You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Filipino 8

I. Mga Layunin Pagkatapos ng 50 minutong aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: Pakikinig
nailalahad sa sariling pamamaraan ang mga napakinggang pahayag o mensahe, Pagsasalita
naipapahayag sa lohikal sa paraan ang mga pananaw at katwiran, Pagbasa nahihinuha ang ang paksa,
layon at tono ng tekstong nabasa, Pagsulat nagagamit sa pagsulat ng isang dokumentaryong
pantelebisyon ang mga ekspresyong nagpapakita ng kaugnayang lohikal, Panonood Nasusuri ang isang
programang napanood sa telebisyon ayon sa itinakdang pamantayan, Pagpapahalaga nailalahad ang
nagiging bisa teksto sa kaisipan,kaasalan at damdamin.

II. Paksang Aralin Pamagat: Pananakit sa Bata Bilang Pagdidisiplina, Dapat Bang Ipagbawal ni Kara
David (Tekstong Espositori,Balitang-Ulat) Wika: Pag-uugnay Panonood: Isang video clip tungkol sa
tekstong babasahin. Sanggunian: Pinagyamang Pluma ni Aileen Baisa-Julian, et al

III.Mga Kagamitan   

Chalk Pisara Ilang biswal na pantulong

IV. Pamamaraan A. Panimulang Gawain Bilang panimula, magpatala ng limang programang


pantelebisyong paborito mong panoorin. Isulat ito sa talahanayan sa ibaba at gayundin ang iyong mga
dahilan kung bakit mo pinapanood ang mga ito. Mga Paborito Kong Programang Pantelebisyon Pamagat
ng Programa Dahilan ng Panonood nito.

B.Pagtalakay Babasahin: Pananakit sa Bata Bilang Pagdidisiplina, Dapat Bang Ipagbawal ni Kara David
(Tekstong Espositori,Balitang-Ulat) Estratehiya: KWWL(( What I Know, What I Want to Learn,Where can I
Learn, What I Learned) O AGSN (Ano ang alam na,Gustong Malaman, Saan Malalaman,Ano ang
Nalaman) Ano ang alam na ?

Gustng malaman ?

Saan malalaman?

Ano ang nalaman?

Pagkatapos mabasa ang teksto, inaasahan na maisasagawa ang mga sumusunod na gawain: B1. Ang
guro ay magbibigay ng mga pamatnubay na tanong at iilahad ang mga sagot o katuwiran ng mag-aaral
hinggil sa tanong . 1. Ano-ano ang mga halimbawa ng ilang pangyayarig nagpapakita ng pang-aabuso at
pagmamalupit sa mga bata ? 2. Batay sa mga ginawang pag-aaral ng Pilipinas at UNICEF, paanomo
ilalarawan ang kalagayan ng nakararaming bata sa Pilipinas sa kamay ng kani-kanilang magulang ? 3.
Sang-ayon ka ban a maisabatas ang House Bill 4455 na nagbabawal sa pagsasagawa ng corporal
Punishment at nagsusulong ng alternatibong paraan ng pagdidisiplina ? Bakit ? 4. Ano-ano ang mga
halimbawa ng corporal punishment na binanggit sa akda ? Tama lang bang ipagbawal ang lahat ng mga
ito bilang pamamaraan ng pagdidisiplina sa mga anak at mga mag-aaral?Bakit ? 5. Bakit sinasabing ang
corporal punishment ay maaring humantong sa pagrerebelde ng bata sa halip na madisiplina ito?
Sumasang-ayon ka ba rito ? 6. Para sa iyo, ano ang mainam o epektibong paraan ng pagdidisiplina sa
mga bata at kabataan sa kasalukuyan? 7. Kung ikaw ay pagbibigyan ng pagkakataon lumikha ng batas
na mangangalaga sa karapatan ng mga bata, ano kaya ito at bakit ito ang iyong bubuoin?

Pagsulat ng Journal Bakit mahalagang ingatan at pahalagahan ang karapatan ng mga bata at kabataang
tulad mo ?

B2. Ang guro ay papangkatin ang mga mag-aaral sa tatlong pangkat at bibigyan ang bawat grupo ng
tanong at pag-uusapan ang hinuha sa tanong. Ilalahad sa klase matapos mapag-usapan.

