You are on page 1of 10

1

Aralin Filipino 8-Q3-W3


Pagpapahayag ng Konsepto at Pananaw
3 sa Pamamagitan ng Radio Broadcasting

Mga Inaasahan

Sa panahong pausbong pa lamang ang teknolohiya, naging kaagapay na ng


mga tao ang pakikinig sa radyo. Dito makakakuha ng mga impormasyon sa mas
mabilis na pamamaraan kahit nasa malayong lugar. Kasabay nito umusbong ang mga
programang panradyo, tulad ng pagbabalita at mga radio drama.
Sa pagtatapos ng aralin inaasahan na ang mga mag-aaral ay:
1. Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang ginagamit sa radio broadcasting.
(F8PT-IIId-e-30)
2. Naisusulat nang wasto ang isang dokumentaryong panradyo.
(F8PU-IIId-e-31)
3. Nagagamit ang mga angkop na ekspresyon sa pagpapahayag ng konsepto ng
pananaw (ayon, batay, sang-ayon sa, sa akala, iba pa). (F8WG-IIId-e-31)
Upang matiyak na inyong matututuhan ang ating aralin, may inihanda kaming
mga gawain na maghahasa ng inyong kaalaman. Ilalagay mo ang iyong mga sagot
sa mga pagsasanay sa nakalaang sagutang papel.

Paunang Pagsubok

Itapat ang aytem na inilalarawan sa Hanay A sa Hanay B.

HANAY A HANAY B

_____ 1. Radio A. Tagapagpahayag ng balita o iba pang


programang panradyo.
_____ 2. Pananaw B. Tunog o musikang inilalapat sa
programang panradyo upang maging kahali-halina
ito.

______3. Iskrip C. Ito ang taguring sa manuskritong g


ginagamit sa broadcasting.

_____ 4. Sound Effects D. Ito ay pahayag na maaring batay sa sariling


damdamin.

Modyul sa Filipino 8
Ikatlong Markahan: Ikatlong Linggo
2

_____ 5. Announcer E. Remote Audio Discrete Integrated Oscillations

Bago natin talakayin ang susunod na aralin nais kong malaman kung inyong
naaalala ang nakaraang aralin tungkol sa pagkakaiba ng katotohanan sa opinyon.

Balik-tanaw

Lagyan ng Tsek ( ) ang patlang kung ang pahayag ay katotohanan at


Ekis ( ) kung opinyon.
_______ 1. Ang Pilipinas ay kasama sa Pacific Ring of Fire ayon sa National
Geographic Website.

_______ 2. Para sa akin, hindi pa makabubuti ang bakuna laban sa Covid-19 hanggat
hindi nagkaroon ng magandang resulta.

_______ 3. Ang pambansang awit na Lupang Hinirang isinulat ay nilapatan ng musika


ni Julian Felipe noong 1898.

_______ 4. Ang Hawaii ang bukod tanging estado ng Amerika na nasa Pasipiko.

_______ 5. Sa ganang akin mahalaga ang pagtutulungan ng bawat miyembro ng


pamilya sa anumang pagsubok na kanilang haharapin.

Pagpapakilala ng Aralin

Sa bahaging ito, ating aaralin ang Pagsulat ng Iskrip ng Programang


Panradyo at Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Konsepto o Pananaw.

A. Pagsulat ng Iskrip ng Programang Panradyo


Iskrip ang taguri sa manuskrito ng isang \na ginagamit sa broadcasting.
Ito ay ang nakatitik na bersiyon ng mga salitang dapat bigkasin o sabihin.
Ginagamit ito sa produksiyon ng programa. Ito ay naglalaman ng mga mensahe
ng programang dapat ipabatid sa mga tagaganap, direktor, tagaayos ng musika
(musical scorer), editor, at mga technician.
Sa broadcasting, ang nilalaman ng komunikasyon na gagamitin sa midya tulad
ng radyo ay ilalagay muna sa iskrip. Bilang iskrip, ito ay ginagamit muna ng
print medium. Mula sa pormang ito, ang iskrip ay gagawing pasalita at
gagamitan ng mga tunog. Dahil dito, ang iskrip ay isang transisyon lamang sa
pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng radyo. Maririnig lamang ng mga
tagapakinig sa pamamagitan ng radyo kung ano ang nakasulat sa iskrip.
Ang iskrip na panradyo ay batay sa tunog. Sa iskrip ng drama,
halimbawa, dapat palaging ipakilala ng manunulat ang mga tauhan sa
pamamagitan ng kanilang mga pangalan o katawagan. Ito ay upang bigyang-
kabatiran ang mga nakikinig kung sino ang mga tauhang nagsasalita. Sa
programang panradyo, kailangang sabihin ng mga tauhan ang lahat ng
pangyayari sa eksena dahil hindi naman ito nakikita ng nakikinig.

