You are on page 1of 6

Banghay sa Araling Panlipunan 4

I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
1. Natutukoy ay ang ginamit na pang-ukol sa bawat pangungusap o teksto.
2. Nakapagbubuo ng mga pangungusap gamit ang iba't-ibang pag-ukol.
3. Napaghahambing ang mga pang-ukol ayon sa gamit nito.

II. Paksang Aralin

Paksa: Pang-ukol
Sanggunian:
Kagamitan: Mga larawan, PPT Presentation
Pagpapahalaga: Paggalang

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
2. Panalangin
3. Pagsasaayos ng silid
4. Pagtatala ng Liban sa klase

Magandang Umaga mga bata!


Magandang Umaga Ma’am!
Bago ang lahat tayo muna ay
(Matataas ng kamay at pupunta sa
manalangin. Sino ang nais manguna
unahan ang mapipili)
sa ating pananalangin?
Amen.
Amen.

Mga bata bago maupo ay maari bang Opo Maam.


ayusin muna ang inyong mga sarili at
ang mga upuan?

Magaling maari na kayong magsi-upo.


Bago ang lahat ay akin munang itatala (Sasagot ng present ang mga nasa klase
ang mga naririto ngayon sa klase at kapag tinawag ang pangalan nila at
ang mga liban. Mangyari lamang na sasabihin ang absent para sa mga wala)
sabihin ang katagang "present" ng
mga narito at pakisabi na lang ng
"absent" ang wala ngayon.
Magsimula na tayo mga bata. Handa Opo Ma’am!
na ba ang lahat?

Magaling mga bata.

B. Panlinang na Gawain

1. Balik-Aral

Mga mag-aaral bago tayo dumako sa Tungkol po ito sa mga Pang-angkop.


ating aralin ngayong araw na ito tayo
muna ay magbalik aral sa ating
tinalakay kahapon. Tungkol saan nga
ito?

Tama!
(Maaring magkaiba-iba ang sagot ng mga
Magaling mga mag-aaral! mag-aaral.)
Ano ang mga halimbawa nito?

Mahusay, mukhang marami kayong


natutunan kahapon.

2. Pagganyak

(Magpapakita ng larawan ng isang


tulay) Tulay po.

Ano ang nasa larawan? (Ang sagot ng mga -aaral ay maaring


magkaiba-iba)
Ano ang silbi ng tulay?

Magaling, ang ating tatalakayin sa


araw na ito ay tungkol sa mga salitang
katulad ng tulay ay nag-uugnay din.

3. Paglalahad
Wala pa po Ma'am
Kayo ba ay ideya kung ano ang pang-
(Ang sagot ng mga -aaral ay maaring
ukol?
magkaiba-iba)
Ano sa tingin nyo ang gamit nito?

Ngayon ay atin pang alamin ang


tungkol sa iba't-ibang pang-ukol.
4. Pagtalakay

Bago natin simulan ang talakayan ay


akin munang ilalahad ang mga layunin
natin para sa araw na ito.
Una natutukoy ay ang ginamit na
pang-ukol sa bawat pangungusap o
teksto.
Ikalawa nakapagbubuo ng mga
pangungusap gamit ang iba't-ibang
pag-ukol.
Ikatlo napaghahambing ang mga
pang-ukol ayon sa gamit nito.

Magsimula na tayo
Ang pang-ukol ay ang bahagi ng
pananalita na nag-uugnay sa
pangngalan,
pandiwa, panghalip, o pang-abay sa
iba pang mga salita sa loob ng
pangungusap.

Gaya nga ng nabanggit ko kanina


nagsisilbing tulay ang mga pang-ukol (Babasahin ang lahat ng nakalagay sa
sa mga salita sa isang pangungusap. PPT slide)

Ms.Lagonoy maari mo bang basahin Opo Ma'am


ang mga halimbawa ng pang-ukol.

Pamilyar ba kayo sa mga nabanggit


na halimbawa?
Ngayon ay dumako naman tayo sa
dalawang paraan upang tukuyin ang
dapat na gamiting pang-ukol sa isang
pangungusap.

Ang una ay ayon sa uri ng


pangngalan na sumusunod dito.

