You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Capiz
SAPIAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Sapian, Capiz

Banghay Aralin sa Filipino 8


Pebrero 20, 2023
Inihanda ni: Bb. Roslyn O. Otucan

I. LAYUNIN
Naipamamalas ng mag-aaral ng pag-unawa sa kaugnayan ng panitikang popular sa
A. Pamantayang kulturang Pilipino.
Pangnilalaman

B. Pamantayan sa Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kampanya tungo sa panlipunang kamalayan sa


Pagganap pamamagitan ng multimedia (social media awareness campaign)

C. Mga Kasanayan sa Nagagamit ang iba’t ibang estratehiya sa pangangalap ng mga ideya sa pagsulat ng
Pagkatuto/Code ng balita, komentaryo, at iba pa.
Bawat Kasanayan (F8PU-IIIa-c-30)

Nakasusulat ng isang balita at komentaryo gamit ang iba’t ibang estratehiya sa


D. Inaasahang Produkto
pangangalap ng mga ideya.

Quarter 3 – MELC 4
II. NILALAMAN Paggamit ng Iba’t Ibang Estratehiya sa Pangangalap ng mga Ideya sa Pagsulat ng
Balita, Komentaryo at Iba Pa
PowerPoint Presentations,
Kagamitang Panturo
TV, laptop, photocopy material, printed pictures

A. Sanggunian

1. Mga Pahina sa gabay ng


guro.
2. Mga Pahina sa
Most Essential Learning Competencies (MELCs 4) sa Filipino, pahina 38
kagamitang pangmag-
Modyul 2: Mga Salitang Ginagamit sa Impormal na Komunikasyon 4 - 20
aaral.
3. Karagdagang kagamitan
Gabay ng guro at mag-aaral, Curriculum Guide na mula sa
mula sa portal ng
LRMDS PORTAL http://lrmds.deped.gov.ph/
Learning Resource.
III. PAMAMARAAN
Panuto: Kilalanin kung anong uri ng kontemporaryong panitikan nabibilang ang
sumusunod na larawan. Matapos ito, ibigay ang katangian ng natukoy na uri ng
kontemporaryong panitikan.

A. Balik-aral sa nakaraang
aralin at/o pagsisimula
ng bagong aralin.

Pahina| 1
FAKENEWS
Narinig muna ba ang salitang ito?
B. Paghahabi sa layunin ng Saan niyo madalas naririnig ang salitang “Fakenews”?
aralin.
Suriin at sabihin kung ang sumusunod na mga halimbawa ay isang fakenews o hindi.

1. Kris Aquino namaalam na.


2. Sibuyas bagsak presyo na ngayon.
3. Marcos nanalong pangulo ng Pilipinas.
4. Lindol sa Turkey marami ang nasawi.
5. Binibining Roslyn pinakamagandang guro ng Sapian National High School.

Panuto: Basahin ang ulat sa ibaba at subukang sagutin ang mga tanong.

Kaso ng Covid-19 Patuloy na Tumataas ni Nissan J. Laugo

Mas lalo pang pinaigting ang pagpapatupad ng health protocols sa buong


Pilipinas ngunit sa kabila ng pagsasakripisyo ng ating mga frontliners ay
patuloy pa ring tumataas ang kaso ng Covid-19. Ito ay dahil umano sa hindi
pagsunod sa ipinapatupad na health protocols sa buong bansa. Ayon sa
C. Pag-uugnay ng mga
Department of Health, nadagdagan ng 1,353 na bagong kaso ng Covid-19
halimbawa sa bagong
aralin. noong Enero 7, 2021. Mayroon namang naitalang 360 ang gumaling sa sakit
at 9 ang pumanaw. Sa kabuuan, 4.9% (23,675) ang naitalang aktibong kaso sa
bansa, 93.1% (449,052) na ang gumaling, at 1.94% (9,356) ang namatay.
Ngayong panahon ng pandemya, sundin ang mga health protocols para sa
kaligtasan. Ugaliing maghugas ng kamay, panatilihin ang isang metrong layo o
social distancing, at huwag kalimutang magsuot ng facemask at faceshield
bago lumabas ng bahay.

1. Tungkol saan ang iyong nabasa?


2. Batay sa ulat, ano ang dahilan ng patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-19?
3. Paano naging malinaw at kapani-paniwala ang mga datos o impormasyon sa ulat?
4. Sa iyong palagay, ano-anong pamamaraan ang ginawa upang mabuo ang isang
ulat?
D. Pagtalakay ng bagong Pagtatalakay ng guro.
konsepto at paglalahad
ng bagong kasanayan Iba’t Ibang Estratehiya sa Pangangalap ng Datos
#1
May iba’t ibang estratehiya sa pangangalap ng mga ideya sa pagsulat ng balita,
komentaryo at iba pa kagaya ng sumusunod:
1. Pagbabasa, Pakikinig, at Panonood ng mga Mapagkakatiwalaang Batis ng
Impormasyon na makukuha mula sa mga aklat, pakikinig sa radyo, at panonood sa
telebisyon.
2. Pagmamasid at Pakikibahagi sa Kapaligiran. Sa pamamagitan ng pagmamasid sa
tao at mga bagay-bagay sa kapaligiran, nakakukuha tayo ng mga impormasyon batay
sa mga pangyayari.
4. Pagpapalitan ng Ideya. Sa pangangalap ng impormasyon, mahalagang nakikipag-
ugnayan sa ibang tao upang malaman mo ang kanilang opinyon tungkol sa isang
paksa.
5. Paggamit ng 5Ws at 1H. What?, Why?, When?, Where?, at Who? (Ano?, Bakit?,
Kailan?, Saan?, at Sino?) at How? (Paano?).
Panayam o Interview Ito ay isang pamamaraan sa pangangalap ng impormasyon sa
pamamagitan ng pagtatanong nang harapan o birtuwal.