Modyul sa Filipino 8
Ikatlong Markahan: Ikatlong Linggo
3

Pormat ng Iskrip

May sinusunod na pormat ang iskrip na panradyo. Narito ang mga tuntuning
dapat ninyong sundin kapag kayo ay susulat ng iskrip na panradyo.

1. Gumamit ng maliliit na titik sa pagsulat ng diyalogo.


2. Isulat sa malalaking titik ang musika, epektong pantunog, at ang emosyonal
na ekspresyonal na reaksiyon ng mga tauhan.
3. Guhitan ang SFX (sound effects) at MSC (music).
4. Hindi lamang ipinapakikita ang paggamit ng musika at epektong pantunog
kundi kailangan ding ipakita kung paano gagamitin ang mga ito.
Halimbawa: Kailangan bang naka-FADE UNDER ang musika habang
nagsasalita ang isang tauhan?
5. Kailangang may dalawang espasyo (double space) pagkatapos ng bawat linya
sa iskrip kapag minakinilya o kinompyuter.
6. Lagyan ng numero ang bawat linya. Ilagay ang numero sa kaliwang bahagi
bago ang unang salita ng linya upang maging madali ang pagwawasto kapag
nagre-recording.
7. Ang mga emosyonal na reaksiyon o tagubilin ay kailangang isulat sa
malaking titik. Gagamitin lamang ang mga ito upang ipabatid kung paano
sa sabihin ang mga linya o diyalogo ng mga tauhan. Ilagay ang mga ito sa
loob ng parentesis o panaklong at isulat sa malalaking titik.
8. Gumamit ng mga terminong madaling maintindihan sa pagbibigay ng
indikasyon kung sino ang nagsasalita at anong uri ng tinig ang maririnig.
Halimbawa: Boses 1, 2;- Lalaki, Babae 1, 2 Talent 1, 2. Madaling
maintindihan ng tagapakinig at ng mga taong gagamitin tulad ng
Announcer.
9. Isulat sa malaking titik ang posisyon ng mikropono na gagamitin at ilagay
ito sa parentesis.
10. Maglagay ng tutuldok o kolon pagkatapos isulat ang pangalan ng tauhang
magsasalitang o pagkatapos isulat ang SFX o MSC.
11. Sa panibagong pahina ng iskrip, umpisahan ang paglalagay ng numero sa
bawat bilang.

Narito ang halimbawa ng iskrip na nagpapakita ng mga nabanggit na tuntunin.

10 MSC : THEME INTRO UP & OUT… BIZ … BIRDS


11 DIONISIO : Leona, anak, pumunta ka ng Agusan del Sur.
12 LEONA : Pupunta po ako sa Agusan? Bakit may problema
13 po ba, Papang
14 ang Rubber production natin doon?

…………………………………………………………………………………………………………………………..
29 : (FADES IN) Ano ka ba naman, Jovencia, tigilan
30 : mo ang anak mo. Huwag mo nang sermunan
31 JOEVENCIA : (FADES IN) O, ayan ka na naman! Magsama nga
32 : talaga kayong mag-ama, parehong matigas ang
33 ulo!
34 MSC : BRIDGE….
…………………………………………………………………………………………………………………………..
11 LEONA : (GULAT) Ano?! Bakit ibinenta ni Mamang?

Modyul sa Filipino 8
Ikatlong Markahan: Ikatlong Linggo
4

12 E motor ko iyon! Si Papang, di ba inawat si


13 Mamang!
14 AVELINO : (LAUGHS) Kailan ba umubra si Papang kay
15 Mamang? Kailan mo ba nakitang nasunod
16 sa bahay si Papang? Di ba palagi namang si
17 Mamang nasusunod. Kaya sori ka na lang,
18 Inday Leona!
19 MSC BRIDGE…SFX… PIER HARBOR IN MANILA…

B. Radio Broadcasting Glossary of Terms


Narito ang ilan sa mga terminolohiya na ginagamit sa radio broadcasting upang
makatulong sa ating isulat ang iskrip panradyo.

