You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XIII-CARAGA
DIVISION OF AGUSAN DEL SUR
Gov. DO Plaza Government Center, Patin-ay, Prosperidad

HAWILIAN NATIONAL HIGH SCHOOL


MASUSING BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO SA FILIPINO 8
I. LAYUNIN
Sa loob ng itinakdang oras ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. nabibigyang-kahulugan ang mga salitang ginagamit sa mundo ng pelikula. (F8PB-IIIg-h-32)
II. PAKSANG ARALIN
PAKSA: TERMINOLOHIYA NA GINAGAMIT SA MUNDO NG PELIKULANG
HELLO LOVE GOODBYE
SANGGUNIAN: Self-Learning Module
Alberto P. Saludez, PhD et.al
Kagawaran ng Edukasyon- Paaralang Pansangay
2020 Pp. 1-12
KAGAMITAN: Pantulong na visuals, Feltipen, LCD Projector, Laptop
BILANG NG ARAW: 1 Sesyon

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
Magandang umaga po sa ating lahat! Magandang umaga din po ma’am,

Cajepe, ikaw ang mangulo sa ating panalangin Opo ma’am, Sa ngalan ng Ama, ng anak, at ng
espirito santo, Amen…

May lumiban ba sa klase natin ngayon? Wala po, ma’am.

Nagagalak ako na malaman iyan.

Ano ba ang aasahan ko sa klaseng ito? Kami po ay makinig ng mabuti, at makilahok sa Gawain

B. PANLINANG NA GAWAIN
(GAMIT ANG 4AC’S)
AKTIBITI
Magkakaroon muna tayo ng AKTIBITI, kung Handa na po ma’am!
sinuman sa dalawang pangkat ang unang
makakasagot ay siyang may puntos. At ipapaskil
ko sa pisara ang inyong mga nakuhang puntos.
Unang pangkat
Basahin unang pangkat ng tumatawa!
J: So lahat nitong ginawa mo,
ginawa mo yan
para pilitin akong piliin ka?

School ID: 317414


Address: P4 Hawilian, Esperanza, Agusan del Sur
Email: 317414@deped.gov.ph
E: I gave you all the love that I have
because I love you!

Basahin pangalawang pangkat ng umiiyak! Pangalawang pangkat


J: Kung mahal mo ako,
bakit pinapipili mo ako?

E: Kung mahal mo ako,


bakit hindi ako ang piliin mo Joy?

Saang Iskrip kaya ito?

ANALISIS

May napanood na po ba kayong pelikula?


Opo Ma’am
Ano anong pelikula naman ito?
Ma’am ito po ay ang Hello love Goodbye!
Maganda ba ang pagkagawa ng pelikula at bakit?
Maganda po ang pagkagawa ng pelikula dahil
Magaling, napakahusay ninyong sumagot at napakahusay ng pagkakaeedit.
mangatuwiran!

PAGTATALAKAY
Alamin natin kung gaano na ang lawak ng inyong
kaalaman sa aralin na ito. Kompletohin ang letra sa
mga patlang
Ano ang sagot? Tumayo ng tuwid at basahin
Maraming salamat po sa inyong mga kooperasyon!
Palakpakan nga natin ang ating mga sarili.

Saan ba makikita ang mga salitang inyong sinagot?

Nangyari ito kapag tapos na ang syuting o aktuwal na


recording ng pelikula. E_ _ t _ _ ng Ma’am ang sagot po ay EDITING

Ano ang sagot? Tumayo ng tuwid at basahin!

Tumutukoy sa pangkalahatan at pinakapuso ng pelikula. Ma’am ang sagot po ay TEMA


T_ m_
Ano ang sagot? Tumayo ng tuwid at basahin!

Sining ng pagkuha o pagrekord ng eksena gamit ang


kamera na isina-alangalang ang pagkuha ng lokasyon at
paggamit ng ilaw.

S_nema__g_a__y_ Ma’am sagot po ay SINEMATOGRAPIYA

School ID: 317414


Address: P4 Hawilian, Esperanza, Agusan del Sur
Email: 317414@deped.gov.ph
Alam niyo ba na ang pelikulang Pilipino ay itinuturing na
isa sa pinakabata ngunit kinaaaliwang libangan ngayon ng
mga Pilipino sa bansa. Ma’am makikita po sa Pelikula
Terminolohiyang Dapat Tandaan sa Mundo ng Pelikula:
Mga Elemento ng Pelikula (SeSinTuTaTe)
Sequence Iskrip- pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
sa isang kuwento sa pelikula.
Sinematograpiya- Pagkuha sa wastong anggulo upang
maipakita sa manonood ang tunay na pangyayari sa
pamamagitan ng wastong timpla at lente ng kamera.
Tunog at Musika- Pagpapalutang ng bawat tagpo at
pagpapasidhi ng ugnayan ng tunog at linya ng mga
diyalogo. Pinupukaw ang interes at damdamin ng
manonood.
Tauhan- Epektibong pagganap ng mga artista
Tema-Tumutukoy sa pangkalahatang konsepto ng palabas
at inaasahang epekto sa manonood.

