You are on page 1of 9

Detalyadong Banghay-Aralin sa Filipino (Grade 5)

Unang Linggo (Ikaapat na Kwarter)


I. Mga Layunin:

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:


a. Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagsasalaysay ng
napakinggang balita(F5WG-IVa-13.1)
II. Paksang Aralin

a. Paksa: Paggamit ng Ibat-ibang Uri ng Pangungusap

b. Sanggunian:

 Most Essential Learning Competencies (MELCS)


 Stuednt Learning Materials (SLM)
 Hiyas sa Wika 5. 1999. pp.15-20*

c. Mga Kagamitan: Laptop,Powerpoint Presentation, Canva, Nearpod, at


GOOGLE FORM

III. Pamamaraan:

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Paunang Gawain

(Ang mga bata ay magdarasal)


1. Panalangin
Puma: Amen!
Tayong lahat ay tumayo upang
manalangin na pangungunahin
ni Puma.

2. Pagbati

Magandang umaga mga bata! Magandang Umaga rin po Sir!

3. Pagbibigay ng mga alituntunin


sa online class at pag tse-tsek (Ang mga bata ay pakikinggan
ng mga liban at hindi liban sa ang mga alituntunin na dapat
klase sundin sa pagpasok sa Online
Class)
4. Pampasiglang Gawain
Sa pamamagitan ng musikang
“TAYOY MAG EHERSISYO,
hihikayatin ng guro na
sabayan ng mga mag-aaral
ang tugtog nito.

Handa na ba kayong sumigla


at sabayan ako
“Opo, handa na po.”

B. Balik-aral

(Gamit ang NEARPOD,


isasagawa ang pagbabalik-aral)

Magbalik aral tayo sa huli


Ang huli nating tinalakay ay tungkol
nating tinalakay, tungkol saan
sa mga pangkahalatang sanggunian.
ang huli nating tinalakay?

Ayun lamang ba ang ating Opo! Naalala pa po.


tinalakay? At naalala pa ba
ang mga ito?

Mahusay! Kung tunay ngang


inyong naalala ang ating
tinalakay ating sagutan ang
aking inihandang aktibidad.

Punan ng wastong letra ang


bawat kahon upang mabuo
ang salitang tinutukoy.
Nauunawan ba?
Opo, nauunawaan po.

1. Ito ay pinagkukunan ng
kahulagan, baybay, o ispeling
at pagpapantig ng salita.

D k o r y

Ano ang kasagutan para sa


bilang isa? Diksyonaryo po.

Magaling! Bigyan nating ng


isang PAKBET CLAP. Para
naman sa ikalawang bilang.

2. Dito makikita ang


kasingkahulugan at kasalungat
ng mga salita.

e s w o

Ano ang inyong kasagutan?


Tesawro po.

Mahusay! Okay, bigyan


naman natin ng MAGALING
CLAP! Tayo naman ay
tumungo sa ikatlong
katanungan.

3. Aklat ng mga nagsasabi ng


lawak, distansya at lokasyon ng
mga lugar

A l a
Alam niyo ba kung anong ang
tinutukoy?
Opo, Atlas po.

Mahusay! Para sa ika-apat na


bilang.
4. Aklat ng nagtataglay ng
pinakahuling impormasyon
tungkol sa mga punto ng
kawilihan, palakasan, relihiyon
at politika.

l m n k

Alam niyo ba kung anong ang


tinutukoy?
Opo, ito po ay Almanak.
Talaga namang kahanga-
hanga. At para sa huling
bilang.

5. Dito makikita ang balita,


impormasyon o patalastas
tungkol sa isang lugar o espesyal
na paksa.

P a y g n

Para sa huling bilang. Ano


kaya ang kasagutan?
Opo, ito po ay ang Pahayagan.

Magaling! At dahil mukhang


natuto talaga kayo sa ating
nakararaang aralin, bigyan
niyo ng WOW CLAP ang bawat
isa.
C. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak

Babasahin ng guro ang isang


teksto at pagpapanood ng
bidyong pinamagatang “Ilog
Pasig: Noon at Ngayon”. At
sasagutan ng mga mag-aaral ang
katanungan gamit ang Kahoot.

2. Pagganyak na Tanong

1. Ilarawan ang Ilog Pasig noon at (Ang sagot ng mga mag-aaral ay


ngayon. maaring magkakaiba-iba)

(Ang sagot ng mag-aaral ay maaring


2. Bakit naging inspirasyon noon ng
magkakaiba-iba)
mga manunulat ang Ilog Pasig?

(Ang sagot ng mag-aaral ay maaring


3. Anu-ano ang mga dapat gawin
magkakaiba-iba)
upang mapanatili ang
kagandahan ng Ilog Pasig?

D. Pagpapalawak ng Kaalaman

Sa binasa nating teksto, napansin


mo bang mga ginamit na pangungusap
ditto?

Mahusay! Ito nga ay ginamitan ng ibat-


ibang uri ng pangungusap.
Ngayon, ipagpatuloy ang pag-alam sa
gamit ng ibat-ibang pangungusap.