Unang Pangkat Tanong: Maraming isyu ang tinalakay sa tekstong binasa ngunit ito ang maituturing na
pinakapaksa nito. a. pagpapahalaga sa lahat ng karapatan at tungkulin ng mga bata b. pagbabawal sa
pananakit o paggamit ng corporal punishment c. pagpapabuti sa nutrisyon at kalagayan ng mga batang
Pilipino Paliwanag: Ito ang napili naming hinuha sapagkat
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________ Ikalawang
Pangkat Tanong: Itoang tono o damdaming higit na nangingibabaw sa binasang akda. a. nagpapabatid b.
nangangaral c.nananakit Paliwanag: Ito ang napili naming hinuha sapagkat
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________ Ikatlong Pangkat

Tanong: Ito ang dahilan kung bakit lumalabas sa pag-aaral na malaki ang porsyento ng mga bata sa
Pilipinas ang nakararanas ng pisikal na pananakit sa kamay ng kaniyang magulang. a. sapagkat
naniniwala ang mga Pilipino sa prinsipyong “ang anak na hindi paluin,magulang ang paluluhain” b. dahil
likas na matitigas ang ulo ng kabataang Pilipino c. sadyang malulupit at mapagparusa ang magulang na
Pilipino Paliwanag: Ito ang napili naming hinuha sapagkat
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________ B3. Ang guro ay
magpapanood ng isang video clip hinggil sa tekstong binasa at susuriin ang nilalaman nito ng mga mag-
aaral. Lalagyan ng tsek kung ito ba ay natatamasa ng mag-aaral at kung natatamasa rin ng mga batang
iniulat ni Kara David at ekis ang ilalagay kung hindi.

Mga Karapatan

Ako ____________________ Pangalan mo

Natatamasa ko Karapatang ipagtanggol sa lahat ng uri ng pagpapabaya, pagmamalupit, at


pagsasamantala Karapatang lumaki sa isang kapaligirang may pagmamahal at katiyakan at nasa
pagaaruga ng sariling magulang Karapatang makapagaral Karapatang maglaro at maglibang

Hindi ko Natatamasa

Mga Bata sa Ulat ni Kara David

Natatamasa nila

Hindi nila natatamasa

Karapatang mabigyan ng pagkain, damit, at tirahan Karapatang lumaking maymagandang ugali at asal
Karapatang lumaling malusog Karapatang linangin ang kakayahan at kasanayan B4. Gamit ang
dayagram(tree graphic organizer) sa ibaba, ang guro ay magpapatala sa mga mag-aaral ng mga kanilang
iba pang suhestiyon sa wastong pagdidisiplina . Itatala ang katwiran o paliwanag hinggil sa mga naitalang
sagot.
Wastong Pagdidisiplina

Sa iyong palagay, ano kaya ang maaring mangyari sa kabataan kung hindi naipagkaloob ang mga bagay
na iyong nabanggit?

B5. Bilang karagdagan gawain, ang guro ay magpapasaliksik o riserts sa mga magaaral ng
dokumentasyong pantelebisyon gamit ang internet. Gamit ang ice cream chart, itatala ang mga
hinihinging detalye.

Pamagat

Pinagmulan Dokumentarist Isyung Tinatalakay

C. Pag-uugnay sa Wika D. Pagtataya Normative o Tradisyunal na Pagtataya Isulat sa kahon ang


ugnayang lohikal mayroon sa pangungusap. Bilugan ang ekspresyong hudyat na ginamit. 1. Kung hindi
sana matigas ang kanilang mga ulo ay maganda na ang kanilang buhay ngayon

2. Hindi ako sigurado sa aking nakitang kaya’t hindi ko alam kung tutulungan ko ba ang mga batang ito o
hindi 3. Upang maiwasan ang problema ay kailangang gumawa ng mga hakbang ang pamahalaan. 4.
Talagang hindi hadlang ang kahirapan sa buhay 5. Para makatulong sa magulang, magsumikap na mag-
aral nang mabuti.

Sagot: 1. 2. 3. 4. 5.

Kung hindi sana… Hindi ako sigurado… Upang maiwasan… Talagang… Para…

Performance-based Mula sa iyong napanood na ulat ni Kara David hinggil sa paksang “Pananakit sa
Bata Bilang Pagdidisiplina, Dapat Bang Ipagbawal?” muli mong ilahad ang iyong sariling pamamaraan
ang mensaheng nais ipabaid nito. Maari mong gawin ito sa pamamagitan ng pagbuo ng graphic
organizer, pagsulat ng bukas na liham, pagbuo ng isang islogan, pagguhit ng poster o karikatura.
Pamantayan/Rubrik sa Pagmamarka 1. Kaangkupan sa Tema-40% 2. Pagkamalikhain-20% 3. Masining
na Ekspresyon-25% 4. Hikayat sa Madla-15% ____________ Kabuong Marka

100%

You might also like