You are on page 1of 33

MAGANDANG

UMAGA!
GAWAIN 1.
“Ang Paborito kong
Panoorin”
Alin sa mga ito ang gusto ninyong panoorin at bakit?

Kapag kayo ay naonood ng pelikula, ano ang pamantayan ninyo


sa panonood?
Gawain 2:
BREAK THE CODE
Suring - Pelikula
LAYUNIN:
a. Nauunawaan ang iba’t-ibang pamantayan sa paggawa ng
suring pelikula.
b. Nakakagawa ng suring pelikula gamit ang ibinigay na
pamantayan.
c. Napapahalagahan ang epekto ng pelikula sa sarili at isyung
panlipunan.
Ayon kay Thomas Caldwell, inilatag niya ang dalawang
panuntunan sa pagsusuri ng pelikula.

1. Pagpapakilala sa pelikula at;


2. Paggawa ng sinopsis ng pelikula.
Pagpapakilala sa Pelikula
a. Ano ang genre ng pelikula?
•Katatawanan o comedy
•Drama
•Katatakutan o horror
•Aksiyon
•Pakikipagsapalaran o adventure
•Musikal o pagtatanghal
HORROR o
KATATAKUTAN
COMEDY o
KATATAWANAN
DRAMA
AKSIYON
Pagpapakilala sa Pelikula
b. Sino ang direktor ng pelikula?
•Ano-ano ang ilan sa mga nagawa na niyang
pelikula?
•Ano ang nagsilbi na niyang tatak sa
paggawa ng pelikula?
Halimbawa:
Si Jerrold Tarog ang direktor ng pelikulang
"Heneral Luna", ang ilan pa sa kaniyang mga pelikula
ay ang "GOYO", "I'm Drunk With You", "Shake
Rattle and Roll" at marami pang iba.
Tumatak sa kaniya ang kaniyang pagiging
mahusay sa mga pelikulang sumikat tulad ng
Confessional (2017) at Sana dati (2013).
c. Sino-sino ang mga pangunahing artistang
gumaganap sa pelikula?

Ano ang forte nila sa pag-arte?


Halimbawa:
•Nakilala ba sila sa pagganap ng mga karakter na may
kakaibang pagkatao o nakilala ba sila sa mga pelikulang
asksiyon?
•May mga pangunahing parangal na ba silang natanggap
•Ano-ano ang ilan sa dati nilang pelikula?
Ang mga tauhan ay sina John Arcilla bilang Antonio
Lauana, Mon Confiado bilang Emilio Aguinaldo, Jeffrey
Quizon bilang Apolinario Mabini.
Nakikilala sila sa mga pelikulang aksiyon tulad ng
"Heneral Luna". Ang ilan sa kanila ay nakatanggap ng
pangaral tulad ni John Arcilla bilang best in Actor.
Ang ilan sa mga dating pelikula ni John Arcilla ay "On
the Job Missing", "Reroute", "A Hard Day" at marami pang
iba.
d. Sino-sino ang iba pang taong bumubuo sa produksiyon
gaya ng:
•Prodyuser
•Manunulat ng screenplay
•Kompositor ng musika
•Mga namamahala sa editing, pag-iilaw,
kasuotan at make-up, casting at iba pa.
2. Paggawa ng Sinopsis

•Magbigay ng maikling salaysay tungkol sa kuwento ng


pelikula.
•Tandaan na huwag isama ang mga plot twist o di-
inaasahang pangyayari sa pelikula, ang mga joke o patawa,
ang mga rebelasyon, ang naging wakas o anumang maaaring
maging “spoiler”.
• Gamiting gabay ang sumusunod na mga tanong sa
pagsulat ng mga talatang nagbibigay sinopsis ng pelikula.

a.Ano ang pangunahing suliranin ng mga bida sa pelikula?


b. Ano ang mahahalagang pangyayaring naganap sa pelikula
maliban sa mga nabanggit kanina?
Pagtukoy sa mahahalagang isyung tinatalakay sa
pelikula.

Himala (1982)
ni Ishmael Bernal
Ano-ano ang mga isyu na inyong nakita sa
pelikula?
Mga ELEMENTO na dapat suriin:

1. Naratibo (narrative) – ito ay mismong kuwento ng


pelikula at kung paano ito inilahad sa pag-usad ng
palabas.
•Paano ninyo ilalarawan ang pagkukuwento ng pelikula.
Halimbawa:
normal
predictable o madaling hulaan kung ano ang susunod na
mangyari
magulo o di-maintindihan
kapana-panabik
•May espesyal bang mga Teknik na ginamit ang director sa
paglalahad ng kuwento
Halimbawa:
foreshadowing
flashback
2. Pag-arte (Acting) – ito ang pagbibigay-buhay ng mga artista sa kani-
kaniyang karakter na kanilang ginagampanan.

