You are on page 1of 5

Masusing Banghay Aralin sa Filipino

Baitang VIII

I. Layunin: Sa loob ng itinakdang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. nasasagot ang mga gabay na tanong mula sa pahayag;
b. nalaman ang ibat-ibang ekspresyong ginagamit sa pagpapahayag ng konsepto ng
pananaw; at
c. nakasusulat ng isang sanaysay tungkol sa isang napapanahong isyu.

II. Paksang Aralin: Pagbasa ng Teksto


III. Lunsaran: : Kwentuhang Media (Posted by Online Balita on June 2nd, 2012)
IV. Sanggunian: Panitikang Pilipino 8
Kagamitan: Cartolina, felt-tip pen, scotch tape, gunting

V. Pamamaraan

Balik-aral

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

Magandang hapon, klas! Magandang hapon rin po, titser!

Ano ang tinalakay ninyo noong nakaraang


tagpo? Tungkol po sa Panayam

Okay. Ngayong araw na ito, may bago tayong


tatalakayin. Pero bago iyan, magkaroon muna
tayo ng aktibiti. Gusto nyo bang mag aktibiti,
klas? Opo, titser!

A. Aktibiti 1: Charades

Bago natin simulant ang aktibiti, magbilang


muna kayo ng isa-dalwa upang malaman natin
kung sinu-sino ang mapabibilang sa unang
pangkat at sa ikalawang pangkat.

Ngayon, pumili ng isang represenate na


gagawa ng laro. Simple lamang ang aktibiti.
Mayroon akong mga salita ditto sa bowl. Ang
maglalaro ay kailangan bumunot ng isang
salita at ikilos niya ang salita na kanyang
nakuha at kailangang mahulaan ito ng mga
kagrupo. Bibigyan lamang ng tig-dadalawang
minute ang bawat grupo. Kung sino ang
makakakuha ng maraming tamang sagot,
siyang panalo! Maaaring mag pass ang grupo
pero ibabawas ang puntos sa bawat pag-pass.
Naintindihan ba, klas? Opo, titser!

Magaling! Simulan na natin!


Pamantayan

Bago magbasa, ano ang gagawin ng isang


mabuting mag-aaral? Basahin at unawain po nang mabuti ang
binabasa.

Ano pa? Huwag po makipag-usap sa katabi.

Mabuti naman kung ganun. Aasahan ko iyan sa


inyo.

Bago Bumasa

Gabay na Tanong:

1. Tungkol saan ang inyong napakinggan?


2. Paano nagging malinaw at kapanipaniwala ang pahayag?
3. Paano magiging makabuluhan ang inyong komentaryo?

Habang nagbabasa

a. Paglalahad ng pamagat ng pahayag

KUWENTUHANG MEDIA
Posted by Online Balita on Jun 2nd, 2012

Nakatutuwang makakuwentuhan ang mga kasapi at pinuno ng media sa okasyon ng kaarawan


ng magaling na coordinator na si Liza Carreon sa isang forum na kung tawagin ay Tuesday Club sa Pasig
City. Magagaling, matatalas at analitikal ang kanilang mga pananaw sa halos lahat ng isyu o pangyayari
sa ating bansa, gaya ng mga usapin ng Panatag Shoal, at ni CJ Renato Corona.

Kabilang sa media people na nakausap ko at nakapalitan ng kuro-kuro ay sina Manila Bulletin


Editor-in-Chief Cris “Jun” Icban; Butch Raquel, GMA Vice President for Communications; BizNews Asia
Magazine Editor-in-Chief Tony Lopez, Tony Katigbak (Chairman ng Tuesday Club); Bong Osorio ng ABS-
CBN, ex-MMDA Chairman Bayani Fernando at ex-Marikina City Mayor Marides Fernando; ex-Graphic
editor Manuel Almario; columnist Boo Chanco; Pandan, Catanduanes Mayor Resty de Quiroz, dating
reporter ng DZRH, at iba pa.

Sa ganitong pagtitipon, hindi masasayang ang iyong oras dahil bukod sa tawanan, biruan at
kumustahan, nakapupulot ka ng matatalino, magaganda at sariwang opinyon, analisis at personal na
paniniwala na kontra o katig sa isang kontrobersiyal na personalidad o usapin. Ang club na ito ay
ipinundar ng yumaong sina Max Soliven at Art Borjal.

Binigwasan ng China si US State Secretary Hillary Clinton dahil sa remarks nito tungkol sa gusot
sa West Philippine Sea (South China Sea) na rito ay lantarang dinuduro ng dambuhalang bansa ang
sisiw na Pilipinas sa Panatag Shoal. Ayon kay Hillary, lumalabis ang China sa pag-angkin nito sa
nasabing karagatan kontra sa ipinahihintulot ng United Nations Convention on the Law of the Sea
(UNCLOS). Nagbabala ang China na hindi dapat makialam ang US sa usaping ito. Well, maliwanag ang
pahiwatig ni Ms. Clinton na tiyak na susugod ang US forces para tulungan ang ating bansa sa sandaling
ganap na salakayin at agawin ng China ang Bajo de Masinloc.

Sa kabila ng pagbatikos at pagsalungat ng mga makakaliwang grupo na sagad-hanggang-langit


ang galit at pag-ayaw sa United States, walang magagawa o masusulingan ang Pilipinas kundi ang
humingi ng tulong (kahit hindi diretsahan) o sumandal sa puwersa ng bansa ni Uncle Sam laban sa
alinmang dayuhang lakas na ookupa at manduduro sa atin.
Pagkatapos Bumasa

Pagtatalakay-Pag-unawa

1. Tungkol saan ang inyong napakinggan? Tungkol sa isyu ng pag-angkin ng China sa


West Philippine Sea (South China Sea).

