You are on page 1of 6

Detalyadong Banghay Aralin sa Mother Tongue 1

Pangalan: Baitang: Grade 1


Petsa/Oras: Asignatura: Mother Tongue
Markahan: Unang Markahan

I. LAYUNIN
a. Naiintindihan ang salita sa wastong larawan
b. Nahahasa ang kaalaman sa pagtukoy ng salita sa larawan.
c. Natutukoy ang angkop na salita sa wastong larawan sa pamamagitan ng
pagtatapat-tapat.

II. NILALAMAN
a. Paksa: Pagtatapat-tapat ng salita sa wastong larawan
b. Sanggunian: Unang Markahan-Modyun 15: Pagtatapat-tapat ng Salita sa Wastong
Larawan
c. Mga Kagamitan: Mga larawan, marking pen, cartolina, glue, laptop

III.PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

Magsitayo ang lahat at tayo muna ay (Ang mga mag-aaral ay magsisitayo)


manalangin.

Maaari mo bang pangunahan ang ating (Ang mga mag-aaral ay mananalangin)


panalangin ____?

2. Pagbati

Magandang umaga, mga bata!


Magandang umaga rin po.
3. Pagtala ng liban

Bago tayo magsimula sa ating klase,


alamin muna natin kung sino ang liban
ngayong umaga.

Okay, itaas ang kamay at sabihin ang


“Maganda po ako/Pogi po ako” kung
naririto at sabihin ang “Wala po rito”
kung liban ang inyong kaklase.
Naiintindihan po ba? Opo!

4. Pagganyak
Tumayo muna tayong lahat at tayo ay
sasayaw. May papanuorin tayong video (ang mga mag-aaral ay magsisitayo)
sabay-sabay natin itong sabayan,
Maliwanag ba? Opo!

(Ipapakita ang video)


(Ang mga mag-aaral ay sasabay sa video)

http://youtu.be/AwyWxM5HyX4

B. Balik-Aral

Bago tayo tumungo sa ating bagong


aralin , natatandaan niyo pa ba ang Opo!
tinalakay natin kahapon?

Kung naaalala niyo pa ang ating (Ang mag-aaral ay sasagot)


tinalakay, tungkol nga saan ito?

Magaling! Ang tinalakay natin kahapon


ay tungkol sa pagtukoy ng unang letra sa
mga pangalan ng larawan.

May ipapakita ako sa inyo. Tukuyin kung


ano ang unang letra sa mga pangalan ng Okay po.
mga larawan. Okay?

(ipapakita ang larawan at ang pangalan (Ang mga mag-aaral ay sasagot)


nito)

Magagaling!

C. Aktibiti

May babasahin ako sa inyo na kwento.


Ano nga ang gagawin pag makikinig ng Uupo po nang maayos at makikinig po
kwento? nang tahimik.

Okay, ang pamagat ng aking kwento ay:


(Ang mag-aaral ay makikinig ng kwento)
Ang Pasalubong ni Tatay Alex

Si Tatay Alex ay isang guro sa paaralan.


Mapagmahal siya sa kanyang pamilya at
mga anak.

Isang araw, siya ay pauwi na sa bahay


nang may nasalubong siyang nagtitinda
ng iba’t ibang prutas. Bumili siya ng
buko, ubas, saging, duhat at papaya.
Pagdating sa bahay, sinalubong siya agad
ng kanyang mga anak at ibinigay niya
ang kanyang mga pasalubong. Paborito
nila ang mga ito kaya’t tuwang tuwa sila.
Niyakap siya at sila’y nagpasalamat sa
kanya.

Mga bata naunawaan niyo ba ang Opo!


kwento?

Okay, mayroon akong papasagutan sa


inyo tungkol sa binasa kong kwento.
Sagutan ito sa pisara.

Mga tanong: (Ang mag-aaral ay sasagot)


1. Ano ang pamagat ng kwento?
2. Sino ang tauhan sa kwento? 1. Ang Pasalubong ni Tatay Alex
3. Ano ang pasalubong ni tatay Alex? 2. Tatay Alex
4. Aling mga prutas ang binili ni Tatay 3. Prutas
Alex para sa kanyang mga anak? Itapat 4. Saging, mangga, ubas, buko, duhat
ang pangalan ng prutas sa wastong
larawan nito.

D. Analisis
May inihanda akong gawain. Igugrupo ko (Ang mga mag-aaral ay mahahati sa
ang buong klase sa dalawa. dalawa)

Sa gawaing ito bibigyan ko ang bawat


pangkat ng larawan ng masaya at (Ang mga mag-aaral ay masisimula na sa
malungkot na mukha. Ilagay ang pagsasagot sa pangkatang gawain)
masayang mukha kung tama ang larawan
na nakatapat sa mga salita sa loob ng
kahon at malungkot na mukha kung
hindi.

Mga bata idikit ang inyong sagot sa


pisara at sabay-sabay nating sagutan.

Magagaling! Ang bawat pangkat ay


nakakuha ng tamang sagot.

(Ang mga mag-aaral ay ididikit ang sagot


sa pisara)

E. Abstraksyon
Ang mga aklat, kuwento, babasahin at (ang mga mag-aaral ay nakikinig)
diyaryo ay nakalimbag na may
makukulay na larawan.

Magkaugnay ang salita at larawan upang


maintindihan at maunawaan ang
impormasyong naipababatid nito.

Magsanay sa pagbigkas ng tunog ng


bawat letra hanggang sa makabuo at
makabasa ng pantig at salita.

Malinaw at mabilis mong maisagawa ang


mga kasanayan sa pagtatapat o
pag-uugnay ng salita sa larawang angkop
dito.

F. Aplikasyon

Sa inyong papel sagutin ang gawain.

(Ang mga mag-aaral ay magsasagot)

G. Paglalahat ng Aralin

Mga bata tungkol saan ang ating


tinalakay ngayong umaga?
Ma’am tungkol po sa pagtatapat-tapat ng
Sige nga _____? salita sa wastong larawan

Tama! Ang pinag-aralan natin ngayong


umaga ay tungkol sa pagtatapat-tapat ng
salita sa wastong larawan

Maalam na ba kayo magtapat-tapat? Opo!

Magagaling!
IV. Pagtataya ng Aralin

Panuto: Sa isang malinis na papel isulat


ang tamang salita ng larawnn na kaugnay
nito.
V. Takdang-Aralin

Para sa inyong takdang-aralin, gawin ito


sa inyong notebook.

Panuto: Basahin ang pangalan ng mga


gamit mong pampaaralan na nasa ibaba.
Isulat ang mga ito sa iyong kwaderno.
Gumuhit ng larawan ng bawat gamit na
iyong isinulat.

1. Lapis
2. Papel
3. Krayola
4. Pantasa
5. Pambura

You might also like