Sa ang ginagamit kung ang kasunod


na pangngalan ay Pambalana o di-
tiyak
na ngalan na nagsisimula sa maliit na
letra.
Kay ang ginagamit kung ang
sumusunod na pangngalan ay
Isahang
Pangngalang Pantangi o tiyak na
ngalan na nagsisimula sa malaking
letra.

Kina ang ginagamit kung ang


sumusunod na pangngalan ay
Maramihang
Pangngalang Pantangi o tiyak na
ngalan na nagsisimula pa rin sa
malaking letra.

Narito ang ilang halimbawa.


1. Dahil sa matapang na tauhan
naging matagumpay ang misyon
2. Dahil kay Bb.Cruz madali lamang
daw ang pagsusulit.
3. Para kina Maria, Leonora at Teresa
ang tatlong regalo sa lamesa.

Ang ikalawang paraan naman ay ayon


sa gamit nito sa pangungusap.

Ng – Ito ay nagbibigay ugnayan sa


pagitan ng isang kabuuan at isang
bahagi.
Halimbawa:
Anak ng bayan ang turing sa Bise
Alkalde simula pa noong bata pa
lamang siya.

Sa – Nagpapahayag ng pag-uukol ng
isang bagay sa isang pang bagay.
Halimbawa:
Kamay sa baywang na humarap ang
ina ng batang nagsumbong ng
pamamalo
mula sa guro.

Para sa – Ito ay nagpapahayag ng


pinag-uukulan.
Halimbawa:
Para sa mga bata sa kalye ang mga
biniling pagkain ni Juanito.
Ayon sa – Ito ay nagpapahayag ng
pinanggalingan o basehan ng isang
bagay.
Halimbawa:
Ayon sa ama ni Manuel, maaga
siyang umalis ng kanilang bahay at
hindi na nakabalik noong tanghali. Wala po Ma’am
Opo Ma’am malinaw po.
Ni o Nina – Ito ay nagpapahayag ng
pagmamay-ari ng isang bagay.
Halimbawa:
Ang telepono ni Juan ay naiwan
sa loob ng sasakyan.
Ang pang-ukol ay ang bahagi ng
May mga katanungan ba kayo? pananalita na nag-uugnay sa pangngalan,
Naintindihan ba mga mag-aaral? pandiwa, panghalip, o pang-abay sa iba
pang mga salita sa loob ng pangungusap.
6. Paglalahat

Ano nga ulit ang pang-ukol? (Sasagot isa-isa ang limang matatawag)

Magbigay ng halimbawa.

(Tatawag ng limang mag-aaral para


sumagot)

Hanggang ilang pangungusap po ang


7. Paglalapat kailangan?
Para sa ating gawain nais kong
bumuo kayo ng isang maikling talata
tungkol sa COVID-19. Gamitan ito ng
iba't-ibang pang-ukol. Siguraduhin na
tama ang paggamit sa bawat pang-
ukol.

May mga katanungan ba?


Hanggang limang pangungusap
lamang.

May labinlimang minuto kayo upang


gawin ito.
Maari na kayong magsimula.

(Matapos ang 15 minuto ay ipapasa


ang kanilang mga nagawa)

IV. Pagtataya
Ibigay ang hinihingi sa bawat bilang.
1. Ito ay ang bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa pangngalan, pandiwa,
panghalip, o pang-abay sa iba pang mga salita sa loob ng pangungusap.
2-3. Ibigay ang dalawang paraan ng pagtukoy ng gagamiting pang-ukol sa
isang pangungusap.
4.Anong uri ng pangngalan ang dapat na kasunod ng pang-ukol na "kay"?
5.Anong uri ng pangngalan ang dapat na kasunod ng pang-ukol na "kina"?
6. Ito ay nagpapahayag ng pinag-uukulan.
7. Ito ay nagbibigay ugnayan sa pagitan ng isang kabuuan at isang bahagi.
8. Nagpapahayag ng pag-uukol ng isang bagay sa isang pang bagay.
9. Ito ay nagpapahayag ng pinanggalingan o basehan ng isang bagay.
10. Ito ay nagpapahayag ng pagmamay-ari ng isang bagay.

V. Takdang Aralin
Gumawa ng 10 pangungusap gamit ang iba’t ibang pang-ukol. Guhitan
ang ginamit na pang-ukol.

You might also like