Handa na ba kayo? Opo! Handa na po.

Ang pangungusap ay lipon ng mga


salita na nagsasaad ng buong diwa o
ideya.

Gaya na lamng ng mga halimbawang


ito:

 Malimit noong makitang


namamangka sa Ilog Pasig si
Jose Rizal.

 Sino pa ang masisiyahang


mamasyal sa pook na ito?

 Naku! Ang dumi ng Ilog.

 Maari ka bang makibahagi sa


pagpapaganda muli ng Ilog
Pasig?

MGA URI NG PANGUNGUSAP

Pasalaysay-pangungusap na
nagkukwento o nagsasalaysay. Ito ay
nagtatapos sa
tuldok (.)

Halimbawa:
Madalas nilang pasyalan noon ang Ilog
Pasig dahil nakadarama
sila ng kapayapaan ng kalooban tuwing
pinagmamasdan nila ito.

Pautos-nagpapahayag ng obligasyong
dapat gawin. Nagtatapos din ito sa
tuldok (.)

Halimbawa:
Kailangang makiisa ang lahat sa mga
proyekto ng pamahalaan na buhayin
muli ang Ilog Pasig.
Nakasusunod ba ang lahat?

Pakiusap-pangungusap na maaring Opo! Nakakasunod po.


nagsasaad ng paghingi ng
pabor.Ginagamitan ng magagalang na
salita upang makiusap. Maaring
nagtatapos sa tuldok o tandang
pananong (./?)

Halimbawa:
Maari ka bang makibahagi sa
pagpapaganda muli ng Ilog Pasig?

(VALUES INTEGRATION)

Lagi nating pakatatandaanna malaki an


gating papel sa pag-aalaga sa ating
inang kalikasan. Tayong mga tao ang
dapat ang nangangalaga rito sapagkat
tayo mismo ang nanginginabang sa
ating kalikasan.

Patanong-pangungusap na
nagsisiyasat o naghahanap ng sagot at
nagtatapos sa tandang pananong (?)

Halimbawa:
Paano tayo uunlad kung pati ang
kalikasan ay sinisira natin dahil sa
ating kapabayaan?

(Araling Panlipunan Integration)


Anu-ano pang anyong tubig ang dapat
nating alagaan at protektahan?
Gayundin, ang anyong lupa?
(Ang sagot ng mag-aaral ay maaring
Padamdam-nagsasaad ng matinding magkakaiba-iba)
damdamin tulad ng tuwa, takot o
pagkagulat.
Nagtatapos ito sa tandang padamdam (!)

Halimbawa:
Naku! Ang dumi ng Ilog.

Naunawaan ba ang aking mga


tinalakay?

“Opo, naunawaan po.”


Naintindihan ba ang gamit ng ibat-
ibang uri ng pangungusap?
(Ang sagot ng mag-aaral ay maaring
magkakaiba-iba)

E. Paglalahat

Patungkol po sa paggamit ng ibat-


Patungkol saan ang ating tinalakay?
ibang uri ng pangungusap.

Magaling!

Kailan ginagamit ang pangungusap na: (Ang sagot ng mag-aaral ay maaring


Pasalaysay, patanong, pautos, pakiusap magkakaiba-iba)
at padamdam?

Naiintindihan na ba ang ating tinalakay Opo!


at maliwanag naman po ba ang lahat?

Mayroon pa bang katanungan


patungkol sa aking tinalakay? Kung
mayroon maaring mag send ng HEART
EMOJI sa ating chatbox, upang aking
mabigyang kalinawan.

F. Aplikasyon

Panuto: Panoorin ang balitang


ipanonood ng guro. Gumawa ng ibat-
ibang uri ng pangungusap ayon sa
iyong napakinggan/napanood.
“Quarantine, Online Learning May
Epekto sa Mental Health Ng Mga Bata'
-ABS-CBN News

IV. Pagtataya (Gamit ang GOOGLE FORM)

Panuto: Tukuyin kung anong uri ng mga pangungusap ang mga sumusunod.
Isulat kung ito ay pasalaysay, patanong, pautos, pakiusap o padamdam.
1. Saksi ang Ilog Pasig sa wagas na pagmamahalan nila Jose Rizal at Leonor
Rivera.
2. Tumulong tayo sa paglilinis ng ilog.
3. Maari bang makiisa tayo sa sa proyekto ng pamahalaan sa pagpapaganda
muli ng ilog?
4. Sino pa ang masisiyahang mamasyal sa pook na ito?
5. Wow! Ang sarap maligo sa ilog.

V. Takdang-Aralin

Manood ng isang balitang napapanahon ngayon at bumuo ng taga-dalawang (2)


pangungusap gamit ang ibat-ibang uri nito. At ipadala ang iyong asignatura sa
sulatronikong: joshuacanlasdoroquez@gmail.

Inihanda ni:
Doroquez, Joshua C.

You might also like