You are on page 1of 6

Detalyadong Banghay Aralin sa

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Natutukoy ang simuno at panaguri sa pangungusap.


B. Nagagamit ng wasto ang simuno at panaguri sa pangungusap.

II. PAKSANG - ARALIN


A. PAKSA: Simuno at Panaguri
B. SANGGUNIAN: Kwarter 3-Modyul 5: Nagagamit nang Wasto ang Pang-akop(-ng,-
g,at na) sa Pangugusap at Pakikipagtalastasan, Nagagamit nang Wasto at Angkop
ang Simuno at Panaguri sa Pangungusap
MELCS Code: F4WG-IIIf-g-10
C. MATERYALES: Laptop, PowerPoint Presentation, TV

III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
1. PANIMULANG GAWAIN

a. Panalangin

Inaanyayahan ko na tumayo ang lahat


upang ating masimulan ang ating araw
sa isang panalangin. Sino ang Handa naba kayong magdasal? Manalangin
maaaring mamuno para sa
tayo! (Panalangin)
panalangin?

b. Pagbati

Magandang buhay! Mabuting tao!


Mabuting tao! Magandang buhay!
c. Pag tse-tsek ng Attendance

Mayroon bang lumiban sa klase


ngayong araw? Wala pong lumiban sa klase!

Mahusay!

A. Balik - Aral (Engage)


Noong nakaraan ay inyong natalakay
wastong paggamit ng panaguri (-ng, -
g, at na) sa pangungusap. Tama ba? Opo!

Ngayon ay inyong sagutan ang mga


sumusunod na pahayag at tukuyin ang
angkop na pang-akop.

1. “Rosa, saan kaya sa tingin mo


maganda__ ilagay ang mga poster?” NG
(-ng, -g, at na)
2. Binigyan ako ni Carlo ng malinis __ NA
papel. (-ng, -g, at na)
3. Siya ay nagmula sa mayaman__
pamilya. (-ng, -g, at na) G

B. Pagganyak (Explore)
GAMIFICATION
Ipasa mo!
Panuto: Hatiin ang klase sa apat na pangkat.
Bawat pangkat ay kailangang ipasa ang
mensahe na nakasulat sa papel mula sa likod
papunta sa harap, at ang huling mag-aaral na
mapapasahan ay isusulat ang nakuhang
mensahe sa pisara.

Mga mensahe:
1. SI JOSE RIZAL ay isang bayani sa ating
bansa.
2. ANG TATAY KO ay isang masipag na
magsasaka.
3. SI CHESKA ay isang mabuting bata.
4. ANG MUNDO ay hindi tumitigil sa pag-
ikot.

C. Paglalahad/Alamin

Ngayon, ano ang napansin ninyo sa mga


mensahe na ipinasa ninyo at isinulat sa
(ang mga mag-aaral ay magbibigay ng sagot)
pisara?

Mahusay! Tama ang inyong mga


obserbasyon! Kung mapapansin ninyo, ang
mga pangungusap na nakasulat sa pisara ay
may dalawang bahagi. Ang bahaging binubuo
ng malalaking titik at ang bahaging binubuo
ng maliliit na titik.
Alam nyo ba ang ibig sabihin ng dalawang
bahagi ng pangungusap na iyon? (ang mga mag-aaral ay magbibigay ng sagot)
Mahusay! Ang tatalakayin natin ngayong
araw ay tungkol sa Simuno at Panaguri.

D. Pagtatalakay (Explain)

Makinig mabuti sa ating talakayan para


masaggot ninyo ang mga katanungan
mamaya. Maaari kayong mag take down
notes upang mayroon kayong babasahin pag
tapos ng talakayan.

Ang pangungusap ay binubuo ng dalawang


bahagi kadalasang ginagamitan ng pang-akop.

SIMUNO

Ang simuno ay bahagi ng pangungusap na


nagpapahayag kung sino o ano ang tinutukoy
sa pangungusap. Ito ay ang mga
nagpapahayag ng paksa o tagapaganap ng
kilos sa bawat pangungusap.
Halimbawa:
Ang mga estudyante ay nag-aaral para sa
darating na pagsusulit.
Ang mga bulaklak ay nagbibigay kasiyahan
sa aking mga mata.
Ang batang lalaki ay naglalaro sa parke.
Maaari ba ninyong tukuyin ang simuno sa Ang simuno sa pangungusap ay ang batang
pangungusap? lalaki.
Tama! Mahusay!
PANAGURI
Ang panaguri ay bahagi ng ng pangungusap
na nagpapahayag ng kilos, katayuan,
kalagayan, o kaganapan ng simuno. Ito ang
nagbibigay ng kahulugan at detalye sa
pangungusap.
Ang panaguri ay naglalaman ng mga
pandiwa, pang-uri, at iba pang mga salitang
nagbibigay ng kalagayang pisikal o mental sa
simuno.
Halimbawa:
Naglakad sa gitna ng kalsada ang batang
babae. Maari ba ninyong tukuyin ang
panaguri? Naglakad sa gitna ng kalsada.
Mahusay! Tama ang inyong sagot!
Si Maria ay kumakain ng mais.
Ang puno ng mangga ay nabuwal dahil sa
lakas ng hangin.
Naintindihan ba ang ating aralin?
Opo!

2. PAGPAPAUNLAD
Pagsasanay 1

Panuto: Bumuo ng dalawang pangungusap na


mayroong simuno at panaguri.

4. PAGLALAHAT(Elaborate)
Sa pagtatapos ng ating talakayaan, ating
susubukin ang inyong natutunan.
Maaari ba ninyong sabihin kung ano ang Ang simuno ay ang bahagi na tinutukoy o
simuno? tagapagganap sa pangungusap.
Mahusay!
Ano naman ang panaguri? Ang panaguri ay ang bahaging tumutukoy sa
simuno.
Mahusay! Tama ang inyong mga sagot! At
dahil nakuha ninyo ang ating aralin ngayong
araw, bigyan nyo ng isang “Kami ay Very
Good clap” ang inyong mga sarili.

5. PAGLALAPAT

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na


pangungusap. Isulat kung SIMUNO o
PANAGURI ang mga bahagi na may
salungguhit.
1. Si Martha ay tumutulong magtinda sa
kanilang karinderya.
2. Ako ay nagluto ng pancit canton.
3. Masaya ang bata sa kanyang kaawaran.
4. Nag- aaral ng kanyang leksyon si Juan.
5. Sa itaas ng puno humahapon ang mga
manok.

IV. PAGTATAYA (Evaluate)


Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap at tukuyin ang simuno at panaguri.
Bilugan ang simuno at guhitan naman ang panaguri. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.
1. Nasa likod ng bahay ang taniman ng mani.
2. Ang mga bata ay naglalaro sa hardin.
3. Si Lolo at Lola ay nakatira sa bukid.
4. Si Titser Cruz ay bagong guro sa paaralan.
5. Ang mga bagong empleyado ay masigasig na pumapasok araw-araw.
6. Nagbebenta ng masarap na kakanin ang babaeng matanda.
7. Kanina pa tahimik sa kanilang silid-aralan sina Jenny at Mica.
8. Ang mga mag-aaral ay pumapasok upang matuto.
D. Takdang aralin
Panuto: Bumuo ng limang pangungusap na may simuno at panaguri. Isulat ang mga nabuong
pangungusap sa inyong mga kwaderno.

Inihanda ni:
JAN LERIC DC. VCITORIA
Pre- Service Teacher
Sibul Elementary School

You might also like