Mga dapat tandaan sa pakikipanayam upang maisakatuparan ang pananaliksik sa


pagbuo ng dokyumentaryo, balita, at opinyon:
a. Paghahanda para sa Panayam
 Magpaalam sa taong gustong makapanayam.
Pahina| 2
 Kilalanin ang taong kakapanayamin.
b. Habang Nakikipanayam
 Maging magalang.
 Magpakita ng pakikitungo sa kapanayam.
 Itanong ang lahat na ibig malalaman kaugnay sa paksa.
 Makinig nang mabuti sa sagot ng kinakapanayam.
c. Pagkatapos ng Panayam
 Magpasalamat nang maayos.
 Iulat nang maayos at matapat ang nakuhang impormasyon sa panayam.
Anong napapanahong ulat o balita ang inyong nabasa o napanood? Ilahad kung ano
ang dapat isaalang – alang sa pagsulat nito.
E. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad
ng bagong kasanayan
#2
Sumulat ng isang balita o komentaryo hinggil sa sumusunod na larawan na nasa
ibaba.

F. Paglinang sa kabihasaan
(Tungo sa Formative
Assessment 3)

Pagtaas ng persyo ng sibuyas Lindol sa Turkey

G. Paglalapat ng aralin sa Ano ang kahalagahan ng pagsulat ng balita at iba pang mga komentaryong isyu sa
pang-araw-araw na kasalukuyan?
buhay.

Ibigay ang mga estratehiya na dapat tandaan sa pagsulat ng isang mahusay na balita,
H. Paglalahat ng aralin.
komentaryo at iba pang sulatin.

Panuto: Basahin at ibigay ang angkop na estratehiya sa pagkalap ng mga ideya at


ilahad ang dahilan kung bakit ito ang nararapat. Gawin sa sagutang papel.

1. Nais mong tulungan ang mga taong nagsasawalang bahala sa banta ng COVID-19
sa pamamagitan ng pagsusulat ngunit limitado ang iyong kaalaman. Ano ang iyong
I. Pagtataya ng aralin. gagawin? Estratehiyang gagamitin sa pangangalap ng ideya:________________
Bakit:______________________________________________________________ 2.
Ikaw ay isang doktor at nais mong pag-aralan ang epekto ng bagong variant ng
COVID-19 sa mga taong nahawaan nito. Ano ang iyong gagawin upang makakalap ng
impormasyon? Estratehiyang gagamitin sa pangangalap ng
ideya:________________
Bakit:______________________________________________________________

J. Karagdagang gawain Magsagawa ng panayam sa iyong mga kasama sa bahay tungkol sa kanilang palagay
para sa takdang-aralin. sa paggamit ng selpon bilang pantulong sa pagkatuto sa paaralan. Ang panayam ay sa
paraang pasulat at ito ay nasa 3 - 5 na kapanayam.

Panuto: Mula sa mga nakalap na datos sa panayam, sumulat ng isang komentaryo

Pahina| 3
opinyon mula sa mga datos na nakuha. Gawing basehan ang pamantayan na nasa
ibaba. Gawin ito sa inyong sagutang papel.

IV. MGA TALA


V. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng
iba pang gawain para
sa remediation.
C. Nakatutulong ba ang
remedial? Bilang ng
mag-aaral na
nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mag-aaral
na magpapatuloy sa
remediation.
E. Alin sa mga ____Think-Pair-Share
istratehiyang pagtuturo ang ____Maliit na pangkatang talakayan
nakatulong ng lubos? Paano ____malayang talakayan
ito nakatulong ____Inquiry based learning
____replektibong pagkatuto
____ paggawa ng poster
____pagpapakita ng video
_____Powerpoint Presentation
____Integrative learning (integrating current issues)
____Pagrereport /gallery walk
____Problem-based learning
_____Peer Learning
____Games
____Realias/models
____KWL Technique
____Quiz Bee

Iba pang Istratehiya sa pagtuturo:______________


F. Anong suliranin ang
aking naranasanna solusyon sa
tulong ng aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking nadibuho
na nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

Pahina| 4
Inihanda ni:
Sinuri ni:

CHRISTY O. BATILES
Master Teacher I

Binigyang pansin ni:

GLENNA GRACE I. ODUCADO


Head Teacher IV

Pinagtibay:
MARILOU B. LOZADA, EdD
Principal III

Pahina| 5

You might also like