1. Billboard – pagsisimula ng pagsasahimpapawid ng himpilan ng radyo o


telebisyon.
2. Copy – iskrip o ang taguri sa manuskrito ng isang audio-visual material na
ginagamit sa broadcasting.
3. Disk Jockey – tawag sa personalidad na nag-aanunsiyo sa radyo.
4. Headphones – ito ay tinatawag din na headsets o earphones na ginagamit ng
radio announcer para mapakinggan ang pagsasahimpapawid ng programang
panradyo.
5. Acoustics – kalinawan at kalidad ng tunog kung saan napapakinggan ang
pagsasahimpapawid ng himpilan ng radyo.
6. Copywriter- ito ang tawag sa sumusulat ng Iskrip para sa radyo at television.
7. Cue - Ito ang tawag sa hudyat para sa Announcer upang magsimulang
magsasalita bago umere sa radyo.
8. Dead Air- Ito ang pagkakataong walang naririnig na anumang tunog sa isang
programang panradyo habang umeere.
9. Call Letters - Ito ang tinatawag na Station ID o pangalan ng himpilan ng
radyo. Halimbawa DZMM 630 kHz
10. Ad-Libbing - Ito ang tawag sa pahayag na sinasalita ng Announcer ngunit
hindi kabilang sa Iskrip.
11. Microphone- Ito ang gamit na nagta-transmit ng soundwaves papuntang
electrical energy.
12. Band - Ito ang tawag sa Broadcasting range o wavelenghts ng tunog.
13. Bed- Ito ang tawag sa mga tunog o musikang nilalapat sa Radio Broadcasting.
14. Broadcasting- Ito ang pagsasahimpapawid ng electromagnetic signals sa
pamamagitan ng airwaves katulad ng programang pantelebisyon at panradyo.
15. Bumper - Ito ang mga pre-recorded, voice over music na ginagamit sa
transition ng isang segment papunta sa susunod.

Sa paksang ito, ating aaralin ang mga salita o ekspresyong gagamitin upang
ipahayag ang ating pananaw, maari itong makatulong sa inyo kung kayo ay
magpapahayag ng inyong saloobin o ilang mahalaga great impormasyon na nais
iparating sa ating tagapakinig.

C. Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Konsepto o Pananaw


Sa pagbibigay ng konsepto o pananaw ay maaaring banggitin o
magpahayag batay sa sariling damdamin, paniniwala, ideya, kaisipan, o
karanasan maging ng ibang tao. Ang ganitong pahayag ay makikilala sa paraan
ng pagkakalahad ng nagsasalita o nagsusulat. Ilan sa mga ekspresyong
ginagamit sa pagpapahayag ng pananaw ay ang:

Alinsunod sa… naniniwala ako na… Palibhasa’y naranasan ko kaya


masasabi kong…

Modyul sa Filipino 8
Ikatlong Markahan: Ikatlong Linggo
5

Anupa’t ang pananaw ko sa bagay na Para sa akin…


iyan ay…

Ayon sa… Sa bagay na iyan masasabi kong…

Batay sa… Sa ganang akin…

Kung ako ang tatanungin, nakikita Sang-ayon sa…


kong…

Lubos ang aking paniniwala sa…

Mga Gawain

Gawain 1 Paglinang ng Talasalitaan


Punan ang kahon ng letra upang mabuo ang mga terminolohiya sa Radio
Broadcasting. Sundan ang code number na may katumbas na letra sa
ibaba.
Cryptogram

A B C D E G H I K L M N O P R S T U W Y
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20