•Paano ninyo ilalarawan ang pagganap ng mga actor at aktres.


Halimbawa:
ang emosyon
pagbibitaw ng mga linya
mga kilos at galaw

•May actor o aktres bang lumutang ang pagganap para sa inyo? Sino ito?
Bakit?
3. Editing – ito ang pag-aayos ng pagsusunod-sunod ng mga shot upang
mabuo ang imahen at impresyong nais maipasa sa mga manonood.
•Paano ninyo ilalarawan ang continuity o pagpapatuloy ng mga shot.
Halimbawa:
maayos
magulo
lohikal
maraming mali gaya ng may sugat ang actor sa isang shot pero wala na ito
agad sa sumusunod na shot kahit nasa kaparehong eksena at iba pa.
4. Pag-iilaw – ito ang pagmamanipula ng liwanag para mabigyan ng iba’t
ibang pakiramdam ang mga manonood. Maaari din itong gamitin upang
mabigyang-tuon ang isang particular na elemento sa pelikula.

•Paano ginamit ang ilaw para magbigay ng iba’t ibang perspektiba at


damdamin?
•Sa palagay ninyo, naging mabisa ba ang paggamit ng ilaw para maabot
ang nasabing mga perspektiba at damdamin?
5. Tunog (Sounds) – ito ang lahat ng maririnig sa pelikula gaya ng boses
(diyalogo), musika at sound effects.

•Paano ilalarawan ang tunog ng pagsasalita ng mga tauhan


Halimbawa:
natural ba ang mga tunog
artipisyal ang mga ginamit na tunog
•Paano ilalarawan ang musikang isinaliw sa mga tagpo? Nakakatulong ba
itong palutangin ang emosyon?
•Paano gumamit ng sound effects sa pelikula? Nakatulong ba ito na gawing
makatotohanan ang mga pangyayaring ipinapakita?
6. Kostyum (Costume) – ito ang mga damit , make up, at palamuting isinusuot
ng mga artista upang maging kapani-paniwala sa papel na ginagampanan.
• Paano ninyo ilalarawan ang kostyum ng mga tauhan? Nababagay ba ang
mga ito sa papel na ginagampanan ng bawat isa.
Halimbawa:
mayaman-mahirap
matanda-bata
trabaho at iba pa

• Naaayon ba ang kostyum sa konteksto ng pelikula.


Halimbawa:
Panahon kung kalian ito naganap
Kultura ng lugar na pinangyarihan.
Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap, MALI naman
kung hindi. Isulat sa patlang ang sagot.
 
 
__________1. Sa pagsisimula ng suring pelikula, hindi na kailangan maglagay ng
mahahalagang impormasyon.
__________2. Ang editing ay tungkol sa pagmamanipula ng liwanag para mabigyan
ng iba’t-ibang pakiramdam ang manonood.
__________3. Isa sa mga elemento ng pelikula ay ang naratibo o narrative, ito ay
mismong kwento ng pelikula at kung paano ilahad sa pag-usad ng palabas.
__________4. Kailangan ng mahabang salaysay sa paggawa ng sinopsis ng pelikula at
dapat na isama ang plot twist , mga joke o patawa, wakas at anumang maaaring
“spoiler”.
__________5. Ang Kostyum ay ang mga damit, make up at palamuting isinusuot ng
mga artista upang maging kapani-paniwala sa papel na kanilang ginagampanan.
•Panuto: Punan ang patlang at ibigay ang hinihinging salita tungkol sa pamantayan sa
paggawa ng suring pelikula. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

Paghuhusga sa pelikula tema


Pag-arte paggalaw editing
Wakas kostyum pagpapakilala sa
pelikula

Ang unang dalawang bahagi sa mga panuntunang inilatag ni Thomas Caldwell ay ang
6.___________ at paggawa ng sinopsis ng pelikula.
Pagkatapos ay itatalakay ang mahahalagang 7. ___________ sa pelikulang susuriin. Ang
mga elemento naman na dapat suriin ay sa pelikula ay ang naratibo, 8. ________, 9._________,
pag-iilaw, tunog at 10.___________.

You might also like