantas

1. Gamit ng Tuldok (Period) - Ang tuldok ay ginagamit sa katapusan ng pangungusap na paturol


at pautos.
 Mag-aral kayong mabuti.
 Ang daigdig ay isang tanghalan.
 Ngunit kung ang pangungusap ay nagtatapos sa mga pinaikling salita hindi na dinadalawa
ang tuldok.
a. Aalis ako sa ganap na ika-7:00 n.g.
b. Si Jay ay nag-aaral sa P.S.H.S.

Ang tuldok ay ginagamit sa mga salitang dinaglat gaya ng ngalan ng tao, titulo o ranggo, pook,
sangay ng pamahalaan, kapisanan, buawan, orasan, bansa at iba pa.
 Si Gng. Santos ay hindi na nagtuturo.
 Si Juan K. Duran, Jr. ang ating panauhing pandangal.

Ang tuldok ay ginagamit pagkatapos ng mga tambilang at titik sa bawat hati ng isang balangkas
o ng talaan.
I. II.
A. A.
B. B.
1. a.
2. b.
* Ngunit hindi tinutuldikan ang mga tambilang at titik kapag kinukulong ng panaklong.
(a) (b) (1) (10)

Ang tuldok ay ginagamit sa di-tuwirang pagtatanong.


 Itinatanong niya kung ako ay sasama sa Robinson.
 Itinatanong niya kung aalis ka na.

2. Gamit ng Kuwit (Comma) - Ginagamit upang ihiwalay sa pangungusap ang salitang ginagamit
na palagyong panawag.
 Nene, ano ang ginagawa mo?
 Ganito, Pedro, angpagsulat nang tama.
 Ginagamit pagakatapos ng bating panimula ng liham pangkaibigan o pansarili.
 Mahal kong ina,
 Pinakamamahal kong kaibigan,

Ginagamit pagakatpos ng bating pangwakas ng liham.


 Ang iyong kaibigan,
 Lubos na gumagalang,
 Ginagamit sa paghihiwalay ngmga salita, mga parirala at mga signay na sunud-sunod.
 Nanguha ako ng bayabas, mangga, at santol.
 Si Nanay ay nagluto, si Ate ay naglaba at si Kuya ay nagsibak ng kahoy.

Ginagamit sa paghihiwalay ng mga bilang sa petsa, o pamuhatan ng liham.


 Ipinadala ko ang iyong aklat kay G. Pedro Santos, 756 Lepanto, Sampalok.
 Ang ate ko ay ipinanganak noong Disyembre 8, 2994 sa Sta. Cruz Manila.
 Ginagamit sa paghihiwalay ng sinasabi ng nagsasalita sa ibang bahagi ng pangungusap.
 “Mag-aral kang mabuti,” ang sabi ng ina.
 “Ikaw,” sabi ng ama, ”ay huwag gagala kung gabi.”

Ginagamit sa paghihiwalay ng di-makabuluhang parirala at sugnay sa mga pangungusap.


 Si Nita, na aking kapatid, ay mananahi.
 Si G. Lope K. Santos, ang Ama ng Balarila, ay siyang sumulat ng Banaag at Sikat.

Ginagamit pagkatapos ng Oo o Hindi at mga salitang may himig pagdamdam at kung siyang
simula ng pangungusap.
 Oo, pupunta ako sa inyo
 Hindi, kailangan siyang magpahinga.

3. Gamit ng Gitling - sa pag-ulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat


 araw-araw
 dala-dalawa
 masayang-masaya
 isa-isa
 sari-sarili
 apat-apat
 kabi-kabila

Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa patinig na
kapag hindi ginigitlingan ay magkakaroon ng ibang kahulugan
 mag-alis
 pang-ako
 may-ari
 nag-isa
 mang-uto
 tag-init
 nag-ulat
 pag-alis
 pag-asa

Kapag may katagang kinaltas sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama


 pamatay ng insekto - pamatay-insekto
 kahoy sa gubat - kahoy-gubat
 humigit at kumulang - humigit-kumulang
 lakad at takbo - lakad-takbo
 bahay na aliwan - bahay-aliwan
 dalagang tagabukid - dalagang-bukid

Subalit, kung sa pagsasama ng dalawang salita ay magbago ang kahulugan, hindi na gagamitan
ng gitling ang pagitan nito
 dalagambukid (isda) balatsibuyas

Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, brand o tatak ng isang bagay o kagamitan,
sagisag o simbulo. Ang tanging ngalan ay walang pagbabago sa ispeling.
 maka-Diyos
 mag-PAL
 mag-Japan
 maka-Rizal
 maka-Johnson
 taga-Tubod
 maka-Pisay
 mag-Sprite
 mag-Ford
 pa-Iligan
 mag-GMA
 taga-Cagayan

Sa pag-uulit ng unang pantig ng tanging ngalang may unlapi, ang gitling ay nalilipat sa pagitan
ng inulit na unang pantig ng tanging ngalan at ng buong tanging ngalan.
 mag-Johnson - magjo-Johnson
 mag-Corono - magco-Corona
 mag-Ford - magfo-Ford
 mag-Japan - magja-Japan

Kapag ang panlaping ika- ay iniunlapi sa numero o pamilang


 ika-3 n.h.
 ika-20 pahina
 ika-9 na buwan
 ika-10 ng umaga
 ika-3 rebisyon
 ika-12 kabanata

Kapag isinulat nang patitik ang mga yunit ng fraction


 isang-kapat (1/4)
 tatlong-kanim (3/6)
 lima’t dalawang-kalima (5 2/3)

Kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng babae at ng kanyang bana 0 asawa


 Gloria Macapagal-Arroyo
 Perlita Orosa-Banzon

Kapag hinati ang isang salita sa dulo ng isang linya


 Patuloy na nililinang at pinalalawak ang pag-gamit ng Filipino.

4. Gamit ng Kudlit (‘)- ginagamit bilang kapalit o kung kumakatawan sa letra o sa mga letrang
nawawala kapag ang pang-ugnay o pananda sa pagitan ng dalawang salita ay ikinakabit sa unang
salita
 tuwa at hapis - tuwa’t hapis
 kaliwa at kanan - kaliwa’t kanan
 tayo ay aalis - tayo’y aalis
 tahanan ay maligaya - tahana’y maligaya

5. Gamit ng Panipi (Quotation Mark) - Ginagamit ang panipi upang ipakita ang buong sinasabi
ng isang nagsasalita.
 ‘Ang ganda ng sanggol,” ang sabi ng manggagamot.
 Anang kapitana, “Magtulungan tayo sa pagpapatupad ng kalinisan sa paligid.”

Ginagamit sa pagkulong ng mga salitang banyaga
Ginagamit upang mabigyang-diin ang pamagat ng isang pahayagan, magasin, aklat o iba’t ibang
akda.
Pag-angkop ng Bantas sa Pangungusap

Ipinagmamalaki kong Magiging Guro Ako

"Kuya Daniel_ anong kurso ang kukunin mo sa kolehiyo_" ang tanong ng sampung taong
gulang na si Eunice.

"Accounting_ " ang sagot ni Daniel.

"Wow_ang galing mo siguro sa matematika_Kuya Daniel_ Ano naman ang kursong


kukunin mo_Kuya Nestor_" ang tanong naman ni Ronnel sa isa pang pinsan na katulad ni Daniel
ay nagtapos ng hayskul noong Marso.

"Magiging titser ako," Ang may pagmamalaking sagot ni Nestor.

"Akala ko ba gusto mong maging inhenyero_" ang pagtataka ni Daniel.

"Naisip kong mas gusto ko pa lang magturo. Alam mo ba_Daniel_na iskolar ako.Kaya
nga hindi na mamumroblema sina Inay at Itay sa pagpapaaral sa akin_ " pagbibida ni Nestor.

"Wow_ang galing mo rin_Kuya Nestor_ " sigaw ni Kitkat.

"Talaga_Nestor_Paano_Saan ka nag-aplay_" ang sunod-sunod na tanong ni Daniel.

Bilang sagot_sinabi ni Nestor"Isa akong iskolar sa ilalim ng 1,000 Teachers Program.


Ipinatutupad ito ng Philippine Business for Education(PBEd)_isang organisasyon ng mga lider
sa negosyo na nagtataguyod ng mga reporma sa edukasyon. At bilang ganti_sa oras na ako ay
makatapos at maging isang ganap ng guro_iaalay ko ang aking paglilingkod sa ating Inang
Bayan at hindi ko hahayaang maging biktima rin ako ng "brain drain" sa ating bansa_"

"Hinahangaan talaga kita Kuya Nestor.Ako man pipilitin kong mapaglingkuran ang ating
bayan paglaki ko_" ang natutuwang tugon ni Eunice.

IV. Kasunduan

Panuto: Magsaliksik tungkol sa tanyag na kompositor na si Noel Cabangon. Alamin


ang kanyang buhay at mga komposisyong kanyang nagawa.

You might also like