1. Ito ang tawag sa sumusulat ng Iskrip para sa radyo at television.


C W R
3 13 14 20 19 15 8 17 5 15

2. Ito ang tawag sa hudyat para sa Announcer upang magsimulang


magsasalita bago umere sa radyo.
U
3 18 5

3. Ito ang pagkakataong walang naririnig na anumang tunog sa isang


programang panradyo habang umeere.
D A
4 5 1 4 1 8 15

4. Ito ang tinatawag na Station ID o pangalan ng himpilan ng radyo


A L S
3 1 10 10 10 5 17 17 5 15 16

Modyul sa Filipino 8
Ikatlong Markahan: Ikatlong Linggo
6

5. Ito ang tawag sa pahayag na sinasalita ng Announcer ngunit hindi


kabilang sa Iskrip.
D B G
1 4 10 8 2 2 8 12 6

6. Ito ang gamit na nagta-transmit ng soundwaves papuntang electrical


energy.
R E
11 8 3 15 13 14 7 13 12 5

7. Ito ang tawag sa Broadcasting range o wavelenghts ng tunog.


A D
2 1 12 4

8. Ito ang tawag sa mga tunog o musikang nilalapat sa Radio Broadcasting.


E
2 5 4

9. Ito ang pagsasahimpapawid ng electromagnetic signals sa pamamagitan


ng airwaves katulad ng programang pantelebisyon at panradyo.
B A G
2 15 13 1 4 3 1 16 17 8 12 6

10. Ito ang mga pre-recorded, voice over music na ginagamit sa transition ng
isang segment papunta sa susunod.
B E R
2 18 11 14 5 15

Gawain 2 Pangatwiranan Mo
Ipahayag ang inyong pananaw tungkol sa mga sumusunod na isyu sa
pamamagitan ng pagdurugtong sa ekpresyong ibinigay.

Isyu #1: Hindi magandang dulot ng illegal na droga sa katawan ng tao.


Sa bagay na iyan masasabi kong ___________________________________________

Isyu #2: Pananatiling malinis ang kapaligiran upang maiwasan ang pagkakasakit.
Para sa akin ______________________________________________________________

Modyul sa Filipino 8
Ikatlong Markahan: Ikatlong Linggo
7

Isyu #3: Pagpapabakuna para sa sakit na Covid-19.


Sa ganang akin _____________________________________________________________

Rubrik ng Pagmamarka

5 puntos- Mabisa ang paglalahad ng pananaw at malinis ang pagkakasagot sa isyung


inilatag.

3 puntos- Hindi gaanong napanindigan ang katwiran at hindi gaanong nasagot ang isyung
inilatag.

1 puntos- Hindi mabisa ang pagkakalahad ng mga katwiran at malayo ang sagot sa
katanungan.

Mahusay! Binabati kita at iyong natutuhan ang mga dapat malaman sa


linggong ito. Ipagpatuloy mo pa ang iyong pagsisikap sa pag-aaral.

Tandaan

❖ Naging malaking tulong ang radyo sa pagpapalaganap ng mga mahahalgang


impormasyon sa madla sa mabilis na pamamaraan.
❖ Upang maging maganda ang programang panradyo, nangangailangan ito ng
mabisang Iskrip.
❖ Gumagamit ng mga sound effects at iba pang music sa paggawa ng isang
programang panradyo upang maging mas kaaya-aya ito sa pandinig.
❖ Sa pagpapahayag ng inyong pananaw maaring ibatay sa inyong damdamin,
paniniwala, kaisipan o karanasan ng ibang tao.

Sa gawain natin ngayon, lilikha tayo ng isang programang panradyo.


Inaasahan kong magiging mahusay at nailapat ang mga natutuhan sa paggawa
ng radio broadcasting.

Pag-alam sa mga Natutuhan

Lumikha ng isang dokumentaryong panradyo. Sundin ang mga tuntunin sa


ibaba.

1. Pumili ng isang paksang napapanahon.


2. Gawan ito ng iskrip. Sundin ang gabay sa paggawa ng iskrip na panradyo na
makikita sa modyul na ito.
3. Lapatan ng mga sound effects at music upang maging kaaya-aya sa pandinig
ang dokumentaryong ginawa.

Modyul sa Filipino 8
Ikatlong Markahan: Ikatlong Linggo
8

4. Maaring makakita ng halimbawa ng radio script sa website na


www.academia.edu/15716681/Filipino_Radio_Broadcadting_Script
5. Maari tayong makinig ng isang programang panradyo sa himpilang DZBB 594
kHz o sa Audio Live Stream, www.gmanetwork.com/radio/streaming/dzbb
6. Rubrik sa Pagmamarka

20 puntos – Naipakita ang pagiging malikhain sa isinagawang radio broadcasting,


nakaakma sa tema, maganda ang sound effects at music na ginamit. Naisulat ng maayos
ang Iskrip, malinaw, maganda at buo ang boses ng radio announcer.