Iba pang mga Elemento


(PanDiPagPag)
a. Pananaliksik o Riserts –Isang mahalagang sangkap sa
pagbuo at paglikha ng dokumentaryo dahil sa (ang mga mag-aaral ay nakinig ng mabuti)
pamamagitan nito ay naihaharap ng mahusay at
makatotohanan ang mga detalye ng palabas.
b. Disenyong pamproduksyon- pananatili sa kaangkupan
ng lugar, eksena, pananamit at sitwasyon para sa masining
na paglalahad ng biswal na pagkukuwento.
c. Pagdidirihe (Direktor)- Mga pamaraan at diskarte ng
direktor kung paano patatakbuhin ang kuwento sa
telebisyon o pelikula.
d. Pag-eedit- Ito ay pagpuputol, pagdudugtong –dugtong
muli ng mga negatibo mula sa mga eksenang nakunan na.
Halimbawa nitong pelikula ay sa Hello, Love, Goodbye

ABSTRAKSYON

Ang bawat pangkat ay sasagot sa isang WORD PUZZLE


na kung saan ito ay bibilugan ninyo ang mga
mahahalagang termino na dapat tandaan sa mundo ng Opo ma’am.
pelikula.

E D I T I N G B A A B
A C E E S M U S I K A
B K D M K B O D S A S
A S K A R A K T E R O
E A A A I R A E U A A
E L A E P A O E D S E
T A U H A N A A B E S

Unang Pangkat, ano ang nabilugan ninyong mga salita sa Ma’am ito po ay ang
word puzzle? Editing, Karakter at Tema

Pangalawang Pangkat, ano ang nabilugan ninyong mga


School ID: 317414
Address: P4 Hawilian, Esperanza, Agusan del Sur
Email: 317414@deped.gov.ph
salita sa word puzzle? Ma’am ito po ay ang Tauhan, Direktor at Musika

Magaling dahil nakita ninyo ang tamang sagot! At


bibigyan ko ng puntos ang inyong pangkat.
Salamat po ma’am…

APLIKASYON

Piliin sa Hanay B ang tinutukoy ng mga pahayag na nasa


Hanay A. Paunahan ng pagsagot ang bawat pangkat.
Sa kartolina isulat niyo ang inyong mga sagot at ipaskil ito (ang mga mag-aaral ay nakinig ng mabuti sa guro)
sa Pisara. Tamang Salita lamang po ang isulat.

HANAY A HANAY B
1. Pagkakasunod-sunod ng A. Pagdidirehe
mga pangyayari B. Pag-eedit
2. Pagpapalutang ng bawat C. Disenyong
tagpo at pagpapasidhi ng Pamproduksyon
ugnayan ng tunog at linya D. Tunog at Musika
ng mga diyalogo. E. Sequence Iskrip
Pinupukaw ang interes at
damdamin ng manonood.
3. pananatili sa
kaangkupan ng lugar,
eksena, pananamit at
sitwasyon para sa
masining na paglalahad ng
biswal na pagkukuwento.
4. Pagpuputol,
pagdudugtong –dugtong
muli ng mga negatibo
mula sa mga eksenang
nakunan na.
5. Pamaraan at diskarte ng
direktor kung paano
patatakbuhin ang kuwento
sa telebisyon o pelikula.

Klase ano ang sagot ninyo sa Hanay A 1.?


Magaling bigyan ng isang bagsak!
Ma’am ito po ay Sequence Iskrip
Klase ano ang sagot ninyo sa Hanay A 2.?
Magaling bigyan ng isang bagsak!
Ma’am ito po ay Musika at Tunog

Klase ano naman ang sagot ninyo sa Hanay A 3.?


Magaling bigyan ng isang bagsak!
Ma’am ito po ay Disenyong Pmproduksyon

School ID: 317414


Address: P4 Hawilian, Esperanza, Agusan del Sur
Email: 317414@deped.gov.ph
Klase ano naman ang sagot ninyo sa Hanay A 4.?
Magaling bigyan ng isang bagsak!
Ma’am ito po ay Pag-eedit

Klase ano naman ang sagot ninyo sa Hanay A 5.?


Magaling bigyan ng isang bagsak!
Ma’am ito po ay Pagdidirehe
1. PAGLALAHAT
Ano ba ang natutunan ninyo sa ating klase?

Ang natutunan ko ma’am sa ating klase ngayon ay


Napakahusay! ang pelikula po ay may maraming termino.

Ano ano ang mga terminong ginagamit sa mundo ng


pelikula?

Bakit mahalagang maunawaan ang mga terminong


ginagamit sa mundo ng pelikula

IV. EBALWASYON

Panuto: Tukuyin kung ano ang isinasaad ng larawan


batay sa elemento ng pelikula. Isulat ang sagot sa
inyong kwaderno. (ang mga mag-aaral ay sumagot sa pasulit)

1.

Ano ang tinutukoy sa larawang ito? Ma’am ito po ay Tauhan o Artista

2.

School ID: 317414


Address: P4 Hawilian, Esperanza, Agusan del Sur
Email: 317414@deped.gov.ph
Ano ang tinutukoy sa larawang ito? Ma’am ito po ay Direktor

Ano ang tinutukoy sa larawang ito? Ma’am ito po ay Sinematograpiya

4.

Ano ang tinutukoy sa larawang ito?


Ma’am ito po ay Pag-eedit

5.

Ano ang tinutukoy sa larawang ito? Ma’am ito po ay Disenyong Pangproduksyon

V. PAGPAPAYAMAN (ENRICHMENT)

Pumili ng alinman sa mga pelikulang inyong


napanood. At humanap ng isang larawan na
siyang nagpapakita sa elemnto ng pelikula at
idikit ito sa bond paper.

Inihanda ni:

School ID: 317414


Address: P4 Hawilian, Esperanza, Agusan del Sur
Email: 317414@deped.gov.ph
IRENE P. TIRA
Guro sa Filipino-8

School ID: 317414


Address: P4 Hawilian, Esperanza, Agusan del Sur
Email: 317414@deped.gov.ph

You might also like