Tama!

2. Paano nagging malinaw at


kapanipaniwala ang pahayag? Nagiging kapanipaniwala poi to dahil may mga
basehang tao ang mga opinion na ibinibigay.
Tama!

3. Ano ang mga napansin ninyo sa mga


pahayag mula sa tekstong inyong binasa o
sa mga pahayag na inyong napakinggan?
Ito po ay galing sa mga taong kinikilala ng
marami at hindi poi to mga pahayag ng
Tama! Magaling! manunulat.

4. May mga salita bang ginamit ang may-


akda o mamamahayag upang maging susi
ng paglalahad ng mga detalye? Mayroon po. Kagaya nalang ng mga salitang
‘ayon kay’.
Magaling!

5. Batay sa teksto, paano inilahad ang


bahaging ginampanan ng radio bilang salik
ng panitikang popular sa pag-unlad ng
kasalukuyang lipunan? Ang radio ang nagging pinagmulan ng mga
balita at sila rin ay nag-iimbestiga sa mga
tutoong pangyayari sa likod ng mga
pahayagan.
Magaling!

1. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni


Secretary Hillary Clinton, ano ang
magiging IstandI patungkol sa isyu? Kung ako si Secretary Hillary Clinton, labas sa
aking personal na batayan, masasabi kong ang
Pilipinas ang dapat magmay-ari ng West
Philippine Sea sapagkat sa una’t sapol ay sa
atin naman talaga iyon.
Okay! Magaling! Talagang mayroon
kayong natutunan sa teksto.

B. Pokus ng Wika

Dahil inyo ng naunawaan ang teksto, atin


naming balikan ng mga salitang ginamit ng
may-akda na nagging susi ng pagpapahayag ng
detalye.

Ang tawag sa mga salitang iyon klas ay


Konsepto ng Pananaw.
Konsepto ng Pananaw
1. May mga ekspresyong nagpapahayag ng konsepto ng pananaw. Kabilang ditto ang ayon/
batay/ para/ sang-ayon/ sa/kay, ganoon din sa paniniwala/ pananaw/ akala ko/ ni/ ng, at iba
pa. Inihuhudyat ng mga eskspresyong ito ang iniisip, sinasabi, o pinaniniwalaan ng isang tao.
Tulad nito:

Ayon/ Batay/ Sang-ayon sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, ang Filipino ang


pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng komunikasyon at Sistema ng edukasyon.

Sa paniniwala/ akala/ pananaw/ paningin/ tingin/ palagay ni/ ng Pangulong Quezon, mas
mabuti ang mala-impiyernong bansa na pinamamahalaan ng mga Pilipino kaysa makalangit na
Pilipinas na pinamumunuan ng mga dayuhan.

Inaakala/Pinaniniwalaan/ Iniisip kong hindi makabubuti kanino man ang kanilang plano.

Sa ganang akin/ Sa tingin/ akala/ palagay ko, wala nang gaganda pa sa lugar na ito.

2. May mga eskpresyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/ o pananaw, tulad
ng sumusunod na halimbawa. Gayon man, mapapansing di tulad ng naunang mga halimbawa na
tumutiyak kung sino ang pinagmumulan ng pananaw, nagpapahiwatig lamang ng
pangkalahatang pananaw ang sumusunod na halimbawa:

Sa isang banda/ Sa kabilang dako, mabuti na rin sigurong nangyari iyon upang matauhan
ang mga nagtulog-tulugan.

Samantala, makabubuti sigurong magpahinga ka muna para makapag-ispi ka nang husto.

C. Ilipat

Panuto: Sa kaparehong grupo, sumulat ng isang sanaysay tungkol sa isang napapanahong isyu.
Gumawa ng komentaryong sanaysay tungkol sa isyu na nakatalaga sa inyo.

Pamantayan:

1. Dalawang talatang sanaysay na nagbibigay puna o nagsasaad ng iyong sariling pananaw.


2. Gamit ang mga salitang nagsasaad ng konsepto ng pananaw.

GRASPS

Goal Makasulat ng komentaryong sanaysay


Role Mga manunulat
Audience Guro at mag-aaral
Situation Sasali sa isang patimpalak sa pagsulat
Product Sulatin/Komentaryong Sanaysay
Standard Mamarkahan ang lahat batay sa pamantayan:
Masaklaw na paglalahad – 25%
Masining at Maingat (Wika) - 25%
Mahusay (Teknikal) - 25%
Praktikal - 25%
Kabuuan 100%
RUBRIKS

Pamantayan Lubos na naipamalas Naipamalas Hindi masyadong


naipamalas
(25) (20) (15)
Masaklaw, Makabuluhan at
Masaklaw na paglalahad ng Komprehensibo at
makabuluhan, at napapanahon
napapanahong impormasyon makabuluhan
napapanahon lamang
Masining ang
Masining at
Maasining at maingat na Natatangi ang paggamit ng wika
maingat ang
paggamit ng wika paggamit ng wika ngunit hindi
paggamit ng wika
maingat
Naipamalas ang Naipamalas sa
Mahusay na aspektong Tipong propesyunal kahusayan sa mateyal ang
teknikal ang pagkagawa teknikal na minimal na antas ng
pagganap elementong teknikal
Nagmumungkahi sa Hindi malinaw ang
Pagpapakapraktikal ng Malinaw at
pangmatagalang rekomendasyong
rekomendasyon kapanipakinabang
kaisipan inilahad

You might also like