15 puntos – Mahusay ang pagkakasulat ng Iskrip, may kaugnayan sa tema, may


kaunting kakulangan upang maging maayos ang mga sound effects at musika na
ginamit, at kalinawan ng boses ng radio announcer.

10 puntos – Naisagawa ang radio broadcasting ngunit maraming kakulangan na nakita


sa pamantayan ng radio broadcasting tulad ng boses ng announcer, sound effects at
musika na ginamit.

Pangwakas na Pagsusulit
Basahin ng mabuti ang mga pangungusap sa ibaba. Piliin sa loob ng kanon ang
tamang ekspresyon sa pagpapahayag ng pananaw. Isulat ito sa patlang.

Para sa akin Ayon sa

Alinsunod sa Kung ako ang tatanungin, nakikita kong

Batay sa Sa ganang akin

1. Senate bill 1967 itinadhana na mabigyan ng renewal ang prangkisa ng ABS-CBN ng


panibagong 25 taon, ______________ sa Republic Act 7966.

2. ____________ balita na naisulat sa Pilipino Star Ngayon, nakatakdang magtaas ng


kontribusyon ang PhilHealth mula sa premium rate na 3% papuntang 3.5% ngayon
2021.

3. _____________ hindi pa makabubuti ang bakuna laban sa COVID-19 sapagkat nasa


3rd clinical trial pa lamang ito ayon sa balita.

4. ____________ hindi makabubuti ang pagmimina ng ginto at iba pang metal sa mga
kabundukan, sapagkat nakasisira ito ng kalikasan.

5. _______________ sa Republic Act 7610 may karampatang parusa ang anumang uri
ng pang-aabuso sa mga kabataan.

Pagninilay

Sa pagtatapos ng aralin na ito, ating ilapat ang mga natutuhan sa Aralin 3.

Modyul sa Filipino 8
Ikatlong Markahan: Ikatlong Linggo
9

1. Makinig ng isang programang panradyo sa DZBB 594 kHz sa ganap na 3:00 ng


hapon, SOS: Serbisyo on the Spot (Rowena Salvacion).
2. Ilahad ang inyong sariling pananaw hinggil sa tinalakay na paksa.
3. Sa mga walang radyo, maaring makinig ng Audio Livestream sa
www.gmanetwork.com/radio/streaming/dzbb

SAGUTANG PAPEL
FILIPINO 8
IKATLONG MARKAHAN- IKATLONG LINGGO

Pangalan: ____________________________________ Guro: ________________________


Baitang at Seksyon: __________________________ Iskor: ________________________

Paunang Pagsubok Balik Tanaw


1 1
2 2
3 3
4 4
5 5

Cryptogram
Gawain 1.1
A B C D E G H I K L M N O P R S T U W Y
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20

1.
C W R
3 13 14 20 19 15 8 17 5 15

2.
U
3 18 5

3.
D A
4 5 1 4 1 8 15

4.
A L S
3 1 10 10 10 5 17 17 5 15 16

5.
D B G
1 4 10 8 2 2 8 12 6

Modyul sa Filipino 8
Ikatlong Markahan: Ikatlong Linggo
10

R E
11 8 3 15 13 14 7 13 12 5

6.
A D
2 1 12 4

7.
E
2 5 4

8.
B A G
2 15 13 1 4 3 1 16 17 8 12 6

10.
B E R
2 18 11 14 5 15

Gawain 1.2
Isyu #1: Hindi magandang dulot ng illegal na droga sa katawan ng tao.
Sa bagay na iyan masasabi kong ___________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
Isyu #2: Pananatiling malinis ang kapaligiran upang maiwasan ang pagkakasakit.
Para sa akin ______________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
Isyu #3: Pagpapabakuna para sa sakit na Covid-19.
Sa ganang akin _____________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
Pangwakas na Pagsusulit
1.
2.
3.
4.
5.
Pagninilay (gawin sa hiwalay na papel)

Modyul sa Filipino 8
Ikatlong Markahan: Ikatlong Linggo

You might also like